Ben, Julius, Rick. Alam kung dati kayong miyembro nang special force. Pero baka nakakalimutan niyo na wala nang special forces at hindi kayo basta basta na lamang pwedeng kumilos ayon sa gusto niyo." Wika nang hepi nang pulis sa mga miyembro nang phoenix nang i-turn over nila ang mga nahuli nila sa bahay aliwan. Sa halip na pasalamatan ang mga ito dahil sa ginawa napagalitan pa sila dahil hindi sila naghintay nang utos mula sa nakakataas bago ni raid ang lugar.
"Sino naman ang aashan naming kikilos? Wala namang ibang gumuagawa nang paraan upang malutas ang kasong ito." wika Ni Julius.
"At anong ibig mong sabihin? Nakaupo lang kami ditto?" asik nang pulis.
"Hindi nga ba sir?" sakristong wika Ni Julius. Agad naman siyang siniko ni Rick upang pigilan ito sa pagsagot sa pulis. Alam nila ang dahilan kung bakit walang may umasikaso sa kasong ito dahil ilan sa matataas na opisyal nang pulis at mga politico ay nasa lugar na iyon.
"Pasensy na ho chief. Medyo mainit ang ulo wala pa ko kasing kain." Wika ni Meggan at humakbang palapit sa hepi.
"Tapos na ang trabaho niyo ditto hindi ba? Pwede na kayong umalis kami ang bahala sa mga nahuli niyo."
"ANo namang ang gaga---" naputol ang sasabihin ni Julius nang takpan ni Meggan ang bibig niya. Ngumiti si Meggan sa hepi saka nagpaalam. Sumaludo ang tatlo s lalaki saka lumabas habang sapilitang kinakaladkad si Julius palabas nang Silid. Hindi na nito napigilan ang sarili.
"Ano bang problema niyo!" asik ni Julius sa mga kaibigan nang makalabas sila. "Alam naman nating walang gagawin ang heping iyon. Tiyak paalisin lang niya ang mga nahuling opisyal."
"Alam namin yun. Ngunit wala tayong magagawa hindi natin jusrisdiction ang lugar na ito. Wala na tayong magagawa kung ano man ang gusto niyang gawin. Basta alam nating tama ang ginawa natin." Wika ni Meggan
"Kaasar" singhap ni Julius.
"Hindi parin akong kumbinsido na tamang hayaan lang natin siya sa magiging pasya niya." wika ni Rick.
"Ganoon pa man wala pa rin tayong magagawa." Wika ni Ben.
"Oh. Julianne." Gulat na wika ni Meggan nang makita si Julianne, Arielle at Sophia na naghihintay sa kanila sa isang Van. Agad silang lumapit sa tatlo nang makita ang mga ito. Napansin din naman nilang kulang ang mga ito.
"Nasaan si Angel Nathaniel?" Tanong ni Julius.
"May-nangyari bang masama?" tanong ni Meggan.
"Bakit Ganyan ang mga mukha niyo?" sita ni Rick. Basang-basa sa mukha nang mga bagong dating ang kalungkutan at kahit hindi magsalita ang mga ito nahuhulaan na nila kung ano ang nangyari.
"Kung maging si Nathaniel na isang anghel ay natalo din ano nalang ang laban naming mga mortal may kaligtasan pa ba sa para amin?" wika ni Ben.
"Huwag kang magsalita na para bang wala na tayong pag-asa. May awa ang Diyos." Wika ni Sophia. "Hindi niya tayo pababayaan." Dagdag pa nito.
"Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Umuwi na tayo para makapagpahinga." Wika ni Julianne.
"Mabuti pa nga." Wika ni Meggan. Sumang-ayon naman ang iba. Masyadong maraming nangyari sa kanila nang araw na iyon.
Sabay-sabay silang bumalik sa bahay. Nang dumating sila sa bahay kung saan sila pansamantalang nakatira. Napansin nilang nasa labas nang bahay sina Jenny at butler Lee. Napansin din nilang madilim ang loob nang bahay. Nang huminto ang sasakyan nagmamadali silang lumabas at lumapit sa dalawa.
"Jenny? Anong nangyayari? Bakit narito ayo sa labas? Si Aya?" SUnod-sunod na tanong ni Julianne kay Jenny nang makalapit sila sa dalaga
"Julianne." Helpless na wika ni Jenny nang dumating ang kaibigan napahawak din siya sa kamay nito.
"Narito siya." Biglang wika ni Sophia na ikinagulat nila. napatingin ang lahat sa dalaga.
"SInong narito?" takang tanong ni Julianne. Dahil wala na ang kapangyarihan niya hindi na rin niya maramdaman ang aura nang mga kalaban.
"Si AF." Sabay na wika ni Arielle at Sophia. Nang banggitin nila ang pangalan na iyon isang malakas na tawa ang narinig nila. kasabay ang pag-ihip nang malakas na hangin biglang bumukas ang bintana sa silid ni Aya. Nakita nila ang katawan nang dalaga na lumutang palabas nang binatana kasunod noon ang isang nilalang na may nakakatakot na wangis.
Sa ayos pa lamang nito matatakot na lahat nang makakakita ditto.
"AF!" bulalas ni Sophia.
"Sophia, Arielle, Leo. Narito pala kayo." Nakangising wika nito.
"ANong ginagawa mo kay Aya!" asik ni Julianne.
"Wala akong ginagawa sa batang ito. Ano pa ba ang pwede kung gawin sa isang katawan na halos wala nang buhay."
"Anong ginagawa mo ditto?" asik ni Sophia.
"Nalalapit na ang kanyang pagbabalik. Ipinapakita ko lang sa mga mortal na ito ang mga maaaring maganap." Wika ni AF.
"Hindi mo sasaktan ang kahit na isa man sa mga mortal na narito!" wika ni Sophia at nagbago nang anyo saka lumipad palapit kay AF. "Ako ang harapin mo."
"Walang takot sa puso mo. Anghel nang Diyos. Naiinis ako saiyo." Asik nang lalaki.
"Pakawalan mo ang dalagang yan!" ani Sophia kay AF. Ngumisi si AF kasunod ang biglang pagbagsak nang katawan ni Aya sa lupa na bigla si Sophia ngunit hindi agad siya nakakilos.
"Julius!" Hiyaw nang lahat nang biglang tumakbo si Julius upang salohin ang katawan ni Aya. Hindi naman ito nabigo sa nais gawin kaya lang dahil sa ginawa nang binata tumama ang katawan nito sa malaking bato. Nagsitakbuhan sila sa binata nang makitang nabuwal ito kasama si Aya.
"Julius!" wika ni Meggan at lumapit sa binata. "Baliw ka ba!" asik ni MEggan na labis na nag-alala dahil sa ginawa nang binata.
"Julius. Okay ka lang ba?" Tanong ni Julianne nang makalapit.
"Oo okay lang ako. Ako pa ba. Hindi ko naman pwedeng hayaang mapahamak si Aya." nakangiting wika ni Julius.
"Salamat sa ginawa mo." Wika ni Julianne at kinuha si Aya mula sa binata.
"Kaya mo bang tumayo?" wika ni Ben at Rick saka inalalayan si Julius na tumayo.
"AH-AH" daing ni Julius nang hawakan ni Rick ang kaliwang balikat niya. Doon lang nila napansin ang malaking sugat nito sa balikat dahil iyon sa pagkakatama nang balikat niya sa malaking bato.
"Mga Mahihinang mortal!" sikaw ni AF at may lumabas na apoy sa kamay akma sana nitong ibabato ang apoy ngunit biglang humarang si Sophia.
"Tama na ang kasamaan mo AF."
"Umalis ka sa harap ko Sophia. Tatapusin ko ang mga mortal na iyan." Anito ay akmang muling aatake ngunit hindi na ito nakakilos. Bigla na lamang may pwersang pumipigil sa fallen angel mula sa pagkilos.
"SOPHIA Huwag!" sigaw ni Arielle. Nakita niyang ikinulong ni Sophia si AF sa isang bola nang enerhiya. Ang bola nang enerhiya na ito ay mula sa sariling lakas ni Sophia. Ito din ang pumipigil sa fallen ang mula sa pagkilos.
"Hangal ka! Kahit na tapusin mo ang buhay ko. marami pa kaming tutugis sa inyo. Mamamatay kayong lahat at maging ang mga mortal." Sigaw ni AF.
"Hindi ako kasing lakas nang ibang mga sundalong anghel. Ngunit may magagawa ako para mailigtas ang mga kaibigan ko." wika ni Sophia.
"SOPHIA!" umiiyak na sigaw ni Arielle. Pasimpleng bumaling sa kanila si Sophia at ngumiti.
"Paumanhin. Ito lang ang kaya kung gawin para sa inyo." Wika nito
"SOPHIA HUWAG!" wigaw ni Arielle. Kasabay nang malakas na sigaw ni Arielle ang malakas na pagsabog sa loob nang bola nang enerhiya. Sumabog si AF kasama si Sophia na isisnakripisyo ang sariling buhay upang sa kaligtasan nila. Naglakad si Julianne palapit kay Rick at ibinigay ang walang malay na si Aya.
"Tahan na Arielle." Mahinahong wika ni Julianne nang makalapit sa dalaga saka hinawakan ang balikat nito. halata namang nang hina ang tuhod nang dalaga. Mabuti nalang at naroon si Julianne upang alalayan ang dalaga.
Nang gabing iyon dalawang kapanalig na nila ang nawala. Wala pa rin silang ideya kung ano ang nangyari kay Achellion at Eugene. Si Aya ay hanggang ngayon wala pa ring malay. Nababalot nang hiwaga ang mundong. Nayayanig ang mga tao dahil sa labis na takot. Kahit na ganoo nila kumbinsihin ang sarili nila na okay lang ang lahat nakakaramdam pa rin sila nang takot lalo na ngayong na unti-unti na silang nababawasan. Kahit na ang mga anghel ay walang laban sa mga fallen angel.
Magdamag na naging tahimik ang lahat. Halos walang kumikibo. Sa isang gabi lang dalawa sa mga kaibigan nila ang nawala. Lahat sila halos hindi makapagsalita dahil sa kalungkutang nararamdaman. Wala rin sa kanila ang may gusting kumain. At tila ba kahit ang matulog ay hindi rin nila magawa. Tila natatakot ang lahat na ipikit ang mga mata nila. Dahil sa mga nangyari tila takot ang namamayani sa puso nang bawat isa.
Hindi ang insidente ni Namah ang naging huling pag-atake nang mga fallen angel. Sunod-sunod ang balita sa telebisyon tungkol sa mga kakaibang nangyayari sa iba't-ibang lupalop nang mundo.
Ang pagsabog nang mga inactive volcano, ang sunod-sunod na mga earthquakes at mga Tsunami. May mga bansa ding sinasalanta nang mga malalakas na tornado at bagyo. May mga lugar din na tila Holocaust na. May epidimya ding kumakalat.
Eugene?" Takang tanong ni Jenny nang lumabas siya sa Hospital kung saan siya nag tatrabaho at Makita ang kasintahan sa labas nang hospital at nakatayo. Nang Makita niya ang kasintahan agad siyang lumapit ditto at agad itong niyakap. Ilang araw din itong nawala. Hindi nga nila alam kung paano ito hahanapin. Mabuti na lamang at nandito na ito.
"Ano bang nangyari sa iyo? Sabi nina Arielle may dumukot daw sa iyo? Saan ka nila dinala? Sinaktan ka ba nila?" Tanong ni Jenny sa kasintahan at bahagyang lumayo. Nakatingin siya sa kasintahan wala naman itong mga sugat sa katawan.
"Mabuti na lang at bumalik ka na. labis kaming nag-alala sa iyo." Wika ni Jenny at muling niyakap ang kasintahan.
"Nasaan si Aya?" Tanong ni Eugene.
"Ligtas si Aya. Kasama siya ngayon ni Butlet Lee. Mabuti pa, umuwi na tayo." Wika ni Jenny sa kasintahan saka inakay ito sa kanyang kotse na nasa di kalayuan. Hindi naman tumutol ang binate, hinayaan nito ang kasintahan na akayin siya patungo sa Kotse. Tinitiyak ni Jenny na matutuwa ang lahat kapag Nakita kung sino ang bumalik.
"Master?!" gulat na wika ni Lee nang Makita ang binatang kasama ni Jenny. Maging si Arielle ay nabigla din nang Makita ang binate. Ngunit bigla din siyang kinabahan. Si Eugene ang nasa harap nila ngunit bakit may nararamdaman siyang kakaiba.
"Mabuti naman at ligtas ka master. Akala namin kung ano nang masamang nangyari sa iyo." Wika ni Butler Lee.
"Ligtas ako. SI Aya nasaan siya?" Tanong ni Eugene sa Butler.
"LIgtas ang kapatid niyo." Wika nito. Tila hindi pinakinggan nang binata ang butler. Agad lang itong naglakad patungo sa silid nangkapatid. Taka namang sinundan nang lahat si Eugene. Nang pumasok si Eugene sa silid. Nakita niya si Julianne na nasa upuan malapit sa bintana. Ito ang nakatukang magbantay kay Ngayon ngayon. Dahil sa nangyari noong nakaraang gabi.
Nag pasya sila na maghalinhinan sa pagbabantay kay Aya, Nangangamba sila na may mga fallen angels ulit na aatakihin ang dalaga. Kaya naman nag desisyon sila na salitang bantayan si Aya na hanggang ngayon wala pa ring malay.
"Eugene?!" gulat na wika ni Julianne nang makilala ang binatang pumasok sa silid ni Aya. Hindi siya nito tinapunan nnag tingin dahil nasa natutulog na dalaga nakatoon ang atensyon nito. Lumapit si Eugene sa natutulog na dalaga. Tumayo naman si Julianne mula sa kinauupuan at lumapit sa kaibigang naupo sa gilid nang kama ni Aya.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Eugene.
"Hindi rin namin alam. Bigla na lang siyang nawalan nang malay." Sagot naman ni Jenny.
"Isa pang nakakapagtaka, bigla ding nawala si Captain Dranred." Wika naman ni Butler Lee.
"Nawala?" Takang tanong ni Euegene.
"OO, noong araw na inatake kayo nang mga fallen angel at dinukot ka. Nawala din si Achellion." Wika naman ni Julianne.
"Hindi pa rin ba siya bumabalik?" Tanong ni Eugene.
"Hindi pa. Walang nakakaalam sa amin kung anong nangyari sa kanya. Kung ano-ano na ngang mga fallen angel ang sumalakay ditto." Wika ni Jenny.
"Eugene. Hindi ba mga fallen angel ang dumukot sa iyo? Paano ka nakatakas sa kanila?" tanong ni Julianne sa kaibigan.
Isang mahabang katahimikan ang namayani. Lahat naghihintay sa sagot ni Eugene. Alam naman nila kung gaano ka sama ang mga fallen angel. Kahit si Aya nga na walang laban halos hindi tinitigilan nang mga ito si Eugene pa kaya Makakatakas nang ligtas at halos wala itong galos.
"Oo nga naman Eugene. Paano ka nakatakas sa kanila nang hindi ka man lang nila sinasaktan." Wika ni Jenny.
"Hindi ko rin alam. Nagising nalang ako sa isang lugar. Baka naisip nilang wala silang paggagamitan sa akin kaya nila ako pinakawalan." Wika ni Eugene. Nagkatinginan naman ang lahat tila naman napaka dali na pakawalan nila si Eugene gayong binihag nila ito.
"Hindi na mahalaga iyon sa ngayon. Di ba ang mahalaga naman ay bumalik na ako." Wika ni Eugene at tumayo.
"OO, iyon naman talaga ang mahalaga ang nakabalik kana." Wika ni Jenny.
Julianne? Anong ginagawa mo ditto sa labas nang bahay?" Tanong ni Arielle nang maabutan si Julianne na nasa labas nang bahay. Gabi na at silang lahat nasa loob nan ang bahay. Nagsasaya dahil sa muling pagbabalik ni Eugene ngunit si Julianne at nasa labas bagay na ikinagulat ni Arielle.
"Ayaw mo bang makipagsaya sa kanila? Bumalik na rin ang matalik mong kaibigan. Hindi ka ba masaya?" tanong ni Arielle at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Julianne.
"Masaya ako syempre. Ngayong bumalik na si Eugene. Tiyak ba bumalik na rin ang tiwala sa sarili nang iba nating mga kasama. Kaya lang hindi ko alam kung bakit ba hindi ako mapanatag." Wika ni Julianne.
"Nakakaramdam ka rin ban ang itim na enerhiya?" Tanong ni Arielle.
"Itim na enerhiya? Mabuti sana kung ganoon. Kaya lang hindi na ako ang dating si Leo. Wala na akong kakayahan gaya mo." Wika ni Julianne.
"Pasensya na." wika ni Arielle. Alam niyang nasasaktan pa rin si Leo dahil sa pagkawala nang kapangyarihan nito. Ngayon mas kailangan nila nang tulong nito ngunit dahil sa pagkawala nang kapangyarihan nito tiyak na maliit ang tingin nito sa sarili.
"Bakit ka humihingi nang tawad, Parang hindi ikaw." Natatawang wika ni Julianne.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Arielle. Hindi ba siya pwedeng malungkot para sa isang kabigan?
"Kamakailan lang parati mong sinasabi na ang mga gaya natin hindi pwedeng makaramdam nang mga emosyon gaya nang mga mortal. Pero ngayon humihingi ka nang pasensya dahil naawa ka sa kalagayan ko." Wika ni Julianne.
"Hindi ganoon ganoon yun." Wika ni Arielle at naglayo nang tingin. Kung hindi niya iyon ginagawa baka Makita ni Julianne ang labis na pamumula nang pisngi niya. Bakit ba kakaiba ang reaksyon niya sa binatang ito. Alam niyang mga emosyon ito nang mortal at hindi niya pwedeng maramdaman iyon.
Isa siyang alagad nang Diyos. Ang paglilingkod sa Kanya ang dapat na iniisip niya ngunit bakit siya nakakaramdam nang ganito?
"Hindi dahil sa mga emosyong nararamdaman nang mga mortal ay mahihina na sila. Minsan ang mga emosyong ito din ang nagiging sandata nila at lalong nagpapalakas sa kanila lalo na sa gitna nang kagipitan. Gaya na lang ngayon. SIguro hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko dahil bawal makaramdam nang emosyon ang mga anghel. Dati rin akong anghel. Minaliit ko ang emsoyon nang mga tao. Ngayon kagaya na nila ako. Mas nauunawaan ko sila. Huwag kang malungkot para sa akin. O humingi nan paumanhin. Hindi ako nagsisis sa kong ano man ako ngayon." Wika ni Julianne.
"Hindi ko alam, Masyado na palang naging bato ang puso ko. Nakakahiya." Wika ni Arielle. Alam naman niyang tama si Julianne . Dapat higit kanino man siya ang mas nakakaintindi noon dahil isa siyang anghel. Isa siyang nilikha nang DIyos. Dapat mas naiitindihan niya ang mga bagay na iyon. Ngunit isinara niya ang puso at isipan upang maunawan iyon. Kung tutuusin sa kanila ni Julianne siya ang mas mahina.
"Kalimutan mo na ang sinabi ko." Wika ni Julianne at tumayo. "Pumasok na tayo sa loob." Wika ni Julianne at inilagay ang kamay sa balikat ni Arielle. Biglang napaigtad si Arielle dahil sa ginawa ni Julianne tila may libo-libong boltahe nang kuryente ang dumaloy sa katawan niya dahil sa ginawa nang binata. Ilang sandal din siyang tila naninigas mula sa kinauupuan niya. Nang nilingon niya ang binata naglalakad na ito papalapit sa pinto. Bakit ganoon? Tanong ni Arielle sa sarili habang inihahatid ang binate papasok sa loob nang bahay. Hindi na niya maintindihan ang mga nararamdaman niya. Alam niyang bawal iyon para sa isang anghel na gaya niya ngunit bakit kailangan niyang maramdaman.