webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

Ang Ikatlong Laro

Nakaramdam ako ng mainit na tensyon sa hapagkainan. Tahimik ngunit ang bigat sa pakiramdam. Natauhan kami nang may biglang pumasok sa silid. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, at ang kanyang katawan ay makisig. Mataas rin ang buhok nito hanggang leeg, naakit ang attensyon ko sa kanyang kasamang lalake. Tumayo ang mga bisita pati si Madam Miranda at nagbigay galang sa mga bisita.

"Heros!Asher!"Sigaw naman ng matandang lalake." Iginagagalak ko palang ipakilala ang dalawang pamangkin ko."

Nababalot kami ng kadiliman at katahimikan. Pumalakpak ang mga bisita ngunit kaming mga kandidato ay nanatiling nakatulala.

Ako'y umubo dahilan nasa akin na ang attensyon ng lahat ng tao. "Alam mo bang lapastangan ang iyong ginawa?"Tanong ng isang bisita na naka maskara.

"Napaubo lang ho, patawad."Saad ko at yumuko. Nakita kong palihim na tumatawa si Ash. Ako'y nakadama ng kahihiyan sa aking ginawa.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, ang ikatlong laro ay sakripisyo."Saad ni Madam Miranda. "Ang laro na ito ay hinahawakan rin ng mga Demonyo at Anghel. Maari ring iba't-iba ang panig ng bawat kandidato."Pagpapaliwanag niya."Ngunit...may isang kandidato ang magdedessisyon sa inyong buhay. Maaring siya lang ang mabubuhay o siya lang ang mananatili sa lugar na ito."Patuloy na pagpapaliwanag ni Madam Miranda.

"Anong ibig niyo hong sabihin?"Tanong ng isang kandidato. Kaming lahat ay tila naguguluhan sa kanyang mga sinasabi.

"Siya ay magiging kabiyak ni Hudas."Saad ni Heros.

Nanginginig ang aking katawan sa kanyang mga sinabi. Tila nabangga ako sa isang pader.

"Paano naman namin malalaman na kami pala ang pinili?"Agad na tanong ni Yurika.

"Madali lang yan, kapag nakaramdam siya ng pagbabago sa kanyang katawan." Saad ni Madam Miranda.

Habang pinapaliwanag niya ang ikatlong laro ay nakikita ko ang palihim na pagtingin ni Heros kay Yurika. Hindi ako komportable, dahil sa aking palagay may mangyayaring masama sa aking kaibigan.

Nang matapos na ipaliwanag ni Madam Miranda ang ikatlong laro, ay inihatid niya ang mga bisita sa kanilang itinalaga na silid.Kami ay naiwan sa hapagkainan.

"Hindi ko maintindihan, hindi pa tapos ang ikalawang laro pero itinuloy na ang ikatlong laro."Nagtatakang saad ko.

"Lobo kaming dalawa, pero di ka namin kayang patayin maliban sa dalawa."Pagpapaliwanag ng isang babae. Ako'y nagulat sa kanyang sinabi dahilan sa pagtakip ko kay Yurika. "Tila bang may humihikayat sa amin na hindi ka patayin. Nung papatayin ka sana ng aking kasamahan ay may nakita kaming itim na usok na nagmula sa iyo."Pagpapaliwanag niya at tumingin sa akin."Ano ka nga ba?"Agad niyang tanong. Tumunog na ang orasan, ang kahulugan nito ay maari na kaming umalis.

"Baka ikaw ang magiging kabiyak ni Hudas."Bulong muli ng babae at lumakad palabas sa hapagkainan. Aking hinawakan ang aking dibdib, malakas ang tunog nito dahil sa nerbyos.

"Halika na Yurika."Saad ko at hinawakan ang kanyang kamay. Inihatid ko siya sa kanyang kwarto.

"Heleana, hindi maganda ang aking pakiramdam kanina."Saad niya agad ko naman siyang hinarapan. "Bakit?"Tanong ko sa kanya.

"May palaging tumitingin sa akin, noon pa man nakakaramdam na ako na may tumititig sa akin."Pagpapaliwanag niya."Nakita ko na nakatingin si Heros sa akin. Guwapo nga siya pero maaring isa siyang demonyo."

"Huwag mong kalimutan kandaduhin at isarado ang bintana at pinto."Paalala ko sa kanya, sumang-ayon naman siya.

"Ba't nga pala ang layo ng kwarto mo at walang numero?Ikaw lang ang naiiba."Tanong niya habang naghihilamos.

"Di ko alam kung paano ipaliwanag. Pero ang sinabi ni Madam Miranda, delikado ang buhay ko sa silid ko noon kaya inilipat ako ng bagong kwarto."Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Gabing-gabi na Heleana, kailangan mo nang pumunta sa iyong kwarto."Saad naman ni Yurika.Yinakap ko siya bago ako umalis.

"Ingatan mo ang sarili mo Yurika."Saad ko at tumungo na palabas. Malamig ang simoy ng hangin kahit nasa loob ako sa palasyo.  Madilim ang pasilyo patungo sa aking kwarto, hindi dapat ako nagpapakita sa aking kaba at takot. Ako'y nagsimulang lumakad.

"Ang ganda ng kaibigan mo."Saad ng lalake sa aking likuran,ako'y tumalikod kung saan nang gagaling ang tunog. "Ako nga pala si Heros."Sabi niya at inilahad ang kanyang kamay. Aking tinignan ang kanyang kamay, nagdadalawang isip pa akong kamayin siya.

"Parang nagdadalawang-isip kang makipagkamayan sa akin."Saad niya atbinawi ang kanyang kamay at inilagay ang dalawang kamay niya sa kanyang likuran.

"Ako nga pala si Heleana, hindi na maganda magpaligoy-ligoy sa labas. May mga halimaw sa paligid-ligid, di natin alam kung kailan tayong huling mabubuhay."Saad ko at tumalikod na sa kanyang harapan at nagpatuloy nang lumakad patungo sa aking silid.

"Naigagalak kong makilala ka Binibining Heleana."Saad naman ni Heros na para bang nagpapaalam sa akin.

Ilang araw na ba ako nanatili sa impyerno? Kailangan kong makahanap ng paraan para makalabas sa impyerno na ito. Dapat magmadali na ako upang hindi ako maubusan ng oras.