webnovel

A flower in the grave

"Annah..."

Bigla akong napabukas ng mga mata nang marinig ko yun.

"Alex!" ang naisigaw ko.

Pero...

Ang bakanteng kwartong iyon ang sumalubong sa paningin ko.

Bakit ko nga ba naririnig ang boses nya sa panaginip ko? Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Oo, nandito ako ngayon sa simpleng kwarto na ibinigay sa akin ng mag-asawa para dito na ako magpahinga. Napatingin ako sa paligid at nakita kong umaga na pala...

Sumilip ako sa bintana na nanduon at ang malawak na field ng magandang bulaklak ng camellia ang sumalubong sa paningin ko. Napakaganda nilang tignan sa ilalim ng sinag ng araw lalo na't inililipad ng hangin ang puting petals sa paligid.

And while looking at the white flowers ay doon ko biglang naalala ang palaisipan na ibinigay ng oracle tungkol sa esylium.

"A flower that blooms in the middle of thy grave. A heart that fails shall give thy third"

Ano nga ba ang ibig sabihin nun?

At bakit dito ako dinala ng babaing may silver na buhok na nakilala ko noon?

Ang dami ko ng tanong sa isipan ko pero hindi ko parin mahanap ang mga kasagutan. Idagdag mo pa ang palaisipan kung bakit ang lagi nalang laman ng memory ko ay ang batang lalaking iyon na nalaman kong kapatid ni Alex.

Oo, kung iisipin ko ay bakit si Light nalang ang laging laman ng memory ko?

Ano bang kinalaman nya sa nakaraan ko maliban sa kapatid sya ni Alex?

Saan ba talaga dinadala ng esylium ang memory ko?

"Good morning" ang biglang sulpot ng mahinhin na boses na iyon sa may pinto.

Agad naman akong napalingon at nakita ko ang magandang mukha ni Helga.

She smiled at me at agad naman akong tumayo para alalayan sya.

"Wag kang mag-alala...okay lang ako" ang mahinang sambit nya.

But I'm not convinced.

Lalo na't bigla nalang syang napaubo.

"No, you're not okay" ang nag-aalalang sabi ko sa kanya. "Mas mabuting magpahinga ka muna"

She gave me that weak smile.

"I'm sorry..."she said. "Bisita ka namin pero hindi ka namin naasikaso ng mabuti"

Ngumiti nalang ako sa kanya.

"It's okay..." I said. "Mas mabuting magpahinga ka muna at baka mag-alala pa si Van"

Saka ko sya inalalayang maglakad palabas ng kwarto ko at naglakad kami papasok ng kwarto nila ni Van.

Nang makarating kami doon ay inalalayan ko syang mahiga sa kama.

"Now, get some rest" ang nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sa akin.

"I'm sorry I bothered you..." she said in that weak voice at bigla na naman syang napaubo.

Naupo nalang ako sa tabi nya at nag-aalalang hinaplos ang likuran nya.

"Ngayon ko lang nalaman na nagkakasakit din pala ang bampira" ang sambit ko habang hinahaplos ang likuran nya.

Pero nabigla ako sa isinagot nya.

"No, we're not" she whispered.

Napatingin naman ako sa kanya at ngayon ay nakatingin na sya sa may bintana kung saan nakikita ang field ng camellia.

"I'am the only vampire who's experiencing this..." she weakly said.

Nabigla ako.

Sya lang ang...sya lang ang nakaka-experience nito?

"But why?" I managed to ask.

Nanatili lang syang nakatingin sa labas at nakita ko ang unti-unting pagsungaw ng ngiti sa labi nya. Nagtataka naman akong napatingin sa tinitignan nya sa labas at nakita kong nakatayo sa gitna ng field si Van at sa nakikita ko ay nagtatanim sya ng camellia doon.

A pale smile scape her lips when she saw her mate.

"He just won't let me go..." she weakly whispered.

Yun lang ang isinagot nya sa tanong ko. And I'm confused. Bakit nya nasabi yun? Anong ibig sabihin ng sinabi nya?

But then I sigh.

Kailangan ko na syang pagpahingain dahil mukhang hinang-hina sya.

"Lalabas nalang muna ako para makapagpahinga ka" I said.

Nilingon naman nya ako at nakangiting tumango.

I smiled then I stood up from the bed. Maglalakad na sana ako paalis but then I remembered something.

"Ah...pwede bang magtanong?" I asked her.

She just look at me.

"May alam ka bang graveyard sa lugar na 'to?" I asked.

Oo.

Kung tama ang pagkakahula ko ay baka sa graveyard mahahanap ang esylium. The clue that the oracle gave us have keywords: flower and grave. And I'll start looking for it in the grave.

She gave me a weak smile.

"We vampires don't need graves..." she weakly whispered with that smile on her face. "And so Murrk has no graveyard..."

I froze.

So there is no graveyard. Pero ang sabi ng oracle...

I sigh.

Sa tingin ko ay mas mahihirapan akong hanapin ang esylium. Ngayon ko naalala ang mga kasamahan ko. Kung nandito lang sana sila ay baka matutulungan pa nila ako. But I was left all alone.

I smiled at her.

"Thank you" I said. "Please take some rest..."

***********************

Lumabas nalang ako ng bahay nila at naisipan kong maglakad-lakad nalang muna habang wala pa akong ginagawa.

Natanaw ko mula sa malayo si Van na ngayon ay mukhang dinidiligan na ang mga camellia na itinatanim nya kanina.

The wind is blowing and I can see the beautiful petals of camellia flowers dancing around.

"A flower that blooms in the middle of thy grave. A heart that fails shall give thy third"

Flower.

Grave.

Ano ba ang ibig sabihin nun?

A flower that blooms in the middle of thy grave?

Paano ko naman mahahanap yun when in the first place ay wala namang grave dito? At ano namang klaseng bulaklak yun?

A heart that fails shall give thy third?

What's the meaning of that?

Urggh...sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip ng clues.

Hindi ko rin maiwasang ma-miss ang mga kasamahan ko. Pakiramdam ko ngayong mag-isa nalang ako ay parang wala na akong alam gawin. Have I relied too much on them? Masyado na ba akong naging dependent sa kanila kaya parang hindi na gumagana ang utak ko?

Napahinga nalang ako ng malalim habang nagpapatuloy ako sa paglalakad.

Hindi ko na namamalayan na napunta na pala ako sa likuran ng bahay kung saan may nakita akong kakahuyan.

Eh?

May kakahuyan pala dito.

Naglakad-lakad nalang ako para mag-isip. Pakiramdam ko ay hindi gumagana ang utak ko kapag nag-i-stay ako sa isang lugar kaya mas mabuting suyurin ko muna ang magandang lugar na ito.

Naglakad ako papasok sa kakahuyan. Hindi naman madilim dito na kagaya ng mga kakahuyan na nadaanan namin ng mga Arcadian Knights noon. Maaliwalas ito at may mahahaba at mga payat na puno. Puro makapal na lupa ng lagas na dahon ang nadadaanan ko. Pakiramdam ko tuloy ay para akong si Red riding hood na katulad ng sa fairytale. She's a human while I'm a vampire. That's the only difference.

"Ouch!" I screamed nang may bigla akong nasipa sa nilalakaran ko.

Nagtataka naman akong napatingin sa ibaba at napatingin sa kung ano ang nasipa ko.

My brows met.

Isa itong semento...o...bato?

Basta para itong...

Pero nanigas ako nang tuluyan kong ma-realize kung ano ito.

...para itong tombstone.

I can feel my heart racing and my pulse raging as I leaned into it and put away all the leaves that's been covering it.

At nang tuluyan ko nang matanggal ang lahat ng lagas na dahon na nakatakip dito at nang tuluyan ko nang makita kung ano ito ay mabilis akong napatutop ng bibig at nanginginig na napaatras mula sa kinatatayuan ko.

In loving memory of Helga

May your existence may be remembered for eternity...

Hindi...

Hindi maaari...

Paanong...

Paanong si Helga...

But all my thought was cut off and I felt myself trembled when I accidentally stepped back on something.

Mabilis akong napalingon and that serious and emotionless face of Van met my eyes.

And in that serious tone, he spoke.

"Hindi ka na sana nagpunta dito..."

**********************

"Hindi ka na sana nagpunta dito..."

And before I could react ay bigla nya akong sinakal at naramdaman ko nalang ang pagpaitaas ko mula sa lupa nang dahil sa lakas nya.

"V-van..." I tried to talk pero pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga nang dahil sa sobrang higpit ng pagkakasakal nya sa akin.

Afterall I'm still partially a human.

"I knew it..." he hissed into my face with those gritting teeth. "From the moment Helga collapsed I knew that you're the Titanian who came to get the esylium..."

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya.

Paano nya nalaman ang tungkol sa esylium?

"But I'm here to tell you..." he hissed into my face. "...that there is no way I'm giving you the esylium! The esylium is only for Helga! And you will never take her away from me!"

And before I knew it, ay bigla nya akong inihagis sa naruong puno. Naramdaman ko pa ang sobrang sakit na naramdam ko sa likuran ko na tumama doon nang dahil sa lakas ng paghagis nya sa akin.

Napaubo ako and I saw blood coming out from my mouth.

Pero bago pa man ako makatayo, like a flash, he run towards me at sinakal ako uli at idinikit sa punong nasa likuran ko.

I felt like dying. Ramdam ko pa ang matutulis na kuko nya na dumidiin sa leeg ko at hindi ako makahinga sa lakas ng pagkakasakal nya sa akin. If he won't stop I might die here.

"W-why?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

Oo, hindi ko maintindihan.

Bakit ayaw nyang ibalik ang esylium?

At anong kinalaman ni Helga dito?

"The esylium is the only thing that brought my wife back into life..." he said that widened my eyes in shock.

Saka ako napalingon sa tombstone na kanina ay nasipa ko.

Kung ganun...

Kung ganun...

"Yes. My wife died ten years ago..." he confirmed.

And I can see pain into his eyes when he said that.

Pero tuluyan na akong hindi makapagsalita ng dahil sa sobrang pagkabigla.

"But one day, while I was cleaning the tomb I made for her, there is a sudden light that enveloped this place and a crystal ball suddenly fell into her tomb and bring all her ashes back into life" ang sabi nya at nakikita kong parang naiiyak sya habang sinasabi ang bagay na iyon. "Pero narinig ko sa ibang lugar na may isang Titanian na naghahanap ng bolang crystal at doon ko nalaman kung ano ba ang bagay na nahulog sa asawa ko at nagbalik sa kanya sa akin...but now that she's back to me...there is no way you can take her away from me again!"

At doon nya mas hinigpitan ang pagsakal sa akin. Nakikita ko pa ang galit sa mga mata nya habang mas hinihigpitan ang pagsakal sa akin.

"V-van..."

"I'am the only vampire who's experiencing this..."

"He just won't let me go..."

Ngayon ko naintindihan ang mga sinabi ni Helga sa akin.

Kung ganun...

Matagal ng patay si Helga pero binuhay lang sya uli ng esylium?

Napatitig nalang ako sa nanlilisik na mga mata ni Van habang mas humihigpit ang pagkakasakal nya sa akin.

He must have loved her so much...

Pero doon ko na unti-unting naramdaman na para akong kinakapos ng hininga and maybe any moment now ay hindi ko na rin kayanin.

Ramdam kong hinang-hina na ako at wala narin akong lakas para labanan sya.

At hindi ko alam pero ngayong nasa ganito na akong sitwasyon...ay isang lalaki lang ang sumasagi sa isipan ko.

"I love you..."

Gusto kong umiyak.

Marahil siguro sa alam kong kapag namatay ako dito ay alam kong hindi ko na sila makikita pang muli...

Hindi ko na sya makikita pa uli...

Hindi ko rin alam kung bakit ang gwapong mukha nyang iyon ang nakikita ko sa isipan ko...

And all I could do now is to silently talk to him inside my head.

I'm sorry...

I'm sorry kung mamamatay na ako dito at hindi ko na matatapos ang misyong ito...

I'm sorry kung hindi ko na kaya...

I'm sorry Mama at Papa...at sa tingin ko ay kailangan ko ng sumunod sa inyo.

I'm sorry Bea at hindi na kita maibabalik sa mundo natin....

I'm sorry at hindi ko na maililigtas ang mundong ito...

I think it's okay to die in this way. Masaya na ako at malayo na ang napuntahan ko. Masaya ako at malayo na ang naabot ko sa misyong ito...

And for the very last time...I smiled.

Just this once.

Just this one last time...

I want to speak his name...I want to call him...

"A-alex..." I whispered and then I slowly closed my eyes.

But after I closed my eyes, I felt a fast sharp wind suddenly passed through us and in a blink of an eye ay bigla akong nabitawan ni Van at naihagis sya sa naruong puno.

Naramdaman ko nalang na nahuhulog ako mula sa puno kung saan ako isinandig ni Van but a strong firm arms catches me from falling.

And then I heard that beautiful voice...

"Annah..." he whispered my name.

to be continued...