webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 4

Naglalakad si Mr. V papunta sa lokasyon kung saan nakatayo ang Alchemy Powerhouse Association na sa malayo palang makikita ang may buhay na kapaligiran maging ang mga landscape design sa gild ng daan ay napakaganda at ekstraordinaryo.

Ang kumikinang na mga tiles na gawa sa napakamahal na materyales ay animo'y salamin lalo pa't kumikinang ito na patuloy na tinatamaan ng sinag ng araw. magtatanghali na ng makarating siya dito sa lokasyon ng Alchemy Powerhouse Association na tamang-tama lang ang kanyang dating. Agad na siyang pumasok sa gate palang mismo ng Alchemy Powerhouse Association na pagmamay-ari niya. Agad siyang pinapasok ng mga ito. Makikita sa anim na guwardiya ang malaking respeto sa matandang si Mr. V.

Nakilala agad ni Van Grego ang mga ito lalo pa't siya ang personal na nagligtas sa mga ito. Ito ay mga miyembro ng Chandelo Tribe na mga kalalakihan na nabibilang o miyembro ng Hunters Department.

Kahit matagal-tagal siyang nawala dito ay natatandaan siya ng mga ito. Papasok niya ay maraming mga mukha siyang nakikita. Babae, lalaki, matanda, bata, binata at mga dalaga. Mayroon siyang nakikitang mga bagong mukha at alam niyang mapagkakatiwalaan ang mga ito. May tiwala siya sa kanyang mga tauhan at mga pinuno ng bawat departamento ng Alchemy Powerhouse Association.

Napakahigpit ng mga pagrerecruit na ginagawa ng mga iti na halata naman sa pagkakaroon ng organisadong sistema dito. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa na ayon sa kanilang mga uri ng obligasyon. Lahat ng mga tao dito ay may mga ngiti sa kanilang labi at may kulay ang mga mata tanda na nakarekober na ang bawat isa sa mga masasamang alaala ng kahapon.

Pagkatapos ng pag-oobserba ni Van Grego ay nagpatuloy na siyang naglalakad. Alam naman ng lahat na ayaw ni Mr. V na nagkakaroon dito ng mga espesyal na trato maging sa kanya. Pinanatili niya ang kanyang sariling hindi mataas at hindi rin mababa sa mga ito.

Ilang minuto ang nakalipas at nakapasok na siya sa Meeting Room ng Alchemy Powerhouse Association. Lahat ng mga Namumuno sa bawat Departamento liban sa Kids Department ay naririto. Makikita ang saya sa kanilang mukha ng makita nilang muli si Mr. V na siyang nagligtas sa kanila mula sa kamay ng mga masasamang tao. Hindi nila makakalimutan ang lalaking nagbigay sa kanila ng pangalawang pagkakataon para magkaroon ng mabuting pamumuhay.

Sa ngayon ay masasabi mong napakayaman ng bawat isang miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Malulusog ang bawat pangangatawan ng bawat pinuno at kompletong nakikita ito ni Mr. V. Ngunit hindi nila maipagkakaila ang mga problemang kinakaharap ng bawat Pinuno ng mga Departamento.

"Magandang Araw at Maligayang Pagbabalik sa Iyo Mr. V!" Sambit ng Bawat isang pinuno ng mga Departamento.

"Magandang Araw din sa inyo!"sambit ni Mr. Van na may saya sa kanyang nakikitang kompletong nakabalik ang mga pinuno ng bawat Departamento.

"Alam kong may kinakaharap ang bawat isa sa inyo ng mga mabibigat na suliranin sa paglalakbay, narito ako ngayon para alamin ang kalagayan at karanasan ng bawat isa inyo sa iba't ibang kontinenteng inyong pinuntahan."kalmadong sabi ni Mr. V na hindi malaman kung galit o hindi.

Naunang tumayo ang pinuno ng Weapon Department at nagwika ng kaniyang karanasan.

"Ang aking paglalakbay ay isang malaking trahedya lalo pa't napadpad ako sa Villien Continent kung saan maraming mga Bandido na naririto. Masyadong malawak ito at maraming pagala-galang mga bandido mapa-araw man o gabi. Hindi ako nagtagumpay sa pakikipagnegosasyon sa Pinuno ng kontinenteng ito kahit na marami akong inaaalok na malaking halaga ngunit tinanggihan nila. Sa halip ay pinagbantaan nila tayo na nasa kontinenteng ito na uubusin nila tayo mabuti na lamang at hindi nila ako pinatay. Hindi na ako nagpakita at umulit pa kaya imbes na umuwi kaagad ay bumili na ako ng mga kakaibang bagay kagaya na lamang ng dalawang 10-petaled White Lutos, ilang Alchemy-Type Martial Spirits at iba pang bagay. Pasensya na sa aking pagkabigo Mr. V. Kasalanan ko po ang nangyari kaya humihingi ng pasensya. Gumastos ako ng malaki ngunit asahan niyo pong babayaran ko po ang mga naigastos ko." Sabi ng lalaking medyo may katandaan na siyang pinuno ng Weapon Department na si Hin Nogall na eksperto sa paggamit ng mga sandata.

"Wag mo nang bayaran ang iyong mga nagastos isa pa ako mismo ang nag-utos sa inyo na maglakbay. Siya nga pala, pwede bang bilhin ko na lamang ang isang 10-Petaled White Lutos at ipamahagi mo na lamang ang mga Alchemy-Type Martial Spirits sa mga Alchemist upang mas maging epektibo pa lalo ang paggawa ng matataas na mga gamot, dahil sa ginawa mo ay babayaran ko lahat ng mga ginastos mo sa pagbili mo ng mga pambihirang mga bagay na ito." Masayang wika ni Mr. V na animo'y parang wala lang sa kanya ang kabiguang ng paglalakbay ni Hin Nogall na may lakas na 5-Star Martial Ancestor Realm Expert

Hindi na nagsalita pa si Hin Nogall ngunit may galak ang kaniyang puso. Tanging pagtango na lamangang kanyang ginawa at pagtiklop ng kamay tanda ng pasasalamat sa kanyang kaharap nasi Mr. V. Alam niyang ayaw ni Mr. Van na kontrahin pa ang sasabihin nito. Natutuwa siya kay Mr. Van kahit an hindi siya nsgtagumpay sa mga plano.

Sunod namang tumayo ay ang Pinuno ng Strategy and Plan Department. Ang Pinuno ng Departamentong ito ay Lily Hunch na siyang isang babae. Napakaamo ng mukha nito at hindi kakikitaan ng katandaan kahit na medyo may edad na ito. Makikita mo ang pagiging sopistikada nito sa bawat paggalaw nito. Sa hitsura ng babaeng ito ay hindi mo aakalain na isang 7th Star Martial Dominator Realm Expert na ito. Nagsalita na ito na may paggalang sa matandang si Mr. V.

"Ginoong V, ang aking paglalakbay ay matagumpay na naisagawa sana ngunit nagkaroon ng Aberya. Ang kontinenteng napuntahan ko ay kontinenteng Antalanta na siyang may bantog na pangalan bilang "Land of the Twin Martial Spirits." Kilala ang kontinenteng ito sa may lakas ng tripleng lakas ng isang Cultivator. Ayaw ng pamunuan ng Kontinenteng ito na madamay sa nasabing digmaan ng Hyno Continent. Isinasaalang-alang nito na baka maapektuhan ang kanilang reputasyon bilang mga taong nagbibigay-hustisya sa iba. Ang kanilang tugon ay neutral lamang. Hindi sila sumang-ayon at hindi din sila tumanggi ngunit nang sana ay humiling ako na magpapatayo ng isang sangay ng Assosasyon ay hindi sila pumayag sa pagsasagawa nito bagkus ay ipinagtabuyan nila ako." Hindi maipagkakailang naging emosyonal ang babaeng nasa harapan ni Mr. V (Van Grego).

Halata sa ekspresyon ng babae ang matinding panliliit niya sa kanyang sarili. Katulad ng nauna ay nabigo siya. Kahit kailan ay hindi sila binigo ni Mr V kung kaya't naramdaman niyang malaki ang pagkukulang niya at ng iba pang pinuno ng Iba't ibang Departamento.

"Ang iyong ginawa ay napakalaking tulong na sapagkat nangangahulugan lamang na hindi sila mangingialam o sasali sa magaganap na digmaan." Sambit naman ni Van Grego na makikitang natuwa siya sa salaysay ni Lily Hunch na siyang pinunuo ng Stategy and Plan Department.

Bahagyang natuod sa kinatatayuan niya si Lily Hunch na kalaunan ay nakarekober na sa kasalukuyang kaganapan bakas ang saya lalo pa't hindi nagalit si Mr. V sa kanya bagkos ay pinuri pa siya. Maituturing na itong paunang tagumpay kahit hindi sila nakabuo ng kakampi at hindi din sila nagkaroon ng kaaway sa kontinenteng ito kaya't maituturing itong tagumpay.

Sumunod namang tumayo ang Intelligence Department. Ang pinuno ng Departamento na ito ay nagngangalang Jack Mirusa, isang henyo pagdating sa pangangalap ng impormasyon. Kitang-kita palang sa tindig nito ang mataas na kompiyansa sa sarili ngunit makikitaan din ito ng malaking paggalang sa kanyang kaharap na si Mr V. Siya ay hindi nabibilang sa lahi ng Chandelo Tribe ngunit ang kanyang asawa ay nabibilang sa Chandelo Tribe.

Hindi man ito magaling sa pakikipaglaban o sa mga pisikal na mga gawain ay biniyayaan naman siya ng napakatalinong utak. Noon ay ni-rescue nila (iba't ibang Departamento) ang tribong ito na lubos na makakatulong pagdating sa utakan at pangangalap ng impormasyon.

Isang natural na abilidad ng lahing ito na walang iba kundi ang Sylvanian Tribe na hindi kilala noong unang panahon dahil na rin sa kakaunti nito noong populasyon at hindi magagaling sa larangan ng pisikalan. Ngunit para kay Van Grego ay maituturing silang kayamanan na kapantay ng talento ng mga Alchemist at iba pang kakayahan.

"Mr. V, Ang aling paglalakbay sa isang kontinenteng tinatawag na Arkino Continent ay naging mataumpay. Kilala ang kontinenteng ito sa mga taong gagawin ang gusto dahil sa kayamanan.

Hindi man sila matatalino at mauutak ay masasabi kong magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban. Isang pambihirang kakayahan ang tunataglay ng mga taong nasa kontinenteng ito at iyon ay ang Bloodlust, upang maiwasan ko ang matinding kapahamakan ay kinausap ko ang kanilang pinuno upang humingi ng tulong sa pagpapatayo ng gusali ngunit ito'y tinanggihan nila ngunit dahil nangako ako ng malaking kayamanan ay hindi nila ito tinanggihan.

Ang nasabing pagpapatayo ay mangyayari lamang kapag nasa maayos na kalagayan pa ang kontinente at makakaligtas ito sa digmaan. Magpapadala ang kanilang pinuno ng kanilang mga miyembro upang tumulong sa oras ng digmaan."mahabang salaysay ni Jack Mirusa na may mababang tono.

"Hindi ko inaasahan na mautak din pala ang pinuno nila ngunit kahit ganon ay natutuwa ako sa iyong balita, hindi ko alam kong kakailanganin pa natin ng mga tauhan na lalaban." Makahulugang sabi ni Mr. V sa kanila.

Dahil sa narinig ng mga pinuno ng bawat Departamento ay napaisip sila sa sinabi ni Mr. V lalo pa't hindi nila kailangan ng mga tauhan? Sa digmaan ay pisikal na pwersa ang kinakailangan ngunit alam nilang misteryoso at makapangyarihan ang matandang nasa harap nila. Hindi sial aatras at magtatago dahil lang sa digmaan na ito. Ang pagtalikod ay isang sumpa na hindi nila maaatim. Dito sila ipinanganak kung kaya't dito din sila mamamatay. Halos lahat ay ganito din ang iniisip.

Kahit nagtataka sila ay hindi sila nagtanong pa lalo pa't gawain na ni Mr. V ang gumalaw ng msg-isa na siyang alam na alam nila kung kaya't hindi na sila magugulat pa kung may mangyaring hindi inaasahan sa digmaan.

Umupo na si Jack Mirusa sa kanyang upuan lalo pa't tapos na ang kanyang oras sa pagsasalaysay. Wala na rin siyang gustong sabihin.

Tumayo na rin isa-isa ang iba pang mga pinuno ng bawat Departamento gaya nina Leo Loriano, Zenori Cartagena, Luis Guiano at iba pa na halos lahat ay walang nakuhang matinong sagot sa pamunuan ng Kontinenteng kanilang pinuntahan. Lahat ay puro malabo lalong-lalo na ang malalaking Kontinente na malapit sa kontinente ng Hyno.

Iyon ay ang Serpien Continent,Dracon Continent, at ang Gallon Continent na siyang may magulong sistema ng pamunuan lalo pa't maraming mga bansa at Class na nahahati ukol doto kung kaya't ang magdedesiyon ay napakahirap magawa at magdudulot lamang ito ng matinding away sa bawat Imperyo at kaharian nito.

Nauunawaan sila ni Mr. V at hindi kakikitaan ng galit ang kanyang ekspresyon or tono ng pananalita bagkos ay pinuri pa sila sa kanilang unang paglalakbay na siyang ikinasaya ng bawat isa sa kanila.

Mas importante na nakita ni Van Grego na buhay ang bawat isang pinuno ng bawat departamento kung kaya't nakahinga siya ng maluwag. Maliban doon ay napag-usapan din nila ang tungkol sa naging kalakalan at negosyo ng Alchemy Powerhouse Association patungkol sa distribution System ng mga Pills, Elixirs at iba pang produkto na kalaunan ay napag-alaman nilang magkapantay na ang lakas ng Third Rate Class at Second Rate Class sa First Rate Class o higit pa sa kabuuang lakas nito. Palihim pa rin ang pagpapalakas ng Third Rate Class at Second Rate Class kung kaya't hindi alam ng ibang Class ito.

Ang ibang produkto na kanilang ibinebenta sa First Rate Class ay malaki ang naging kita rito. Ang mas lalong umangat sa sistema ng negosyong ito ay ang Grego Clan at ang mga negosyanteng masisipag bumenta. Lahat ay nasa ayos naman kung kaya't hindi na nababahala si Van Grego sa kalagayan ng kanyang Clan at sa dalawang Classes. Ang kanyang ginawang tulong lalong-lalo na sa Grego Clan kung saan siya nabibilang noon ay isang pagtanaw ng utang na loob at bayad na rin sa mga kaunting naitulong ng mga miyembro ng angkan nito. Ang kanyang tulong ay isang kabayaran at pawang kabayaran lamang.

...

Natapos na ang meeting nila sa loob ng Meeting Room. Ngayon ay gustong libutin ni Mr. V (Van Grego) ang kabuuang lugar na sakop ng Alchemy Powerhouse Association. Liban sa malaking gusali ng Asosasyon na ito ay may isa pang nakatayong malaki at mataas na gusali kung saan ito ay nagsisilbing tahanan o bahay pahingahan ng bawat miyembro ng Asosasyon na ito. May mga espesyal na lugar dito upang mag-ensayo ang bawat isa sa iba't ibang larangan at aspeto ng pakikipaglaban at pagsasanay ng pisikal, mental, ispiritual, emosyonal upang sanayin at palakasin pa lalo ang natural na abilidad ng mga Cultivator na naririto.

Halos lahat ng mga Cultivator mapabata man o matanda ay makikitang nag-eensayo sa iba't ibang mga lugar na angkop sa kanilang hilig at gusto. Makikita ang saya ng bawat isa na nagpapakalma sa puso't-isipan ni Van Grego at sa ibang pinuno ng bawat departamento. Kahit hindi nila sabihin ay lubos silang nagpapasalamat kay Mr. V sa naitulong nito.

Pagkatapos nito ay saka naman nagbigay ng mga bagong paalala at instruction sa bawat isang pinuno. Nagbigay din siya ng mga panibago at malalakas na Epic Grade Martial Arts Technique na siyang angkop na gamit ng bawat miyembro ng Departamento. Ang Alchemy Department ay nakatanggap ng panibagong mga Excellent Grade at matataas na Tier ng mga Pills, Elixirs at iba pa na siyang pangunahing layunin ng Asosasyon na ito.