webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

Ang Alay

Ito'y bumukas, "Halika na bago ka pa niya makita."Bungad sa akin ni Heros, ibinuklat ko ang aking mga mata. Kinuha niya ang aking kamay at nagsimulang tumakbo patungo sa itaas na bahagi. "Dito ka magtago, i-aakit ko lang ang attensyon ng mga halimaw."Saad niya at lumaho na parang bula.

Ako'y naghintay sa silid na parang bodega. Nagpalibot-libot ako sa sulok nito. May nakita akong lalagyan ng mga larawan. Nakita ko si Asher at si Heros magkatabi, at ang gitna naman nito ay isang matandang lalake. Ito'y aking hinawakan at tinignan ng mabuti.

"Bakit ka nandito?"Ako'y agad tumingin sa aking likuran. Nakita ko si Ash, nakasuot ng itim na amerikana. Nakaayos ang kanyang buhok at malinis siya tignan.

"Di-dinala ako rito ni Heros."Saad ko sa kanya, nakarinig kami ng malakas na sigaw sa labas."May masamang naganap sa pagdiriwang kanina."Mahinang sabi ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa akin. "Nasaan na ang mga kaibigan mo?"Tanong niya sa akin at tumingin sa bintana. "Sa oras na ito, malamang patay na sila."Matalim niya akong tinignan. "Nakalimutan mo na ba ang aking sinabi?"Tanong niya sa akin. Nanginginig na ang aking katawan dahil sa kanyang hindi akmang pagkilos.

"Kung ako saiyo, magpapakamatay nalang ako. Tutal gusto mo naman talaga mamatay noon pa."Saad niya, sinampal ko naman agad siya dahil sa galit na aking nararamdaman. "Pambihirang babae." Inis na saad niya habang hinahawakan ang kanyang mukha. Tumutulo na ang luha sa aking mga mata, di niya ako kayang tignan. Akin itong pinunasan agad."Patawad." Saad niya sa akin, di namin kayang tignan ang isa't isa.

"Kung talagang humihingi ka ng patawad, dapat nang gagaling ito sa iyong damdamin at talagang nagsisi ka sa iyong ginawa." Saad ko sa kanya."At kung tutuosin, ikaw ang nagdala sa akin dito." Inis na saad ko, ako'y lumabas sa silid dahil sa aking galit.

Ako'y naglakad sa pasilyo, di ko namalayan na ako'y nasa labas na pala. Ako'y nagsisisi, dahil nagpadala ako sa aking damdamin. Sana'y binalewala ko nalang ang mga sinabi niya. Habang ako ay naglalakad ay may humila sa aking likuran at may itinakip ito sa aking mukha dahilan nang tuluyan akong nahilo.

Nang nagising ako ay ang aking nakikita lamang sa aking mga paligid, ay ang mga puno. Tumingin ako sa aking gilid, nakita kong nakalubid ang aking katawan. Ako'y nakadama pa rin ng paghihilo. Di ko rin maigalaw ang aking katawan. Nakaramdam akong may humahawak sa aking tiyan. Di ko makita kung sino ito. May sinabi itong lenguwahe na di ko maintindihan, may dala-dala rin itong dahon at kandila.Napapaligiran ako ng usok.Aking ipinikit ang aking mga mata at sumigaw ng "Tulong!".Nakaramdam akong may pumuputol sa aking damit sa parte ng aking tiyan.  Ito'y hinawakan ng panauhin. Ako'y  humingi ulit ng tulong.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na liquido ng kandila sa aking tiyan. Aking ibinuklat ang aking mga mata. Lahat sila ay nakamaskara maliban sa isa. "Ikaw ang alay!"Bungad ni Binibining Aphro, lahat naman ay nagpalakpak. Lumapit silang lahat at hinawakan ang aking tiyan. Nakaramdam ako na may gumagalaw sa loob ng aking tiyan, ako'y napasigaw dahil sa sakit na aking nararamdaman. Lahat sila ay nakangiti habang ako ay nagdurusa. "Simula pa lamang ito, Heleana."Saad ni Binibining Aphro.

Nagising ako sa malakas na ingay na aking naririning, ako'y nagising sa hindi pamilyar na kwarto. Nakita ko si Heros sa gilid. Agad naman niya akong inalalayan makabangon.

"Anong nangyari?"Agad na tanong ko sa kanya. Ako'y tumingin sa aking sarili, iba na ang damit na suot ko.

"Nakita kitang walang malay sa pasilyo." Saad niya."Mabuti nalang walang halimaw na dumalo."

Ako'y tumayo at tinignan ang aking sarili sa salamin. Bangungot lang pala ang nangyari kahapon. "Nasaan ang ibang kasamahan ko? Nasa mabuti ba ang kanilang kalagayan?"Agad kong tanong sa kanya.

"Maraming namatay."Saad niya, malungkot ang aking nararamdaman dahil maraming buhay ang nawala dahil sa maling ginawa ko. "Ngunit nakaligtas naman ang iyong mga kaibigan. Nasa limang kandidato nalang kayo."Paliwanag niya, nabuhayan naman ako nang marinig ko ang magandang balita.

Ako'y pumunta agad sa pinto upang lumabas, nang binuksan ko ito ay bumungad sa akin si Ash. Hindi ko siya binigyan ng pansin kaya nagpatuloy ako sa aking paglakad patungo sa kwarto nila Yurika at Janine.

Nang ako'y lumalakad sa pasilyo ay narinig ko ang pinaguusap-usapan ng mga kasambahay.

"Sino ang inalay?"

Naalala ko ang aking bangungot kagabi,ngunit para itong nangyari sa realidad. Ako'y agad pumunta sa kwarto ni Yurika, wala siya. Agad naman akong pumunta sa kwarto ni Janine ngunit wala rin siya.

Nasaan kaya sila?

Ako'y pumunta sa sala, walang tao. Mga kasambahay lang ang nakikita ko. Ako'y umupo sa upuan, mag-iisang oras na ngunit wala akong makita na kandidato. Ako'y tumayo,binungad naman ako ng pressensya ni Madam Miranda. Siya'y tumungo sa aking lugar.

"Patawad sa aking ginawa kagabi."Humingi siya ng tawad sa akin. "Ako nga ho dapat humingi ng tawad dahil sinira ko ang plano niyong magkapatid. Patawad ho."Saad ko sa kanya at yumuko. Siya'y lumapit sa akin at bumulong. "May isang buwan ka pang magdesisyon, sulitin mo na ang oras mo rito." Saad niya at tumingin sa akin."Dahil ikaw ang alay." Ako'y nanginig sa kanyang sinabi. Walang salita ang lumabas sa aking bibig.

"Hindi ka lang inalay ngunit inakit mo pa ang Hudas. Ang sabi niya sa akin, ikaw ay kakaiba at ikaw rin ay nag-iiba sa lahatng kandidato." Paliwanag niya sa akin. "Ngunit nasa iyo pa rin ang desisyon, kung hindi mo tatanggapin ang alay niya o ang buhay ng mga kaibigan mo ang i-aalay."

"Binabantaan niyo ho po ba ang buhay ko?"Tanong ko sa kanya."Hindi, pero binabalaan na kita. Huwag kang magpadalos-dalos sa iyong desisyon."Saad niya. "Nasaan ho pala sila Yurika at Janine?"Nag-aalalang tanong ko sa kanya, tinapik niya ang aking balikat. "Nasa malayong lugar sila. Sa lugar na di mo kayang mapupuntahan. Simula palang ito Heleana."Saad niya, nakita kong dala-dala ng mga kasambahay ang mga kagamitan ni Binibining Miranda.

"Saan ho kayo pupunta?"Agad kong tanong sa kanya. "Pupunta ako sa aking kapatid, may ginawa siyang ikinagalit ni Hudas."Saad niya, kinamot niya naman ang kanyang ulo, tila'ymay gusto siyang sabihin sa akin. "Sino ho ba si Hudas?"Agad kong tanong niya. "Siya ay isang nakasusuklam na nilalang, at higit sa lahat ay wala siyang puso." Saad niya, may nakita akong kalesa sa labas.

"Narito na ang aking sundo,mag-iingat ka ha. Alagaan mo ang iyong sarili." Saad niya. Siya'y pumasok na sa kalesa. Aalis na sana ito ngunit tinawag niya ang aking pangalan."Heleana!" Agad naman akong napatingin sa kanya. "May bago ka nang kwarto, ang mga kasambahay na ang aalaga sa iyo, paalam!"Paalam niya at nagsimulang tumakbo na ang kalesa. Nang ako'y tumalikod nakita ko si Heros na dala-dala rin ang kanyang mga gamit.

"Pati ikaw ay aalis din?" Tanong ko sa kanya. "Babalik ako sa susunod na dalawang linggo."Saad niya. "Ako nalang mag-isa rito, di ko na alam anong gagawin ko kapag umatake ang mga halimaw."Mahinang sabi ko sa kanya dahilan nang siya'y matawa. "Mananatili naman ang nakababata kong kapatid."Saad niya, kami ay tumingin sa aming likuran." Kung siya ay mananatili rito, isama mo nalang siya."Saad ko sa kanya. Nakita ko naman ang matalim na pagtingin ni Asher sa akin.

"Kung tutuosin, aalis na sana ako...pero-"Inis na saad ni Asher. "Pero?"Agad ko namang tanong sa kanya. "May liligpitin lang ako na mga gamit."Saad niya. Ako'y nakadama ng dismaya sa kanyang sinabi. Nagpaalam kami kay Heros, ngayon kaming dalawa nalang ang natitira sa palasyo.

Iniwan ko naman agad siya at pumunta patungo sa aking kwarto. Iniligpit ko ang aking mga gamit dahil lilipat ulit ako ng bagong silid. Nang makarating ako sa silid ay ibinigay ng kasambahay sa akin ang susi. Ako'y pumasok, ang laki ng aking kwarto. Ako'y humiga sa aking higaan na sing lambot ng bulak. Nakarinig akong pagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa mo rito?"Agad na tanong ko sa kanya."Ako nga dapat magtanong saiyo niyan. Anong ginagawa mo sa bago kong silid?"Nagtatakang tanong niya naman sa akin. "Pati ba naman dito ay susundan mo ako? Nung ikaw ay nananatili sa aking silid ay binigyan ako ng bagong silid ni Madam Miranda. Kaya ito ang kwarto ko, ako ang nauna!"Saad niya. Hinawakan niya naman ang mga binti ko at hinila papalayo sa kama agad ko namang hinawakan ang kama. "Hindi mo ako maalis dito!"Sigaw ko sa kanya, pilit niya parin akong hinihila.

May kumatok sa aming pinto ngunit hindi namin ito binigyan ng pansin. Isinipa ko siya dahilan ng mahulog siya sa sahig. Ako'y napatawa sa kanyang reaksyon. "Nasa akin ang susi kaya sa akin itong silid."Sabi ko sa kanya at ipinakita ang susi ko na nakangiti. Ang kanyang mukha ay naging kulay pula na, dahil sa pikon na nadarama niya.

Agad naman niyang hinabol ako dahilan mapatumba kami sa isa't-isa sa sahig, nasa ibabaw ko na siya. Hinanap niya ang susi sa aking kamay. "Di mo makita?"Biro kong tanong sa kanya. Nagtinginan kami sa aming mga mata, agad ko naman siyang isinipa sa buong lakas ko dahilan mapasigaw siya dahil sa sakit. Ngayon ay nasa ibabaw na ako sa kanya. "Hindi ako magpapatalo sa isang tulad mo."Saad ko sa kanya at tumayo. Kinuha niya naman agad ang kamay ko dahilan mapatumba ako ulit sa sahig.

"Ano ba?!Di mo ba ako titgilan?!"Inis kong tanong sa kanya, ngayon ay natigilan siya sa kanyang paghahanap sa susi. Kami ay napatayo, "Akin itong kwarto, dahil sa akin ito ibinilin ni Madam Miranda!" Sigaw ko sa kanya.

Ang kanyang mukha ay puno ng galit at inis, siya'y umalis sa silid. Nang binuksan niya ito ay may mga guwardiya at kasambahay sa labas ng aming silid, sila'y nagtataka kung anong nangyari sa amin. Nakaramdam naman ako ng hiya at konsensya dahil sa aking ginawa.

Dapat ba akong humingi ng tawad sa kanya? May nagawa naman siyang kabutihan kahit papaano. Hahanapin ko nalang siya sa kanyang lumang kwarto.

Ako'y lumabas at lumakad patungo sa kanyang kwarto, ako'y kumatok. "Ash?"Pagtatawag ko sa kanya. Idinikit ko ang aking tenga sa pinto ngunit wala akong narinig na yapak patungo sa pinto o kahit anong uri ng ingay, tahimik lang ito. Malamang ay natutulog siguro siya. Umatras ako at tumungo nalang sa labas, nakita ko siya sa pasilyo papunta sa itaas.

Sinundan ko siya, di ko masisiguro kung siya ba talaga iyon at kung saan ako mapupunta, ngunit sinundan ko pa rin ito, umaasang tanggapin niya ang aking paghingi ng patawad.

Nasa itaas na kami sa palapag,pumunta siya sa balkonahe. Ako'y agad sumunod sa kanya, tinawag ko ang pangalan niya. "Ash!" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin ako'y tumakbo sa kanyang kinaruruonan, nakita kong tumalikod ito ngunit walang mukha at biglang naglaho. Ako'y napatingin sa aking paligid may tumulak sa akin.

"Tulong!"pagsisigaw ko, umaasa akong may darating na tulong ngunit gumabi na wala pa ring nakaririnig sa akin.

Ako'y tumakbo at naghanap ng daan pabalik sa palasyo. Ako'y nalilito na sa aking dinaraanan, parang bumabalik ako sa lugar kung saan ako nahulog kanina.