webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 5

Makalipas ang ilang oras ay biglang narinig ni Van Grego ang boses ni Master Vulcarian.

"Nakalap ko na ang lahat ng kailangan mong sangkap. Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, bata? Maaari pang magbago ang iyong pasya." Sambit ni Master Vulcarian na animo'y nanghihikayat.

"Oo naman. Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan diba? Tsaka salamat Master sa sangkap na ito lalong-lalo na sa pagtulong sakin. Naanalisa ko lahat ng mga bagay na ito ay makakatulong sa akin sa hinaharap lalo na ang pagsubok na ito. Alam kong hindi ako ang pinakatalentadong Cultivator na ipinanganak sa henerasyon na ito." Sambit ni Van Grego na may magalang at tapat na pagkakasabi lalo na sa kabutihang ipinakita ni Master Vulcarian. Isa si Van Grego sa taong nagpapahalaga sa mga nilalang na nagpapakita sa kanya ng direkta o hindi direktang tulong, sa oras na maging malakas siya o kung may maitutulong siya ay ibabalik niya ito ng doble o triple pa. Hindi kasi lumaki o pinalaki ang kaniyang sariling maging balasubas o kaya ay hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong sa kaniya na walang hinihinging kapalit. Sa oras na lumakas siyang tuluyan at

"Hmmp! Akala mo ay madadala mo ako sa mababangong salita mo. Wala ka pang napatunayan bata at tsaka hindi pa kita tinatanggap na aking disipulo. Ang porsyento mo ng pagtatagumpay ay mababa. Hindi ko ito ginagawa ng libre tandaan mo lahat ng bagay sa mundong ito ay may kapalit. Isipin mong utang mo ito sa akin tsaka hindi na ko aasa na mababayaran mo ko, sa halaga ng sangkap na aking inilaan para sa iyo ay hindi matutumbasan. Sabihin na nating pampalubag-loob lamang ito at ikonsidera mo lamang na una at huling Cultivation Resources na matatanggap mo. Wala akong inilalaang pag-asa sa iyo maging sa kasama mong mga duwende at uod ay isa lamang silang mga basura na may basurang talento." Sambit ni Master Vulcarian sa marahas na tono. Halata sa boses niya na walang makakapasok sa mata niya na kahit na sino sa mababang mundo. Sa katunayan ay awa lamang ang nararamdaman ni Vulcarian sa mababang mundong ito. Ngayon ay kailangan niya lamang ng nilalang na magdadala sa kanya sa mataas na mundo. Hindi siya maaaring lumabas sa Myriad Painting dahil kapag nangyari iyon ay magiging abo lahat ng bagay na naririto at masisira ang balanse ng kalapit na mundo. Ang mundong ito ay hindi kayang i-manifest o i-hold ang kanyang awra maging ang kapangyarihang taglay niya kung kaya't delikado. Isa pa ay nasa loob siya ng katawan ng batang ito. Malaking kuryusidad at misteryo para sa kanya na kayang balutin ng katawan ng bata ang Myriad Painting lalo na sa tumubo nitong kakaibang halaman sa loob ng batang ito. Isa lamang ang dahilang ito tsaka kailangan ng batang makaligtas sa mga sakuna dahil pag wala ito ay siguradong ilang siglo ulit siya maghihintay. Kailangan niyang palakasin ang batang ito para makarating siya sa lugar niya, sa lugar na kinabibilangan niya. Sa mga dating rason kung bakit siya napadpad sa mababa at napakaliit na mundong ito? Isa pa rin itong sikreto at misteryo.

Nang marinig ni Van Grego ang sinabi ni Master Vulcarian ay halos matuod siya. Halatang minamaliit siya nito ngunit mas nakakasakit sa loob niya ay ang idamay si Alfero at Binibining Mystica tsaka ininsulto pa niya ang mga ito.

"Bakit mo naman iniinsulto kami ha? Alam naming mahina ako o kami. Tsaka wala kang karapatan upang hamakin kami nan-----!" Sambit ni Van Grego ngunit pinutol siya ni Master Vulcarian.

"So, kasalanan ko pala kung mahina o napakahina niyo. Isisi mo yan sa mga ninuno niyo. Tsaka ako walang karapatan, tandaan mo bata na nasa teritoryo kita at isa akong diyos dito. Sinasabi ko lamang ang totoo hmmmp!. Walang masama o mabuti sa mundong ito bata maging ang tama o mali ay nakadesisyon iyon sa ngalan ng Lakas. Isa ka lamang batang walang alam tungkol sa bagay-bagay. Napakalupit ang daan ng Martial Arts maging ang pagiging patas dito ay hindi nag-eexist. Ang buhay ay napakadaya. Kung patuloy ka sa pagiging mahina mo at pagiging emosyonal mo ay wala kang mararating. Sabihin mo na lamang na sumusuko ka na hindi yung madami ka pang satsat!" Sambit ni Vulcarian sa marahas na tono. Hindi niya intensyon na saktan ang damdamin ng batang si Van Grego ngunit gudto niyang ipaintindi dito na walang fairness na nangyayari sa mundong ito. Kung sa Classic Books ay mayroong Fairytails at Happy Ever After pero dito ay wala. Kung gusto mo ng lakas na lalamang sa lahat ay kailangan mong magsumikap sa pagcu-cultivate maging sa pagsuong sa mga delikadong lugar. Isa itong eksaktong salungat ng tinatawag na fairytales ng mga mortal.

"Hindi ako susuko. Kahut kailan ay hindi ako susuko!" Sambit ni Van Grego habang may seryosong ekspresyon sa mukha. Ang kaniyang Martial Heart ay matibay at solid dahil sa mga naranasan niya. Hindi siya magpapagapi sa kahit na sino. Ito ang nakaukit sa kaniyang puso't-isipan lalo pa't alam niyang may punto so Master Vulcarian dahil sa pagiging emosyonal niya ay siya mismo ang sisira sa sarili niya. Sa ngayon ay malaki ang impact ng sinabi ng misteryosong nilalang sa kanya kahit na karamihan doon ay puro mararahas na salita patungkol sa kanya. Naniniwala siyang ang mahihina ay maaaring malakas kung magsusumikap ka at ang malakas ay mas lalong lalakas. Kung mahina ka ay mananatili kang mahina kung hindi ka magsusumikap at maniniwalang kaya mo. Kung susuko ay parang sinabi niya ring nagpadaig siya sa problema na siyang wawasak sa sarili niyang Martial Heart maging sa determinasyong meron siya.

"Hmmp! Bahala ka, ang basura ay basura kahit umangat pa man sila ay basura pa rin sila!" Sambit ni Master Vulcarian sa tonong pasarkastiko. Halatang pinariringgan niya ang batang si Van Grego.

Hindi na sumagot o binigyan ng atensyon si Master Vulcarian ay kinuha niya na ang nakalitaw na Interspatial Ring sa hangin at ipinukos na ang kanyang sarili sa kaniyang gagawin. Humigit kumulang siyam at kalahating araw na lamang ang kanyang natitirang panahon ngayon. Kung hindi niya ito matatapos ay siguradong huling pagkakataon na ito, wala ng darating na pagkakataon na katulad nito.

Agad na niyang tiningnan ang mga sangkap na nasa loob ng Interspatial Ring gamit ang kaniyang divine sense. Nakita niya ang lahat ng sangkap na kanyang kakailanganin maging ang mga kagamitan na gagamitin niya sa paggawa ng Soul Transformation Pill. Kapag nagtagumpay siya dito ay magkakaroon ng mataas na tsansang matapos niya ang First Layer ng Five Revolution Soul Enhancement. Ang First layer ay may 180 rotations at kapag naunawaan niya ito ay kaya nitong palakasin at patibayin ang kaluluwa ng isang Martial Artist. Sa ibang abilidad ng First Layer ay wala pa siyang ideya. Patungkol sa Soul Transformation Pill ay wala pa siyang anumang impormasyon dito ngunit nasabi sa kanya ni Master Vulcarian na may posibilidad na pag-araalan ang Soul Transformation System. Sa ibang bagay ay wala siyang kaide-ideya.

Kahit na sabihing maliit na Space Domain lamang ang kinaroroonan ni Van Grego ay may laki ito ng isang ordinaryong sukat ng bahay.

Ang pagsagawa ni Van Grego ng Alchemy Process dito ay posible.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Van Grego at agad niyang inilabas ang mga ingredients sa nasabing Interspatial Ring na isang Top Grade. Tama lamang ito dahil kung mababa pa sa Top Grade na Interspatial Ring ito ay siguradong hindi nito mapepreserba ang kalidad ng mga Rare Ingredients.

Ang mga rare ingredients ay ang Soul Devouring Herb, Sunlight Spirit Mint, Ground Crestball serpent egg, Soul Earthen Bee Stings, 3000- year old blood Ginseng at marami pang iba. Kung naririto ang ibang mga Martial Artists lalo na ng mga Elders ng Three Great Continents ay siguradong luluha ang mata nila sa nakikita nila. Ang isang bagay lamang na ito ay masasabing imposible na magkaroon sila nito.

Sunod na inilabas ni Van Grego ang mga kagamitan na gagamitin sa paggawa ng pambihirang pill. Ito ay ang isang cauldron at marami pang iba. Ngunit may napansin si Van Grego na kakaiba sa enerhiyang inilalabas ng furnace na ito.

"I-isang M-middle -grade H-human S-step F-furnace." Sambit ni Van Grego na pautal. Hindi niya aakalaing papahiramin siya ng ganitong klaseng furnace. Maging ang ibang kasangkapan na naririto ay mga Top Grade Treasure.

Mabuti na lamang at nasa loob sila ng Space Domain at ang kaniyang Silvery-white Sacred Flames ay kaya niyang gamitin na siyang may abilidad na pataasin ang porsyento ng success rate ng kanyang paggawa ng Pill na 5-10%. Kahit na maliit na porsyento lamang ito ay malaking bagay pa rin ito sa kanya lalo pa't makakadagdag ito sa pagtatagumpay sa paggawa ng pambihirang pill.

Agad niyang inalala ang buong konsepto sa paggawa ng Soul Transformation Pill magjng ang mga proseso at mga tamang impormasyon patungkol sa eksaktong temperatura ng apoy at ang tamang sunod-sunod ng mga ingredients.

Nagmeditate muna si Van Grego bago sumalang sa paggawa ng pambihirang pill. Hindi ito ang unang beses na gumawa si Van Grego ng pambihirang pill na hindi alam ni Master Vulcarian.

Agad niyang pinagana ang Divine Nine Rotations True Essence at Divine Chronicles of Meridian Reverberation na parehong nasa Fist Layer. Sa oras na ito ay kailangan niyang gumawa ng pambihirang pill. Mas mataas ang kalidad ng pill ay mas mabuti upang magkaroon ng malaking epekto sa kanyang katawan at mas konting impurities ang mamumuo sa kanyang meridian.

Sinimulan na ni Van Grego ang paglabas ng kanyang Silvery-white Sacred Flame na ngayon niya lamang ulit nagamit. Sinanay niya ulit kung paano palakasin o pahinain ang kanyang pambihirang apoy sa eksaktong temperatura na kinakailangan niya sa paggawa ng pambihirang pill.

Maya-maya pa ay gumawa si Van Grego ng mga Pills kagaya ng Tier 8 Recovery Pills, Soul Support Pills, Anti-Toxic Pills, Anti-Poison Pill, at iba pang mga pills para sa hinaharap. Mayroong 95% success rate ang mga ito at kung ibebenta ito ay siguradong malaking halaga ang mapapasakamay ni Van Grego. Isama pang gawa ito sa mga pambihirang herbs at ibang ingredients kung kaya't masasabing isang Sky Price ang halaga ng mga ito.

Dahil tapos na ang mga testing at mga bagay-bagay ay agad niyang sinimulan ang paggawa ng Soul Transformation Pill. Binalot niya ng protective essence ang kanyang katawan upang maiwasan ang anumang aksidente.

Una niyang inilagay sa pambihirang furnace ang Soul Devouring Herb na binabalutan pa ng malilit na seal. Agad na sinira ni Van Grego ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman sa seal Formation ng Formation Master. Sa pagsira niya sa seal ay siya ring malakas na pa-iyak ng Soul Devouring Herb. Ang kabuuang itsura herb na ito ay sobrang pangit at nakakatakot maging ang boses nito ay animo'y isang multo na bumangon sa hukay ngunit hindi man lang ito naapektuhan si Van Grego ngunit ang kanyang anyo ngayon ay isang soul projection lamang kung kaya't may epekto rin ito ngunit in-activate niya ulit ang first Layers ng Divine Nine Rotations True Essence at Divine Chronicles of Meridian Reverberation. Agad niyang inilagay ang Soul Devouring Herb sa loob ng malaking furnace. Bawat hawak ni Van Grego ay nasisira ang protective essence na nakabalot sa kanyang katawan ngunit agad ding bumabalik ang Protective essence na nawala dahil na rin sa tulong ng dalawang Cultivation Methods.

Ang Soul Devouring Herb ang sinasabing may matibay na pangangatawan dahil sa ina-absorb nito ang soul ng mga nabibiktima nito upang patibayin ang kaniyang katawan gamit ang soul essence nito. Ang pagdakip o paghawak pa lamang nito ay delikado na pano pa kaya kung lutuin ito para gawing pill?

Maya-maya pa ay ang mas nilakasan ni Van Grego ang kanyang sariling apoy sa napakainit na temperatura. Sa pambihirang apoy ni Van Grego na nabibilang sa sacred flame ay kayang pumuksa ito ng mga evil beings maging ng mga Demonic energies na katulad ng properties ng Soul Devouring Herb. Sa harap ng mainit na temperatura na inilalabas ng sacred flames ay unti-unting nalusaw ang Soul Devouring Herb sa mabilis na paraan. Naging malapot na kulay dark green na tubig ang Soul Devouring Herb.

Sunod na inilagay ni Van Grego ang Soul Earthen Bee Stings. Ang Stings na ito ay isang mainam na sangkap para sa soul Enhancement dahil na rin sa lasong laman nito na mayaman sa Soul Energies. Delikado kapag natusok ka nito ngunit kung makuha mo ito ay maraming benepisyo ang makukuha mo dito ngunit kilala ang Soul Earthen Bee sa pagiging marahas at walang awa sa pagpatay ng mga mabibiktima nito. Ang pangalan nito ay nakuha sa pagkakaroin ng mayamang soul energies maging sa kaya ng Martial Beasts na ito na umabot sa Cultivation Level na Earthen Fate Realm. Nang maisip ni Van Grego ang bagay na ito ay kinikilabutan siya dahil kasalukuyang lakas iyon ni Binibining Mystica at ni Alfero o mas mabuting sabihing kasalukuyang lakas ni Zerk Clamir.