webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 53

Sa kaniyang obserbasyon ay nasa 8th Level Huang Rank ito. Kung alam nilang maaari itong icultivate at palakasin ay sana ay naging malakas na sandata na nila ito halimbawa na lamang nito ay ang paghahanap ng angkop na martial spirit at sanayin ang sarili sa paggamit nito. Kaso nga lang ay alam niyang walang anumang record ang Western Region sa nasabing bagay na ito na alam niyang may kinalaman ang mga Hybrid sa pagkabura nito.

Naputol lamang ang pag-oobserba at pag-iisip ni Van Grego ng magsalita si Sect Master Soaring Light.

"Maaari mong gamitin iyon bata, ngunit bakit ngayon mo lamang naisipang gisingin ang iyong Martial Soul?! Isa pa ay wala rin namang kwenta ang bagay na ito. Kapag tumapak ka sa edad na labing-anim ay mahihirapan ka ng magising ito, maglalabing anim ka na ba?!" Gulantang sambit ni Sect Master Soaring Light. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ang binatang si Van Grego o hindi. Naisip niyang maglalabing anim na ito base sa obserbasyon niya sa bone structures ng binata.

Tanging tango lamang ang ginawa ni Van Grego dahil baka pag nagsalita pa siya ay siguradong uusisain pa siya ng mga ito. Isa pa ay wala siyang maaaring ilusot o idahilan dahil malalaman nilang taga-ibang kontinente siya. Paano niya ipapaliwanag na minsa'y naging isa siyang cripple o baldadong bata na hindi maaaring cultivate at kung paano siya gumaling. Siguradong hindi niya malalaman kung malulusutan o mahahabihan niya ang mga ito. Isa pa ay ayaw niyang sabihin ang kaniyang itinatagong sikreto kahit kanino man.

"Magmadali ka Van Grego, pinaniniwalaang kakapitan ka ng sumpa kapag hindi mo nagising ang iyong Martial Soul idagdag pang isa kang Martial Artist." sambit ni Biyu habang nag-aalala. Tandang-tanda niya kasi ang itinuro sa kanila ng kaniyang pamilya. Ang Martial Soul ay siyang siansabing kakambal o kadugtong ng iyong buhay.

"Pumunta na kayo Van sa Martial Awakening Hall. Biyu, ikaw ang gumabay sa kaniya papunta roon." seryosong sambit ni Sect Master Soaring Light.

"Opo, kagalang-galang na Sect Master!" magalang na sambit ni Biyu at magalang na yumuko na siyang ginawa rin ni Van Grego.

Mabilis na rin silang umalis sa malawak na silid at tinungo ang nasabing Martial Awakening Hall. Habang naglalakad sila ay marami silang pasikot-sikot na dinaanan.

Maya-maya pa ay huminto sila sa isang malaking pintuan. Agad namang ipinawalang-bisa ni Biyu ang protective seal ng pintuan. Pagkatapos nito ay bigla na lamang bumukas ang nasabing pintuan. Maririnig ang paglagitnit ng pagbukas ng malaking pintuan.

Bumungad sa harapan nila ang isang itim na altar na mayroong kakaibang enerhiyang nagmumula rito. Nagliliwanag ang buong silid na ito dahil sa kakaibang mga runes na animo'y nakadikit sa mga sahig. Walang duda, ito na nga ang Martial Awakening Hall.

"Pumasok ka na Van sa loob, maghihintay na lamang ako rito sa labas upang walang umistorbo o gumambala sa gagawin mong paggising sa iyong Martial Soul." sambit ni Biyu habang nakapamulsa.

"Sige, salamat talaga Biyu lalo na at sinamahan mo pa ako rito. Masyado ko na kayong inabala." nahihiyang sambit ni Van Grego.

"Ano ka ba, wala lang naman iyon. Isa pa ay malaki ang naging tulong mo lalo na sa pamilya namin. Kung hindi dahil sa'yo ay malamang ay naubos na rin ang Air Sword Family at ang Fire Lotus Family." sambit ni Biyu habang makikita sa mata nito ang lubos na pagpapasasalamat nito.

"Ano ka ba, walang anuman iyon. Handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya. Sige mauna na ko." sambit ni Van Grego at mabilis na pumasok sa loob ng Martial Awakening Hall.

Bigla na ring sumarado ang pintuan at biglang nanumbalik ang protective seal nito maging ang pagbuo ng kakaibang protective barrier upang maiwasan ang sinumang pangahas na pumasok rito. Kahit ganoon man ay mataman lamang na naghihintay si Biyu Narxuz sa labas.

...

Sa loob ng Martial Awakening Hall ay makikita ang isang binatang maayos na nakaupo sa harap ng isang black altar. Ilang oras na rin ang kaniyang iginugol rito habang patuloy na kinokonekta ang kaniyang isip sa isang kakaibang lugar na siyang na matatagpuan sa kaniyang kaloob-loobang parte ng kaniyang diwa.

Hindi alintana ang oras ay kalmadong nagmemeditate ang binatang si Van Grego. Hindi niya aakalaing napakatagal na pala ng oras na siyang nakaupo rito. Halos kalahating araw na ang nakakalipas.

Maya-maya pa ay bigla na lamang nakita ni Van Grego ang kaniyang sarili sa isang napakagandang lugar kung saan ay nasa isa siyang napakalawak na parang na punong-puno ng kulay puting damuhan. Ang ulap rito ay himalang nakapatong sa kalupaan.

Naglakad siya ng naglakad at pinagmasdang mabuti ni Van Grego ang kaniyang paligid at masasabi niyang napakaganda talaga ng lugar, isang nakakalaglag-pangang tanawin.

Ngunit bigla na lamang nakarinig si Van Grego ng isang nakakabinging huni ng ibon ngunit nakakahalina ito sa kaniyang pakinramdam. Imbes na makaramdam ng takot ay animo'y nagagalak ang kaniyang puso dahil nararamdaman niya ang koneksyon niya rito.

Maya-maya pa ay nakita niyang bigla na lamang nanga-anod ang mga ulap sa lakas ng hanging dulot ng paparating na nilalang. Nakatayo lamang ng tuwid si Van Grego habang hinihintay ang kaniyang inaasahang nilalang. Hindi naman siya nabigo at nasilayan niya ang kabuuang itsura ng ibon. Isa itong dambuhalang puting ibon na hindi matukoy ni Van Grego kung anong klaseng ibon ito. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito kasimple ngunit sobrang gandang klaseng ibon.

Bigla na lamang mayroong misteryosong tinig ang bigla na lamang nagsalita sa paligid. Hindi alam ni Van Grego kung ang misteryosong ibon ba ang nagsasalita o hindi.

"Matagal ko ng hinintay ang iyong pagtawag sa akin aking Master. Akala ko'y panghabang-buhay na akong makukulong sa napakagandang lugar na ito. Mula sa malayo, tanaw ko at damang-dama ko ang iyong emosyon na halos karamihan ay puno ng pasakit ngunit nakaya mong bumangon upang labanan ang mga hamong nakaharang sa iyong dinaraanan. Ngayon ay hindi ka na mag-iisa. Pinapangako kong sasamahan kita hanggang sa wakas. Huwag ka sang sumuko at bibitaw aking kakambal na siyang aking master!" madamdaming sambit ng misteryosong tinig. Mayroong paninibugho at labis na pangungulila sa tinig nito.

"Eeeeeeeeeeerrrrrrcccccckkkkkkkkk!!!!!!" bigla na lamang nagpakawala ng napakalakas na huni ang misteryosong puting ibon.

Sa huning ito ay bigla na lamang nakaramdam ang binatang si Van Grego ng ibayong pananakit ng kaniyang ulo at dibdib na pakiramdam niya ay parang binibiyak at hinahati ito sa dalawa. Ramdam niya pa rin ang kakaibang emosyon ng misteryosong tinig.

Maya-maya pa ay bigla na lamang siyang nahili at lumabo ang kaniyang paningin. Napaupo na lamang siya at ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata nagbabakasakali siyang mawala ang sakit na kaniyang nararamdaman.

Sa labas ng Martial Awakening Hall ay matiyagang naghihintay si Biyu Narxuz. Halos kalahating araw na rin ang nakakalipas magmula ng pumasok ang kaniyang baging kaibigan na si Van Grego. Malaki ang utang na loob niya rito dahil sa hindi matutumbasang tuong nito sa kaniya. Totoo ang sinasabi niya na kung hindi dahil kay Van Grego ay malamang tumpok ng mga buto na lamang ang kaniyang Air Sword Family maging ang Fire Lotus Family.

Nagpadala na rin siya ng mensahe sa kaniyang pamilyang kinabibilangan at sa Fire Lotus Family upang ipaalam ang pagbabalik ng binatang nagbabala at sumagip sa kanila sa bingit ng kamatayan o sa tuluyang pagkaubos ng kanilang lahi. Siguradong matutuwa ang mga ito sa kaniyang ibabalita.

Natigil ang kaniyang pag-iisip ng bigla na lamang siyang nakaramdam ng  malakas na paglindol o pag-uga ng lupang kaniyang tinatapakan. Maya-maya pa ay nakarinig lamang sila ng isang nakakakilabot at nakakabinging huni ng ibon.

"Eeeeeeeeeerrrrrrrrrcccccckkkkkkkkkkk!!!!!" tagos sa butong huni ng misteryosong ibon ang maririnig sa buong kalupaan.

Nang marinig ito ng mga tao sa Soaring Light Sect at ng ibang nilalang sa iba't-ibang mga lugar ay halos nakaramdam sila ng ibayong takot at pagsakit ng kanilang mga ulo. Ang iba'y nangatumba na lamang at nawalan ng malay lalo na ang mga ordinaryong nilalang. Ang mga nilalang sa kagubatan ay biglang nanga-tago sa kanilang mga lungga at nangatahimik. Ramdam nila ang ibayong emosyon ng misteryosong nilalang at ang paninibugho nito na siyang ipinalasap niya rin sa bawat nilalang na nakakarinig ng kaniyang boses.

...

Hindi alam ng ibang mga nilalang ngunit ang misteryosong huni ng ibon ay tumagos at nakarating sa Central Region. Marami rin ang naapektuhan ng nasabing misteryosong huni.

Sa isang lugar sa Central Region ay mayroong nakaupong mag-asawang may magkaibang disenyo ng korona sa mga ulo nito. Mababakas din sa kasuotan ang karangyaan at ang noble auras ng mga ito. Masasabing isa silang mag-asawang hari at reyna ng napakalaking kaharian.

Matapos ang insidente ng  misteryosong pangyayaring ito ay nabulabog at naalarma ang mga ito lalo na ang mga mamamayan nito. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan nila ang nakakahalina ngunit nakakatakot na huni ng misteryoaong nilalang na pakiwari nila'y huni ng ibon.

Kaharap ng hari at reyna ang dalawampong magigiting na Adventurer ng kanilang kaharian. Sila ang pinakamagaling at makapangyarihang mga adventurer ng kahariang ito. Sila rin ang may pinakamaraming karanasan sa paglalakbay sa iba't-ibang mga lugar. Pinatawag rin nila ang mga Elders at ang buong konseho sa pagtitipong ito.

"Mahal na hari, masasabi kong isa itong masamang senyales na mayroong paparating na unos at malaking pagbabago sa mundong ito." sambit ng isang Elder na animo'y sobrang tanda na dahil sa kulu-kulubot nitong balat.

"Oo nga aming kagalang-galang na hari at reyna. Sa palagay ko ay mayroong nagalit na misteryosong nilalang dahil sa hindi malamang dahilan baka ito'y maghihinte at magsisimula ng malaking gulo at digmaan." nahihintakutang sambit ng isang Eunuch. Maraming kababalaghan at misteryoso ang mundong ito kaya hindi malabong mangyari ang kaniyang sinasabi.

Marami pa ang nagsalita kabilang ang mga konseho ngunit natahimik sila nang bigla na lamang nagsalita ang kagalang-galang na orakulo.

"Ang misteryosong huni na iyon ay kahawig sa huni ng maalamat na ibon. Kung hindi ako nagkakamali ay siguradong huni iyon ng maalamat na Fire Phoenix!" sambit ng isang matandang orakulo na ilang libong taon na rin ang edad nito.

Napasinghap naman ang lahat sa kanilang narinig. Ang maalamat na ibong ito ay ni minsan ay wala silang nakita. Isa itong God Beasts at naakadambuhala ang laki nito. Ang Fire Phoenix ay pinaniniwalaang kayang sunugin ang alinmang bagay na madapuan nito at gawing abo. Isang God Beasts na nagpapasailaim sa proseso ng siyam na Nirvana.

"Hindi maaari ang iyong sinabi kagalang-galang na Orakulo, kapag mayroong phoenix rito sa maliit na mundong ito ay siguradong naging abo na lahat ng baagy na naririto. Kung susumahin, sa palagay ko ay mahinang nilalang lamang ito kumpara sa phoenix ngunit wag tayong pakasisiguro dahil mayroon itong lakas upang wasakin rin ang ating mundo." magalang na sambit ng reyna habang nakatingin sa orakulo. Kahit na sabihing siya ang reyna ng kahariang ito ay hindi pwedeng baliwalain ang kakayahan at estado ng isang orakulo. Mas matanda at makapangyarihan pa rin ang kanilang salita na kapantay lamang ng hari at reyna.

"May punto ka nga kagalang-galang na reyna. Ang nilalang na ito ay napakalakas idagdag pang alam nating lahat na nasa labas ito ng Central Region. Nabaliwala ang pambihirang harang nakapaloob sa ating teritoryo. Nagpapahiwatig lamang ito ng napakalaking pagbabago na mangyayari sa mundong ito." sambit ng orakulo sa magalang ngunit may babala sa bawat pangungusap sa sinasabi nito.

Nagsalita na ang hari upang matigil na ang kanilang mahabang diskusyon. Agad niyang hinarap muli ang dalawampong magigiting na adventurer.