webnovel

ANG AKLAT NG TATLONG PANAHON

Itong storyang to ay kathang isip lang at walang intensyon mangaya at mang agaw ng gawa ng ideya ng iba..itoy tungkol sa isang binatilyo na may magulang sa hospital at itoy nakaratay lang at magkakaroon lang sya ng pag kakataon upang magising at magbalik sa normal ang kanyang ina sa mga bagay na nagkakaroon ng kinalaman sa kanya..

nosyahollit · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

#12 ANG AKLAT NG TATLONG PANAHON

nakalipas ang halos kalahating oras at nakauwi na nga si philip,hay nako isang mahaba at kakaibang araw na naman at nangyari ngayon,sana naman bukas wala ng kung ano ano,bulong nito sa sarili. makapag luto na nga ng makakain at mamaya eh ako na ang papalit kay tita,habang nag nagluluto sya ay nag pasya syang maligo na din nang sa ganon ay ma doble nya ang galaw nya para wala syang masayang na oras,matapos ang ilang minuto ay lumabas na nga si philip sa banyo at pinatay ang sinaing,habang nagpupunas ng buhok ay naglalakad lakad sya sa kanilang bahay para na rin ma check nya yung mga gamit nila iniisip nya na baka manakawan sila dahil nga birihira na lang ito matauhan,ngunit wala namang kakaiba dito at ng dumaan sya sa kanyang kwarto at dahil nga nakabukas nito ay nilampasan nya na lang ito,inisip nya na baka nakalimutan lang ng kuya nya isara,,ngunit nung aktong makakalampas na sya sa harap ng pinto ng kwarto nya ay parang may nahagip ang kanyang mata,parang may naka tungtong na isang halimaw sa kanyang kama na pagkalakilaki mahaba ang nguso na parang tuka,at malapad ang pakpak at ng bigla nyang ibaling ang tingin nya sa kanyang kama ay wala naman ito,guniguni ko lang siguro yun bulong nito sa sarili..at pumasok sya sa kanyang kwarto at biglang nagulat sya na nandoon ang aklat sa kama nya,oh sabi ni kuya wala dito ang aklat na to,di lang ako siguro naintindihan non sabi nito sa sarili. nagpasya sya na umupo sa kanyang kama at tinignan nya ang aklat,laking gulat gulat nya ng buksan nya ang aklat dahil may naka guhit na sa unang pahina nito,ano to isang kwago? tanong sa sarili ok sana ang pagkakadrawing kaso walang kulay dagdag pa nito,sabay tingin sa ibang pahina ngunit blanko lang ang mga to,at ng umabot sya sa pang labing apat na pahina ay meron na namang naka drawing dito,ano naman to Isang lion? ang ganda ng pag kakaguhit at maganda ang pagkakakulay para syang buhay kung titigan mong maigi napaka detalyado, namamanghang sabi ni philip,at halos hindi nya matanggal ang kanyang mata sa nakadrawing na lion sa pang labing apat na pahina dahil nga sa sobrang ganda ng pagkakaguhit,sabay alog sa sariling ulo ahh ano ba yan parang nahipnotismo ako nito haha,natawa sya sa sarili at tinignan nya din ang pang labing limang pahina at laking gulat nya din,ano bang nangyayari sa aklat na to,unang tingin ko dito wala namang naka drawing sa mga to at ngayon dito sa huling pahina ay isang Rhino?? gulat na tanong sa sarili ni philip,,at bigla syang napaisip, hindi kaya yung mga nasasaksihan kong mga pangyayari na nakita ko yung mga hayop na yun ay nag rerehistro dito sa aklat na to? yung kwago nakita ko sya kaya napunta na rin sya dito,si sir leo sya ang rhino kaya nag rehistro din sya dito,pero itong lion na to,dito ako naguguluhan bakit may kulay to,samantalang yung drawing ng kwago ay wla naman,at yung drawing ng Rhino ay parang nagkakakulay na din,magandang araw kaibigan sabi ng isang boses sa sulok ng kwarto nya at gulat na napalingon si philip dito..oo ako ang kwago na nandyan sa aklat at ang guro mo ay ang rhinoceros na nandyan at ang lion naman ay ikaw na mismo yan napunta na sayo ang abilidad nito yung panahong nalapit kayo sa disgrasya ng kaibigan mong si Omar yan ang kapangyarihan ng aklat na sinasabi ko sayo na dapat ay gamitin mo sa magandang paraan,isang buwan na ang nakalipas ng makawala kami sa aklat na yan ng hindi namin alam ang kadahilanan,at natutuwa ako na sayo na isang mabuting tao napunta ang isa sa tatlong bahagi nito,ani ng kwago, ah ganon po ba naguguluhang tanong ni philip bakit po ba wala ang ibang nakadrawing dito sa aklat na to tanong ni philip sa mahiwagang kwago,makinig ka iho rumihistro kami dyan sa aming pahina dahil sa personal na nakita mo na kami,ah ng kwago.. ah ganon po ba eh bakit walang kulay ang kwago dito? tanong ni philip,nagrehistro lang naman ako dyan dahil nakita mo na ako ng personal at kaya walang kulay yan dahil hindi mo naman taglay ang kapangyarihan ng kwago dahil ito ay nasa akin,sagot ng kwago,..eh kaya pala may kulay tong lion dito dahil naangkin ko na ang kapangyarihan nito bukod sa nakita ko ng personal,tama ka philip sagot ng kwago,sabay tingin ulit sa aklat si philip eh itong Rhino po bakit parang medyo may kulay sya sabay tingin sa kwago ngunit naglaho na ito na parang bula,,asan na yun nakakabitin naman kausap yung ibon na yun sabi ni philip sa sarili..