webnovel

Chapter 1

" Hon, anong gagawin nation?" Nababahalang sambit ni Joan sa asawang si Michael na di na rin mapakaling palakad-lakad ng paroo't parito sa sala nila.

"I don't know, ang sakit na ng ulo ko! Gusto kong tumakas pero alam kong susundan at susundan nila tayo. Buwisit naman kasing mga tao yan eh! "

"Hon, relax lang talaga ng ganyan, hindi mo talaga maiiwasang may maiinggit at may gagawa ng masama sayo lalo na kung pera ang pag-uusapan. Marami ang sakim at alam mo yan." Paalala ni Joan sa asawa. "Ang dapat nating gawin ngayon ay ilayo ang mga anak natin para hindi sila madamay baka sila pa ang pag-interesan ng mga yun." Mahinahon ngunit nag-aalalang pakiusap ni Joan sa asawa.

"Ganun!?" Biglang tumaas ang boses nito. "Subukan lang nilang galawin ang mga anak ko at magkakamatayan kami!" Baling niya sa asawa.

"Kaya nga ilayo na natin sila. K-kahit saan basta yung walang nakakakilala sa kanila." Napahikbi di Joan sa naiisip na maaari nilang gawin. "K-kahit malayo sila sa akin, alam ko namang makikita ko sila ulit keysa yung may masamang mangyari sa Manila. Hon, hindi ko kakayanin yun." This time, humahagulhol na talaga siya.

Niyakap siya ng asawa. Anito, "huwag kang mag-alala honey gagawa ako ng paraan. Mahal na mahal ko rin ang mga anak natin kaya gagawin ko ang lahat mailigtas lamang sila." Pati si Michael ay napaluha na rin.

Matapos makausap ang mga mapagkakatiwalaang kaibigan, tinawag nila ang mga anak. Nagtipon-tipon sila pati mga katulong sa sala.

"Ano 'to? Reunion?" Nakangiting bungad ni Imee sa sala.

"What's the matter? May importante bang okasyon?" Si BJ naman na kararating lang galing school.

"Hindi okasyon, hindi rin reunion. Maupo muna kayo and listen carefully." Huminga muna ng malalim si Michael bago nagpatuloy.

"In business, there's a competition. Sa kompetisyon, maraming nasasaklaw na sabihin na nating mga pangyayari o sitwasyong ang mga taong kakompetensya ang may gawa. Nandun yung gagawin nila ang lahat para pabagsakin ka, steal your property, your position in the company or worst, bring you to death."

"Grabe ka naman dad, naninindig yung balahibo ko o." Tumatawang sabad ni Irish - ang pangatlo sa magkakapatid.

"Don't make it a joke hija, it's true." Seryoso pa rin si Michael.

Si BJ, ang panganay, dahil likas ring matalino ay madaling nakuha ang inig ipahiwatig ng ama. "True." Ulit niya sa sinabi nito. "Kasi nangyayari na? Is someone or somebody threatening you dad?" Nag-aalalang tanong niya.

"Not only me but the whole family." Diretsong sagot ni Michael sa anak.

"What!?" Halos sabay-sabay na sagot ng mga ito na kinakakitaan na ng takot at pag-alala sa mga mukha.

"Mga anak, hindi pa sigurado kung ...kung kasama talaga kayo." Salo ni Joan at binalingan ang asawa. "Ano ka ba naman Michael binigla mo yung mga bata."

"It's okay mom, dun rin naman ang punta ng sitwasyon eh. Sino pa ba ang gagamitin nila laban Kay daddy di ba kami?" pormal na sagot ni BJ.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Sabi ni Imee na nakabawi at nakaintindi na rin.

"A.....a.....Hon, ikaw na ang mag sabi, nahihirapan ako." Halos mangiyak-ngiyak na si Joan.

Napagkasunduan kasi nila na paghiwahiwalayin ang mga anak at hindi rin sa mga kamag-anak titira para hindi madaling ma-trace. At sila naman, lilipat ng bahay ngunit di sila aalis ng Cebu para ayusin ang ano nang gulo. Ang mga katulong naman ay uuwi sa kani-kanilang probinsiya at binilinan na walang sasabihin kahit ano. Hindi rin naman nila ipinaalam sa mga ito kung saan sila lilipat.

Pagkatapos ng briefing, iyakan at yakapan, lahat sila ay nag-impake na para sa kani-kanilang trip kinabukasan.