webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

Ang Plano

Ako'y nagising sa ingay ng mga ibon, medyo gabi pa. Ako'y tumayo sa aking itinalagang higaan at nakita si Asher nakaupo sa upuan habang tinatanaw ang tanawin.

"Hindi ka pa nakakatulog?"Tanong ko at tumingin sa kanyang mga mata. Ito'y naging kulay abo at kumikinang na parang krystal. Tinitigan ko ang mga ito, ang ganda.

"Hindi ito maganda."Agad na saad niya at tinakpan ang kanyang mga mata.

"Anong ibig mong sabihin? Ang ganda kaya!"Saad ko at hinawakan ang kanyang kamay at ibinaba ito. Kami ay nakatutok sa isa't isa.

"Ito ay sumpa para sa akin simula noong ipinanganak ako."Paliwanag niya.

"Kung iyan ay parusa, sana'y naging akin nalang."Ani ko sa kanya habang nakangiti.

"Hindi mo naiintindihan. Maganda nga tignan ngunit ito'y nakakabasa ng isipan ng panauhin. Nakakasawa na pakinggan."Paliwanag niya. "Nagiging kulay kayumanggi ang mga mata ko sa umaga ngunit kapag nasa hating gabi na ay nagiging abo ito. Noong bata pa lamang ako ay nakakaranas na ako nito ngunit...mas malala noon kesa ngayon.Akala ko-"Pagkukuwento niya. Siya ay huminga muna bago siya magsalita. Ako'y nanatiling nakinig sa kanyang mga sinabi."Akala ko nawala na ang sumpa...ngunit nanatili pala pa rin ito."Malungkot na saad niya.

"May paraan bang mawala ang sumpa mo?"Agad na tanong ko sa kanya.

"Mayroon, ngunit hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa iyo iyon."Saad niya.

"Si Heros...May sumpa rin ba siya?"Tanong ko sa kanya. Siya ay napataas sa kanyang noo, tila nag-iisip sa kanyang isasagot.

"Mayroon."Saad niya. "Ano?"Oysosang tanong ko sa kanya na gustong malaman ang isasagot niya.

"Hindi siya nakakaramdam ng kasiyahan. Hindi sapat ang isa para sa kanya."Saad niya. "Siya'y naiingit sa akin sa hindi malamang dahilan."

Ako naman ay napahinga ng malalim."Kagaya lang pala tayo. Hindi natin alam ang rason kung bakit nila tayo iniinitan at kinaiingitan."Ani ko habang nakangiti sa kanya, siya'y tumingin sa akin at tuluyan na ring ngumiti pabalik.

"Alam mo, ngayon ko lang naramdaman na may nakakaramdam rin pala sa aking nararamdaman. Akala ko ako lang mag-isa, ngunit hindi pala."Saad niya. "Akala ko rin."Ani ko at tumawa. Kami ay nagtawanan sa di malamang dahilan. Baka sa dahilan na natutuwa kami na may karamay rin kami sa buhay o baka rin sa dahilan na tinatawanan nalang namin ito dahil ganoon naman talaga ang buhay, hindi mo alam kung paano ang takbo nito.

Nakalipas na mga araw...

Si Asher at ako ay naging malapit sa isa't-isa. Tinuruan niya ako ng mga bagay-bagay tungkol sa mundo niya. Marami rin akong natutunan sa kanyang mga salita. Hindi niya pa rin ibinabanggit ang kanyang buhay dahilan ako'y hindi napakali sa pagtatanong.

"Anong klase ang iyong pamilya?"Agad na tanong ko sa kanya. Siya napasipsip muna sa kanyang tasa bago siya sumagot.

"Isa kaming noble. Kami ay makapangyarihan sa mundong ito at isa na rin sa kinataasan." Ani niya. Ako naman ay napatango-tango.

"Anong ibig mong sabihin sa "Isa na rin sa kinataasan"?, tila ako'y naguguluhan."Saad ko sa kanya habang ang kanang kamay ko ay nasa aking noo na tila bang iniintindi ang kanyang mga sinabi.

"Si Heros at Ako ay paborito ng mga kinataasan lalong-lalo na ang pinakamataas ngunit..."Sagot niya. Siya'y huminto muna at napagbuntong hininga bago magsalita. "Ngunit may tungkulin ang lahat ng bagay sa mundong ito. Para mas humanga ang pinakamataas sa amin dapat namin sundin ang tungkulin na itinalaga sa amin at mas pahangain pa sila."Pagkukuwento niya.

"Ano naman ang tungkulin na natanggap mo?"Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano sabihin sa iyo, ngunit konektado ang tungkulin ko sa iyong desisyon."Ani niya. Ngayon, kami'y nagkatinginan sa isa't-isa na naghahanap rin ng sagot sa aming mga katanungan.

"Nalalapit na ang kabilugan ng buwan."Paalala ni Asher sa akin.

"May desisyon na ako."Marahan na saad ko."Papayag ako maging kabiyak ni Hudas."Ani ko. Ako'y tumingin kay Asher na ngayon ay gulat na gulat sa aking sinabi.

"Tama ba ang narinig ko?"Tanong niya na tila hindi makapaniwala. Ako'y tumango sa kanyang tanong. "May isang linggo ka pa para magdesisyon, huwag mong sayangin ang mga nalalabi mong oras. Nasa huli ang pagsisisi tandaan mo iyan." Saad niya na tila nag-aalala sa akin.

"Hindi ako magsisisi at...may plano na rin ako."Ani ko, tumingin naman si Asher sa akin na handang makinig sa aking sasabihin. "May nabasa akong libro, ang pamagat ay "Ang Lagusan sa Kabila". Ang sabi sa libro, pagkatapos ng isang buwan na magkatalik kayo ni Hudas habang kayo ay bumubuo ng inyong pagmamahalan, bubukas ang lagusan sa kabila dahil may isasakripisyo sa mga demonyo."Pagkuwento ko sa kanya.

"Paano kung ang buhay mo naman ang nakataya?"Agad na tanong niya.

"Hindi nila ako kayang patayin...dahil kung hindi ko mapapanganak ang anak ni Hudas ay mawawala ang lakas niya at sa huli, sila ang talo."Pagpapaliwanag ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog na ang orasan na ibig sabihing pwede ka nang lumabas.

Hindi nagsalita si Asher ngunit ito'y yumuko sa akin at nagsesenyas sa kanyang mga mata na may pupuntahan lang siya. Ako lang mag-isa ang tumungo sa aming kwarto. Inayos ko ang aking mga gamit at inayos rin ang aking sarili bago ako mahiga. Nang makahiga ako ay nakarinig akong may bumukas sa bintana. Ako'y tumungo nito. Titignan ko na sana ang ibaba nito ngunit bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Asher, may dala-dala siyang mga kagamitan.

"Para asan iyan?"Tanong ko sa kanya.

"Wala...Tambakan ng mga basura."Saad niya. Ako naman ay tumawa sa kanyang sinabi. "Ah, oo nga pala."Ani niya at may hinanap sa kanyang mga gamit. May ikinuha siyang maliit na kahon, tumungo siya sa aking at binuksan ito.

Isang kwintas.

Ang kwintas ay hawak-hawak niya na. Siya'y lumibot sa aking likuran at inilagay ito sa aking leeg. Hinawakan ko ito at tinanaw. Di ko mapigilan mapangiti.

"Ang ganda, salamat."Marahan na saad ko habang nakangiti pa rin at hinahawakan ito.

"Walang anuman."Ani niya.

"Bakit ka nga ba nagbigay ng regalo sa akin?"Nagtatakang tanong ko.

"Ah..."Naghahanap pa rin siya sa kanyang maaring isagot sa aking katanungan."Ang kwintas na iyan ay magbibigay ng proteksiyon sa iyo. Maliban sa proteksiyon ay ito rin ang alaala mo sa akin, kung sakaling magtagumpay ka sa iyong plano."Pagpapaliwanag niya.

"Salamat!"Saad ko sa kanya at yinakap siya. Siya naman ay yumakap rin ng pabalik sa akin. Naging mapula ang aming mukha pagkatapos ng yakap.

"Patawad di ko...sinasadya yakapin ka."Saad ko at umubo. Siya naman ay di makatingin sa aking direksyon.

"Naiintindinhan ko,baka..."Saad ni Asher dahilan ako'y lalong tumutok sa kanya. "Baka napadala ka lang sa iyong emosyon." Ani niya.

Ako ay nauna nang natulog sa kanya. Nakaramdam ako ng kahihiyan sa aking nagawa kanina. Hindi ko na alam kung paano pakitungoan si Asher, tila nag-iba ang aking nararamdaman simula nung yinakap ko siya. Hindi dapat ako nakakaramdam nang ganito, dapat ako'y sumunod sa aking plano.

Hindi kasali sa plano ang magmahal ng isang panauhin na nasa ibang mundo. Ito ay magiging sanhi lamang sa kanyang kabagsakan.