webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 43

flashback>>>>>>>>>>>

Kasalukuyang nasa isang kuweba si Van Grego, hindi malinaw ang background dahil masyadong ordinaryong pormasyon ng lupa lamang ito at wala kang makikitang kahit ano.

Maya-maya pa ay biglang lumitaw ang napakaraming mga kulay ng mga spirit ng mga Martial Beast (Vicious Beast), pero naalala niyang sabi ni Van Grego ay Martial Spirit ito. Nakita niya kung paano nito inilagay sa loob ng osang parang hugis paso o pot. Unti-unting nilagay ni Van Grego ang mga Martial Spirit dito at nagkaroon ng pag-alog sa buong paso na animo'y mayroong nangyayari sa loob. Ilang oras din ang itinagal nito at maya-maya pa ay tumigil ang marahas na misteryosong pangyayari sa paso.

Maya-maya pa ay lumabas ang isang kumikinang na bagay at ito ay ang Martial Spirit na hawak ni Fatty Bim. Agad itong sinelyuhan ni Van Grego gamit ang mga tiny rune seals at dito ay nagpupumiglas ang Martial Spirit ngunit sa huli'y napagod ito at hindi na nagpumiglas pa.

Maya-maya pa ay nag-iba ang paligid at ngayon ay lumitaw ang isang kakaiba at dambuhalang Martial Beasts. Naglalaman ito ng mga impormasyon st katangian nito. Halos mawala ang konsentrasyon niya dahil dito. Ngunit maya-maya pa ay biglang nag-iba ang senaryo at lumitaw ang mga proseso at halos malaglag ang panga ni Bim dahil dito. 

Ang instruction na ito ay para sa Fusion Requirements. Akala niya ay nabibiro lamang si Van Grego sa sinabi nito ngunit ng makita ni Bim ito ay naniniwala na siya. Dulot ng digmaan noong nakaraang siglo ay malaki ang naging epekto nito lalo na sa kanilang pamilya. Nakita niya na masyadong shallow lamang ang kaalaman nila at halos nawala ang Human Inheritances sa kanila. Akala nila ay tunay na mahina ang mga tao na siyang lahi nila kundi isa iyong pagkakamali.

[A/N: Marahil ay nagtataka kayo kung saan kumuha si Van Grego ng napakaraming Martial Spirit. Iyon ay noong nangyari sa paglalaban ng Martial Titanic Fish Beast st Martial Doom Fish Beasts na maraming namatay na mga Martial Beasts dulot ng pagiging ganid at tuso ng Martial Doom Fish Beasts, sa Volume 2 po nangyari yun.]

End of Flashback>>>>>>>>>>>>>>

Bigla siyang bumalik sa reyalidad ng tuluyan ng pumasok sa kaniyang isipan ang lahat ng impormasyon habang ang jade slip naman ay tuluyang nasira.

Halos nagningning ang kulay berdeng mata ni Bim sa pangyayaring ito lalo na sa kaniyang nalaman. Hindi niya alam ngunit namangha siya sa kaibigan niyang si Van Grego.

Agad niyang tinanggal ang mga tiny rune seals na nakabalot o nakapulupot mismo sa loob ng Martial Spirit at napalaya niya ito.

Dahil gusto niyang lumakas ay mabilis siyang nakapagdesisyon na ituloy ang kaniyang plano na makipagfuse sa Martial Spirit. Kailangan niyang pagtagumpayan ito lalo pa't kailangan niya talaga ang bagay na ito. Ang kaniyang Martial Soul ay biglanglumitaw sa kaniyang palad. Isa itong halberd na animo'y may buhay umiikot lamang ito ngunit maya-maya pa ay bigla niyang ipinasok sa loob ng kaniyang dantian ang Martial Spirit at maging ang kaniyang halberd na siyang kaniyang Martial Soul.

Sinunod niya ang mga instruction. Ang tinutukoy na fusion ay ang pag-iisa ng kaniyang Martial Soul at ng Martial Spirit. Sa paraang ito ay magiging bahagi niya ang Martial Spirit. Ngunit hindi ganoon kadali iyon. Agad na nawala ang sarili ni Bim at nakita niya na lamang ang kaniyang sarili na kaharap ngayon ang Martial Spirit. Kailangan niyang labanan ang Martial Spirit upang mapaamo niya ito at mapag-isa sa katawan niya. Isa itong life-threatening battle.

Nakita ni Bim ang sarili niya na hawak-hawak ang malaking halberd na kaniyang Martial Soul at nasa isa silang malawak na pabilog na arena. Isa itong Yin Yan Circle sa pinakailalim na surface ng kaniyang dantian. Dito ay magiging Battle arena nila ito.

Ang Martial Spirit na animo'y umaapoy lamang na kulay berde ay biglang nag-iba ng anyo. Ipinakita na nito ang tunay  nitong anyo na isang dambuhalang pagong. Dulot ng isang mutations at eksperimentong ginawa ni Van Grego. Mas lumabas ang buong potensyal ng pinagsamang Martial Spirit. Ang kulay berdeng Martial Spirit na ito ay walang iba kundi ang Colossal Water Tortoise na isang Water type Martial Spirit . Kakaiba ito sa pambihirang One-Eyed Colossal Tortoise na meron si Martiano (na sa Volume 2) na isang Earth Type na full-defense Martial Spirit.

Agad na nagharap si Bim at ang dambuhalang Colossal Water Tortoise. Makikita ang galit na galit na ekspresyon ng Martial Spirit habang nakatingin kay Bim.

Agad na hinawakang mahigpit ni Bim ang kaniyang martial soul na malaking halberd.

ROARRRRRRRRRRRRR!!!!!!!

Malakas na atungal ng Colossal Water Tortoise at mabilis itong sumugod kay Bim sa marahas na paraan. Pinahaba at tumalim ang mga kuko nito na naimo'y parang isang mga espada.

Agad namang ni-revolve niya ang kaniyang kapangyarihang tubig na isang konsepto niya o mas mabuting soul niya. Isa itong life threatening battle kung saan ay magkakaroon ng mga maalab na labanan sa kanilang dalawa.

Iwinasiwas ni Bim ang kaniyang malaking halberd at paharap itong umatake.  Biglang umikot ang mga mala-ahas na anyo ng tubig at mabilis na pumunta sa patalim at animo'y naging mas matalas ang halberd.

"BANG!" Isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob ng dantian ni Bim.

Tumalsik si Bim dulot ng malakas na puwersang kaniyang naramdaman. Nagdulot ito ng ibayong sakit sa kaniyang soul pero pinilit niyang nilalabanan ang kakaibang sakit.

Ang Colossal Water Tortoise naman ay napinsala rin ang kanyang mga kuko at nagkaroon ito ng ibayong sakit rito. Tunaay na malakas siya ngunit isa lamang siyang Martial Spirit ngayon na gustong umalis sa lugar na ito. Wala siyang magagamit na skill ngayon dahil isa lamang itong espiritu. Wala itong kakayahang magproduce ng sariling essence at astral energy. Ang espiritu niya ay gawa lamang sa purong soul energies kung kaya't hindi kataka-takang mahina ang kaniyang nasabing atake.

Bigla bumangon si Bim kahit na medyo napinsala na siya. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang halberd at sumugod muli sa Colossal Water Tortoise.

Dito ay nagpalitan ng mga atake sina Bim at ng Colossal Water Tortoise. Halos yumanig ang pabilog na lugar na ito na nagsisilbing kanilang battle arena.

...

Sa labas naman, nag-aalalang tumingin si Breiya sa kanyang Kuya Bim, masyadong kalunos-lunos ang kalagayan nito lalo pa't kitang-kita sa mukha nito ang hirap. Dumudugo ang ilong, mata, tenga at bibig nito sa hindi malamang dahilan. Isa lamang ang dahilan nito, naglalaban ang kapatid niya sa isang halimaw o yung tinawag nilang Martial Spirit.

"Kuya, naniniwala akong kaya mo yan!" Sambit ni Breiya habang makikita ang pag-alala sa mukha nito. Naniniwala siyang malakas ang kaniyang kuya Bim.

Maya-maya pa ay biglang nagbago ang awrang inilalabas ng kaniyang kuya Bim. Halos magulantang si Breiya sa awrang inilalabas ni Kuya Bim niya.

Ilang oras pa ang lumipas at napamulat na ng mata si Fatty Bim at lumabas ang kakaibang enerhiya sa kanyang katawan. Makikita sa hangin ang porma ng isang dambuhalang halimaw na bumalot sa lugar ni Bim. Mabilis na lumayo si Breiya kanina pa ng maramdaman niya ang kakaibang pangyayari kay Kuya Bim niya.

Nanatili lamang si Bim na nakaupo habang tumataas pa ang enerhiyang lumalabas sa kanyang katawan. Maya-maya pa ay lumabas ang tatlong maliliit na bato sa katawan nito. Kulay berde ang mga ito ngunit animo'y karaniwan lanang ngunit bigla na lanang umilaw ang mga ito. Ang unang berdeng bato ay bigla na lamang nag-iba. Makikita ang hulma ng isang tao. Isang imahe na kamukha mismo ni Bim ang nagpakita na may hawak na Halberd. Nang tingnan ito ni Breiya ng maigi ay naging malabo sa kanyang memorya ang mga galaw na ginagawa nito.

Sa pangalawang bato ay mas komplikado ang galaw. Gumagamit na ito ng konsepto ng tubig pang-atake na animo'y bigla ring naging blurred ang mga imaheng ito sa memorya ni Breiya.

Sa pangatlong bato ay naging kamukha rin ito ni Bim, mayroong movement speed ito at isang napakalakas na atake ang pinakawalan nito, ang style nito ay masyadong kakaiba at medyo nagkakaroon ng mga variation styles.

Ang lahat ng galaw na nakita ni Breiya ay nagmistulang malabo sa memorya nito. Wala rin siyang pakialam rito. Walang duda, isa itong unique skill na tanging ang may Martial Spirit lamang ang meron at makakagamit nito. Akala niya kwento-kwento lamang ito ni Van Grego sa kanialng magkakapatid pero totoo pala ito at nasaksihan niya mismo. Mabuti na lamang at nakikinig siya parati kay Van Grego hindi parehas ng kuya niya na puro kain lang alam. Napatawa na lamang siya sa kaniyang iniisip.

Maya-maya pa ay biglang tumayo ng tuwid si Fatty Bim.

"Kuya, nagtagumpay ka ba sa pag-fuse ng Martial Spirit sa iyong Martial Soul?!" Nagtatakang sambit ni Breiya.

"Oo, nagtagumpay ako. Hulaan mo kung ano ang Martial Spirit ko?!" Sambit ni Fatty Bim habang malapad na nakangiti.

"Dahil halberd ang hawak mo, sigurado akong Poison Water Frog ang Martial Spirit mo?!" Sambit ni Breiya.

"Hindi, mali! Ang bantot nun eh!" Sambit ni Bim habang nakasimangot habang kaharap ang kaniyang kapatid na si Breiya.

"Maka-bantot ka kala mo ang bango mo! Siguro Water Swamp Fish ang Martial Spirit mo?!" Nakangiting sambit ni Breiya habang nakahawak pa ito sa kanyang nakalugay na buhok.

"Ang kadiri nun tsaka sa mga kanal pa naman nakatura iyon." Sambit ni Bim habang halos lumukot ang mukha nito.

Marami pang nasabing mali si Breiya na kung saan ay sumuko na si Bim dahil halos matawa at mainsulto siya sa mga sinabi ng kaniyang kapatid. Para sa kaniya ay puro mga kadiring nilalang ang sinabi ng kaniyang kapatid, kahit sino naman ay talagang mapipikon dito.

"Mali! Mali! Mali ang sagot mo Ambreiya! Tingnan mong maigi ang aking Martial Spirit!" Sambit ni Bim habang halos hindi na maipinta ang itsura nito.

Mabilis na lumitaw ang Martial Spirit ni Fatty Bim sa kaniyang likod. Makikita ang dambuhalang pagong sa likod ni Bim. Sobrang dambuhala nito at naglalabas ng kakaibang enerhiya ito. Hindi naman natatakot si Bim na baka maramdaman ito ng iba dahil kayang ikubli at i-withstand ng kinaroroonan nilang malaking silid ang pressure at energy na inilalabas niya at ng kanyang Martial Spirit.

"Anong klaseng Martial Beasts yan Kuya Bim?! Masyadong malakas ito pero yung totoo, paano mo nilabanan at pinaamo ang Martial Spirit na iyan?!" Manghang sambit ni Breiys ngunit kakikitaan ng kuryusidad ang kanyang mga salita.

"Isa-isa lang Ambreiya ha,pwede? Ang Martial Spirit ko ay tinatawag na Colossal Water Tortoise. Paano ko iyon nilabanan ay nakadepende iyon sa aking sariling kakayahan. Nahirapan talaga ako pero sa huli ay nakuha ko ang katapatan nito." Masayang sambit ni Bim sa kanyang kapatid.

"Ganon ba kuya, sana makakaya kong paamuhin at makuha ang loob ng aking Martial Soirit. Sana." Sambit ni Breiya.

"Oo naman, tsaka sigurado akong mas malakas sa'yo kaso baka water-type ang Martial Spirit na nasa loob ng kahon hahaha!" Pagpapalakas ng loob ni Bim kay Breiya ngunit hindi niya mapigilang magbiro.

"Baka nga, eh paano na 'to? Gusto kong Ice type ang Martial Spirit ko eh. Siguradong hindi compatible yung Water Type sakin, narinig ko ang sinabi ni Kuya Van eh kaya Bleehhhhh!" Sambit ni Breiya habang sa huli ay gumawa siya ng pang-iinsulto sa kapatid niya.

"Bigay mo sakin ang kahon at ako na mismo ang magbubukas." Sambit ni Bim habang nakangising demonyo.

"Wahhh! Ayaw ko. Buwiset ka talaga kuya Bim eh. Ang akin ay akin tsaka bigay to ni Kuya Van. Sumbong kaya kita kapag nagkita kami na sinubukan mong buksan ang binigay niyang kahon para sakin?!" Nakangising sambit ni Breiya habang nagpapraktis pa ito ng kaniyang sasabihin kay Van Grego.

"Hmmmp! Bina-blackmail mo talaga ako. Talagang sipsip mo kay Van eh noh!" Pang-aalaska ni Bim ngunit makikitang nainis siya. Mabilis niyang hinabol ang kaniyang kapatid.

"Wahhhhh!" Sigaw ni Breiya habang mabilis din itong nagpalipat-lipat ng direksiyon para hindi siya mahabol ng kaniyang Kuya Bim.

Makikita ang dalawang magkapatid na naghahabulan. Walang gustong sumuko. May nguti sa labi an mga ito na kahit sa isang araw lamang ito ay masasabing naging masaya sila habang hindi alintana ang problemang kanilang kakaharapin.

...

Ang abilidad ng taong may Mortal Water Body at Mortal Ice Body ay kayang magbagong-anyo o magbalat-kayo kagaya na lamang ni Breiya at ni Fatty Bim. Kahit sa kaunting oras ay naramdaman nilang may tatanggap kung ano sila, ang kanilang pagkakaibigan ay tunay na pinagtagpo ng landas ng tadhana. Matatanggap kaya ni Van Grego ang kanilang pagsisinungaling at pinakatago-tagong sikreto? O mauuwi sa wala ang lahat ng kanilang pinagsamahan lalo na ang pagkakaibigan?