webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 41

Sa isang malawak na kwarto ay matamang nag-uusap ang labin-isang mga tao partikular na rito sina Sect Master Spirit Ice at Sect Master Soaring Light.

[A/N: Sect Master Spirit Ice ay isang codename na nangangahuluhugan na siya ang namumuno sa buong Spirit Ice Sect. Ang Sect Master ng Spirit Ice ay si Princess Levora Anastacia Fortilon- Adveriara.]

Malinaw na narinig ng lahat ang sinabi ni Sect Master Spirit Ice at ang naging rason niya sa buong pangyayari. Nalaman nilang ang numerong 876 at 878 ay mga pamangkin ni Sect Master Spirit Ice na siyang ikinagulat nilang lahat lalo pa't ngayon lang rin nalaman ni Sect Master Spirit Ice ito. Marami pa silang napagdesisyunan.

"Dahil validated at being confirmed ang iyong mga ebidensiya lalo na sa pamangkin mo ang mga ito at mayroon silang Special Physique ng Water at lalo na ng pambihirang Ice Body ay pinahihintulutan ko ang nais mo Sect Master Spirit Ice. Kung dito sila mananatili ay baka masayang lamang ang potensiyal nila." Seryoaong sambit ni Sect Master Soaring Light.

"Salamat po Sect Master Soaring Light. Tatanawin ko itong malaking utang na loob." Masayang sambit ni Sect Master Spirit Ice. Bakas sa mata nito ang saya at pag-asa.

Maya-maya pa ay natapos ang kanilang diskusiyon. Agad na silang nagbigay-atensyon sa pagpapatuloy ng labanan ng mga batang kalahok.

...

"Paumanhin sa biglang pagtigil ng laban kani-kanina lamang dulot ng hindi inaasahang pangyayari. Ang bagay-bagay ngayon ay kontrolado pa rin ng aming Soaring Light Sect kayaa ay Huwag kayong mabahala." Malakas na sambit ng announcer. Hindi ito gumagamit ng mikropono bagkus ay gumagamit ito ng Concept of Wind: Sound Wave. Isa itong abilidad kapag nakatapak ka sa Level 3 Concept of Wind.

Agad namang napahinga ng maluwag ang mga manonood at mga batang kalahok. Akala nila ay mayroong anomalyang nangyayari sa likod nito kaya medyo lumuwag ang kanilang pakiramdam at pag-iisip.

Agad na lumitaw muli ang mga numerong ng mga kalahok na maglalaban-laban. Dito ay isa-isang tumayo ang mga lalaban.

Gabi na ngayon at lumiwanag ang buong arena. Halos lahat ay nagpapatuloy sa cultivate habang nanonood ng laban. Isang multi-tasking ang ginagawa nila upang ikondisyon ang kanilang sarili at ang iba naman ay ibalik ang kanilang mga nawalang enerhiya o kaya ay gamutin ang kanilang mga pinsala sa laban.

Maya-maya pa ay si Fatty Bim na ang lalaban. Halatang masaya ito sa buong laban niya.

"876 vs. 413!" Malakas na sambit ng announcer.

Agad namang tumayo si Fatty Bim at naglakad papunta sa malaking entablado na kanilang magiging labanan. Seryoso ang mukha nito dahil malakas ang kalaban niya lalo pa't Spear User ito. Ang accuracy at attack speed nito ay malahalimaw. Tunay ngang isa ito sa mga nakakubling mga malalakas na kalahok. Kanina ay sinabihan siya ni Van Grego ng mga paalala sa kaniyang kalaban.

Nakita naman ni Fatty Bim na nasa kabilang direksiyon niya ang kanyang kalaban kung saan ay magkaharap sila sa isa't-isa. Isa itong batang lalaki na may napakaitim na buhok. Eksperto nitong hinawakan ang sibat nito. Napakatahimik nito at ayaw magsalita. Pinag-aaralan nito ang kaniyang galaw.

Ilang minuto silang nagkatitigan at maya-maya pa ay biglang nawala sa kaniyang puwesto ang batang lalaki na ang pangalan ay si Xin.

Agad namang naging alerto si Fatty Bim pero nakatayo lamang ito. Maya-maya pa ay bigla na lamang siyang sinaksak ng sibat ni Xin.

Halos mapaluwa naman ng mata ang lahat ng nanonood sa laban. Masyadong marahas ang pamamaraan ni Xin lalo na sa naging laban nito.

Si Fatty Bim ay biglang naging purong tubig na siyang ikinagulat ng lahat. Nagulat rin si Xin sa pangyayaring ito. Hindi niya aakalaing nagmintis siya sa kaniyang atake. Sa buong buhay niya ay minsan lamang siya nagmintis.

Agad namang lumitaw sa di kalayuan si Fatty Bim. Mayroong ngiti sa labi nito.

"Masasabi kong malakas ka at hindi kita mapapantayan sa bilis ng iyong paggalaw at atake pero hindi mo ko matatalo dahil ang buong entablado ay pagmamay-ari ko na!" Sambit ni Fatty Bim habang nakangiti.

Naguguluhan naman si Xin sa pangyayaring ito. Bigla na lamang siyang lumayo paatras dulot ng pag-sabog ng tubig sa kaniyang tinatapakan.

"Oops!" Sambit ni Fatty Bim habang natatawa ngunit halatang galit siya kay Xin. Masyadong marahas ang taktika nito sa laban lalo pa't malubha nitong sinugatan ang dalawang kalaban nito at hindi man lang nagbigay ng awa sa mga ito.

Isang malakas na pagsabog ang biglang nangyari sa likurang bahagi ni Xin na siyang ikinatalsik niya sa malayo.

"AHHH!!!"

Pagkatalsik ni Xin  ay mabilis ulit sumabog ang lokasyong lalapagan nito.

"ARRRHGGHHHH!!!"

Malakas na daing muli ni xin at mabilis na tumalsik sa ibang direksiyon.

Paulit-ulit na nangyayaring ito at halos maligo ito sa sarili nitong dugo si Xin.

"Suko na ko!" Sambit ni Xin habang lumilipad sa ere dulot ng pagsabog ngayon-ngayon lamang. Pinilit nitong nagsalita kahit na sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman.

"Mabilis naman akong kausap eh!" Sambit ni Fatty Bim habang nakangisi. Pinawala nito ang kanyang pambihirang Water skill: Water Bomb Trigrams.

Kung water attribute ang kalaban niya ay siguradong maiiwasan ito ngunit ang kalaban niya ay Wind Attribute. Halos kapantay sila ng attainments sa magkaibang elemento kaya mahirap takasan ang kaniyang nasabing skill.

"876 win!" Malakas na sambit ng announcer dahilan upang maghiyawan ang mga manonood.

"Woohhhhh ang bangis!"

"Hindi ko aakalaing siya ang mananalo!"

"Masyadong marahas ang kaniyang pamamaraan ngunit ang lakas!"

Puro pagpupuri ang natanggap ni Fatty Bim. Halos mamula sa excitement.

...

Marami pang mga labanan ang nangyari at ngayon ay si Van Grego naman ang lalaban.

33 vs. 877! Sambit ng announcer at mabilis namang tumayo si Van Grego at naglakad papasok ng malawak na entablado upang lumaban.

Nakita niya ang kaniyang kalaban na naghihintay sa kabilang direksiyon niya. Medyo may kahabaan angkulay Brown nitong buhok. Makikita rin na mayroong itong dalang napakalaking espada na halos kasing tangkad nito. Mayroong Cultivation Level ito ng 9th Star Martial Knight Realm.

"Ang bagal mo naman, mahirap bang maglakad ng mabilis?" Mapangutyang sambit ng kalaban nitong nagngangalang Biyu. Halatang kanina pa ito naghihintay sa kaniyang kalaban na si Van Grego.

"Hindi naman, bakit may lakad ka?!" Mahinahong sambit ni Van Grego. Walang pakialam sa kaniyang kaharap.

"Namimilosopo ka ba?! Tsaka sa itsura mong yan ay napaka-ordinaryo at patpatin mo. Siguradong magkakabali-bali ang buto mo sa espada ko!" Mapanghamak na sambit ni Biyu sabay hawak ng kaniyang espada at isinukbit ito sa kaniyang balikat.

"Edi subukan mo, hindi yung hanggang salita ka lamang." Mahinahong sambit ni Van Grego.

"Grrr..., Masyado kang mayabang para sa isang Diamond Rank. Tikman mo 'to!" Nanggagalaiting pagkakasabi ni Biyu habang mabilis niyang ginamit ang movement technique nito at mabilis na iwinasiwas ang malaking espada nito sa direksiyon ni Van Grego.

"Sword Art: Swirling Sword!"

Ang pagwasiwas ni Biyu ay mas bumilis at lumakas at Mabilis na sinugod si Van Grego. Wala itong iniwang butas para makatakas si Van Grego mula sa atake.

Sa bawat wasiwas nito ay mayroong mga marahas na enerhiya na inilalabas ang espada ngunit mabilis itong iniwasan lahat ni Van Grego ng mahinahon na animo'y sumasayaw lamang ito.

"Grr... Huwag mong sabihing may attainments ka sa hangin?!" Nagtatakang sambit ni Biyu ngunit may naiisip siyang isang bagay. Halos mapaluwa siya ng mata.

"Siguro ay alam mo na. Lalaban mo pa rin ako?!" Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Hindi man lang ito nakaramdam ng pagod. Agad niyang ginamit ang kaniyang movement technique upang lumayo sa distansya ni Biyu.

Agad namang bumalik sa reyalidad si Biyu ng mapansing lumayo ang kalaban nitong si Van Grego.

"Hindi ako naniniwala, isa sa pinakamahirap na konsepto iyon at hindi lang basta-basta matutunan ng sinuman. Isa ka lamang ordinaryong martial artists!" Galit na pagkakasabi ni Biyu habang mahigpit nitong hinawakan ang malaking espada nito.

"Paniwalaan mo ang iyong iniisip at sinasabi. Basta sinagot ko lamang ang nasa isip mo." Mahinahong sambit ni Van Grego habang nakatayo na sa di kalayuan.

"Huwag mo kong lokohin. Gumamit ka lamang ng kakaibang skill. Humanda ka sa'kin!" Sambit ni Biyu at mabilis na ginamit ang kaniyang movement technique. Nagsagawa siya ng panibagong Sword Technique.

"Sword Evasion Rain Strikes!"

Malakas na sigaw ni Biyu at mabilis na pinaulanan ng Sword Strikes si Van Grego. Ang strike na ito ay may 360° rotations kaya paiba-iba ang anggulo ng atakeng ito. Isang napakatalentadong batang Martial Artist si Biyu kaya ipinalaki siya sa napakagandang pamumuhay at marahas na pag-eensayo. Hindi niya matanggap na matatalo lamang siya ng isang batang martial artist na kagaya ni Van Grego.

Ginamit ni Van Grego ang kaniyang mga daliri at animo'y gumawa siya ng kakaibang kilos na animo'y isang espada ang mga daliri nito.

"HAHAHAHAHAHA..."

Puro tawanan ang maririnig sa paligid dulot ng ginawa ni Van Grego na halos lahat ng Cultivator ay inaakalang nahihibang na si Van Grego.

Ngunit kaibahan ito na nag-aaral ng konsepto ng Space. Hindi lingid sa kanila kung gaano kalakas ang magagawa ng Space. Sa pangalan pa lamang nito ay napakadelikado at komplikado na. Hindi lingid sa kanila na kapag ginamit ang konsepto ng Space ay kaya nitong butasin ang anumang bagay at ito ang pinakamatalim at makapangyarihang sandata ngunit ito rin ang isa sa pinakamahirap matutunan sa lahat ng konsepto.

Bawat paggalaw ng mga daliri ni Van Grego ay mayroong mumunting mga space fragments ang makikita sa paligid nito. Pagkatama ng mga sword strikes ay bigla na lamang itong nawala na parang bula. Ang deadly aura ng sword intents nito ay animo'y naging maamong tupa o di kaya'y hindi nakayanan ang enerhiyang bigla nitong nahawakan.

Ang tawanan ay bigla na lamang natigil. Halos mapaluwa ang mata ng iba. Alam nilang napakadelikado ng Swords Strikes na iyon. Ano ba ang 360° rotations? Wala ka lang namang matatakasan ngunit sa ginawa ni Van Grego ay nawala ang common sense dito. Halos hindi sila makapaniwala.

"Nananaginip ba 'ko? Space Fragments yun eh. Sa edad kong 'to ay nagmukha akong talunan sa harap ng batang iyan." Sambit ng isang binatang Martial Artists.

"Mukhang nasayang yata ang naging ensayo ko ng kabataan pa ako ah. Biruin mo naman, may batang kaya palang isupalpal sakin kung ano ang pinagkaiba ng karanasan at talento!"

"Kahit mumunting space fragments lang ito ay napakahirap matutunan nito. Sa tingin ko ay nag-aaral na ito noong nasa loob pa lamang siya ng katawan ng kanyang ina!"

"Bobo ka ba, kahit bilangin mo yung siyam na buwan eh tayo nga ilang taon na nga eh pero medyo mataas lang ang attainments niya!"

"Oo nga pero kala ko eh Concept of Fire ang batang yan. Pinagloloko niyo na ko!"

"Ngayon na ba magkakaroon ng Child Prodigy ang ating Soaring Light Sect?!"

"Isang Dual Attribute na martial artists ang batang yan? Weh di nga?!"

Halos mapuno ng bangayan at mga pahayag ang kinaroonan ng mga manonood. Isa itong hindi kapani-paniwalang pangyayari. Alam nila kung ano ang ibig pakahulugan nito, na mas mataas ang tiyansa ng batang ito na maging napakalakas na Martial Arts Cultivator o Martial Experts sa hinaharap.

Napuno ng kalungkutan at inggit ang bawat manonood dahil sa talentong meron si Van Grego. Ngunit hindi lamang ito ang ikinagulat nila dahil meron pang mas ikakagulat ang mga manonood.

"I surrender!" Sambit ni Van Grego sa mahinahong boses.

Halos malaglag ang panga at mabingi ang manonood sa sinabi ng batang martial artists na si Van Grego.

"Tama ba yung naririnig ko?!"

"Sira na ata pandinig ko eh o kayo rin?!"

"Bakit siya sumuko? Talagang ganito na lang ba?!"

"Tanga ba siya o mangmang, bakit siya sumuko?!"

Maraming mga sari-saring komento at pahayag ang umulan sa paligid. Masyadong hindi nila inaasahan ang sinabi ng batang si Van Grego. Ang mga manonood ay masyadong na-disappoint sa pangyayaring ito.

Agad namang nagising si Biyu sa reyalidad at mabilis na nagwika kay Van Grego.

"Bakit ka sumuko? Alam mo ba ang giangawa mo? Alam mong malapit na kong matalo at halos wala na rin akong lakas upang lumaban pa. Bakit?!" Nagugiluhang sambit ni Biyu. Alam niyang kapag umatake si Van Grego sa kaniya ay wala siyang tsansang manalo o baka manganib pa ang buhay niya. Hindi siya takot sa Cultivation Level nito na mas mababa sa kaniya ng hindi hamak pero sa comprehension ng konsepto ay talo na siya kahit noong una pa lamang.

"Biyu Narxuz, isang napakatalentadong batang martial artist mula sa Sword Haven City. Isang Sword User at mayroong talento sa konsepto ng hangin. Alam ko ang nakaraan ng pamilyang meron ka, ayokong maging hadlang upang matupad mo ang mabuting pangarap mo sa iyong pamilya at kaangkan. Hindi ka rin naman yung taong may masamang hangarin. " Sambit ni Van Grego nang mahinahon. Ginamit niya ang kaniyang divine sense upang ihatid ang mensaheng ito kay Biyu. Ginamit niya rin ang kaunting kaalaman niya sa konsepto ng space upang walang makarinig sa kanila.

"Paano mo nalaman ang pinagmulan ko? Wala na ang Sword Haven City? Bakit mo to sinasabi sa akin? Alam mo ba ang tungkol sa pangyayaring iyon?!"Naguguluhang sambit ni Biyu. Alam niyang medyo naging emosyunal siya.