webnovel

Kabanata 1

~Ang Munting Kayamanan~

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang nawala ang aking pinakamamahal na nakatatandang kapatid, Gaya ng dati lagi akong naiiwan na mag isa, walang ibang iniisip ang aming mga magulang kundi puro negosyo. Tumulak ulit sila sa ibang bansa. Habang ako, habang hindi pa 20 anyos ay nagsisilbing anino nila at namamahala dito sa France.

Napakalungkot ng buhay na mawalan ng kadugo at masasandalan. Walang kuwenta ang marangyang buhay sapagkat kahit ganap na matatamasa ko ngayon ang kapangyarihan ng aming angkan, mas maligaya ako sa mas simple kong kinalahikan sa ibang mansyon na malapit sa mamamayan at nakikihalubilo nagkakaisa.

Pero laging bilin ng aking kuya na kapag binigyan tayo ng malaking biyaya ito ay dapat nating pagyamanin upang makatulong at magbahagi sa kapwa. Ang sakit isipin tatlong araw nalang kaarawan niya na sana. Ika 25 ng December sa pasko ay makikita na kita sana. Di ko lang inaasahan nakita nga kita ng mas maaga pero nakapikit kana habang buhay.

Parang kalahati ng buo kong pagkatao ang nawala...

Dalawang araw ang lumipas sa dami ng lakad at pag-aaral ng pagsasayaw ay lubos kong hiningi ang araw nato at sa makalawa na mapag isa. Ito ay ang panahon na alahanin ka aking pinakamamahal na nakakatandang kapatid.

Ako ay nag ayos Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa aking silid.

Nakatingala ako sa aking bintana nilalasap ang malamig na simoy ng hangin at inaalala bawat kwento at pangaral mo sakin' di kalaunan ay may kumatok sa aking pintuan.

Binuksan ko ang pinto at bumungad si Ginoong Heinx. Ang punong tagapangalaga ni kuya.

May inabot ito sa akin na isang munting kahon. Nakita niya raw ito sa gamit ni kuya na regalo sana niya mamaya pagsapit ng pasko.

Binuksan ko ang kahon kahit di pa oras sa pagkasabik na makita ang huli niyang habilin.

At isang susi na may rosas na embleyo katulad ng napansin ko sa isang malaking bagay na di ko mabuksan sa aking kwarto na kung saan nakatago ang ibang collection ng manika na karamihan ay bigay ng kanyang kuya habang naglalakbay noong ito'y nabubuhay pa.

Dali dali akong pumunta sa kadugtong na silid.

Pagkabukas ko ay laking gulat na aking nadarama dahil sa elegante at antique na babasaging kabaong na may liham ang bumulagta sa akin.

Ang nakasulat "miroir en verre, verrerie antique. Cet amour va se remplir, tellement de bonheur peut être apprécié, si la colère est perdue."

Ang Ibig sabihin ay "salamin salamin, antique na babasagin. Pagmamahal ito ay punuin, labis na ligaya matatamasa, kung galit ay mawawala."

Ninerbyos ako pero alam ko hindi ako tatakutin ng aking kuya sapagkat ito ay kabaliktaran na siguro alam niya na may mangyayari sa kanya? Binalik ko ang aking atensyon sa munting magandang kabaong pagbukas ko ay bumulagta sa akin ang isang bagay na nakakagulat...