webnovel

ANG AKLAT NG TATLONG PANAHON

Itong storyang to ay kathang isip lang at walang intensyon mangaya at mang agaw ng gawa ng ideya ng iba..itoy tungkol sa isang binatilyo na may magulang sa hospital at itoy nakaratay lang at magkakaroon lang sya ng pag kakataon upang magising at magbalik sa normal ang kanyang ina sa mga bagay na nagkakaroon ng kinalaman sa kanya..

nosyahollit · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

#21 ANG AKLAT NG TATLONG PANAHON

IKAPITONG KABANATA

ANG PAG LIPAD NG AGILA

kinaumagahan,unang nagising si omar at nag bukas ng bintana,hmmmm sarap ng amoy ng hangin at maganda ang araw,sabay nag salita ng malakas makasama nga kay tito mangisda mamaya tagal ko na ring di nakapangisda dito sabay ngiti,,anong sasama? sasamahan nyo ako ni philip na bumalik sa bundok para kunin ang phone ko noh,ah ni Abbie na nasa mesa at nagkakape kasama sila tom,badong,paul,philip at tito at tita,,ano kanina pa kayo gising di nyo man lang ako ginising kayo talaga lagi nyo ako pinagkakaisahan babawian ko kayo bukas at nagtawanan lang ang mga kaibigan nya,mag almusal ka na omar ,para maaga kayo maka panhik sa bundok,,sila tom at paul naman ay sasama sa lawa para mangisda kasama si badong at tito mo,ah ng kanyang tita,at naupo na nga si omar at nag patuloy na ang almusal nila,nag kwentuhan at nag tawanan,ahh sya nga pala abbie san ka nanggaling nung nagkitakita tayo sa tapat ng school bago tayo pumunta dito tanong ni Tom,napansin ko kasi na hindi ka naman galing doon sa lugar kung san ka nakatira dagdag pa nito ahh yun ba ito yun oh sabay nag labas ng bagay si abbie mula sa bag nya,ano yan? tanong ni Paul, pagkain ng ibon

balak ko kasi dumaan sa isang kaibigan pag uwi natin may alagang ibon kasi yung anak non kaya bumili ako nito tugon ni Abbie, eh pwede ka naman bumuli pag dating doon ah,ah ni omar,deretso baba na kasi ako ng bus at deretso na ako sa kanila kaya wala na akong time para maghanap pa doon sagot ni Abbie,sabay tayo ang tito ni omar salamat sa almusal ma sabi nito magpapahangin na muna ako sa labas,mga bata sunod na agad kayo ha para maiayos na natin ang bangka,agahan natin baka sakaling makarami tayo ng huli,sige po sagot nila at dumaan ang ilang minuto ay nag pasya na ngang umalis sila omar phlip at abbie para kunin ang cellphone sa bundok,at ganon din sila paul at tom para sumama sa pangingisda naman,maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang panahon tahimik ang paligid at medyo may hamog lang ng konti na lalong nagpapaganda sa mga puno at damo sa mga gilid gilid, makalipas ang ilang minuto ay nasa palagitnaan na sila philip at nasa matarik silang parte ng bundok at ineenjoy ang malamig na hangin ng umaga,at sila paul naman sa lawa ay tuwang tuwa dahil nakakaranas silang makahuli ng isda sa unang pag kakataon,mayaya ay parang umaalog ng mabilis ang bangka nila paul at nag tataka silang apat at tinignan ni badong ang tubig ng maagi itoy parang animoy lumilindol ng mabilis at naaalog talaga ang bangka nila,at biglang may lilim na humarang sa bangka nila at napansin nila na gawa ito ng isang nilalang na lumilipad di nila maaninag ito dahil nga nakatapat sila sa araw at nakaharang lang ang nilalang na lumilipad na patungo sa kanila,sobrang bilis nito na kala moy eroplano at ng papalapit na ito ito sa kanila ay laking gulat ni tom at paul dahil itoy nakatingin sa kanila,ngunit ang biglaang pagtataka nila ay nilampasan lang sila nito,ano yon grabe anong klaseng halimaw yon,parang ganon yung mga napapanood ko sa tv ha,,parang ibon ng sinaunang panahon bakit may ganyan pa ngayon tanong ni badong ,at nagtitigan sila paul at tom,isa yung Pterodactyl at bakit nga ba meron dito sa lugar nyo yan tanong ni tom,hindi ko alam ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa buong buhay ko dagdag ng tito ni omar,habang papalayo ito ay hanggang tanaw na lang sila hanggan mawala ito sa paningin nila,at biglang o dyos ko sabay na pagkasabi nila tom at paul,mukhang papunta sa bundok yun kung saan papunta sila philip at nagkatingin ang apat,,tara bumalik muna tayo sa pangpang mamaya na natin ipagpatuloy ang pangingisda sabi ng tito.at dalian silang bumalik..Abbie akin na iabot mo sakin ang kamay mo ah ni Philip,,grabe kahapon di naman ako masyadong nahirapan sa pag akyat dito sa part na to ngayon parang ang hirap,at saka napagtanto ko na nakakalula pala dito haha sabay hakbang pataas at tapak ng bato ang kaliwang paa ni abbie" ngayon wala ka ng kawala philip at walang tutulong sayo dito sambit ng isang malaking boses at itoy paparating sa kanila at napatingin ang tatlo dito,,oh dyos ko ano yan tanong ni omar at nanglaki ang mga mata nito,at sa bilis ng nilalang na ito ay bigla nitong dadagitin si philip ngunit nakailag si philip,at bumaling agad ito ng lipad at dadagiting muli si philip,ngunit lakas loob si omar na batuhin ito at itoy natamaan nya sa ulo ngunit wala namang epekto at sa halip sya ay susoungin ng tuka nito,,nong sandaling yun ay tinamaan si omar ng tuka nito at sya ay tumilapon,,napatulo ang luha ni philip dahil di nya matulungan ang kaibigan habang tititignan sya na nasa ere ito dahil inaalalayan nya rin si abbie,sobrang hirap gumalaw sa parte ng bundok na yun konting mali lang ay laglag kana,at lamang na lamang ang lumilipad,,omaaàrrr pasigaw na pagkasabi ni philip ngunit bumaling uli ng lipad ang malaking nilalang pabalik sa kanila,ngunit bago pa man ito maatake si philip ay nadulas silang dalawa ni Abbie at nagpagulong gulong,habang nahuhulog sila nakikita nya pa nya si omar na mabagal ang pag bagsak dahil sa tumatama ito sa mga sanga ng mga puno na naka tubo sa gilid ng bangin ng bundok,maya maya parang nararamdaman ni Philip na nagbabagong anyo sya ngunit hindi isang lion oh cheeta,kundi isang napakalaking agila at dahil nga ngayon lang ito lumabas sa kanya at hindi nya pa gamay ang pag kontrol dito at patuloy pa din ang pag bagsak nya,sa mga sandaling yun ay sobrang laki ng pagtataka nya kung bakit nagkaroon sya ng abilidad ng agila,at naisip nya din ang cheeta na wala naman syang kaalam alam dito,at dumating na sila sa lugar kung saan wala ng puno at bumilis na ang pag bagsak nila, sa pag nanais ni philip na maligtas ang kaibigan ay binuka nya ang pakpak nya at pinilit nyang pumagaspas at tagumpay nyang nagawa ito at nilipad nya ng mabilis si omar sabay hawak ng mga paa nito sa katawan ng kaibigan,at sabay baling ng ulo nya para hanapin si Abbie ngunit di nya ito makita,at biglaang sumabit sila sa isang sanga dahil patuloy pa din ang pag bagsak nila sa kadahilanan di pa masyado kaya ni philip iangat ang kaibigan,at tumama ulit sila sa isang sanga papaba at niyakap na lang ni philip ng pakpak nya ang kaibigan nya,at tuluyan na nga silang bumagsak at lumapag sa kalupaan ngunit si philip ay isa ng tao nung mga sandaling yun,kapwa naman sila may malay ngunit di makatayo,at napaiyak si omar at si philip tol si Abbie tol di ko naligtas di ko na sya nakita habang bumabagsak tayo,ah ni philip sa kaibigan nya oo nga tol kawawa naman si Abbie nasaan kaya sya at pinilit tumayo ng dalawa at napaluhod sila dahil di pa nila kayang tumayo,,sabay biglang may bumagsak na sobrang lakas,,ngunit hindi ito si abbie kundi isang pterodactyl na umatake sa kanila at itoy nakatayo at nakatingin sa kanila..at nagsalita ito" ikaw pala ang tumutulong sa kanya" ngunit napansin ni omar at philip na hindi sila ang kausap nito,pero ang alam nila ay papalapit na ito sa kanila at handa ng lumusob uli sa kanila,at sa sandaling aatakihin na sila nito biglang may isang gumihit na liwanag na akala moy isang laser beam mula sa taas at parang lagpas pa sa taas ng ulap ang biglang tumama sa katawan ng Pterodactyl at nagkaroon ng isang malakas na dagungdong sa sa lugar na yun at tumalsik sila philip ay omar sa lakas ng pagtama,,maya maya ay tumayo ang magkaibigan at pilit nilang tinitignan ng maigi ang lugar kung nasaan ang pterodactyl dahil sa maalikabok at mausok na...at mga sandali lang ay luminaw na ang paligid at nakita nila na nakatayo pa din ang pterodactyl at meron din isang pang nilalang na nakatayo din sa harap nito..