webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 36

Hmmp! Nautakan tayo ng mga batang iyon, alam nila na tinutunton nila tayo! Humanda sila, hindi pa tapos! Hahanapin ko kayo kahit saan pa kayo magtago!" Sambit ni Shiba sa malakas na boses na umalingangaw ito buong lugar.

Mabilis nilang nilisan ang lugar na ito. Nangngingitngit sa galit si Shiba maging ang sampong mga assassins. Ang kanilang pagpunta ay nasayang lang.

...

Patuloy parin sa pagcultivate ang tatlong bata na sina Van Grego, Fatty Bim at Breiya. Lumakas pa lalo ang tatlo dahil hindi lamang sila nagcultivate kundi ay nag-aar din sila sa konsepto ng apoy at tubig at nag-ensayo rin sila sa sa larangan ng pisikalan gaya ng wastong pagsipa, pagsuntok, pagsiko at pagtuhod na walang gamit na anumang enerhiya kundi puro lakas pero nang masanay na sila ay tinuruan ni Van Grego sina Breiya at Fatty Bim kung paano gumamit ng natural lakas at haluan ng mga purong enerhiya sa katawan. Siyempre kay Fatty Bim ay mayroong astral energies at essence energies kung kaya't medyo nahirapan siya. Hindi siya kasing talentado ni Van Grego kung paano paghaluin ang dalawang magkaibang enerhiya kung kaya't doble ang naging training niya. Si Breiya naman ay nagagamit niya ang astral energies niya ng epektibo kapag nagrerelease siya ng mga atake sa hangin. Hindi maaaring turuan ni Van Grego ang magkapatid ng lahat ng kanyang natutunan dahil ayaw niyang maging umasa ang mga ito sa kanya. Ang kanilang kapalaran ay hindi magkatugma at dapat silang magsariling sikap upang lumakas. Kung paano sila magtatagumpay at umunlad ay nakadepende pa rin ito sa kanilang mga sarili.

Si Van Grego ay hinahati niya ang kaniyang oras at panahon sa pagluluto, sa alchemy, pag-aaral ng formation Arrays, pag-eensayo ng kaniyang katawan, nagcucultivate gamit ang astral, essence at soul energies. Kakaiba ang kaniyang Cultivation System dahil iba ang Heavenly Dao Laws na sinusunod ng kaniyang katawan. Pinag-iisa nito ang kaniyang tatlong enerhiya habang nagcucultivate siya. Sa una ay mahirap ngunit nasanay siya habang tumatagal.

Hindi namamalayan ng tatlong bata na isang buwan na pala ang nakakalipas. Malaki ang pag-unlad ng tatlo.

Si Breiya ay nakapagbreakthrough na at may ranggong 2nd-Star Diamond Rank. Lumakas ang kaniyang combat ability at medyo lumusog at humubog ang katawan nito hindi kagaya dati.

Si Fatty ay medyo tumaba rin at hindi maipagkakailang tumangkad ito. Kapansin-pansin rin na tumaas ang Cultivation Level nito. Kasalukuyan siyang nasa 6th-Star Martial Knight Realm at nalalapit ring magbreakthrough. Tinuruan sila ni Van Grego na hayaang mag-overflow ang enerhiya sa kanilang katawan upang ma-stabilize agad ang kanilang pundasyon sa katawan at hindi magkaroon ng bottleneck sa hinaharap kaya sinunod rin nila ito.

Si Van Grego ay tila walang pagbabago sa labas lalo pa't Diamond Rank pa rin ito ngunit hindi malalaman kung anong ranggo na siya. Pero kasalukuyan siyang umunlad dahil nasa 4th-core 1st Diamond Life Destruction Rank na siya o katumbas ng 4th-Star Martial Knight Realm. Ngunit ang kanyang combat prowess at pag-jump rank ay umunlad na rin ngunit hindi niya pa rin kayang labanan o mapinsala ang ordinaryong Martial Soldier Realm Expert.

...

"Van, napapansin kong parang walang pagbabago sa iyong Cultivation Level maski kaming magkakapatid ay nagtataka. Walang marahas na enerhiyang lumalabas sa katawan mo katulad namin. Okay ka lang ba?!" May pag-aalalang boses ni Fatty Bim. Kaibigan niya si Van Grego kung kaya't bilang kaibigan ay tunay siyang nag-aalala rito.

"Oo nga Kuya Van, pansin ko rin na halos walang fluctuations kapag nagcucultivate ka at masyadong kakaiba ang enerhiyang pumapasok sa katawan mo. Ang iyong Cultivation Level ay walang estado ng paggalaw o pagtaas. Nag-aalala kami sa'yo kuya Van." Sambit ni Breiya habang nagtataka sa pangyayari sa kanyang Kuya Van at nababahala na baka may problema ito sa kanyang Cultivation Level. Nakita niya kung gaano ka dense ng nga enerhiyang pumapasok sa katawan ni Van Grego at gaano ito kakomplikado.

"Ah, yun ba? May inilagay kasing arcane skill ang aking Master para hindi malaman ng sinuman ang aking cultivation level kaya ganon na lamang ang nakikita ng inyong mata. Isa na akong 4th-Star Martial Knight Realm." Pagsisinungaling ni Van Grego. Ayaw niyang mabahala ang magkapatid na kaniya ng mga kaibigan sa kasalukuyan. Hindi niya rin maaaring ipagsabi ito sa kanila dahil napakadelikado itong sikreto lalo na para sa kanyang sarili. Kahit ipagsabi niya pa ito ay hindi ito mauunawaan nina Breiya at Fatty Bim.

"Ang galing naman kuya Van, bibihira lang ang mga arcane skill na iyan at hindi ito nabibili kung saan man. Ang lakas talaga siguro ng iyong Master." Sambit ni Breiya habang namamangha. Masasabi niyang napakasuwerte talaga ng kaniyang Master.

"Ang astig naman! Hindi ko aakalaing ginawan ka ng pabor ng iyong Master. Ang pagtago sa iyong Cultivation level ay nangangahulugan na gusto ka niyang protektahan." Sambit ni Fatty Bim habang nakangiti.

"Parang ganon na nga, kasi patuloy pa rin itong naglalakbay sa malalayong lugar." Mahinahong sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang batok.

"Ah ganon ba, mahirap talaga pag malakas ang master mo, kailangan nilang maglakbay upang lumakas." Sambit ni Breiya habang namamangha. Gusto niya ring maglakbay at lakbayin ang buong mundo.

"Kahanga-hanga talaga ang iyong Master Van, siguradong lumakas na ito ng todo." Sambit ni Fatty Bim. Naiisip niya palang na marami na itong nasagupang malalakas na nilalang at mga kapwa Martial Artists nito ay namamangha na siya.

"O siya, tapos na ang isang buwang seklusiyon natin, dapat ay maglakabay tayo upang humanap ng ikakalakas pa natin." Paalala ni Van Grego habang nakatingin kina Fatty Bim at Breiya.

"Van, naalala ko nga pala. Ngayong araw na ito ay gaganapin ang isang Martial Junior Tournament. Mangrerecruit ngayon ng mga batang disipulo ang Soaring Light Sect. Medyo bago kasi ang patakaran ngayon dahil Martial Warrior pababa ang kukuhain nilang mga bagong disipulo. Ang Soaring Light Sect ay Human Sect kung kaya't pwedeng-pwede tayong pumunta roon at subukan kung makakapasok tayo. Tsaka hindi tayo magagalaw ng mga Hybrid Races/Monster Races dahil may treaty ang dalawang magkaibang lahi." Sambit ni Fatty Bim habang kaharap si Van Grego. Gustong-gusto niyang makapasok sa isang sect at matutunan ang mga malalakas at pambihirang mga Skills/Techniques.

"Oo nga kuya Van, Mayroong malaking benepisyo ang makukuha natin kapag sumali at maging disipulo tayo ng Soaring Light Sect. Tsaka matanong ko lang, ano ang sinasabi mo Kuya Bim patungkol sa Seguridad? May ginawa ba kayong katarantaduhan?!" Sambit ni Breiya habang makikitang naguguluhan siya sa sinabi ni Kuya Bim niya patungkol sa seguridad. Alam niyang lapitin ang kuya niya sa gulo at mahilig kutyain dahil sa matabang pangangatawan nito ngunit nakita niya kung paano nababahala ang kuya niya.

"Alam mo ba Breiya, muntik na kaming saktan ng isang Martial God Expert, mukhang hindi lang saktan dahil pinlano niya kaming bitagin upang paslangin. Masyadong malinis ang pagkakaplano niya at mabuti lamang ay nakaisip ng plano si kaibigang Van upang hindi kami mahuli sa bitag nito. Mayroon kasi kaming nadiskubreng masamang plano ng mga ito kung kaya't hinahabol kami at tinutunton ng malalakas na mga Martial Experts." Sambit ni Fatty Bim sa nababahalang boses.

"Totoo yun Breiya, ikinwento ko na kay Fatty Bim ang pangyayari. Mabuti ng hindi mo alam ang detalye para hindi ka paghinalaan at subukang paslangin ng mga ito. Hindi na kami maaaring umatras pa dahil tutuntunin nila kami at maaaring paslangin kaya nga noong isang araw ay umalis ako dito ay dahil inilihis ko sila at pinaghandaan ng Killing Array ngunit mabilis nila itong naiwasan tsaka isang beses lang pwedeng i-activate iyon kaya yung mga Black Viscious Hounds lang ang napaslang ko. Kahit anong gawin ko ay hindi namin o natin kayang labanan ang mga iyon. Napagdesisyunan kong sumali tayo. Maganda iyon upang hindi sila magbalak ng masama laban sa atin o maiiwasan natin na maraming peligro sa loob at labas ng Soaring Light Sect." Mahabang salaysay ni Van Grego. Sa huli ay sinabi niya ang kaniyang palagay at hinuha sa maaaring mangyari. Kahit na isang Earthen Treasure ang pinagtataguan nila ngayon (Miniature House Artifact) ay may sarili pa rin itong limitasyon lalo pa't hindi ito pwede sa isang labanan. Isa itong Auxilliary Artifact na layunin lamang ay maging tirahan at hindi pang-giyera.

"Naiintindihan ko ito kuya Bim at Kuya Van. Alam kong ginawa niyo lang ang makakaya niyo upang lumayo sa gulo. Kung hahabulin man nila tayo ay dapat maging handa tayo sa hinaharap at magpalakas pa lalo. Ang tulong ng Sect ay limitado rin lalo pa't maraming silang mga disipulo na nangangahulugan lamang na maraming kompetisyon at palakasan ang nangyayari. Alam din natin na limitado rin ang proteksiyon an maibibigay nila pero alam kong ligtas tayo sa loob ng Soaring Light Sect. Kapag lumabag ang mga Hybrid Races ay maaari silang maharap sa malaking gulo. Hindi rin naman mangmang ang mga Hybrid Races upang gumawa o magsimula ng ruckus." Mahabang pagkakasabi ni Breiya. Napag-isipan niya ang mga bagay-bagay. Kahit anong gawin ng mga naghahabol kina Kuya Van at Kuya Bim nila ay mare-restrict ito sa loob ng Soaring Light Sect.

"Sige, umalis na tayo. May registration ngayon at kailangan nating magpa-register. Tsaka may laban agad na mangyayari for elimination round." Sambit ni Fatty Bim.

Tumango naman sina Van Grego at Breiya upang sumang-ayon. Mabilis nilang nilisan ang lugar na ito.

...

Nilakbay nila ang dalawang naglalakihang bundok na siyang nagsisilbing harang ng Soaring Light Sect laban sa mga mananakop o banta ng anumang nilalang. Puno rin ang paligid nito ng mga mababangis na mga halimaw ngunit dahil sa kakayahan nina Van Grego at Fatty Bim ay mabilis nilang nalakbay ang dalawang naglalakihang bundok kasama si Breiya.

Siyempre ay sa paanan lamang sila ng dalawang magkadugtong na bundok dahil ang dalawang bundok na ito ay hindi pangkaraniwan, tinatawag itong Twin Black Mountain dahil sa ang lupa rito ay purong itim at halos hindi nasisinagan ng araw. Ang mga nakatirang mga malalakas na halimaw ay hindi pa tukoy ng kahit na sinuman. Isa itong misteryo na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat. Mayroon ngang sumubok na galugarin ang bundok na ito ng mga Martial Experts lalo na ng mga Hybrid Races ngunit hindi sila nagtagumpay dahil walang nakabalik ng buhay rito. Iyon ang alamat ng bundok na ito na siyang kinakakatakutan ng lahat. Kaya hanggang ngayon ay umiiral ang Treaty. Ang namumuno o matataas na opisyales ng Western Region ay hindi pa tukoy kahit ang namumuno sa Human Race at sa ibang mga Hybrid Races ay hindi pa alam ng publiko. Maski ang bundok ay naglalaman rin ng misteryo kung bakit ganito ang pormasyon at kulay nito.