webnovel

Love take risks

Part 18

....And Thanks to You, Gino

Nakapanungaw sa may bintana ng kwartong tinutuluyan niya si Jasmine. Napansin niya ang bulto ni Gino na nakaupo sa favorite spot nito sa may dalampasigan. As usual, nakatitig na naman ang binata sa harap ng dagat na para bang naghihintay sa paglubog ng araw.

"Pumayat siya..."

"I missed him...pero pag nilapitan ko siya, anong sasabihin ko?"

"Dapat ko pa ba siyang kausapin? Di ba tama lang na umiwas na ko...?"

Bigla siyang napakubli sa gilid ng bintana ng mapunang papaling ang ulo ni Gino sa gawi niya. Ang lakas ng tahip ng dibdib niya. Nakita kaya siya ni Gino?

Ang mommy ni Jasmine na nakatuon sa screen ng laptop nito, busy sa iniuwing trabaho ay napasulyap sa kanya. Inalis ang reading glasses sa mata at nakangiting nagtanong sa anak.

Mildred: Ba't ka nagtatago dyan sa may bintana? You looked nervous. (Medyo iniangat ang pagkakaupo sa may kama para mabistahan sa labas ang pinagkakaganun ng anak)

Jasmine: mom, no! (Pigil niya sa ina nang akma itong tatayo para sumilip sa labas ng bintana. Medyo napalakas ang boses niya at agad na tinakpan ang sariling bibig😂😂) Andyan sa may dalampasigan si Gino. (Mahina niyang sabi habang minumustra ang dalampasigan ng kamay)

Mildred: (napangiti) eh ano kung andyan siya? Bakit hindi mo puntahan?Mag-usap kayo.

Jasmine: (dahan-dahang lumapit sa kama na akala mo masisilip siya ni Gino! Hahaha. Naupo siya paharap sa ina) Dapat ko pa ba siyang kausapin? Hindi ba tama lang na iwasan ko na siya para masanay ako na wala siya sa tabi ko.Para...(parang may bikig ang lalamunan niya ng muli nagsalita) para pag umalis na siya, hindi na ko masyadong masasaktan kasi nasanay na ko na hindi siya nakakasama. Hindi ko na siya masyadong mami-miss?

Mildred: kaya..? Paano kung sa pag-alis niya, mas lalo kang masaktan kasi may panghihinayang at pagsisisi kang mararamdaman?

Hindi nagsalita si Jasmine. Iniiwas ang tingin sa ina.

Mildred: Ano ba ang mas gusto mo yung umalis si Gino na hindi kayo nagpaalamanan? Na parang hindi kayo nagkakilala at naging magkaibigan. O yung aalis siya na baon yung mga ala-ala na magkasama kayo? Aalis siyang masaya kasi kahit sa huling sandali ng kanyang buhay, hindi mo siya iniwan.

Tahimik pa rin si Jasmine. Parang isinasapuso ang mga sinasabi ng ina. Ginagap ni Mildred ang palad ng anak.

Mildred: Alam mo, anak, nung mawala si Loida at nag-aral sa abroad, nagdalawang-isip ako kung lalayo na lang ba ako sa daddy mo o ilalaban ko yung pag-ibig ko sa kanya? Tapos, sabi ko, baka may chance na maging kami. So inilaban ko...

Jasmine: and look what happened? Nagkahiwalay kayo..

Mildred: (nginitian ang anak) at least, nasagot yung mga tanong ko.

Jasmine: like....?

Mildred: na hindi talaga ako ang true love ng daddy mo! (Medyo natawa)

Jasmine: nagagawa mo ng tawanan ang nangyari sa inyo ni daddy, my.

Mildred: that's acceptance, anak. Tingnan mo, kung hindi ko inilaban yung feelings ko sa daddy mo, e de, sana wala akong Jasmine na anak ngayon. And besides, my relationship with your dad was not bad at all. Mabait naman ang daddy mo, maalaga, mapagmahal...yun nga lang di umabot sa pagmamahal na nais ko. Jas, pag binabalikan ko yung mga nangyari sa amin, naiisip ko, buti na lang talaga inilaban ko yung pag-ibig ko sa dad mo kasi kahit anuman ang kinahitnan, wala akong paghihinayang o pagsisisi kasi lumaban naman ako. Ginawa ko naman yung sa tingin ko na dapat at tama. kung at the end, talo pa rin ako. At least natalo ako na lumalaban. Walang what ifs na naka-hang sa utak ko. At saka may mga happy memories kami ng dad mo na nagpapangiti sa akin pag nami-miss ko siya.

Jasmine: kuntento ka na sa memories lang, my.

Mildred: minsan kailangan maging kuntento ng isang tao sa kung ano lang ang meron siya para maging mas masaya siya. Yung totoong masaya. Kesa naman kasama nga natin ang daddy mo sa bahay pero yung puso at isip naman niya ay nasa ibang ibayo. So better to set him free... Sa dalawang taong nagmamahalan lagi meron kailangan magsakripisyo.

Jasmine: kaya hindi totoong may forever kasi lagi may isang magsasakripisyo?

Mildred: no. May forever anak. Akala mo ba yung nga couples na masaya at magkasama pa rin hanggang ngayon ay hindi sila nagsasakripisyo? May sarili silang kwento at sariling sakripisyo sila na di natin alam pero ginagawa nila para mapanatiling magkasama sila ng partners nila hanggang forever and a day. It's a choice, anak. You chose your own happiness. Pipiliin mo kung mananatili ka pa ba sa tabi niya o you want out? Ganun rin yan sa case nyo ni Gino, ano ba ang mas pinipili mo: yung maalala niya na iniwan mo siya sa ere o yung dinamayan mo siya hanggang sa huli?

Napaluha si Jasmine sa huling tinuran ng ina. Agad niyang niyakap ang ina.

Jasmine: thanks, mom. I'm glad you're here beside me at my lowest point in life. I love you, mommy!

Mildred: (hinaplos ang buhok ng anak. Hinalikan ito sa noo) and i love you too, baby...

_____________________________

Nakaupo sa may wooden-wheel-bench si Gino, tinitipa-tipa ang strings ng gitara, pero halata namang lipad ang isip. Napangiti si Jasmine.

"Iniisip rin kaya ako ng kumag!"

Gusto na niyang sugurin ng yakap si Gino. Miss na miss na niya ang lalaking mukhang ibinabadbad sa suka ng dalawang linggo😂😂. Pero nagpigil siya. Gusto pa niyang pagmasdan ang mukha nito. Hindi pa rin siya pansin ng binata. Lipad talaga ang isip! Dahan-dahan at patingkayad na lumapit siya sa likuran ni Gino. Natatawang inaamoy niya ang likod nito.

"Ambango! Yakapin ko na kaya ito!😂😂😂"

Pero hindi niya ginawa ang nasa isip. Sa halip ay itinakip niya ang mga palad sa mga mata nito. Hindi agad nagsalita si Gino, siguro kinikilala nito ang may-ari ng mga kamay na nakatakip sa mata o tulala pa rin ang mokong kaya NR. Ibinaba nito sa tabi ang hawak na gitara. Maya-maya ay nagsalita na ito.

Gino: Jasmine, put your hands down.

Jasmine: (inalis ang mga kamay at nakalabing humarap kay Gino) how would you know that's me?

Gino: your scent, the softness of your hands and the childish act... Walang duda ikaw yan! (Bakit seryoso ang mukha ng mokong. Hindi naman mukhang masungit pero hindi nakangiti. Plain)

Jasmine: wow! Childish raw yung ginawa ko?! KJ ka lang. (Irap niya)

Gino: ako, killjoy?

Jasmine: hindi! Kulang sa Jeps! Pumupuh ka nga nang di ka nagsusungit!

Ang lakas ng tawa ni Gino! Ito talaga ang na-miss niya kay Jasmine, yung pagkaalaskador na parang bata!

Gino: baliw! ( ginulo niya ng bahagya ang buhok ni Jasmine sa bandang taas)

Jasmine: na-miss mo ko 'no?

Gino: (tinitigan si Jasmine na parang ang sagot ay oo) so-so (bahagyang iginalaw-galaw ang kamay, yung tipong "okay lang"ang sagot sa tanong ni Jasmine)

Jasmine: anong so-so?

Gino: sometimes oo, sometimes hindi!

Jasmine: ah, sumu-soso ka na ngayon ah! Bastos mo! (Nilagyan niya ng double meaning yung "soso" ni Gino! Hahaha)

Gino: sira ka talaga! (Naiiling na natatawa) eh ako, na-miss mo?

Jasmine: so-so?

Gino: gaya-gaya!

Jasmine: hindi ah! Yung so-so ko, sobrang Miss at sobra pa sa sobra!

Gino: so, it's a so-so-so!

Nagkatawanan sila! So much with that soso. Serious talk muna.

Jasmine: so kumusta ka na?

Gino: heto, hinihintay ko na lang oras ko.

Jasmine: halika, sirain natin yung orasan sa langit!

Gino: mapapagod lang ako umakyat, masyadong malayo yung langit. Hamo na, tanggap ko na naman. (They were joking but the truth is, nasasaktan yung mga puso nila)

Jasmine: ako, di ko pa matanggap eh. Hindi pa nga kita napapasagot, iiwan mo na agad ako.

Gino: ikaw talaga, naipasok mo pa yan.

Jasmine: kailangan eh. Gusto talaga kitang maging boyfriend. Kasi pag naging girlfriend mo na ako, may license na akong dalawin ka araw-araw, na puwede na kitang alagaan at pagalitan pag matigas ang ulo mo. Gusto kong maging personal nurse mo. Gusto ko laging nasa tabi mo... Kasi, kapag mahal mo ang isang tao, ayaw mo siyang mawalay sa yo. At mahal kita, Gino.

Gino: Jasmine, wag ako please. Masasaktan lang kita.

Jasmine: sa tingin mo ba, naging masaya ako nung mga araw na lumayo ako sa yo? Na hindi ako nasaktan? Ang totoo, Sinaktan ko lang sarili ko nun at siguro, pati ikaw nasaktan ko sa ginawa kong pag-iwas.

Ibinaling ni Gino ang tingin sa ibang direksyon. Ginagap ni Jasmine ang kamay ni Gino.

Jasmine: Gino, please let me love you. Kahit saglit lang. Kahit sandali lang. (Nakikiusap hindi lang ang tinig ni Jasmine kundi pati hitsura nito.) Oo, masasaktan ako pag iniwan mo ko pero hindi ba mas masakit kung iiwan mo ko na di man lang natupad yung wish ko. Wish kong maging girlfriend mo eh. (Pinasaya niya ang tinig sa huling sinabi. Ayaw niyang maging mabigat pa ang sitwasyon)

Gino: Jas, hindi ko alam kung anong gagawin ko dyan sa katigasan ng ulo mo?

Jasmine: tanggapin mo kasi yung puso ko para lumambot.

Gino: walang sisihan?!

Jasmine: (nakasilip ng pag-asa) walang sisihan. Promise. (Itinaas pa ang kanang kamay)

Gino: (huminga ng malalim) okay, sinasagot na kita!

Jasmine: h-ha (parang biglang nabingi) Anong sabi mo?

Gino: wala. Sabi ko, maglinis ka ng tenga! (Nakatawa)

Jasmine: nakakainis ka! Ano ngang sabi mo? (Pangungulit niya. Para kasing sabi sinasagot na siya pero baka imagination niya lang yun!)

Gino: (kinabig si Jasmine) sabi ko, oo. Tayo na!

Jasmine: (napatayo bigla at napatingala sa langit)oh my God! Miracles do happen! Thank you, Lord! (Sabay, harap kay Gino) wala ng bawian, ha. Girlfriend mo na ko!

Nagulat si Gino nang i-kiss siya ni Jasmine sa lips.

Jasmine: (pilya ang ngiti) siyempre, i sealed it with a kiss!

Gino: (inakbayan si Jasmine) i'm so happy. Pero natatakot akong masaktan kita, Jas. (Hindi maikubli ang takot sa mukha nito)

Jasmine: (inilagay ang isang daliri sa labi ni Gino) ssshh, okay na, Gino. Wag na muna tayong mag-isip. Let just enjoy the moment. (Humilig siya sa dibdib ng binata)

May takot rin siyang nararamdaman kagaya ng nobyo. But she's willing to take the risk. Hindi na baleng masaktan. Sabi nga ng mommy niya: at least nasaktan siya na lumalaban. Mas maige na yun kesa sa wala siyang ginawa...😭😭😭

Abangan...

Enjoy reading. God bless