webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 36

"Masyado ng nagkakaroon ng mahiwagang pangyayari sa sakop ng Teritoryo ng Three Great Continents, ano ba ang maaari nating gawin ukol dito Apo Cinio?" Sambit ng nakaasul na roba habang kaharap niya ang matandang kulu-kulubot na ang balat nito.

Ang asul na robang lalaki ay isa sa direktang sugo o disipulo ni Apo Cinio na siyang nangangalap ng impormasyon ukol sa bagay-bagay na kanilang isinisekreto a lahat ng mga Cultivators upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tinatawag na pagkakagulo. Medyo may kaedaran na ang lalaking nakaasul ngunit makikita ang kanyang natural at mapayapang enerhiya na hindi nabibilang sa mga mortal. Dalawang daan taong gulang na itong nabubuhay at patuloy na nagseserbisyo sa kanyang guro noon at kahit na hindi na siya maaaring turuan upang maglakbay ay mas pinili niyang maglingkod dito. Sa edad na dalawang daan taon ay nakamit o nakatapak siya rin ang tinatawag sa mataas na ranggo sa larangan ng Cultivation. Hindi man siya isang napakatalentadong Cultivator ay masasabing masaya pa rin ito sa kung anuman ang kanyang nakamit.

Biglang tumaaas ang enerhiyang lumalabas sa katawan ni Apo Cinio tanda na hindi nito nagustuhan ang masamang balitang kaniyang nalaman ngayon lamang.

"Hindi naman siguro tungkol sa maliit na kontinenteng pinaniniwalaang hindi nagmula sa mundong ito hindi ba?" Sambit ng matanda na nakatalikod pa rin sa nakaasul na roba.

"Ahh... Ehh... Tungkol po doon, planong sakupin ng mga karatig-kontinente ang----" Sambit ng nakaasul na roba habang naiilang na tumitingin sa likuran ni Apo Cinio.

"Ano?! Bakit ngayon mo lamang sinabi ito?!" Sambit ni Apo Cinio na nakatlikod ngunit ang enerhiyang bumabalot sa katawan nito ay marahas at patuloy na kumakapal na siyang nagpahirap sa paghinga ng nakaasul na roba.

Ngunit nawala ang makapal na enerhiyang bumabalot sa katawan ni Apo Cinio ng maramdamang nahihirapang huminga ang kanyang dating disipulo ngunit kakikitaan pa rin ang awra ng matandang si Apo Cinio na hindi natutuwa sa naging balita at pangahas na aksyon ng mga karatig-kontinente ng Hyno Continent. Alam nilang magdudulot ito ng malaking problema lalong-lalo na ngayon.

"Pasensya na naging asal ko ngunit alam mo namang hindi maaaring gawin ng sinuman ang panghimasukan ang maliit na kontinente ng Hyno lalo pa't doon lupang pinagmulan ng isa sa mga Vessels ng mundong ito. Alam mong sa oras na malaman niya ito ay tiyak na magagalit at mamumuhi siya sa atin lalo pa't sigurado akong mula ngayon ay maraming mga nasirang bagay o gusali doon isama pa ang mga nakamamatay na mga armas ng mga mananakop ng Hyno Continent." Sambit ni Apo Cinio ng may diin sa bawat salitang kaniyang sinasabi. Halatang dismayado siya sa kanyang dating disipulo. Ngunit hindi niya din ito masisisi. Malayo ang lugar na na kinalalagyan nila ngayon sa libo-libong kilometrong distansya papunta sa Hyno Continent. Hindi niya noon man planong manghimasok sa mga kontinente lalong-lalo nasa sakop ng Three Great Continents lalo pa't may malakas na puwersang pomuprotekta dito ngunit sa usaping makikisali ang isa sa Vessels ay isang malaking komosyon ang lilikhain nito. Siguradong maraming mga immortal ang makakarinig at makikisawsaw dito.

Ilang taon pa lamang ang edad ng Vessels at kinakailangan na hindi magkakaroon ng istorbo sa kanyang pagsasanay dahil kung meron man ay siguradong mahihirapan na silang balikan ang panahon ngayon. Sa oras na lumabas ang totoong kapangyarihan at potensyal nito ay siguradong kamatayan ang kahahantungan ng sinumang nilalang na kumalakalaban dito.

"Pasensya na po apo sino, ako po ang nagkasala sa sitwasyon ngayon. Sisiguraduhin kong mabibigyan ko ng proteksyon ang Hyno Continent. Sana nga lang ay hindi pa ko huli." May lungkot na pagkakasabi ng nakaasul na roba. Alam niyang dismayado sa kanya ang kanyang dating guro lalo pa't walang kasiguraduhan na makakaligtas ang sinuman sa maliit na kontinente ng Hyno dahil sa maramng bilang ng mananakop. Isang himala na lamang kung makaliligtas ang ibang mga tao.

"Siguraduhin mo lamang ang iyong sinasabi ngayon, Aking dating estudyante dahil alam mo kung paano nakakatakot magalit ang isang Vessel ng mundong ito. Siguradong hindi niya tayo mapapatawad kung mapapahamak ang mga mahal nito sa buhay na nakatira doon." Nakatalikod ang matandang lalaking si Apo Cinio habang sinasabi ang mga salitang ito. Halatang wala silang kapangyarihan upang panghimasukan ang takbo ng pangyayari lalong-lalo na ang digmaan na nangyayari sa isa sa napakaliit na Kontinenteng hindi nila sakop at maaaring panghimasukan. Naniniwala siyang gagawa ng paraan ang kaniyang dating estudyante upang hindi tuluyang mawasak ang Hyno Continent.

"Makakaalis ka na."dagdag na sambit ni Apo Cinio lalo pa't wala ng mahalagang impormasyon na tatalakayin o maaarjng bigyan-pansin ngayon.

"Masusunod po, Apo. Paalam." Malumanay na pagkakasabi ng nakasul na roba. Halatang maging siya ay nahihirapan na magawan ng paraan ang maliit na kontinenteng hindi nila sakop at hindi nila maaaring magsugal ng malaki kung kaya naman nilang gumawa ng maliit na planong maaaring maging solusyon sa problemang kinakaharap nila o mas angkop sabihin na isa sa mga tinaguriang mga Vessels sa kasalukuyan na may malaking gampanin sa hinaharap. Masyado silang naiipit sa sitwasyon kung saan ay dapat mamili sa dalawang paraan na kinakailangan nila, ito ay ang protektahan ang Hyno Continent sa digmaan ngunit ang kapalit naman nito ay ang pagkasira ng kanilang imahe o reputasyon sa kanilang kapwa imperyo. Masyadong sensito at komplikado ang kanilang kalagayan idagdag pa ang digmaang kinakaharang maliit na kontinente ng Hyno.

Mabilis na nilisan ng nakaasul na roba ang lugar na kinaroroonan ni Apo Cinio na hindi man lang siya hinarap nito. Ito ang paraan ng matandang lalaki upang maiwasan ang direktang pakikipag-usap maging ang emosyong kaniyang ipinakita. Kakaiba ang abilid ni Apo Cinio na siyang nakakaapekto sa isang Cultivator na mas mahina sa kaniyang ranggo kung kaya't isa pa ring palaisipan ito sa lahat ngunit alam ito ng mga disipulong tinuruan ni Apo Cinio.

...

Sa isang uri ng malaking platform na tinatawag ding Aerial Training Plaform kung saan ay mayroong isang batang lalaking halos kaedaran lamang ni Van Grego na nagsasanay habang nakalutang sa Ere. Walang lupa o anumang bagay liban na lamang sa matigas at malapad na metal sa ilalim na siyang nagsisilbing tagasalo sa sinumang nalaglag mula sa itaas.

Ang batang Cultivator na ito ay may buhok na kulay pula na medyo may kahabaan na ngunit nababagay naman ito sa mata nitong kulay dilaw na habang papatagal ay nagiging kulay kahel. Kung maikukumpara mo siya noong kamusmusan niya pa lamang ay masasabi mong hindi siya ito ngunit habang papatagal ng papatagal ay lumalabas ang natatago nitong anyo.

Katatapus lamang ng kaniyang matagumpay na training o sabihing pagsubok na talunin ang isang dambuhalang halimaw. Ngayon naman ay isang halimaw na naman ang dapat niyang talunin sa pamamagitan ng pagpaslang dito pero hindi naman ito totoo o aktuwal na halimaw o Martial Beasts dahil kalahating porsyento lamang ng lakas ng totoong Martial Beasts ang kayang ilabas ng kakaibang platform na pinamumunuan ng isang Organisasyon. Pagpasok pa lamang ng platform ay napakahirap na at idagdag pang may kinakailangang magpalabas ng malalaking halaga ng salapi at kayamanan ang sinumang gustong pumasok rito. Pero sa lagay ng batang ito ay hindi ito nahirapang makapasok dito dahil na rin sa mga taong sumusuporta sa likod niya.

Ngayon ay nahaharap ang batang ito sa napakalaking pagsubok sa loob ng Areal Training Platform kung saan ay namumuo ang isang nilalang na gawa sa isang data na kinokontrol mismo ng isang system na nasa pangangalaga ng mga Miyembro ng Platform

Alliance na pinamumunuan ni Syll Malone na kaisa-isang anak ng tanyag na Cultivator na napagaling sa Teknolohiya. Dumadaloy na sa kanilang dugo ang pagiging bihasa sa tinatawag na programming at pagbuo ng mga bagay o nilalang sa pamamagitan lamang ng data na ini-extract mula sa mga totoong mga Martial Beasts maging sa mga bagay na kung iyong pagmamasdan at susuriin ay parang makatotohanan ang mga ito.Habang papatagal ng papatagal ang panahong iginugugol ng mga Technologists ay mas nagiging komplikado at nagiging bihasa sila sa kanilang pagtuklas sa mga bagay-bagay kung kaya't masasabing tuloy-tuloy pa rin ang kanilang serbisyo at pamumuhunan kasabay ng kanilang pagreresearch.

"Grooaaaarrrrrrr!" Isang malakas na tunog na mula sa halimaw na unti-unting namumuo hindi kalayuan mula sa pwesto ng batang Cultivator na ngayon ay mahinahong nakatingin sa direksiyon nito.

Isang makapal na usok ang namuo sa paligid ng halimaw ngunit agad din itong nawala. Tumambad sa harapan ng batang Cultivator ang isang dambuhalang Aerial-Type Martial Beasts na siyang isa sa pinakakinakatakutang nilalang pagdating sa himpapawid. Mula sa balahibo nito na sobrang kapal mula ulo hanggang talampakan, sa mapupula nitong pares na mata at sa malalaking pangil nito na lumalabas sa bibig nito na siyang ilang sentimetro ang haba nito ay masasabing gutom ito sa away o sa kaniya. Tumutulo ang laway nito na animo'y takam na takam sa batang Cultivator na nasa harapan niya. Ang Martial Beasts na ito ay walang iba kundi isang Colossal Winged-Ape na siyang isa sa mga pangalawang lahi ng mga Colossal Titan Ape na namumuno sa kanila. Dalawa piraso ang pakpak nito sa likod na siyang nagbibigay abilidad sa mga Colossal Winged-Ape upang makalipad na siyang kaibahan sa mga Colossal Titan Ape na nasa ibaba ngunit hindi nila makakayanang labanan ang mga Colossal Titan Ape dahil sa pambihira nitong lakas, liksi at kakayahang dominahin ang laban mapalupa man o himpapawid.

"Isang bata, bwahahahaha... Oras na para kainin kita!"Sambit ng Colossal Winged-Ape habang tumitingin sa batang Cultivator na parang natatakam. Nakatapak siya sa lupa ngunit mabilis na lumipad sa ere ngunit hindi nakapukos ang atensyon lamang sa musmos na batang Cultivator at napalabas pa ang dila nito at tumutulo ang laway ng halimaw.

"Edi subukan mo pangit na halimaw." Matapang na sambit ng batang Cultivator habang tinatanaw ang lumilipad na halimaw. Bakas ang pandidiri sa mukha ng batang Cultivator na nakikita ang naging aksyon ng halimaw lalo na ang pagtulo ng laway nito lalo na ang dila nito na kulay ube. Kahit na nasa Martial God Realm ay asal hayop pa rin ito.

"Tumayo ka lang diyan upang wala kang maramdaman na kahit na anong sakit ng iyong nalalpit na kamatayan, hehe!"Sambit ng Colossal Winged-Ape habang nakangising demonyo sa batang Cultivator.

"Ganon ba?!" Walang ganang pagkakasabi ng batang Cultivator na bagot na nakatingin sa dambuhalang halimaw na nalutang sa ere. Kalmado itong nakatingin sa kawalan na animo'y hindi alintana ang dambuhalang halimaw na gusto siyang kitilan ng buhay at gawing hapunan nito.

Umuusok ang ilong ng Colossal Winged-Ape habang pinagmamasdan ang batang Cultivator na sa tingin niya ay baliw ang batang lalaki dahil minamaliit siya nito. Halatang nasa Martial Precognitor Realm pa lamang ang batang Cultivator na siyang ikinagulat at ikinamangha niya kanina lamang ngunit hindi sapat ito upang talunin siya dahil siya ay isang halimaw na may lakas na isang tunay na Martial God Realm Beast. Ang lakas niya ay hindi basta-basta.

Nang makarekober sa gulat ang Colossal Winged-Ape ay agad niyang pinaulanan ng atake ang Batang Cultivator gamit ang isa sa napakalakas na skill nito.

"Winged-Ape Thunder Claw!"Sambit ng Colossal Winged-Ape sa isang pambihirang skill niya. Isa itong pamatay na skill upang paralisahin at apektuhan ang galaw ng sinumang tatamaan nito. Kayang gumawa ng sariling kuryente ang kamay ng Colossal Winged-Ape dahil na rin sa kaya nitong kontrolin ang hangin na siyang pinoproduce niya ito para maging kuryente.

Hindi pa makontento ang halimaw na Colossal Winged-Ape at agad namang nagsagawa ng panibagong malakas at pambihirang skill.

"Winged-Ape Shattering Shards!" Malakas na sambit ng Colossal Winged-Ape ng matapos nitong maisagawa ang napakalakas na Technique.

Animo'y umuulan ng mga naglalakihang mga matutulis na bagay na gawa mismo sa animo'y napakatigas na balat mismo ng Colossal Winged-Ape na nasa anyong patulis na mabilis na bumubulusok sa direksyon ng batang Cultivator. Bawat matamaan ng mga shards ay mistulang sumasabog at nagkakaroon ng mga makakapal ng usok dulot ng pagtama at pagkakaroon ng kakaibang pangyayari sa mga hugis balat ng halimaw dahil nagiging isang miasma ito na siyang napakadelikadong hawakan ng sinumang nilalang na walang panlaban sa ganitong klaseng asido o kemikal. Kulay berde ang asido na napakalapot nito na siyang nagdudulot ng kakaiba at nakakasulasok ng amoy na usok.

"Sa oras na matamaan at makapitan ka ng aking miasma ay siguradong ikakamatay mo na ito bata at iyon ay aking plano, ang pahirapan, lasunin ka at kainin ka ng buo, Bwahahaha!!!" Sambit ng Colossal Winged-Ape habang tinatanaw ang lokasyon ng batang Cultivator.

Ngunit isang nakakamangha at nakakapangilabot na pangyayari ang bigla na lamang naganap na hindi inaasahan ng sinuman lalong-lalo na ang dambuhalang halimaw na ngayon ay may napakakomplidong ekspresyon na nakapaskil sa mabalahibong mukha nito.

"Paanong na------!"Naguguluhang sambit ng Colossal Winged-Ape habang nakatanaw sa ibaba ngunit agad na naputol ang sasabihin sana nito.

"WHOOSHHHH!"

"PHOOWWWW!"

Malakas na tunog ng hangin na animo'y nagraragasang tubig ang bigla na lamang narinig sa ibaba at animo'y bigla na lamang napawi ang mga miasma at mga nakakalason na usok sa paligid nito.

Tumambad ang kakaibang transpormasyon ng batang Cultivator sa pares na mata ng halimaw na Colossal Winged-Ape. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan ng kanyang dalawang mata. Halatang hindi ito kapani-paniwala dahil nakaharap niya ang isa sa maalamat na nilalang na siyang tinaguriang isang Mythical Warrior o isang maalamat na mandirigma ng mundong ito. Walang iba kundi ang isa sa mga Vessels.

"Hi-hindi, hindi maaari na isa ka sa Vessel Cultivators. Isa ka lamang patpating bata na nagkukunwaring isang vessel upang hindi ako lumaban sa iyo! Hahaha!!!" Sambit ng halimaw sa malalim nitong boses na animo'y natatawa dahil para sa kaniya, wala sa itsura at anyo ng batang Cultivator na kaharap niya ang maging isang Vessel Cultivators.

Ang Vessel Cultivators ay isa sa batang ipinanganak na may sobrang bahagi ng katawan na siyang pinaniniwalaang suwerte. Para sa karamihan, isa lamang maalamat na tao ang mga Vessels. Ngunit sa mga taong makapangyarihan at malawak ang kaalaman tungkol sa kakaibang pangyayaring bibihira lamang masaksihan ng lahat ay totoo ito ngunit isa sa isang milyong tao lamang ang mapalad na biniyayaan nito. Isa sa patunay na isa kang tunay na Vessel at maituturing na Vessel Cultivator ay kung mayroon kang marka sa kaliwang palad mo mismo at sa mismong likod ng Cultivator at iyong iba ay may kakaibang kaso kung saan ay mas malakas na kapangyarihan ang mayroon sila ang nagigising mula sa kanilang katawan.

"Ano ba ang sinasabi mo halimaw? Tsaka ano naman kung isa akong Vessel Cultivator o nagpapanggap lamang na isang Vessel Cultivators? Paraang natatakot ka yata o duwag ka nga talaga, hahaha!!!" Malakas na sambit ng batang Cultivator na sa huli ay nagpipigil ng tawa. Halatang natutuwa siya paiba-ibang asal ng dambuhalang halimaw na kanyang nasasagupa ngayon. Alam niyang may-isip ang halimaw na gawa sa data. Masyadong malaki ang pagkakaparehas nito sa totoong halimaw na ito kung saan ay maging ang aktuwal nitong pag-uugali o asal ay nakopya ng espesyal na Teknolohiyang ginamit dito.

"Masyadong matabil ang dila mo bata. Isa kang pangahas at hindi tinuruan ng mga basura at walang kwenta mong mga magulang kung kaya't lumaki kang inutil, ang dapat sa iyo ay mamatay." Sambit ng Colossal Winged-Ape habang nakatingin ng masama sa batang kaharap niya. Masyadong sensitibong salita ang kanyang binanggit upang makulong ang batang Cultivator sa kanyang malalim na pag-iisip sa loob ng kanyang itinatagong masalimuot na nakaraan.

"Winged-Ape Thunder Beam!" Malakas na sambit ng Colossal Winged-Ape sa kanyang napakalakas na atake habang nakikita niyang naestatwa ang batang Cultivator na siyang ikinatuwa niya. Ayaw niyang mabuhay pa ang batang Cultivator na ito kung totoo mang isa itong Vessel Cultivator. "Kailangang putulin ang ugat bago pa ito makapamunga!" Ito ang nakatatak sa isip ng halimaw sa oras na ito.

Agad na ibinuka ng halimaw ang kaniyang pakpak na animo'y pinagsalikop niya ito. Mabilis na namuo ang kakaibang liwanag sa buong katawan ng Colossal Winged-Ape at mabilis na bumulusok sa lokasyon mismo direkta sa pwestong kinatatayuan ng batang Cultivator na siyang hanggang ngayon ay nakatayo pa rin na animo'y wala sa kasalukuyang pangyayari ang isipan nito. Makikita ang matamlay nitong mata na animo'y walang buhay. Kapag pinagmamasdan ito ng sinuman ay animo'y isang napakalalim at walang hanggang butas ito na kung saan ay imposible ka ng makalabas pa.

Nasa kalagitnaan na ng ere ang bumubulusok na halimaw nang may isang napakalakas na enerhiya ang lumalabas sa katawan ng batang Cultivator habang nakikita ngayon ang kanyang buntot na kulay dilaw na animo'y pagmamay-ari ng isang dragon na noon pa'y itinatago na ng batang Cultivator sa lahat ng kaniyang nakakasalamuha. Tanging ang taong sumusuporta lamang sa kaniya ang nakakaalam nito.

Biglang nagkaroon ng napakalaking enerhiya na nagkakaroon ng hugis. Isang hugis ng isang dambuhalang halimaw, isang dambuhalang dambuhalang dragon na hindi agad-agad mapapansin ng lahat dahil na rin sa hindi pa ito masyadong detalyado at mapagkakamalan lamang itong makapal na kulay pulang usok.

Nang makita ito ng Colossal Winged-Ape ay halos mataranta siya ngunit agad niyang ipinaalala sa isipan nito na mahina pa ang batang Cultivator. Kayang-kaya niya itong patayin. Napangisi na lamang siya.

"Mamatay ka na batang basura!" Sambit ng halimaw na Colossal Winged-Ape na mas binilisan pa ang kanyang pagbulusok papunta sa animo'y para sa kanya ay isang patpatin at mahinag bata lamang ito. Sayang lamang at hindi nararapat sa batang Cultivator ang maging isa sa mga Vessels.

Napakabilis ng pangyayari kung saan ay pursigidong wakasan ng Colossal Winged-Ape ang buhay ng binata ng may hindi inaasahang pangyayari ang biglang naganap.

Ang hugis dragon na usok ay bigla na lamang gumalaw na siyang sinalubong ang napakalakas na atake ng Colossal Winged-Ape. Naglabas ng kakaibang enerhiya ang katawan ng hugis dragon. Makikita ang animo'y kaliskis nito at biglang paglagablab ng pares na mata ng hugis dragon na usok.

"AHHHHH!!!!!"Biglang sumigaw ang batang Cultivator habang nakahawak ito sa kaniyang ulo. Pilit na iwinawaksi ang kaniyang madilim na nakaraan.

Kasabay ng kanyang sigaw ay ang mas lalong pag-alab ng kakaibang apoy sa hugis dragon na enerhiya at mabilis na nilamon nito ang Colossal Winged-Ape na namatay ni walang bakas natitira dito ni hindi man lang ito nakapagsalita dahil sa agarang kamatayan sa isang iglap lamang.

Nagpaikot-ikot pa ang dragon na animo'y wala ng direksiyon ang patutunguhan nito at sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumalik ito sa direksyon ng batang Cultivator.

"WARNING! WARNING! WARNING!"

Paulit-ulit na sambit ng system na nakakabit sa palapulsuhan ng batang Cultivator maging ang Security alarm ng Aerial Training Platform.

Mabilis na bumubulusok paibaba papunta sa direksiyon ng batang Cultivator ang hugis dragon na enerhiya na animo'y hindi na makilala ang itsura nito dahil sa napakarahas na apoy na nakapalipot rito. Nagmistulang langgam lamang ang laki ng batang Cultivator sa dambuhalang sukat ng enerhiyng hugis dragon na handa na siyang lapain nito. Nanlaki ang mata ng batang Cultivator ng makabalik siya sa kaniyang sitwasyon ngayon. Natataranta na hindi siya makapag-isip ng matino sa mga oras na ito. Napapikit na lamang siya ng maramdaman ang nagbabadyang kamatayan.