webnovel

Love conquers all

Part 20

....And Thanks to you, Gino

Naalimpungatan si Gino sa tunog na naghihilik. Pipisap-pisap pa mga mata niya sa antok nang ang katabing si Jasmine ang maulinagan niya na siyang naghihilik. Naisipan nga pala nilang magtayo ng tent sa gitna ng garden ng mommy niya. Natatawang bumangon, pinanood at pinakinggan ang paghihilik ng dalaga. Kinuha niya ang cp na nasa bulsa at ewan kung ano ang pumasok sa kukote niya at vinedeo niya ang paghihilik ni Jasmine.

"Ang ganda talaga niya kahit natutulog. Kahit nag-i-snore pa siya"

Ang ngiti niya ay unti-unting nawala nang mapagmasdan maigi ang mukha ng dalaga. May lungkot siyang naramdaman. Few months from now, magkakahiwalay na sila ng nobya. At nasasaktan siya sa isiping iiwan niya itong nasasaktan at nagdadalamhati sa pagkawala niya. Napabuntunghininga si Gino, itinigil ang pagbi-video sa nobya at hinagod ng mga palad ang buhok ni Jasmine habang titig na titig sa mukha nito.

" Wag kang luluha pag nawala ako, hon. Gusto ko yung maingay, magulo at masayahing Jasmine na kilala ko ang makita ko sa aking paglisan. Mahal na mahal kita."

Hinalikan niya sa bandang noo ang natutulog na nobya. At saka muli itong tinabihan sa pagtulog. Niyakap niya ang nobya at nagulat siya ng gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Inakala niyang nagising ang nobya subalit ng tingnan niya ang mukha nito ay nakapikit pa rin at tila himbing na himbing sa pagkakatulog.

___________________________

Amoy ng inihaw na barbeque ang nagpagising kay Jasmine. Biglang nakaramdam siya ng gutom. Nang lumabas siya ng tent, Nakita niyang masayang nag-iihaw ng barbeque at hotdog ang mommy niya at mommy ni Gino. Si tito Wil naman at Gino ay nasa garden set, naglalaro ng chess ang mag-ama. Napangiti si Jasmine. Nagulat siya ng mahagip ng mga mata si Lola Andrea at Sophia na naglalagay ng pagkain sa mahabang mesa na marahil ay inilagay roon noong natutulog pa siya. Maging si Manang Chaling at Ka Idro ay naroon rin, magkatulong ang dalawa sa paghahalo ng ube sa nakasalang na kawali.

"What a great morning! Gigising kang mga mahal mo sa buhay ang magigisnan mo."

Jasmine: good morning, everyone. Fiesta ba ngayon dito sa Batangas?

Agad na tumayo si Gino, pagkarinig sa boses ng nobya. Lumapit ito kay Jasmine at hinalikan sa pisngi.

Gino: good morning hon. Ang sarap ng tulog mo kagabi. Naghihilik ka pa.

Jasmine: (kuntodo tanggi) excuse me, hindi po ako naghihilik!

Gino: (dinukot ang cp sa bulsa) may ebidensya ako eh.

Ipinakita niya ang video sa nobya at natawa siya ng nagtitili si Jasmine.😂😂 Napatingin tuloy sa kanila ang lahat.

Jasmine: eeeh! Edited yan! Hindi ako yan!

Gino: (tawang-tawa) anong edited? Everyone ( tawag niya sa mga naroon), tingnan nyo nga kung si Jasmine tong nasa video!

Agad na itinigil ng mga naroon ang mga ginagawa at lumapit sa kanila. Kinuha ni mildred ang cp ni Gino at natatawang pinanood ang paghihilik ng anak.

Mildred: that was you, Jas! Naghihilik ka talaga pag natutulog!

Manang Chaling: yuck, turn off!

Tawanan sila sa sinabi ni manang chaling. Pulang-pula si Jasmine.

Gino: anong turn-off, cute nga eh. (Pagsasalo niya sa pagka-embarass ni Jasmine)

Jasmine: beh, turn on raw, manang! ( pang-aasar niya kay manang chaling)

Ka Idro: ok lang yan, Jas. Si manang mo nga pag natutulog, utot ng utot!

Manang Chaling: (hinampas si ka idro) anong utot ng utot? Kabag lang yun, oy!

Ganun rin! Hahaha Tawanan sila.

Lola Andrea: susme, ano ba yan? Di pa tayo nag-aalmusal ay utot na agad ang pinag-uusapan.

Nag-peace sign si Ka Idro.

Will: mukhang okay na naman ang lahat, halina na kayo at masimulan na ang mga inihanda ninyo.

Isa-isang lumapit sa hapag-kainan ang lahat. Nasa hulihan sila ni Gino.

Jasmine: anong meron? Bakit parang may fiesta?

Gino: ngayon lang ulit kasi nagkasama si mommy mo at mga parents ko kaya parang reunion nila ito. At saka parang family get together na rin.

Jasmine: ah, akala ko, namamanhikan na kayo sa akin. (Biro niya)

Gino: (natawa) pamamanhikan, eh nasa resort namin kayo.

Jasmine: sabi ko nga! 😜😛

Naglagay siya ng dalawang barbeque,chicken gordon blue at chopsuey sa plate niya. Good for two ang laman ng plate niya, magsi-share sila ni Gino sa plate para sweet.😊 Sa may tent na sila pumuwesto para kumain.

Gino: mamaya, gawin natin yung to-do-list together natin. (Sabi habang sinusubuan niya ng chicken gordon bleu)

Jasmine: alin dun? (tanong niya sa pagitan ng pagnguya)

Gino: yung aakyat tayo sa hagdan together pero nakaangkas ka sa likod ko.

Jasmine: (medyo natigilan) kaya mo ba?

Gino: (pinasaya ang tinig) oo naman! Kaya nga kumakain ng marami para may energy! ( ngumanga, nagpapasubo ng kanin at chopsuey sa nobya)

Jasmine: bukas na lang kaya. (Alanganing sabi ni Jasmine. May kabigatan siya, baka di siya kayanin ni Gino)

Gino: wala ka yatang bilib sa boyfriend mo eh? (Kunyari ay nagtatampo ang tono)

Jasmine: (natawa) ang arte! Siya, ubusin mo lahat ito, at baka makuba ka sa bigat ko! (Sinubuan niya pa ulit si Gino kahit may laman pa ang bibig nito)

Gino: (pinisil ang ilong niya) pag ako nabilaukan, madadali yung four months ko! (Biro niya)

Pero di natawa si Jasmine.

Jasmine: wag mo ngang ginagawang biro yang taning mo! Si God lang makakapagsabi kung hanggang kelan ba tayo mabubuhay dito sa mundo! (Inis na sabi niya)

Gino: (kiniliti siya sa tagiliran) sungit naman ng honey ko.

Hindi siya nag-react.

Gino: sorry na. Mag-aaway ba tayo sa harap ng food?

Jasmine: ayoko ng maririnig yang four months-four months na yan!

Gino: hindi na. Promise. (Itinaas ang kanang kamay)

Jasmine: (napangiti na) teka lang, kukuha ako ng maiinom natin

Gino: (pinigilan ang nobya) ako na. Hindi naman ako imbalido. (Nakangiting biro niya sa nobya)

Hindi na kumontra si Jasmine. Habang palayo si Gino para kumuha ng drinks niya, di niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Napapansin niya ang pagkahulog ng katawan nito. Ang dating maputlang kulay nito ay mas pumutla pa. Bagamat pinipilit ni Gino na maging masaya kapag kasama siya, hindi naliligid sa kanya ang pagtatago nito sa sakit na nararamdaman sa tuwing aatakehin ng sakit ng ulo.

"God, wag nyo muna po siyang kukunin..."

_____________________

Kanina pa nakayuko si Gino, hinihintay ang pagsampa ni Jasmine sa likod niya pero parang di naman gumagalaw ang katipan. Nilingon niya ito.

Gino: ba't di ka pa umangkas?

Jasmine: (nakatingin sa hagdan nina Gino) hon, may kataasan rin yang hagdan nyo. Mabigat pa ako. Baka di mo ko kayanin.

Gino: kaya nga kita. Strong ang boyfriend mo, kaya, hala, angkas na. (Pomormang yuyuko ulit para makasampa na siya)

Jasmine: kakakain lang natin. Baka tayo atayin. (Pagdadahilan niya)

Gino: (nagtatampo na talaga ang hitsura) you don't trust me, do you?

Jasmine: of course, i do trust you! At saka seksi naman ako kaya kayang-kaya mo akong buhatin. (Pilit niyang pinasaya ang boses. Ayaw niyang magtampo ang nobyo)

Nang umangkas siya sa likod ni Gino, medyo gumewang pa ito.

Gino: (natatawa) ang dami mo siguro nakain, ang bigat mo, hon.

Jasmine: bababa na lang ako. (Nasa tono ang pag-aalala)

Gino: no! Kapit ka ng mahigpit. Ipikit mo yung mga mata mo, kunyari nagma-mountain climbing tayo.

Jasmine: kailangan pa ba nakapikit?

Gino: oo. Use your imagination... Magkasama tayong umaakyat sa bundok....hawak kamay...

Awtomatikong napapikit si Jasmine. Isinasaisip ang sinasabi ng nobyo. Naramdaman niyang umaakyat na sila pataas ng hagdan. Ngunit ang isinasaisip ay yung magkasabay silang nagma-mountain climbing. May mga harness sila sa likod at bewang katulad ng nasa pelikulang cliffhanger.

Napamulat siya ng maramdaman niyang tila matutumba sila. Agad rumagasa ang pag-aalala sa nobyo.

Gino: close your eyes! (Utos ni Gino, nahulaan yata na napamulat siya.) tapos, medyo madudulas tayo sa bato kaya gegewang tayo... Pero dahil magkasama tayo, muli tayong aakyat pataas. Hindi tayo titigil sa pag-akyat hanggang maabot natin ang tuktok ng bundok.

Dire-diretso ang pag-akyat nila. May pagkakataon na mararamdaman niyang napapatigil si Gino pero sa tuwing mag-a-attempt siyang mumulat ay muli itong hahakbang pataas. Hanggang may marinig siya na tila may binuksan itong pinto. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Naramdaman niyang ibinaba siya nito sa kama. Nang magmulat siya ng mata ay ang nakangiting mukha ni Gino ang unang nasilayan niya. Pero hindi maikakaila na napagod ito sa pag-angkas niya sa likod nito.

Jasmine: (bumangon siya at hinaplos ang mukha ng nobyo) are you okay?

Gino: (hinagip ang kamay niyang humaplos) oo naman. Masaya ako na may isa na naman akong na-accomplished sa to-do list together natin. Nakakapagod but i feel fulfilled. Mas masaya siguro kung sa totoong mountain tayo umakyat. (May dumaang lungkot sa mga mata nito)

Jasmine: hindi naman importante kung sa hagdan lang ba o mountain yung inakyat natin. Ang importante magkasama nating narating yung dulo. And you made it! Ang strong nga pala ng honey ko. (Pinasaya niya ang boses. Kahit ang totoo, naiiyak siya. Ramdam niya na nahirapan sa pagbuhat sa kanya ang nobyo. Nakikita niya ang pagod sa bawat paghinga nito. Pinipilit lang nitong maging okay ang hitsura)

Gino: siyempre, strong talaga ito. (Ipinakita pa ang muscles sa braso kahit wala namang umalsa. Natawa tuloy ito.)

Humiga sa kama si Gino.

Gino: but to be honest, napagod talaga ako. Ang bigat mo kasi, dami-dami mo sigurong kinain kanina. (Pagbibiro nito na nakapikit)

Jasmine: gusto mo bang matulog?

Tumango si Gino. Nakapikit pa rin.

Jasmine: sige, sleep ka na muna. Puntahan ko lang sina mommy sa baba.

Gino: (nagmulat ng mga mata at pinigilan ang kamay niya) wag. Dito ka lang. Samahan mo ko. Kahit di ka inaantok. Tabihan mo pa rin ako. Gusto kong nakayakap ka sa akin hanggang sa makatulog ako.

Jasmine: sus, naglalambing ang honey ko. Sige na nga, tabihan kita. (Humiga at yumakap siya rito) Pero pag nakatulog ako, wag mo akong sisihin kung maghilik ulit ako. And please, wag mo ng i-video, ha.

Natawa si Gino. Hinalikan siya sa noo at mahigpit na siyang niyakap habang nakapikit.

Pinagmasdan niya ang mukha ni Gino habang nakapikit ito.

"Kahit pumayat at mas pumutla ka, gwapo ka pa rin"

"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa akin dito sa Batangas"

"Mahal na mahal kita"

May nalaglag na luha sa mga mata niya pero agad rin niyang pinalis. Baka magising si Gino. Hindi nito dapat makita na pinanghihinaan siya ng loob. Kailangan niyang maging malakas at matatag para sa nobyo. Naniniwala siya na malalampasan nila ang malaking pagsubok na ito sa relasyon nila. God is good....

Abangan

Happy Reading. God bless