webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

Ang Ikalawang Laro

Nagising ako sa aking bangungot. Panaginip lang pala nang napunta ako sa dati kong silid. Ako'y tumingin sa orasan, alas-sais y medya pa. Ako'y naligo agad at nagbihis. May nakita akong sulat sa sahig. Agad naman akong tumungo at kinuha ito, binasa ko ang sulat.

______________________________________

Heleana Sanchez,

         Magandang umaga binibini, sa araw na ito magsisimula ang ikalawang laro. Sana'y magkaroon kayo ng lakas na loob harapin ang laro na ito at sana rin ay isa kayo sa mga kandidatong natitirang nabuhay.

Taimtim na pagbati,

Miranda Dampios

______________________________________

Linggo ngayon, simula ng mga araw. Di ko mapigilan hindi mangamba sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ko rin makalimutan ang kumausap sa akin na babae na papatayin ko siya dahil isa siya sa mga lobo. Bakit ganito ang nangyayari sa aking buhay?

Habang kami ay nag-iintay sa labas ay ipinaalala sa amin ni Madam Miranda na "Huwag tumiwala agad, baka ang iyong kasama ay isang lobo na nagpapanggap bilang tupa." Wala siyang binanggit na patakaran ng laro. Pero kung ang buhay mo ay nasa panganib, huwag kang magdadalawang isip na patayin ang tumangka sa buhay mo.

Bumukas na ang pinto. Ang lugar ay parang nasa ibang dymensyon. May dala-dala kaming armas, mga kustilyo,pana at tabak. Ang aking kinuha ay tabak.Habang kami ay pumapasok sa pinto ay nagsalita si Madam Miranda.

"Kung gusto niyo pang mabuhay, pumatay kayo."Saad niya, sumara ang pinto at naglaho. Kami ay agad nagtago sa mga kakahoyan. May nakita kaming mga halimaw, may aso(sigbin) ring nagiba ng anyo. Nakadinig kami ng may tumapak sa aming gilid. Ang tunog sa pagyapak sa mga dahon ay naakit ng attensyon ng mga halimaw.

Papalapit na sana ito ngunit may tumakbo sa di kalayuan. Mabilis gumalaw ang mga halimaw patungo sa taong tumatakbo. Ang kinuha na armas ni Janine ay pana, ginamit niya ito at itintutok sa mga halimaw. Pinakawalan niya ang pana at tumama ito sa halimaw.

Maraming halimaw ang nagalit at nagwala. Agad kaming pumalit ng puwesto. Tinignan ko ulit ang halimaw, ito'y naging tao. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung babaeng kumausap sa akin na patayin siya.

"Nagpapalit ng anyo ang mga kalaban."Paalala ni Yurika sa amin. Ang kanyang dinala ay kutsilyo at panggamot. "Kailangan na natin mag-ingat sa ating katiwalaan."

"Iiba muna ako ng puwesto." Saad ni Janine. Aking hinawakan ang kanyang kamay. "Delikado." Saad ko sa kanya.

"Hindi iyon magiging delikado, di ko kasi makita kung nasaan na ang mga kalaban na nagtatago."Pagpapaliwanag niya. Tumango na lamang kami at sumang-ayon sa kanyang sinabi.

"Mag-ingat ka."Paalala ni Yurika.

Habang lumalayo na si Janine sa aming lugar ay may narinig kaming sumigaw. Nanginginig na kami ngayon. Ako'y tumingin sa aking harapan. Tiniklop namin ang aming mga bibig habang nakikita namin ang halimaw na kumakain sa isang kandidato. Kitang-kita sa kanyang mata ang paghingi ng tulong.

Aking kinuha ang kamay ni Yurika at sumenyas na papalit kami ng lugar. Hindi siya makagalaw, ang kanyang mga mata ay nababaon sa takot at kaba. Bumulong ako sa kanya. "Kung hindi ka gagalaw, hindi ka mabubuhay."

Natauhan siya sa aking sinabi. Kami ay pumalit ng puwesto. Nakita namin si Janine sa itaas ng puno nagtatago. Ako'y tumalikod, wala na si Yurika.

"Tulong!"Narinig ko ang boses ni Yurika, agad akong pumunta sa kanya. Maraming halimaw ang nasa aming paligid. Aking tinabak amg mga halimaw ng buong pwersa, tumulong naman si Janine sa amin sa itaas. Kami ay tumakbo ng mabilis upang maligaw ang mga halimaw. Sinundan kami ni Janine sa aming lugar.

"Ba't bigla kang nawala sa aking gilid?"Inis kong sabi kay Yurika.

"May humila sa akin,di...di ko alam kung bakit napunta ako doon."Nangingig na sabi niya. Takot na takot siya, nararamdaman ko rin ang takot na nararamdaman niya.

"Huwag kang mag-aalala, makakaligtas pa tayo ng buhay dito."Saad ni Janine."Sa ngayon ay magbabantay muna tayo sa ating paligid-ligid kung may nakasunod ba sa atin na halimaw."

"Heleana...anong oras na?"Tanong ni Yurika, aking tinignan ang aking relo.

"Alas dose pa."Saad ko sa kanya. May natitira pa kaming pitong oras para makalabas sa aming.

"Paano kung... hindi na tayo makalalabas ng buhay?"Biglang tanong ni Yurika.

"Huwag mo ibabaw ang iyong paningin. Maliligtas ka!"Saad naman ni Janine.

"Ganito ba talagaang paraan para mabuhay?"Nanginginig na tanong ni Yurika. "Pinapatay natin ang ating mga kakilala?"

"Laro ito Yurika, hindi pa ito ang realidad."Saadni Janine.

Limang oras na kaming naghintay sa aming lugar. Kami ay nagugutom at naghihina na rin. Bantay sarado kaming tatlo sa aming paligid.

"Malapit na mag-alas siete."Saad ni Yurika.

"Ilan kaya tayo matitirang ligtas?"Tanong ko.

"Diba noong unang laro dapat tatlong pu ang natitirang buhay? Tapos limam pu tayo noon. Tumakas ang apat na kandidato tapos tatlo na kandidato ang namatay sa hapagkainan."Sabi ni Janine."Kung may namatay na dalawam pu at tatlo sa atin, ang natitira nalamang na kandidato ay dalawam pu't tatlo. Ang mga unang kandidato na nakaligtas ay nasa tatlom pu, habang tayo ay nabawasan ng tatlo kaya naging pito. Para sa akin tayo ay nahati sa dalawang groupo, ang isa ay lobo na magpapanggap ng tupa at ang isa naman ay tupa. Pero may apat tayong kasamahan na tumakas kaya tayo ay labing anim nalamang."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na tila naguguluhan sa kanyang pag-iisip.

"Para sa akin, walong kandidato lang dapat ang maliligtas dahil pagpatak ng alas siete ng umaga ay sila'y mawawala na."Sagot ni Janine sa aking tanong. "Pero tila ako rin ay naguguluhan sa aking naiisip. Sa aking palagay kapag ang lobo ay may pinatay na tupa, maaring ang buhay niya ay maliligtas. Kaya may matitirang buhay sa kanila at makaliligtas pagpatak ng alas siete ng umaga. At sa akin ring palagay, ay pwede nilang patayin ang kakilala nila."Tumingin siya sa akin at inilahad ang aking tabak.

"May dalawa na akong napatay na lobo. Pero maari ring wala na ang iba nating kasamahang tupa,dahil mahina halos lahat sa kanila."Saad niya at tumingin kay Yurika. "Magpalakas ka Yurika, makakatulong ang iyong husay sa kakayahan sa paggamot."

"Malalakas ang ating mga kalaban pero hindi pa huli ang lahat. Mahina ang kanilang estratehiya." Saad niya.

Nang pumatak na ang oras ng alas siete ay may malaking pinto na nagpapakita sa gubat.

"Oras na."Saad ni Yurika.