webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 9

Maya-maya pa ay lumitaw na ang totoong at kabuuang itsura ng miniature house artifact. Napakalaki ng bahay na ito. Medyo malaki ito sa karaniwang bahay. Kulay pula ang animo'y dugo ang pintura ng bahay. Nilibot ni Van Grego ang kabuuang parte ng bahay. Nakita niya ang malawak na bakuran na kung hindi siya nagkakamali ay pwede itong paglagyan ng mga Martial Beasts na pwedeng palakihin. Nakikita niya ang mayamang enerhiya na nakapilibot sa bakuran. Maya-maya pa nakita isang sulok katabi ng malawak na bakuran ang animoy malalim at malawak na sapa na para sa mga Water-Type Martial Beasts. Palaisipan pa rin ito kay Van Grego dahil sa lawak ng bakuran maging ng bahay ay kumasya ito sa maliit na plateau na kinaroroonan nito.

"Kahanga-hanga pala ang Miniature House Artifact na ito. Hindi ko aakalaing kusang ibibigay lamang ito ni Binibining Mystica sa akin. Paano pa kaya kung mas malaking House  Artifact ang aking matamo?!" Sambit ni Van Grego sa malakas na boses. Halatang namangha ito sa Artifact na ito. Bilang bata, pangarap niyang magkaroon ng malaking bahay upang gawing tirahan ng mga Martial Beasts na kanyang aalagaan.

"Hmmp! Isang ignoranteng bata, napakaliit lamang na bagay ang mga ito. Kumpara sa totoo at kamangha-manghang mga artifact ay walang binatbat ito sa Myriad Painting at Myriad Maze na isang napakaespesyal na artifact na pinag-aagawan ng mga makapangyarihang mga Martial Artists. Pero sa lagay mong yan, tanging ordinaryong miniature house artifact lamang ang maaari mong makontrol. Naiintindihan mo ba bata?!" Sambit ni Master Vulcarian sa tonong pagmamalaki halatang hindi niya nilalagay ang Miniature House Artifact sa kanyang mata.

"Opo, tatandaan ko po ito Master!" Sambit ni Van Grego sa magalang na boses. Halatang isinaloob niya ang mga sinabi ni Master Vulcarian. Tunay ngang malawak ang mundo at walang imposible sa mundong ito. Para kay Van Grego, isa lamang siyang isang patak sa malawak na karagatan.

Agad na pinagpatuloy ni Van Grego ang kanyang paglibot sa loob ng Miniature House Artifact na ito. Makikita ang pagkamangha sa kanyang mata lalo na ng makita niya ang medicinal garden na Punong-puno ng mga origin energy ng heaven and earth. kahut walang tanim ang medicinal garden ay angkop itong lalagyan para sa kanyang mga makokolektang medicinal plants o herbs.makikita na animo'y isang restaurant ito o kaya ay isang mini-cafe. Dalawang malawak na kwarto lamang ang  naririto at isang magarang kitchen area at may anim na maliliit na lamesa sa harapan ng kitchen ngunit nakapagitan sa kanila ang pintuan ng kitchen area. Ang mga lamesa, upuan ay naka-fix position na ang mga ito at hindi pwedeng i-customize. Tama lamang ito para kay Van Grego dahil organisado at maaliwalas naman ang ambiance ng bahay na ito at may nakapagandang landscape at simpleng disenyo ito.

Nagustuhan ni Van Grego ang mini-house arifact na ito. Ngunit biglang nagsalita si Master Vulcarian.

Kailangan mo batang humanap ng mga sangkap upang maging sahog sa iyong lulutuin. Sa ngayon ay magiging Martial Chef ka muna para tumibay ang pundasyon mo sa Alchemy. Hindi basta-bastang propesyon ang maging Martial Chef dahil konting pagkakamali mo lamang sa mga paglalagay at paghahalo ng mga sangkap ay siguradong mahihirapan ka at maraming sangkap ang masasayang. Ngayon ay dapat maghanap ka na ng mga sangkap na gagamitin mo maging ng mga karne ng mga Martial Beasts.

Ngunit tandaan mo din na maraming gumagala sa loob ng gubat lalo na ang mga taong may special bloodline ng mga Martial Bat Beasts maging ng mga Martial Wolf Beast Bloodline at iba pa. Kung kailangan mo ako ay dapat ibigay mo sakin ang 90% na nakuha mo. That's a win-win situation diba?!" Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego sa pamamagitan ng mindlink.

Nang marinig ni Van Grego ang sinabi ni Master Vulcarian ay halos lumuwa ang pares ng mata niya.

"90%? Masyado ka yatang abusado master. Kung 50% ay pwede pa pero 90% ay halos wala ng natira sakin niyan eh." Sambit ni Van Grego na halos nanghihimutok.

"Hmmm... 75% ang huli kong tawad. Kung mamamatay ka man ay sisihin mo ang iyong masamang kapalaran. Hindi ko problema iyon, pasalamat ka at ililigtas pa kita para sa mga pipitsuging kayamanan na makukuha mo. Oh diba ang bait ko!" Sambit ni Master Vulcarian sa anyong pabalang at pagmamayabang.

"Oo na nga, Deal!" Sambit ni Van Grego matapos niyang maanalisa ang mga bagay-bagay dahil alam niyang lahat ng tulong ay may kaakibat na kabayaran. Sa mundong ito ay walang libre. Lakas ang kailangan niya ngayon para maabot niya ang tuktok ng Martial Arts.

"Deal! Walang bawian hehehe." sambit ni Master Vulcarian na animo'y nakangisi ng malapad.

Agad na naglakbay si Van Grego papunta sa loob ng kagubatan. Pagpasok niya pa lamang sa loob ng kagubatan ay tahimik niyang binabaybay ang kanyang nilalakaran. Wala na rin siyang movement technique pero dahil mayroon siyang attainments sa space and time ay kaya niyang i-maintain ang katahimikan sa paligid niya. Ang kanyang awra ay ikinubli niya rin upang maiwasan ang maaaring umatakeng nilalang sa kanya.

Sa paglalakad niya sa loob ng kagubatan ay mayroon siyang mga nakuhang mga medicinal herbs, grass at mga medicinal fruits. Masasabing hindi matataas na kalidad ang mga ito para sa mga Martial General Realm pataas pero sa may mababang Cultivation Level ay napakalaking tulong nito sa kanila katulad ni Van Grego. Sa paghahanap niya ay wala siyang nakasagupang anumang nilalang ngunit hanggang kailan ang kaniyang suwerte?

Ngayon ay nasa mabatong lugar si Van Grego na kung saan ay nakita niya ang isang medicinal herbs na may mataas na medicinal efficacy para sa mga Martial Artists partikular na rito ang isang Martial Lord Realm. Kapag nakita ng mga Martial Lord Realm Experts ang medicinal na herb na kung tawagin ay Twin Violet Lotus ay siguradong pag-aagawan nila ito. Hindi maipagkakailang kayang pataasin ng Twin Violet Lotus ang Cultivation Level ng isang Martial Artists dahil sa mayamang essence nito.

Agad na pinuntahan ni Van Grego ang kinaroroonan ng Twin Violet Lotus. Nakikita ni Van Grego ang aktuwal na itsura ng medicinal herbs na ito ngunit bigla na lamang siyang hinablot ng isang malaking kamay ng isang halimaw.

ROARRRRRRRR!!!!

Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid. Bago pa tumama ang nagtatalimang kuko ng halimaw sa likod ni Van Grego ay agad niyang iniliko ang kaniyang katawan upang maiwasan ito na siyang ikinatagumpay ni Van Grego. Gamit ang kaunting kaalaman ng Space and time ay umatras siya ng ilang milya mula sa kinaroroonan ng halimaw.

"Isang Guardian Beast!" Sambit ni Van Grego habang nakikita ang isang halimaw na may maitim na balahibo sa buong katawan. Mayroon itong mahahaba at matatalim na mga kuko at isang pares ng mata.

"Intersante, hindi ko aakalaing mayroong One-Eyed Black Wolf dito. Pwede mo itong dalhin Van Grego dahil isa itong Medicinal Guardian Beasts. Kahit na mabangis ito ay medicinal lover ito na mahilig mangalaga sa mga medicinal herbs. Kung mahuhuli at lalakas ito ay siguradong mapapalakas nito ang medicinal efficacy ng mga halaman na iyong ilalagay sa iyong medicinal garden. Napakasuwerte mo, dahil natutuwa ako ngayon ay susubukan kong i-unlock ang isang Interstellar Dimension mo." Sambit ni Master Vulcarian sa kasuwal na boses. Halatang natutuwa siya dahil minsan lang magkaroon ng pagkakataon na makahanap ng One-eyed Black Wolf. Napakalaking paghihinayang ito kung patatakasin ito o papatayin. Sa kalkulasyon niya ay mahirap hanapin ang Martial Beasts na ito dahil watak-watak ang ganitong uri ng halimaw.

"Oh, may ganitong klaseng halimaw? Isa pala itong espesyal na Guardian Beasts ito. Kung gayon ay pumapayag ako." Sambit ni Van Grego.

Maya-maya pa ay biglang nakita ni Van Grego ang naka-unlock na Interstellar Dimension. Isa itong parisukat na maliit na kahon.

Pasugod na ang halimaw sa harap ni Van Grego ngunit hindi siya nabahala. Agad niyang in-activate ang Interstellar Dimension.   Agad na lumitaw ang isang Dimension sa harapan ni Van Grego na siyang ikinagulat ng One-eyed Black Wolf ngunit huli na dahil bigla na lamang siyang pumasok sa loob ng Interstellar Dimension at nawala na parang bula. Agad na isinara ni Van Grego ang Interstellar Dimension.

"Hooo! Muntikan na ko dun ah..." Sambit ni Van Grego sa kanyang sarili habang nagpakawala ng hangin sa kanyang bibig.

Agad na naglakad si Van Grego sa batuhan at kinuha ang Twin Violet Lotus. Tinawag itong twin Violet Lotus dahil sa dalawang magkadikit na lotuses ito na kulay ube.

Nagpatuloy si Van Grego sa kaniyang paglalakbay upang maghanap ng sangkap. Kapag may nakita siyang mga medicinal herbs ay kinukuha niya ito at kinokolekta sa kanyang Interstellar Dimension. Hindi na din siya nangangamba na mabawasan ito dahil hindi naman iyon gawain ng One-eyed Black Wolf bagkus ay matutuwa pa ito. Hindi na niya pinagtuunang isipin ito at nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay.

Mula sa di kalayuan ay nakita ni Van Grego ang isang kumikinang na halaman. Kung hindi siya nagkakamali ay napakapambihirang halaman ito. Isa itong Ravenous White herb. Isa itong Top Quality Medicinal herb. Sa pagkakaalam ni Van Grego ay makakatulong ito ng malaki sa mga Body Transformation Martial Artist o kahit sa mga Body Transformation Beasts.

Ito ang bagay na kinakailangan ni Van Grego upang makapagbreakthrough sa Diamond Rank upang mapatibay ang kaniyang foundation para sa hinaharap na Breakthrough. Kapag hindi matibay ang kanyang foundation sa katawan ay mahihirapan siya sa susunod na Breakthrough o hanggang dito na lamang ang kanyang Cultivation Level. Para sa mga Martial Artists ay isa itong bangungot. Bawat breakthrough ay importante dahil mayroong mga advantages o benepisyong makukuha ang bawat Martial Artist kagaya na lamang ng karagdagang taon upang mabuhay, pagtaas ng kabuuang lakas, matibay na depensa at iba pa.

Ngayon ay lalapit na sana si Van Grego ng bigla siyang nakarinig ng mga atungal.

ROAR!!!!!

Agad na nakita ni Van Grego na may tatlong nilalang na hugis tao ang lumalaban sa isang halimaw. Isa itong Four-Armed White Ape.

Nang makita ng lubusan ni Van Grego ang tatlong nilalang ay nalaman niyang mga Bat Race ang mga ito palatandaan na kulay pula ang mga mata ng mga ito at may pakpak ng paniki. Sa kalkulasyon ni Van Grego ay may Cultivation Level ang mga ito na Martial Knight Realm.  Sa nakita niyang labanan ay halos magkapantay lamang ang pinagsamang lakas nh mga ito sa Four-Armed White Ape na may lakas na Martial Warrior Realm.

Nang umatake muli ang tatlong Bat Race sa Four-Armed White Ape ngunit biglang nagalit ang halimaw at ang apat nitong kamay ay pinagpupukpok ang kaniyang dibdib. Isa itong indikasyon na nagagalit na ng lubusan ang halimaw na ito.

ROARRRRRRRR!!!!

Bigalang umatungal muli ang halimaw at ang tatlong Bat Race ay natamaan ng Sound Waves ng Four-Armed White Ape. Isa itong skill ng halimaw na siyang may kasamang energy fluctuations. Dahil mas mataas ang Cultivation Level ng halimaw ay tumilapon ang tatlong Bat Race. Napasuka ng sariwang dugo ang mga ito sa kanilang bibig.

Dahil sa tindi ng labanan na nangyayari ay nagkubli si Van Grego sa isang tagong sulok ng kagubatang ito upang obserbahan ang mga pangyayaring ito.

"Kahanga-hanga, hindi ko aakalaing kayang gumamit ng Law of Vibration ang halimaw na ito. Ito ay dahil sa tulong ng Ravenous White Herb kung kaya't nagamit ng halimaw na ito ang malakas na atakeng iyon. Kung natamaan ka ng atakeng iyon bata ay siguradong patay ka o malubhang pinsala ang iyong natamo." Sambit ni Master Vulcarian habang isinasalarawan ang kanyang obserbasyon sa pangyayaring ito.