webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 51

Nagkaroon ng mahabang pag-uusap at diskusiyon ang mga ito na siyang ikinabagot ng binatang si Van Grego.

Pinakinggan rin ni Van Grego ang isang grupo ng mga kalalakihan na pawang interesado rin sa nilalaman ng malaking karatula. Ngunit dismayado rin siya sa mga ito, tanging payabangan lamang ang alam ng mga ito.

Maya-maya ay lumapit na si Van Grego sa tumpok ng mga tao at mabilis na binasa ang nilalaman ng karatula. Mabilis rin siyang umalis rito lalo pa't mayroon siyang photgraphic memory na karaniwang abilidad ng mga cultivator.

Agad rin siyang umalis rito. Ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad hanggang sa napagdesisyunan niyang tuluyan ng lisanin ang lugar na ito.

Nalaman niyang isa pala ang Raining Cloud Academy sa maraming Martial Schools ng Central Region. Hindi niya aakalaing mangrerecruit ang mga ito kada siyam na taon. Marami pa siyang mga nalaman na nakapaloob sa karatulang galing nismo sa kinatawan ng Raining Cloud Academy.

...

Kasalukuyang naglalakbay ang binatang si Van Grego habang palipat-lipat siya sa iabng mga puno.

Hawak-hawak niya ngayon ang kaniyang badge na halos mag-aapat na taon ng nasa pangangalaga niya. Kumikinang pa rin na animo'y bagong-bago. Masasabi niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatanggal ng Soaring Light Sect bilang batang miyembro nito ngunit ngayon ay malapit na siyang maging ganap na binata sa darating niyang kaarawan.

"Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatanggal ng Soaring Light Sect bilang outer disciple nito?!" Nagtatakang sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan.

Naalala niya pa ang rules and regulations ng Soaring Light Sect na kapag wala kang contributions sa loob ng dalawang taon ay kusang mabubura at patatalsikin ka bilang miyembro nito.

"May ginawa ba kong kaaya-aya o kamangha-mangha noong panahon ng recruitment? Parang wala naman eh." nagtatakang sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan.

"May nakita bang potensiyal ang Sect master ng Soaring Light Sect  sa akin pero hindi naman niya siguro lalabagin ang Rules and Regulations ng sarili niyang sect hindi ba?!" sambit ni Van Grego habang napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo.

Marami pa siyang naisip nguniy kahit anong pag-iisip ang gawin niya ay hindi niya pa rin malaman-laman ang kasagutan sa lahat ng ito.

Para malaman niya ang tunay na dahilan ng hindi niya pagkakatanggal sa Soaring Light Sect ay plano niya ng bumalik at bisitahin ang Soaring Light Sect.

Itinodo na ni Van Grego ang kaniyang Fiery Hawk Movement Technique at mabilis na nawala na parang bola sa hangin.

Ilang oras pa ang nakalipas at sa wakas ay narating na ni Van Grego ang lugar kung saan matatagpuan ang Soaring Light Sect.  Tandang-tanda niya pa ang pakiramdam na pumunta sa isa sa malakas na Sect ng Arnigon Continent.

Sa tarangkahan pa lamang ay makikita ang maraming mga estudyante ng Soaring Light Sect. Skgurado siyang mga outer disciple ang karamihan sa mga ito. Tanda na rin na hindi sila nakasuot ng uniporme na siyang tanging mga inner disciple lamang ang may awtoridad upang suutin ito.

Agad naman siyang napansin ng isang guwardiya na nakatingin sa loob ng Tarangkahan.

"Isa ka bang Rogue Cultivator binata?! Naligaw ka ba sa aming lugar dito?!" tanong guwardiya kay Van Grego habang masusi siyang nitong sinusuri mula ulo hanggang paa.

Dulot ng panahom ay sobrang laki ng pagbabagong nangyari lalo na sa pisikal na anyo ni Van Grego. Sobrang tangkad na niya at nagkaroon ng mga muscles ang kaniyang katawan dulot na rin ng kaniyang masigasig na pagsasanay sa araw-araw. Kahit ganon man ay nanatiling maputi at malambot ang kaniyang balat kahit na nakabilad siya buong magdamag sa tirik na tirik na araw. Mas naging matalim at naging matured ang mukha nito kaysa noon na baby face. Kahit ang nakakakilala sa kanya noon ay hindi na siya makikilala ngayon dahil sa malaking pagbabago niya sa anyong pisikal.

"Ah...eh... Maaari ba kong pumasok sa loob ng Sect? Gusto ko sanang makausap ang Sect Master." direktang sambit ni Van Grego sa guwardiya.

Nang marinig ito ng guwardiya ay halos lumuwa ang mata nito. Hindi niya aakalaing napakadirekta at straight to the point kung magsalita ang binatang nasa harap niya. Hindi nga niya makita ng maigi ang mukha nito lalo pa't natatabunan ito ng napakahaba nitong buhok na nililipad ng hangin. Parang ngayon niya lamang ito nakita lalo pa't kinakabisado niya ang mga estudyanteng naglalabas-masok rito.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng guwardiya at matalim na tinitigan ang binatang si Van Grego.

"Ang kapal at ang lakas ng loob mo batang  sabihin sa akin ang iyong hinihiling. Nahihibang ka na ata eh, hindi mo ba alam na kahit ang isang inner disciple ay hindi maaaring direktang makita ang kagalang-galang na Sect Master ng Soaring Light!" galit na galit na sambit ng guwardiyahabang hindi pa rin mawala-wala ang matalim nitong titig sa binatang si Van Grego.

"Ah yun po ba, paano ko po siya maaaring makausap?! Paumanhin po sa aking sinabi ginoo. Isa po akong Outer Disciple ng Soaring Light Sect mag-aapat na taon ng nakakalipas." magalang na sambit ni Van Grego.

Nang marinig ito ng guwardiya ay halos manlaki ang mata nito at maya-maya pa ay bigla na lamang...

"HAHAHAHAHA!!!!! Ang lakas ng trip mo binata, hindi mo ba alam na expired na ang badge ng sinumang outer disciple na hindi na bumalik ng dalawang taon lalo na at sa lagay mo na mag-aapat na taong nawala rito, ano pa ang inaasahan mo?! Bumalik ka nalang sa susunod na taon dahil tapos na ang Recruitment ng Soaring Light noong nakaraang buwan hahahaha..." sambit ng gwardiya habang humagalpak na ito sa kakatawa.

Mabilis namang lumitaw sa kamay ni Van Grego ang kaniyang naturang badge. Mabilis niya itong ipinakita sa gwardiya.

Halos manlaki naman ang mata ng guwardiya sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin.

Kitang-kita ng guwardiya na buhay na buhay pa rin ang badge dahil sa liwanag na inilalabas ng badge. Bilang isang guwardiya ay isa rin silang cultivator at napasailalim sa isang mabusising training kung kaya't nalaman niyang luma na talaga ang nasabing badge at maayos itong itinago ng may-ari.

"ah... Ehh... Maghintay ka muna saglit binata, ipapaalam ko lang sa pamunuan ng Sect kung totoo ba ang sinasabi mo. Ano ba ang pangalan mo binata?!" mahinahong sambit ng guwardiya habang mayroon itong hawak papel na mayroong maliliit na rune na walng iba kundi ang messenger talisman.

Agad namang inactivate at nagsalita ang guwardiya sa nasabing talisman. Hindi naman ito pinakinggang maigi ni Van Grego at mapayang naghintay.

Nagmasid na lamang siya sa paligid at marami siyang mga bagong tuklas na bagay na pinagbago ng Sect mula sa labas. Ang mga puno noon ay mas tumangkad at yumabong.  Mas dumoble rin ang kapal ng naglalaking mga pader ng Sect na siyang masasabing paunang depensa kapag mayroong mga di inaasahang mga beast hordes o paglusob ng mga tulisan. Bagong pintura rin ang mga pader gamit ang sinaunang pintura mula sa clay. Kahit na sa panahong ito ay marami na ring bagong-tuklas na mga bagay ngunit ang  mga ito'y mga simpleng bagay lamang.

Maya-maya pa ay bigla na lamang naagaw ng atensyon niya ang isang lumilipad na malaking ibon. Malaya itong lumilipad sa ere at mabilis na papunta sa kinaroroonan nila.

"eeeeeerrrrcccccckkkkkk!" matinis na huni ng lumilipad na ibon sa ere. Kung hindi nagkakamali si Van Grego ay isa itong Red Crown Sparrow, isang Royal Mount. Masasabing isa ito sa pinakamabait na ibon lalo pa't pinipili nito ang karapat-dapat na magmay-ari sa kanila. Sinasabing ang taong may busilak na puso lamang ang kanilang maaaring maging master at ang mga masasamang mga nilalang na sapilitang huhuli sa kanila o magpapaamo ay hindi ito magdadalawang-isip na patayin ang mga ito.

Tunay na nakakamangha ang ganitong klaseng ibon na maging mount.  Napakaganda ng ibon na ito kahit nasa malayong distansya pa lamang ito dahil na rin sa naggagandahang kulay pula ng mga balahibong pakpak nito. Ang mga disipulo na mayroong kanya-kanyang mga ginagawa at pinag-uusapan ay natigilan ng masilayan nila ang malaking ibon.

"Namamalik-mata ba ako? Hindi naman siguro ako nananaginip hindi ba?!" sambit ng isang lalaking nakasuot ng malaking salamin na patuloy pa rin sa pagkusot ng kaniyang bilugang mata.

"Mount ba iyan ng ating Sect Master hindi ba? Paanong bumaba ito sa labas ng gate?!" sambit ng isang dalagita habang nagtataka ito.

"Tingnan niyo, nayriong isang estrangherong lalaki sa labas, parang ngayon ko lang ata nakita ito eh." sambit ng isang lalaking masasabing isang Senior Outer Disciple.

"Hahaha, isang pipitsuging lalaki lamang iyan ngunit bakit naman pinagkakaabalahan pa rin iyan ng ating Sect lalong-lalo na ng ating Sect Master, masyado na ata siya ah grrrr!" malakas na sambit ng isang maskuladong lalaki ng pasinghal.

"Oo nga eh, kahit tayo ay hindi nga basta-bastang mapupukaw ang atensyon ng Sect Master pero ang estrangherong yan ay pinagkaabalahan pa ng ating sect Master hmmmp!" sambit ng Inner Disciple na halatang ayaw niyang tanggapin ang pangyayaring ito.

"Ano ba ang nakita ng ating Sect sa lalaking estrangherong ito, mukhang gusgusin at sigurado akong napakahina at napakalampa nito. Hindi siya nababagay sa Sect na ito!" sambit ng isa pang Inner Disciple. Makikita mo rito ang sobrang galit na may halong inggit sa maiitim nitong mga mata.

Nagkaroon pa ng sari-saring mga diskusyon ang mga disipulo na nakasaksi sa pagbaba ng Red Crown Sparrow. Magkahalong mangha, galit at inis ang makikita sa bawat isang disipulo na patuloy na dumadami habnag lumilipas ang bawat segundo. Hindi nila aakalaing bibigyang importansya ng kanilang sariling sect master ng Soaring Light ang gusgusing binata.

Karamihan sa kanila ay gustong-gusto ng patayin ang binatang si Van Grego pero nanatili lamang silang nakamasid. Sa oras na lumabag sila sa Rules and Regulation ng sect ay sila rin ang magiging kawawa kaya manonood muna sila at magmamasid sa di kaaya-ayang tanawin sa kanilang paningin.

Ilang minuto pa ang nakakalipas at lumapag na ang Red Crown Sparrow na siya namang nakakaayang pagmasdan. Nakita ng lahat ang isang binatang lalaki at ang nakakaagaw ng pansin sa lahat ay ang isang matandang lalaking may hawak na isang sceptre, kung hindi sila nagkakamali ay ito nga ang sect master, si Sect Master Soaring Light.

"Si Sect Master Soaring Light!  Hahaha, hindi ako maaaring magkamali!" nagagalak na sambit ng isang lalaking naka-nerdy look. Hindi niya aakalaing ang isang legendary figure ay nasa harapan niya. Kahit ang inner disciple ay bilang lamang ang nakakita sa Sect Master sa buong buhay nila ano pa kaya sa katulad nilang mga Outer Disciple lamang. Tanging ang mga Scholar, direct disciple at mga Sect Geniuses lamang ang maaaring makakita sa Sect Master para humingi ng mga advices at mga turo sa kanila.

"Siya si Sect Master Soaring Light? Kahanga-hanga, hindi ko aakalaing lilitaw siya ngayon sa harap natin. Isa itong karangalan!" sambit naman ng isang babaeng inner disciple. Kahit siya na halos ilang taon na rin ang pamamalagi niya rito ay ngayon lamang niya nakita ang sect master.

Halos nagkaroon ng maiinit na diskusyon sa panig ng madla.

Sa kabilang banda naman ay bumaba na ang binata at si Sect Master Soaring Light mula sa pagkakasakay nila sa napakalaking Red Crown Sparrow.

"Ikaw na ba yan Van?! Bakit ngayon ka lang nagpakitang muli?" sambit ng binatang kasama ng Sect Master.

Kumunot naman ang noo ni Van Grego sa inasal ng binatang nasa harapan niya. Inalala niyang maigi kung sino ang lalaking nasa harapan niya. Ang buhok nito ay kulay brown/ blond at may mayroong higanteng espada na nakasukbit sa likod nito. Agad na inisip ni Van Grego kung sino ito at may bigla siyang naalala.

"Biyu? Ikaw na ba yan? Ang laki ng pinagbago mo ah!" sambit ni Van Grego habang nakangiti.

"Ikaw nga yan Van, mas grabe yung pinagbago mo. Halos di nga kita mamukhaan eh." sambit ni Biyu habang mabilis siyang nakipagkamustahan kay Van Grego.

Nag-usap ang mga ito na animo'y matalik na magkaibigan. Marami nga silang napagkuwentuhan tungkol sa mga kasuwal na bagay-bagay nitong nakalipas na mga taon.

"Ahhheeemmmm, wag na tayong manatili pa rito dahil nakakaagaw na tayo ng pansin. Halina kayo at mayroon tayong mahalagang pag-uusapan." seryosong sambit ni Sect Master Soaring Light at upang putulin ang usapan ng dalawang binata.

Nagkatinginan naman silang dalawa at mabilis na tumango kay Sect Master Soaring Light. Nakita nga nilang napakaraming estudyante ng sect ang animo'y nanonood ng palabas.

Wala na rin silang sinayang na oras at sumakay na silang tatlo sa Red Crown Sparrow at mabilis na lumipad patungo sa pinakamataas na parte ng Soaring Light Sect.

Ngayon lamang natanaw mula sa himpapawid ang kabuuan ng lugar na ito maging ang kabuuang estruktura ng Twin Black Mountain.