webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 39

Nagulat ang Martial Doom Fish Beast lalo pa't napakaimposibleng magkaroon ng isang tao na nandito. Hindi niya mawari kung saan ito nanggaling. Hindi maipagkakailang napakadalang ng mga Cultivator ang nandito.

Sa nakikita niya kahit na na nagulat siya kani-kanina lang ay parang langaw lang sa kanya ang isang 8- Star Martial Ancestor kung ikukumpara sa kanya.

Napangiti na lamang ang Martial Doom Fish Beast.

Ipapakita niya sa binata na hindi siya dapat harangan o banggain. Tuturuan niya ito ng leksyon.

Nagulat na lamang ang Martial Doom Fish Beast ng makaramdam siya ng sobrang sakit sa kanyang tiyan.

Parang mabubutas ang kanyang tiyan sa sakit.

Agad niyang tiningnan ang kanyang tiyan at nakita niya ang pagbulwak ng masaganang dugo sa parteng tinamaan ng binata.

Agad niyang nakita ang binatang may bahid ng kanyang dugo ang kamao nito na halos ikaluwa ng kanyang mata.

Napakaimposible para sa kanya maging ang mga nakasaksi ng pangyayari na maging si Nexus Gallo ay namangha sa lakas na ipinakita ni Van Grego na nasa anyong binata.

Hindi maitatangging ang lakas nito ay kayang-kayang tapatan ang lakas at depensa ng Martial Doom Fish Beast.

Ang tinamaan na parte sa tiyang ng Martial Doom Fish Beast ay itinuturing na isa sa may pinakamatigas na depensa ng katawan nito ngunit agad lamang itong nabutas ni Van Grego.

Hindi maiiwasang mahintatakutan ang lahat sa maliit na nilalang sa kanilang harapan. Kung sa sukat lamang ng pangangatawan ang pagbabasehan ay napakalaki nila ng hindi hamak sa binata pero sa lakas ay hindi nila maikukumpara ang binata.

Isang katotohanan ang isinampal sa kanila ng binata na sa ngayon ay naiisip nila ang kanilang sarili sa binatang na nasa harapan nila ay parang nasa pagitan ng langit at lupa, imposibleng maabot ang kasalukuyan nilang lakas ay napakapangliiit at nagpapababa ng kanilang tingin sa kanilang mga sarili.

Naiisip nilang kakaiba ang binata na nasa harapan nila. Nagulantang din sila sa kani-kanina lamang nila nasaksihan sa ipinakita nitong kalakasan laban sa mapagmataas at tusong Martial Doom Fish Beast na may lakas na Martial Monarch Realm.

Ang masasabi nila ay nakaharap na ang Martial Doom Fish Beast ng kanyang katapat na siguradong tatapos at tuturo ng leksyon sa katusuhan at kalapastanganang ginagawa nito.

Samantala...

Nakabawi na sa bigla ang Martial Doom Fish Beast sa naging kaganapan na nagpinsala sa kanyang katawan. Hindi maitatangging malakas ang binatang nasa harap niya.

Dahil sa nakasaksi sa pangyayaring ito ay dobleng kahihiyan kung tatakas siya. Wala sa lahi nila ang makipagkaibigan sa mahihina lalong-lalo na sa isang hamak na Martial Ancestor Realm lalong-lalo na sa isang tao.

Ang lahi nila ay ipinagbabawal ang pakikipagnegosasyon o kahit na anong klaseng ugnayan sa mga ito. Napakaimposibleng mangyaring makikipagkaibigan sa langaw na kalahi ng taong nasa harap niya. Itinuturing nilang kalaban ang mga tao dahil sa mapang-abuso nitong mga taktika at gawain kung Kaya't kamatayan ang naghihintay sa pakikipag-ugnayan sa tao dahil itinuturing nila sa kanilang lahi na mahihina ang mga tao.

"Isang hamak at mahinang tao ka lamang ngunit ang iyong ginawa ay isang kahangalan, dahil diyan ay bibigyan kita ng mabilis na kamatayan bwahahaha!!!!!!" mapagmataas na sabi ng Martial Doom Fish Beast na may himig ng panghahamak at pagmamaliit.

Nagkaroon na ito ng isip at talino maging ang kakayahang makapagsalita. Isang kakayahang ibinigay ng kung sinong mga Martial Beast na mapa-lupa, mapa-himpapawid o mapa-karagatan man na nakatuntong sa Martial Monarch Realm o naging isang Beast Cultivator. Kung Kaya't hindi na nagulat si Van Grego. Nasaksihan niya na ito na aksidenteng naging Cultivator ang Martial Whale Beast na si Nexus Gallo.

"Hahahaha, Masyado ka yatang bilib sa kakayahan mo halimaw, ang isang katulad mo ay walang-wala sa akin, dambuhala ka nga pero ang lakas mo ay parang kagat lamang ng langgam at nagpapakita lamang ng kaduwagan dahil sa planong pagtakas!" malakas na sambit ni Van Grego sa Martial Doom Fish Beast na may himig ng pangungutya.

Likas na mabilis uminit ang ulo ng mga Martial Doom Fish Beast kung kaya sumabog ang tinatago niyang galit na parang bulkan. Gusto niyang tirisin at pulbusin ng pinong- pino ang binata upang mamatay na ito at mabunutan siya ng tinik sa lalamunan.

Hindi niya matatanggap ang pangungutya at mga salitang binitawan ng binata. Lahat ng nagsasalita laban sa kanila ay pinapatay.

"Dahil sa kalapastanganan ng mga salitang lumabas sa iyong bibig binata ay tuturuan kitang gumalang sa nakakatanda at mas malakas sa iyo, Tikman mo 'to!" Galit na sigaw ng Martial Doom Fish Beast.

Hindi na siya nagpakilala dahil tatapusin niya na ito kaagad.

Agad na nagsagawa ng malakas na Technique ang Martial Doom Fish Beast.

"Berserk Doom Fish Technique!" Sigaw ng Martial Doom Fish Beast na agad niyang natapos ang Technique.

Agad na lumaki ang katawan nito. Nagliwanag ang katawan ng Martial Doom Fish Beast at nang bumalik sa normal ay mas kumapal ang balat nito. Hindi mo masasabing isa itong dambuhalang isda dahil ang anyo nito ay sobrang nakakatakot na aakalain mong isang diyablo ito.

Nararamdaman ng lahat ng mga saksi ang mapangwasak na mangyayari maya-maya lamang. Ugali na ng Martial Doom Fish Beast ang masangkot sa gulo ngunit iba ito kumpara sa iba lalo pa't ang kalaban nito ay hindi isang uri dambuhalang Martial Sea Beasts kundi isang tao.

Walang ano-ano ay gumalaw ng mabilis ang Martial Doom Fish Beast sa mapangwasak nitong pamamaraan. Lahat ng mga naaapakan na mga bagay ay nabibitak o kaya ay nagkapira-piraso sanhi ng malakas na pwersa galing sa matitigas at matitibay nitong mga paa't binti.

Ang matitigas at matutulis nitong kamay ay agad na hiniwa ang binata pagkarating niya palang sa pwesto nito. Hindi maitatangging sa bilis ng pangyayari ay unti-unti na ring naka-recover ang lahat. Masasabing ang taktika ng Martial Doom Fish Beast ay tunay ngang kahanga-hanga maging ang napakabilis nitong galaw ay malahalimaw kung maikukumpara .

Ang kanyang kamay ay bumutas sa bandang dibdib ng binata na siyang ikinatuwa niya ngunit nawala ang ngiti niya ng mapansing wala itong reaksyon at mas lalo siyang nagulantang ng makitang walang kahit anong bahid ng dugo ang makikita sa binata.

Kung napabilib ang mga nakasaksi sa taglay na lakas ng Martial Doom Fish Beast ay mas napabilib  sila sa kakayahan ng binata. Isa iyon sa pamatay at final blow ng Martial Doom Fish Beast upang tapusin agad ang binata ngunit sa nakikita ng mga saksi lalong lalo na ang mga mata ng mga Martial Beast Council ay kahanga-hanga ang ipinakitang kakayahan ng binata lalo pa't hindi maipagkakailang kung sino ang tinamaan ng lakas ng Martial Monarch Realm Beast ay ikamamatay ito ng kahit na sinuman lalong-lalo na ang mababang rank ngunit pinatunayan ng binata na walang imposible sa mundong ito.

Lahat sila ay namamangha at naging inspirasyon nila ito upang malakas din sa hinaharap. Nananabik ang lahat sa magiging laban, hati pa rin ang pasya ng lahat at kapwa walang kinakampihan sa naglalaban.

Kanina pa nakayuko ang binata kahit na sabihing nakatanggap siya ng nakakamatay na atake. Hindi malaman ng lahat kung ano ang ekspresyon ng binata ngunit maya-maya lamang ay unti-unting tumingala ang binata ngunit nakapikit lamang ang mata nito na nakangisi ang mga labi nito.

Unti-unting minulat ni Van Grego ang mata nito at humalakhak ng napakalakas.

"Bwahahaha....! Bwahahaha...! Bwahahaha...!" Paulit-ulit nitong paghahalakhak na wari'y ng karamihan ay parang nababaliw ngunit habang tumatagal ay naging nakakatakot ito na wari'y isang halimaw ang binata sa harapan nito.

Ang balat ng binata ay unti-unti na ring nagbabago. Nagkaroon ng mumunting hibla ng apoy ang balat nito na agad ding lumalaki at lumilinaw ang kulay bughaw na apoy.

Ramdam ng lahat ang nakakapaso nitong init na maging ang ilan ay napaatras at lumayo ramdam na ramdam nila ang napakalakas na enerhiya na nanggagaling sa binata. Para sa kanila ay napakaimposibleng magkaroon ang binata ng napakalakas na enerhiya lalo pa't ang Cultivation Level nito ay may lakas lamang na 8-Star Martial Ancestor na masasabing karaniwang lakas lamang ng isang Martial Beasts na katulad nila ngunit alam nilang may kakaiba sa binata at iyon ang hinihintay nila.

Ang mga mata ni Van Grego ay nababalutan na rin ng apoy, hindi ito katulad noon lalo pa't ngayon ay ramdam  niya na may lumalabas na kakaibang pigura sa mata nito na nasa anyong apoy katulad na lamang ng mga Martial Beast. Kakaiba ang pakiramdam niya lalo pa't nag-uumapaw sa enerhiya ang pakiramdam niya. Walang kahit na anong sakit siyang nararamdaman.

Kailangan niya na itong tapusin, ang ginawa ng Martial Doom Fish Beast sa kanya at sa ibang naging biktima na ikinasawi ng iba sa marahas nitong pamamaraan ay walang kapatawaran sa kanya. Sa lakas niya ngayon ay gusto niyang wakasan ang kasamaan ng Martial Monarch Beasts na nasa harapan niya ngayon. Oras na para siya naman ang gumalaw at tapusin ang lapastangang  kalaban niya.

Agad na nawala sa paningin ng lahat si Van Grego na nasa anyo pa rin ng binata at agad na lumitaw ito sa likod ng Martial Doom Fish Beast. Sa ipinakita nitong bilis ay hindi maikukumparang mas mabilis ito ng hindi hamak lalo pa't sa isang kisap-mata lamang ay nakapunta na ito sa likurang bahagi ng Martial Doom Fish Beast.

Sa paglitaw pa lamang ni Van Grego sa likod ng Martial Doom Fish Beast ay nagulat na lamang ang ito ng sinipa siya ng binata na nagpabulusok sa kanya paabante. Halos mamilipit ito sa sakit dahilan upang sumuka ng saring dugo ang Martial Doom Fish Beast.

Nabigla na lamang ulit ang Martial Doom Fish Beast nang nasa harapan niya naman ang binata at sinuntok siya nito sa tiyan gamit ang nagbabagang kamao nito na siyang halos ikinaluwa ng mga mata ng Martial Doom Fish Beast.

Namimilipit na ito sa sakit lalo pa't kung masakit ang nasa likurang pagsipa sa kanya ng binata ay hindi hamak na mas masakit ang pagsuntok nito sa tiyan niya na halos ikabuhol ng kanyang mga laman loob idagdag pang hindi niya pa na-rerefine ang pagkain niya sa katawan ng Martial Titanic Fish Beast.

Hindi pa siya nakaka-recover sa paunang dalawang atake ay lumitaw ulit ang binata sa harapan nito at malakas siyang sinuntok nito panga ma siyang hindi niya kinayanan ang lakas nito kung kaya't puwersahang lumipad ang katawan nito paitaas ng karagatan ngunit kahit malakas ang pressure ng tubig ay hindi maipagkakailang walang nagawa ito upang bawasan ang pwersa ng pagkatangay sa suntok.

Kung akala ng Martial Doom Fish Beast na tapos na ang pagpapahirap sa kanya ng binata ay nagkakamali siya.

Hindi pa man natatapos ang paglipad niya paimbabaw ay nasurpresa naman siya sa susunod na atake nito.

Sa paglitaw ng binata sa harap ng Martial Doom Fish Beast ay mabilis na pinagsiklop nito ang dalawang kamay na pumormang parang martilyo at na ipinukpok ng binata ang dalawang kamay nito sa ulo ng Martial Doom Fish Beast na siya ikinapilipit sa sakit ng Martial Doom Fish Beast na halos ikawalan nito ng malay.

Dahil sa pwersahang inilagay ng binata sa atakeng iyon ay nagkaroon ng malakas na pressure ng tubig sa parteng timog ng karagatang iyon. Halos nagkaroon ng mga abnormal sa agos ng tubig maging ang mga naninirahang mga halimaw na malapit sa katimugang bahagi ng karagatang iyon ay nagsialisan at nagsilikas pansamantala lalo pa't ang pangyayaring nagaganap sa lugar ng labanan para sa kanila maging sa saksi ay hindi pangkaraniwang pangyayari.

Papahupain na lamang nila ang labanan bago bumalik sa kanilang teritoryo lalo pa't hindi ligtas para sa kanila ang manatili sa lugar na iyon lalo pa't maaaring madamay o maipit sila sa kaguluhang hindi naman nila sakop at wala namang kinalaman sa kanila.

Matatapos ba ang labanan o magtatagal pa?

Ano ang gagawing kalapastanganan o katusuhan naman ang gagawin ng Martial Doom Fish Beast?

Mapapanalo na ba sa wakas ni Van Grego ang labanang kanyang kinasasangkutan o dito na magtatapos ang kanyang buhay?