webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

Ang Bangungot

"Heleana, dito!"Sigaw ni Yurika nang makita niya ang pinto.

Kami ay sumunod sa kanya at nakalabas patungo sa gubat ngunit wala kaming nakikita na Manang Zelda na naghihintay sa aming tatlo. Kami ay tumingin sa paligid-ligid upang matignan kung naghihintay ba talaga siya.

"Ang sabi ni Heros, hinihintay tayo ni Manang Zelda sa dulo ng lagusan na ating dinaanan. Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?"Tanong ni Janine. May nakita kaming paparating sa amin. Ito'y nakasakay ng kabayo. Kami ay pumunta palapit nito. Ang panauhin ay nakasuot ng kapa kaya hindi namin malaman kung sino ito. Ibinaba niya ang nakatabon sa ulo niya pati na rin ang nakatabon sa bibig niya.

Si Binibining Helen...

"Sinabi sa akin ni Heros na maari kayong maligaw, kaya ako'y agad na pumunta sa lugar na ito."Ani niya. Tinignan niya muna ang paligid pati ang langit.

"Hindi pa gumagabi, sundan niyo ako. Naghihintay si Manang Zelda sa bahay."Saad nito at pinalakad ang kanyang kabayo. Kami ay sumunod sa kanya at nang kami ay napunta sa bahay, kami ay namangha nang may mga bato na nakapaligid ng bahay na para bang pabilog ang hugis.

"Hanggang dito na lang muna tayo."Ani ni Binibing Helen at bumaba sa kanyang kabayo. "Hindi ako makakapasok sa loob dahil may dala akong dugo ng demonyo. Pumasok na kayo, malapit na ang gabi. Maari niya kayong mahanap kapag hindi pa kayo pumasok sa bilog." Ani niya. Si Yurika at Janine ay tumango at pumasok kaagad sa bilog.

"Heleana?"Tanong ni Binibining Helen sa akin.

"Makakapasok rin kaya ako?"Nagtatakang tanong ko habang tinatanaw ang bilog.

"Makakapasok ka."Ani niya at ngumiti."Kabutihan sa mundo ang iyong inaalala, Heleana. Kaya huwag ka nang matakot."Saad niya habang nakatingin sa akin. Ako'y tumango at ngumiti pabalik.

"Maraming salamat, Binibining Helen."Pagpapasalamat ko at agad na pumunta sa loob ng bilog. Ako'y tumingin muna kay Binibining Helen bago pa man ako pumasok sa bahay. Iwinagayway ko ang aking kamay bilang pagpapaalam sa kanya.

Ako'y pumasok na sa loob ng bahay, nakita kong kumakain na sila. Ako ay agad na yinakap ni Manang Zelda.

"Mabuti ay ligtas ka, Heleana."Ani nito.

"Salamat sa inyong lahat."Pagpapasalamat ko sa kanila.

Nakita kong yinayaya ako nila Janine na sabay akong kumain sa kanila.Naging masaya muli ang aking araw. Nang matapos kaming kumain ay bubuksan ko na sana ang bintana ngunit bigla itong isinara ni Manang Zelda.

"Huwag mong buksan."Ani niya ng mahina na boses.

"Ho?"Pagtatakang tanong ko.

"Nakaabang na sila. sa labas."Ani niya ulit.

Sumakit ang aking tiyan sa hindi malaman na dahilan. Tila may kumakain sa aking loob. Hindi ko maiwasang mapahigpit ng kapit sa kamay ni Manang Zelda at mapasigaw.

"Heleana?"Tanong ni Manang Zelda. "Heleana, ano bang nangyayari sa iyo?!"Tanong niya ulit sa akin ngunit wala akong masagot sa kanyang mga tanong.

Ako'y napahawak sa aking tiyan ng may maramdaman akong may gumagalaw sa aking kalooban. Hinawakan ito ni manang Zelda, siya ay pumipikit at niramdam ang gumagalaw sa aking tiyan. Siya'y nagulat nang maramdaman niya ito, tila siya ay nakakita ng multo.

"Heleana, kailan pa?"Tanong niya ulit, ngunit ito ay may dalang kaba. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito ngunit ang dinadala mo ay maaring magdudulot sa kanya na maging malakas muli o hindi kaya, ang kanyang kabagsakan sa mundong ito."Ani nito na parang takot na takot sa kanyang nalalaman.

"Ano ho bang ibig sabihin niyo?"Agad kong tanong. May narining kaming ingay ng mga aso sa laba, may sumisigaw din.

"Andito na siya, hinahanap ka na niya."Paalala niya sa akin.

Ako'y pumunta na sa aming silid at umupo, isinandal ko ang aking sarili sa gilid ng kama. Hindi ako makatulog sa sakit. Hinawakan ko ito muli at sinubukan na pakalmahin ang aking sarili.

"Huwag kang malikot."Ani ko habang hinahawakan ang aking tiyan. Nawala na ang sakit na nararamdaman ko dahilan na ako'y nahiga na sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang matulog.

Ako'y nagising ng makarinig ako ng malakas na ingay. Tumingin ako sa paligid, hindi pa sumisikat ang araw. Ako'y tumayo at tinignan ang higaan nina Manang Zelda ngunit wala sila. Ako lang ang nag-iisa sa bahay na ito. Agad-agad naman akong tumakbo sa may kusina ngunit wala pa rin sila. Ako'y tumungo sa sala at nagulat kung sino ang nakaupo sa upuan.

"Asher?"Tawag ko sa kanya. Siya'y tumayo at lumingon sa akin habang nakangiti.

"Nandito ka lang pala."Ani niya habang lumalakad patungo sa akin. Hahalikan niya na sana ang aking pisngi ngunit ako'y umatras.

"Nasaan sila?"Agad kong tanong sa kanya.

"Sila? Sinong Sila?"Naguguluhan na tanong ni Asher habang tumitingin sa paligid. "Tayo lang ang andito, Heleana."Ani niya at tumawa.

Ako ay umatras pa nang mas malayo sa kanya. Sumakit ulit ang aking tiyan, ito'y nagwawala sa aking loob. Ako'y napasandal sa gilid habang hinihigpit ang aking pagkahawak sa aking tiyan.

"Ah!"Sigaw ko. Tumungo si Asher sa akin at hinawakan ito. Nawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking tiyan ngunit bakas naman ng pagkagulat ang mukha ni Asher. Biglang umatras si Asher sa akin. Ang kanyang mga mata ay naging abo.

"Natatakot ka?"Tanong ko sa kanya ngunit walang sagot na lumalabas sa kanyang bibig.

"Bakit?"Muli kong tanong sa kanya.

"Tama ang nakasulat."Ani niya ulit.

"Ano ang ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ko sa kanya. Wala siyang sinagot ngunit inilahad niya ang kanyang kamay.

"Sumama ka sa akin, Heleana."Saad nito. "Malalaman mo ang mga sagot sa likod ng mga katanungan na hindi mo masagot sa iyong isipan." Ani nito ulit.

Sasama na sana ako sa kanya ngunit nakita ko si Manang Zelda patungo sa akin at ikinuha ang aking kamay. Sabay kaming tumakbo papunta sa baba ng bahay.

"Manang Zelda, bakit po tayo tumatakbo?"Tanong ko sa kanya habang hinihingal.

"Bangungot ito, Heleana."Sagot niya. "Kukunin ka niya!"Sigaw nito.

"Mabait ho si Asher."Saad ko sa kanya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."Ani niya. Kami ay nahinto ng nasa bahagi na kami sa dulo na may bangin.

"Heleana."Ani niya. "Tumalon ka sa bangin at nang magising ka na, umalis na kayo nina Janine at Yurika sa bahay. Dapat kayong umalis sa mundong ito."Saad niya habang tinitignan ang aming likuran.

"Paano ho kayo?"Tanong ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, magkikita pa tayo muli."Saad niya. Hinawakan niya muna ang aking tiyan at nagsimulang magsalita muli.

"Heleana." Saad ni Manang Zelda. "Isang halimaw ang nasa sinapupunan mo."

"Ano ho ang ibig niyong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"Dinadalaw ka niya gabi-gabi." Sabi ni Manang Zelda. "Maari ring nasa tabi mo lang siya araw-araw."

"Ano ho ba ang ibig niyong sabihin? Di ko po kayo naiintindihan. Ako'y naguguluhan sa mga nangyayari." Saad ko na tila bang nagtataka sa kanyang mga sinasabi.

"Kapag kayo ay nakaabot na sa gubat, may lagusan papunta sa mundo niyo."Ani nito. "Pumunta kayo sa Anda,Bohol. May mga albularyo na makakatulong sa iyong mga pinagdadaanan." Saad ni Manang Zelda.

"Huwag kanang magpaligoy-ligoy pa, buhay mo ang nakasalalay rito, pati na rin ang mundong ito."Paalala muli niya. Ako'y tumango sa kanya at nagsimulang lumakad paalis. Ako'y lumingon muli sa kanya.

"Maraming salamat, Manang Zelda."Saad ko at nagsimulang tumalon sa bangin.

Ako'y nagising sa aking bangungot. Bumungad sa akin ang mukha ni Janine at Yurika sa aking harapan.

"Heleana?"Tanong ni Yurika. "Binabangungot ka ata."Pag-aalalang sabi niya.

"Kailangan na nating umalis."Ani ko sa kanila at pumunta kaagad sa cabinet habang inaayos ang aking mga gamit.

"Asan naman tayo pupunta?"Tanong nilang dalawa. Ako'y huminga ng malalim at sumagot sa kanilang mga katanungan.

"Pabalik sa ating mundo. Alam na nila kung asan tayo."Ani ko. Sila ay sumunod sa aking sinabi at agad na iniligpit ang kanilang mga gamit. Kami ay dumaan sa kwarto ni Manang Zelda.

"Paano siya?"Nag-aalalang tanong ni Janine.

"Nasa mabuting kalagayan siya maliban sa atin, kaya...huwag na tayong magsayang ng oras."Paalala ko sa kanila.

"Tatapusin na natin ito lahat."Buong tapang kong sinabi sa kanila.

Kami ay agad na umalis sa bahay at tumungo sa gubat kung saan makikita ang lagusan. Ako'y nangangamba sa aming kalagayan, ngunit sana ay hindi nila kami maabutan.

_________________________________________________________________________________________

#AngKabiyakNiHudas42