webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 41

Malayo sa parte kung saan naganap ang labanan ay narito si Nexus Gallo upang pag-obserba. Gamit ang isang sekretong teknik ng angkan nila na mga Martial Whale Beast ay dumura siya ng tatlong magkakasunod na dugo.

"Martial Whale Sensing Technique!" Sigaw ni Nexus Gallo. Agad na nagliwanag ang dugong idinura niya na siyang nangangahulugang tagumpay ang kanyang nasabing Technique.

Kahit na malaki ang nakunsumong enerhiya ng Technique na isinagawa ni Nexus Gallo ay marami pa rin siyang nareserbang mga enerhiya.

Ang Martial Whale Technique ay isang sekretong Technique na pagmamay-ari mismo ng kanilang angkan. Ang Technique na ito ay kayang malaman ang mga paggalaw ng alinmang nilalang 100 kilometro mula sa kinalalagyan ni Nexus Gallo.

Naisip ni Nexus Gallo ang nangyari kanina. Lahat ng natamo niya na nagdulot kani-kanina lamang na mga matitinding pinsala sa bawat parte ng kanyang katawan ay nawala na ng tuluyan dahil sa tulong ni Van Grego na ngayon ay itinuturing niyang tunay na kaibigan. Hindi niya na inungkat pa ang detalye ng kanyang mabilisang paggaling. Tanging pasasalamat lamang ang kanyang naiganti.

Nagbalik na lamang sa reyalidad ang ulirat ni Nexus Gallo nang may naramdaman siyang malaking hukbo ng naglalakasang mga Martial Beasts na mabilis na tumatakbo papunta sa kanilang direksiyon ni Mr. Van.

Nagkaroon siya ng pagkabahala at takot lalo pa't mas higit na marami ito kumpara kanina lamang. Dalawang Martial Monarch Beasts na ang kanilang nakaharap. Ngayon ay alam niyang mahihirapan sila kung kakalabanin nila ang malaking bilang ng mga naglalakasang Martial Beast. 

Agad na pumunta si Nexus Gallo sa kinaroroon ni Mr. Van, nakikita niyang nakapikit-mata ito.

Pero alam niyang nasa alangin silang sitwasyon na kung saan malalagay sa mapanganib na baka mauuwo sila sa napakapanganib na pangyayari kung sila aalis pa.

"Mr. Van, kailangan na nating umalis lalo pa't may paparating na malaking hukbo ng mga Martial Beasts!" malakas na sabi ni Nexus Gallo. Makikitaan mo din ang boses nito ng may paggalang sa binatang kanyang kaharap.

Napabukas bigla ang pares na mata ng binata. Tanging pagtango lamang ang naging sagot niya sa nag-aalalang si Nexus Gallo na nasa anyong tao.

Hindi pa rin gumagalaw ang binatang si Van Grego sa kanyang kinatatayuan. Hindi na rin ito ginambala ni Nexus Gallo. Alam niyang may pinaplano ang binata kung kaya't hindi na niya pinoproblema kung may dadating man ditong mga hukbo ng Martial Beasts.

Ang tiwala niya sa kaniyang kaibigang si Mr. Van ay mas lalo pang lumawak kagaya ng karagatang hindi matanaw sa dulo. Sa kanyang pagsama sa binata sa paglalakbay ay hindi siya nito binigo sa alinmang sitwasyon.

Kaya gagawin niya din ang lahat  sa abot ng kanyang makakaya upang tulungan ang binata.

Paano na lamang kung malaman niyang ang binatang nasa harapan niya ay isa pa lamang bata? Ano kaya ang magiging reaksyon niya ukol dito?

Umupo na lamang si Nexus Gallo medyo may kalayuan kay Van Grego. Komportable naman siyang umupo dito at nagmeditate. Ipinukos niya ang sarili niya sa pagcucultivate ng mga enerhiyang kanyang nasasagap sa paligid ng karagatang ito.

Makalipas ng ilang oras ay ramdam niya ang matinding paglindol na maging ang mga buhangin ay humahampas kasama ang pag iba ng daloy ng tubig na nagiging marahas habng patuloy na papalapit ang mga hukbo ng Martial Beasts.

Isinawalang bahala na lamang ito ni Nexus Gallo, may pagkabahala siyang nararamdaman  ngunit iwinaksi niya na lamang ito.

Walang ano ano pa'y bumukas ang pares na mata ni Van Grego, kahit napakarahas na ng nasa paligid ng karagatang ito ay kalmado pa rin siya.

Gamit ang Immortal ni  Van Grego ay nakita niya ang grupo ng mga Martial Beasts, sa una palang ay makikita mo ang bakas ng pagiging mabagsik ng mga ito at hindi gagawa ng mabuti.

Samantala....

Dahil sa skill ni Nexus Gallo na Martial Whale Sensing Technique ay kaya niyang masagap ang aura ngunit dahil sa skill at nakikita niya na ito ay natukoy niya na ito. May pagkabahalang namumuo sa kanyang isipan. Alam na alam niya ang mga ito na isa sa lubos na kinatatayuan ng mga Martial Beasts dito.

"Mga Beasts Devil Alliance!" May himig ng pagkatakot na patuloy na bumabalot sa katawan ni Nexus Gallo.

Ang hukbo ng Beast Devil Alliance ay alyansa ng mga Martial Beasts na layunin ay pumatay. Binabayaran ang mga alyansa na ito ng malaking halaga upang paslangin ang sinuman  na gustong paslangin ng nagbaya sa kanila. Ang serbisyo na kanilang ginagawa ay may kaukulang malaking halaga ng Salapi.

Ang salaping ginagamit nila ay ang Spiritual  Chips. Ang Spiritual chips na ito ay napakahirap mapasakamay ng isang Martial Beasts. Ito ang nagsisilbing Currency ng karagatang ito.

Ang Spiritual Tree ay nagpoproduce ng Spiritual Chips. Ang punong ito ay bibihira lamang sapagkat kadalasan lamang itong tumutubo sa matabang lupa at makakapal na Martial Qi.

Kung Kaya't ganon lamang ang pagkaganid ng ibang Martial Beasts sa Spiritual Chips maging sa paghahanap ng Spiritual Tree.

Walang naging tugon si Van Grego sa pagkabahalang nararamdaman ni Nexus Gallo. Napagdesisiyunan niyang magkaroon pa ng mga maraming Beasts Core. Mas mainam na mas mas marami para mas mapalakas pa lalo ang Cultivation niya. Hindi niya ito gagamitin sa ngayon. Tanging pagkolekta lamang ang kanyang gagawin para gamitin sa hinaharap.