webnovel

Ang Mahiwagang Mundo Ng Enderia

DreamReality · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Bagong Mundo

"Prinsesa! Magsasara na ang lagusan! Tumawid ka na!" Sigaw ni Fredriez. "Huwag kang mag-alala, magaging maayos ang lahat, mahal na mahal kita" pabulong nito habang kasangga ang ilang Zharun. Tinulungan si Prinsesa Andalia ng isang Trinadia at nang makatawid, unti-unti na itong nagsara.

Kasalukuyang nasa tuktok ng na nag-iisang bundok si Andalia tanaw ang mapayapang mundo ng mga tao. "San ako pupunta? Anong gagawin ko? Ang itinakda? San ko siya mahahanap?!" Lumipad na ang prinsesa patungo sa lugar na wala siyang kamuwang-muwang, ngunit ang di niya alam ay tuwing lumalayo siya sa pinanggalingang lagusan ay nanghihina ang lakas ng kaniyang pakpak sa kadahilanang nawawalan ng kapangyarihan ang Yvandri Crystalia sa kabilang mundo hanggang sa nahulog ang prinsesa at nawalan ng malay.

---

May isang taong naglalakbay dala-dala ang isang malaking librong pinagbilin sa kaniya ng yumaong ama. Siya ang nagngangalang Dantr o ermitanyo kung tawagin ng iilan. Sa mundo ng mga tao, isa siya sa mga naniniwala na may ibang mundo na puno ng mahika, marahil dala ito ng isang mahiwagang storyang iginuhit ng kaniyang ama. Mula pagkabata naaaliw siyang basahin ng muli't muli ang storya ng libro. Ilan ang nagsasabing baliw ang kaniyang ama dahil sa kaniyang isinulat at sa dahil na rin paniniwala nila. Ngunit pawang may nagsasabi sa kaniyang isipan na mag-tungo sa hilaga. Noong una'y inakala niyang guni-guni lang ang mga ito, subalit paulit-ulit niyang nasisilayan ang isang maliwag na pawang mahikang nagtuturo sa kaniya papuntang hilaga. Isang araw, habang patuloy siyang naglalakbay ay may naka alitan siyang mga bandido. Mga naglalakihang tao na may dalang mga armas sa gitna ng gubat. Tinangka siyang kalabanin at patayin. "Wala kang lugar dito Ermitanyo!" Hindi niya inaakalang kilala siya ng mga bandidong ito. Inatake siya ng sabay sabay ngunit parang di siya natitinag ng kanilang mga armas, iniilagan niya ang mga atake na pawang dapyas lang ng hangin ang mga ito. Minsan niya lang inilalabas ang kaniyang espada, sa laki nito kaya niyang ubusin sa ilang segundo ang iilang bandidong kumakalaban sa kaniya. Ngunit wala siyang panahong makipaglaro sa mga batang ito. Pumunit siya ng isang matigas na sanga ng punong kahoy at ginamit pangbanat sa mga ito at isa-isang pinatulog. Nakakuha siya ng iilang kakailanganing gamit at pagkain mula sa mga ito at nagpatuloy sa paglalakbay.

Mula sa pagkahulog sa himpapawid, nagising ang prinsesa sa isang kampo ng mga bandido, nakatali ang mga kamay at paa at dahil malayo na siya sa lagusan nawala na ang kaniyang pakpak at naging mistulang ligaw na magandang dilag sa gitna ng gubat. Di nakapagtatakang nasa kamay siya ng mga bandidong ito. Sinilip niya ang labas ng tolda sa isang maliit na butas at biglang may bumungad na mata. Nabigla't natakot ang prinsesa at biglang pumasok ang ilan sa bandido upang pagsamantalahan siya. "Ahhhh!! Lumayo ka! Tuloooongg!!" Pinagtawanan lang siya ng mga ito at pinagpatuloy ang pagtatangka.

Patuloy sa paglalakbay ang ermitanyo hawak hawak ang libro nang may narinig siyang isang malakas na sigaw sa di kalayuan, "Ahhhh!! Lumayo ka! Tuloooongg!!". Nagdali dali siyang umakyat sa isang puno at nahanap ang isang kampo ng mga bandido malapit lang sa kung saan siya'y naroroon. Naisip niyang dito din nanggaling ang mga nakaharap niya kani-kanina lamang. Dali dali siyang pumunta upang magtungo sa kung saan nanggaling ang sigaw at natiyempohan ang pagtatangka ng ilang bandido. Napatigil ang bandidong nagtangka sa prinsesa ng biglang nagsigawan ang ilan sa kasama niya, "Ermitanyo!! Nandito ang Ermitanyo!!" Nasa linya na ng paningin ni Dantr ang babaeng pinagmulan ng malakas na sigaw. Kasalukuyang nasa kalagitnaan siya ng kampo at unti unting pinalibutan ng mga bandido. Wala siyang magagawa kundi ilabas ang dibinong espada at labanan ang mga ito. Bantog sa lugar na ito ang ermitanyong si Dantr bilang isang manlalakbay at isang tahimik na mandirigma. Palagi niyang iniiwasang masangkot sa mga walang kwentang labanan at tumuon lamang sa paglalakbay. Ngunit may mga pagkakataong kailangan niyang gamitin ang lakas lalo na't may nangangailangan. At isa na ito sa mga pagkakataong yaon.

Nasa kaliwang kamay niya ang espada habang hawak ang libro sa kanan, bumungad ang suot niyang pulang manto at ang mahabang mala-niyebeng buhok. Sa laki ng espada, maririnig ang pagtunog ng bakal nito sa tuwing inaangat niya. "Ito na ang huling pagkakataong masisilayan niyo ang ganda ng mundo, pagmasdan niyo." Kalmadong salitang nanggaling sa bibig ng ermitanyo. Sinugod siya ng mga ito at sa bawat hampas ay numerong bandido ang nahahati sa dalawa at nagtatagasang dugo ang kumakapit sa espada niya. Nakatayo lang siya sa gitna habang ang lahat ay sumusugod sa kaniya ngunit di makalapit sa lakas ng ermitanyo. Namangha't nakilabot ang prinsesa ngunit alam niyang inililigtas siya nito mula sa mga bandido. Tinangkang lumabas upang maunang tumakas ang prinsesa ng mahuli siya ng isa sa mga pinuno ng bandido at ginawang pain upang tumigil ang ermitanyo. "Pag di ka luluhod at tumigil, papatayin ko ang babaeng ito!!" Pagtatangka ng pinuno. Napangisi lamang si Dantr, lumuhod ng isang tuhod at binuksan ang ilang pahina ng libro. "Ang mga nabubuhay sa espada ay mamamatay kasama ng espada". Tinignan niya sa mata ang pinunong bandido habang nagkukulay liwanag na kahel ang kaniyang mata at biglang nawala sa hangin na may naiwang mala-itim na mahiwagang usok sa kaniyang kinatatayuan. Namatay lahat ang mga naiwang bandido na pawang nahagip ng itim na hangin hanggang ang pinuno na lang ang naiwang nakatayo. Takot na takot ang pinuno sa nasaksihan at nang bumungad ang presensya ni Dantr ay binitawan nito ang espadang nakatapat sa prinsesa at tumakbo papalayo. Ngunit walang dapat maiiwang buhay sa nasaksihang pangyayari. Sa ilang segundo'y nawala si Dantr at ganunding agad na bumalik.

"Pasensya na sa nakita mo." Wika ni Dantr. "Ganito ka ba palagi? Parang wala lang sayo ang labanang iyon" di makapaniwalang tanong ng prinsesa. "Minsan, pag kinakailangan".."May nararamdaman akong mahika galing sayo, saang lugar ka nagmula?". "Salamat sa pagliligtas sakin. Magpapatuloy na muna ako sa paglalakbay ko." Tugon ng Prinsesa ng biglang tumunog ang tiyan niya. "May pagkain akong dala. Mukhang nagugutom ka". Sabay silang naghapunan at pinalipas ang gabi sa tabi ng batis. Kinuwento ni Prinsesa Andalia ang mundong pinanggalingan niya at ang misyong kailangan niyang isagawa.

Dumating na ang madaling araw at kinailangan na ng prinsesang hanapin ang itinakda. "Sasama ako, sa tingin ko nahanap ko na ang pinanggalingan ng mahiwagang liwanag na nagtuturo sakin patungo sa hilagang parte ng Eudrel." Sabi ni Dantr. "Alam ko ang mundong ito, subali't nanggaling ka sa kabilang mundo. Tiyak na maliligaw ka." Napangiti ang prinsesa at tinanggap ang alok dahil kinakailangan niya rin ng ganung lakas at kasamahan upang mapalayo sa mga masasamang nilalang. At malinaw sa kaniyang paningin na hindi ordinaryong tao si Dantr. "Tao ka ba talaga?" Tanong ng Prinsesa habang nagpapatuloy sa paglalakad. "Dalawang mundo ang bumubuo sa pagkatao ko, yan ang tugon ng ama ko bago siya mawala". Napatigil bigla sa paglalakad si Prinsesa Andalia at nagtaka. "Teka teka, sabihin mo nga ulit?" Di na nasagot ni Dantr ng makarating sila sa isang baryo. "Dantr!!" Tumakbong ngumingiti papalapit si Anna, isa sa malapit na kaibigan ni Dantr. "Kanina ka pa dito? Halika may ipapakita ako sayo.....sino yan?" Masiglang bungad ni Anna. "Sinagip ko mula sa mga bandido" kalmadong sagot ni Dantr. "Ohhhhh, naging usok ba siya? Nawala siya?? Naging kahel mata niya diba???" Walang humpay na masiglang tanong ni Anna kay Andalia at napatigil ng biglang masapak siya ni Dantr. "Aray naku naman!"

"Parang ganun na nga" sagot ni Andalia habang medyo nailang na nakangiti.

"Ako nga pala si Anna, matalik na kaibigan ni Dantr."

"Naigagalak kong makilala ka Anna, ako si Andalia" nakangiting bati ng Prinsesa at nagkakilala nga ang dalawa habang si Dantr ay may naramdamang iba sa paligid.

"Tama na yan, tara na."

"Nga pala Dantr, may naiwang huling sulat. Nahanap namin to sa isang tagong maliit na kahon sa lumang bahay." Biglang pag-iba ng atmospera ng binigay ni Anna ang maliit na papel.

"Dantr, anak, isang nakatakdang pangyayari ang magaganap sa mundo ng mga tao, may isang prinsesang darating upang hanapin ang isang nakatakda upang pag-isahin ang pitong kaharian sa kabilang mundo, isang propeseyang guguhit ng kasasaysayan sa ating mundo. Hanapin mo ang itinakda, siya ang nakasulat sa libro ng Adryia. Tumango ka sa timog at hanapin ang asul na salamankero.." Punit na ang dulo ng sulat at pinatago na ni Dantr kay Anna.

"Tama nga ako! Alam niyo ang mundong pinanggalingan ko! Yun sana ang tat..." Tinakpan ni Anna ang bunganga ni Andalia dahil siguradong may makakarinig at lalong di siya paniniwalaan at dahil alam din ni Anna na may sumusunod kani-kanina pa.

"Tara na" tugon ni Dantr habang tinatanaw ang timog.

"Sandali!!!" Dalidaling kumuha ng gamit si Anna at sumabay.

"Maiwan ka na, mahaba ang lalakbayin namin." mahina't kalamadong sabi ni Dantr habang patuloy sa paglalakad.

"Ehh magaling ako sa pangalan tsaka sa pakikipag-usap sa mga tao, tiyak matutulungan ko kayo diyan sa itinakdang blah blah na yan" Napabuntong-hininga si Dantr sa pakikinig sa maingay na Anna. "Payag ka na? Payag ka? Huy!" At nasapak na naman siya ni Dantr. "Araaay!, Pero sasama talaga ako"

"Napaka masiyahin pala ni Anna" pangiting bungad ng Prinsesa. "Isip bata" wika ni Dantr. "Sino?! Ako?!, Baka ikaw! Hmpft"

Napatigil si Anna at ang dalawa ng biglang may nag-iba sa takbo ng atmospera. Naging seryoso si Anna at biglang hinati ang matataas na damo gamit ang dalawang punyal. Ilang ogre ang bumungad sa kanilang presensya at isa-isang pinatumba ni Anna. Si Anna ay isa sa mga estudyante ng ama ni Dantr ng nabubuhay pa. Di nakapagtatakang mabilis at magaling siya sa paggamit ng punyal.

"Oh diba?! Hmfpt!"

"Oo na, andami mong pabula" nag-aalinlangang sagot ni Dantr.

"Ha ha ha ha. Tara!"