webnovel

Nakapag Time Travel Ako

Kung makakapag time travel ka saang lugar o oras ang gusto mong puntahan? marahil siguro gusto mo maka pag time travel dahil gusto mo balikan ang mga bagay na napagdaanan mo na masasaya. Syempre ang mga namayapa mong kamag-anak o di naman kaya kasintahan mong sumakabilang feelings na (diba di naman masaket) o kaya meron kang gustong baguhin o itama sapagkat matagal mo na itong kinikimkim, ang iyong malaking pagkakamali. Pero kung ako ang tatanungin eh gusto kong balikan ang panahon nang aking kabataan. Panahong wala pang masyadong pinoproblema kundi ang ang paglalaro sa kalye, "Mama penge piso mag lalaro lang ako sa arcade", "Luh tulog na si mama (pag tanghale) tatakas na ako HAHAHA". Panahon ng ating kabataan kung saan unang natutuhan ang pag kupit ng piso sa wallet o bulsa nila mama at papa. Alam kong alam mo kung saan na takbo natin pagtapos nun (dalawang bagay lang yon ang tindahan o vedyohan (arcade). Syempre hindi ko rin makakalimutan ang elementary days kung sa libro ni Bob Ong eh natae si Roberto nung sya'y elementarya sa panahon kong yon eh di ko makaka limutan yung kaklaseh ko nung grade five na nag pasabog ng shining shimmering @#%^& ambaho, naipit pala yung tae nya sa upuan, kaming lahat ng klaseh eh kanya kanyang takip ng ilong pati si teacher. Masasabi kong kumpleto na ang elementary days mo kung nakapag pasabog kana sa banyo nyo HAHAHA. Naaalala pa kaya ako nung unang nag patibok ng bayag ko este nang puso ko nung junior hayskul layp ko, marahil hindi na siguro nadala na ata sakin. Hindi ko rin makakalimutan yung mga barakada kong mga siraulo, yung hindi mo dapat iwan ang bag mo ng mag isa at hindi mo katabi kasi sigurado pag uwi mo may laman na ng tipak na bato galing sa garden o di naman kaya mga bunot na pang linis nyo sa ulo ng techer mong kalbo joke! HAHAHA. Ang malupet pa jan ang mga pa project nila mam at ser na wala naman kinalaman sa school nyo, floor wax o kaya manila paper ang pang suhol pag may bagsak ka na subject. Isa sa mga hindi ko makakalimutan pa sa panahon ng senior high layp ko ang babaeng crush ng bayan si Clair graveh nito ko lang nalaman na kalahateh ng mga kaklaseh kong may bayag gusto sya yung isa kong kaklaseh na baliw weh. Graveh ang bilis pala ng oras sabi nga nila ang bilis daw tumakbo ng oras sabi ko naman luh parang tanga lang ha wala namang paa ey, pero alam natin hindi ito basta basta namamalayan. Biruin mo gumagawa lang ako ng thesis noon heto ako ngayon nakaupo at nag susulat ng talambuhay ko. Ewan ko ba pero ang sarap ng feeling na matanda na pala ako, gago!, este andami ko na palang nagawa sa mga karanasan ko. Kamusta na kaya yung mga ex klassmeyt kong pinakopya ko dati luh ako nga pala yung kumokopya sa kanila joke! pero siguro mid terms na nila ngayon o finals o siguro pa graduate na yung mga yon. Nako nako nako hindi nga pala ako na kapasok ng kolehiyo nag stop pala ako.