webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 27

Nang malapit na siya sa kinatatayuan ng batang human race ay sasaksakin niya na sana ito ngunit bigla siyang nakaramdam ng biglang pag-init ng kanyang espada at hindi niya nakayanan ang temperatura nito kaya nabitawan niya ito.

"Arghhh! Sinong pangahas ang nangialam sa aking ginagawang ito?! Magpakita ka!" Sambit ng batang bat race habang mabilis niyang inilibot ang kanyang mata habang nanlilisik itong nakatingin sa nakapaligid na Martial Artists. Maya-maya ay may biglang nagsalita sa hindi kalayuan.

"Ganon na ba katindi ang galit mo sa aming mga tao? At pinili mo pa ang pinakamahina sa amin. Labanan mo kaya ako?!" Mapanghamong sambit ni Van Grego haabng nakangiti. Kalmado itong nakatingin sa batang bat race.

"Hahaha... Nakikita mo ba ang iyong sarili? Isa ka lamang hamak na Diamond Rank, pinapatawa mo yata ako hahaha!" Sambit ng batang bat race habang pinaningkitan ng mata ang isang human race na si Van Grego.

Nang makita ito ng marami at nang malaman nilang Diamond Rank lamang ito ay halos lumuwa ang kanilang mata. Hindi maiwasan ng iba na magbitaw ng mga komento.

"Baliw ba ang human Race na yan?! Kita niya ba na mas malakas ng dalawang buong boundary ang batang bat race na kalaban niya."

"Isa itong pure madness, nahihibang na siya!"

"Para sa batang Martial Artists na katulad niya na nakatungtong sa Diamond Rank ay talentadong bata na siya!"

Ilang lang ito sa mga komento ng mga saksi sa komosyong ito. Ang kanilang mga komento ay pawang halos negatibo kay Van Grego dahil sa isa siyang human race at ang mga kalaban niya ay isang bat race. Para sa kanila, ang cultivation lebel nila ay mas malaki ang agwat kahit saang anggulo tingnan.

...

"Aba, aba grabe talaga ang mga hybrid na mga batang yan. Tingnan natin kung hindi nila kainin ang sinabi nila!" Sambit ni Fatty Bim habang naiinis ngunit mabilis din itong napalitan ng ngiti. Tiwala siyang matatalo ng kaibigan niyang si Van Grego ang hambog na bat race na iyon. Kahit siya ay galit sa mga hybrid na ito. Kinasusuklaman nila ang mga purong tao.

Kasulukuyan siyang nakaupo sa malaking sanga ng malagong puno. Naghihintay ito ng magandang palabas na mangyayari maya-maya lamang.

"Ikinagagalak kong sabihin na nakapasa ka sa Evaluation na ginawa. Tsaka tingnan mo yung mataba mong kaibigan, mas lumubo ang katawan nito hahaha!" Masayang sambit ni Master Vulcarian sa pamamagitan ng mindlink.

Agad namang tiningnan ni Van Grego si Fatty Bim. Nakita niya ngang masayang kumakain ito. Hindi niya alam kung matatawa siya o iiyak. Ang taba na nito pero grabe pa rin kumain, hindi parehas sa kanya na kahit kumakain ay hindi siya tumataba. Soguro ay dahil sa pambihirang katawan na meron siya.

Agad na naramdaman ni Van Grego na nawala ang mindlink nila. Kahit anong tawag niya sa Master niya ay hindi niya matawag-tawag ito. Naisip niya yung sinasabi nitong deboning process. Ito ang proseso ng paghihiwalay ng mga buto ng Martial Beasts sa laman o karne nito. Ang prosesong ito ay sa aktuwal na pagluluto na. Gusto niya itong matutunan pero tinakasan siya ng master niya. Medyo nainis si Van Grego dahil dito pero alam niyang makakaganti din siya sa pasaway na master niya.

Wala sa sariling kinain niya ang Roasted Yellow Mountain Fish. Kalahating oras lamang ay naubos niya ito. Agad niya ring kinain ang Soaring Blue Pigeon na mas masarap kumpara sa Yellow Mountain Fish.

Ang napakaraming niluto ni Van Grego ay naubos sa maikling oras nilang dalawa ni Fatty Bim. Mas mabilis kumain ng hindi hamak ni Van Grego. Kahit si Fatty Bim ay nasindak sa bilis nito.

"Nahiya ang sarili kong katawan kaibigang Van sa bilis at takaw mong kumain ah!" Sambit ni Fatty habang humahaba ang nguso.

"Nahiya naman ako sa katawan mo. Palibhasa kasi busog ka palagi eh tsaka halata nga sa katawan mo!" Pang-aasar ni Van Grego. Naiinis siya ngayon eh. Napag-isip-isip niya na mang-inis.

"Aba, kahit mataba ako eh nagugutom naman ako palagi noh. Alam mong hindi ako maganang kumain kung wala akong kasama." Sambit  ni Fatty Bim habang namumula sa inis.

"Edi sana ay pumayat ka na. Ako pa niloko mo." Sambit ni Van Grego sa nang-aasar na boses.

Agad namang namula pa lolo si Fatty Bim dahil sa hiya.

"Di ba ko pumayat ha? Eh medyo lumuwang nga ng konti ang damit kong to." Sambit nito habang pinakita niya na medyo lumuwang.

"Lolobo pa ang katawan mo eh." Sambit ni Van Grego ng makahulugan.

"Paano mo nasabi iyan kaibigang Van?!" Sambit ni Fatty Bim habang nagtataka.

"Tingnan mo nga ang dalawa mong kamay, baka nakakalimutan mong kumakain ka pa!"  Natatatawang sambit ni Van Grego sabay nguso sa magkabilaan nitong kamay.

Agad namang tiningnan ni Fatty Bim ang kanyang dalawang kamay. Nakita niya nga ang dalawang piraso ng mga hita ng Red Feathered Chicken. Halos gusto niyang mawala siya ngayon mismo at kainin ng lupa. Ngayon ay naalala niyang kumakain pala siya na animo'y wala ng bukas. Ilang mga Roasted na Martial Beasts ang tanging buto na lamang ang natira dahil sa mabilis ring pagkain niya.

"Ahehe, pasensya na kaibigang Van ha, naubos ko ata mga niluto mo hehe!" Sambit ni Fatty Bim sabay kagat ng malaki sa malaking piraso ng hitang bahagi ng Red Feathered Chicken.

"Takaw talaga hahaha!" Sambit ni Van Grego sabay tawa.

"Nahiya ako sa hawak mo ngayon din eh!" Sambit ni Fatty Bim habang tinitingnan ang hinahawakan ni Van Grego. Isang Colossal Boar lang naman na nakatuhog sa Flexible Iron Bamboo ito.

Nang makita ito ni Van Grego ay natawa lang siya na siyang ikinatigil ni Fatty Bim. Akala niya ay mahihiya ang kaibigan niyang si Van Grego haabng ibinabalandra niya ang malaking roasted na hayop sa kaniyang kaliwang kamay.

"Bakit naman ako mahihiya eh ako naman nagluto nito. Tsaka kumain ka lang diyan ng hanggang sa maubos mo tong lahat. Aalis na tayo rito dalawang araw mula ngayon." Sambit ni Van Grego ng seryoso sabay kagat nito ng malaki sa tiyan ng Roasted Colossal Boar.

Tanging ngiti na lamang ang ginanti ni Fatty Bim bago kumain ng masagana. Nagtataka siya kung bakit inis na inis ang kaibigan niyang si Van Grego pero nawala ang iniisip niya nang kumain siya ng kumain. Pinagsawa niya ang kaniyang sarili habang kinakain niya ito.

Lumipas ang isang araw at naubos na nila ni Fatty Bim at Van Grego ang lahat ng mga Roasted Martial Beasts. Masasabing ngayon lamang nakakain si Fatty Bim ng ganito karami at kasarap na mga putahe ng mga Martial Beasts. Pinapangarap niyang kumain ng mga Martial Beasts na ito at nagkatotoo ito. Batid naman niyang alam ng kaibigan niyang si Van Grego na nagpapasalamat siya pero baka barahin pa siya nito. Ayaw rin nitong inuulit-ulit ang sinasabi sa kanya.

Upang madigest lahat ng kinain nila ay nagcultivate sila at nag-ensayo. Walang anumang impurities ang kinain nila na ikinamangha ni Fatty Bim. Mas dumami ang essence energy na nasa katawan niya. At nalalapit na siyang mag-breakthrough. Punong-puno na ang kanyang dantian ng enerhiya.

Agad na nirevolve ni Fatty Bim ang kanyang essence energy sa katawan partikular na sa dantian. Biglang nagliwanag ang katawan niya at dito ay bumuhos ang maraming enerhiya sa kanyang katawan. Patuloy pa ito sa pagdami. Maya-maya pa ay huminto ito.

Pagkamulat ng kanyang mata ay nakita niya ang kaibigan niyang si Van Grego na papunta sa kanya at huminto.

"Binabati kita Fatty Bim, nasa 3rd-Star Martial Knight ka na." Sambit ni Van Grego habang nakangiti.

"Ang lahat ng ito ay utang ko sa'yo kaibigang Van. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko makakamit ang kasalukuyang pagtaas ng lebel ng aking cultivation.

"Kaibigan kita kaya normal lang na tulungan kita hehe..." Sambit ni Van Grego.

"Kaya salamat kaibigan tsaka mas grabe ang iyong pag-angat. Mula sa 9th-Star Gold Star noon ay 1st Star Diamond Rank ka na. Hindi ako makapaniwala sa iyong mabilis na pag-unlad!" Manghang sambit ni Fatty Bim habang may kuryusidad sa kanyang boses. Hindi niya kasi alam kung ano ang nangyari kay Vn Grego sa loob ng tatlong buwan nito lang. Lagpas apat na buwan na sila rito sa loob ng Mystic Realm ngunit malaki rin ang kanyang nakamit lalo pa't naging kaibigan niya si Van Grego.

"Ah, sinwerte lang ako dahil halos maraming mga astral energies dito kaysa sa Essence energy at dahil sa swerte ay nakapagbreakthrough ako kaagad-agad." Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kaniyang batok.

"Oo nga eh, pansin ko rin 'to noong pumasok ako sa loob ng Mystic Realm na ito. Kaya angkop ang lugar na ito sa pagppaalaki ng mga Martial Beasts." Sambit ni Fatty Bim na siyang naunawaan ni Van Grego.

Tanging tango na lamang ang naging tugon ni Van Grego. Naalala niya na kung bakit dito inilagay ni Shiba ang Purple Rain Lion pero kung ano ang binabalak nito ay wala siyang kaide-ideya.

...

"Umalis na tayo Fatty Bim, hindi makakatulong kung palagi tayong nagcucultivate lamang. Dapat ay marunong rin tayong manggalugad at sumuong sa isang paglalakbay, delikado man o hindi. Tumaas man ang ating antas ng Cultivation ay magiging mahina naman ang ating combat prowess/ability." Mahalagang paalala ni Van Grego habang kaharap si Fatty Bim.

Agad na pinawala ni Fatty Bim ang kanyang nakakalat na enerhiya at mabilis na tumayo.

"Oo, kaya nga ako pinapasok ng bugnuting Elder na yun dito ay para daw mahasa ang aking antas sa pakikipaglaban. Ewan ko ba dun eh siya nga eh hindi nga nag-eehersisyo." Nakangusong sambit ni Fatty Bim.

"Siyempre, matanda na ang Master mo, kahit anong gawin nun eh humihina na ang katawan nito. Kung hindi siya makakapagbreakthrough ay ilang taon na lamang ang bibilangin nito bago pumanaw. Ano ba ang antas ng Elder na nagsisilbing iyong Master?!" Sambit ni Van ng seryoso. Nagtataka siya kung anong laks ang mero ang Elder na sinasabi ni Fatty Bim.

"Tama ka, matanda na ang Master ko, ang kasalukuyan niyang lakas ay 8th-Star Martial Commander Realm." Sambit ni Fatty Bim ng seryoso.

"Hala, bakit hindi niya subukang tumaas ang kanyang Cultivation Level?!" Sambit ni Van Grego nang puno ng pagtataka.

"Matanda na kasi siya ng umpisahan nitong magcultivate at maging Martial Artists. Hindi naging madali ang buhay nito dahil walang sinuman ang gustong i-recruit siya sa isang Human Sect at wala rin siyang sapat na kayamanan para tugunan ang kaniyang Cultivation kung kaya't ganito na lamang kasaklap ang nagng kapalaran niya." Malungkot na saad ni Fatty Bim. Kahit na istrikto ang kanyang Master ay nagkaroon na ito ng puwang sa kanyang puso lalo pa't parang magulang na niya ito. Siya ang kumupkop sa kanila ng kanyang nakababatang kapatid ng magkaroon ng Beasts Horde sa kanilang lupang tinitirhan noon na siyang pagkamatay ng kanilang mga magulang at kaangkan.

"Ah ganon pala, tsaka ginawa niya ito para hindi ka matulad sa kanya. Gusto niyang tumayo ka sa iyong sariling paa at hanapin ang iyong suwerte." Sambit ni Van Grego habang makikita ang lungkot sa kanyang mata. Alam niyang malupit ang buhay lalo na at oras ang kalaban ng bawat isa. Kung matanda ka nag-umpisa ay siguradong mahihirapan kang magcultivate dahil parang unti-unti ng nawawala nag potensyal ng katawan nito.

"Marahil ay tama ka kaibigan, siguro ay dapat na lumaban tayo habang bata pa tayo para wala tayong sisisihin sa huli." Masayang sambit ni Fatty Bim habang unti-unting natatabunan ng pag-asa ang malungkot niyang ekspresyon sa mata.

"Oo nga kaya umalis na tayo rito at maghanap ng ating suwerte!" Masayang sambit ni Van Grego habang mabilis na lumakad palabas. Iwinala nito ang mga maliliit na Formation Arrays na nakaharang sa daanan nito palabas.

Agad namang sumunod si Fatty Bim kay van Grego. Kinuha niya ang kanyang alagang si Firin na siyang pangalan ng batang Purple Rain Lion na bundat pa rin ang tiyan dahil sa kinain nitong mga karne at buto ng mga Roasted Martial Beasts ngayon. Mabilis niya sinundan si Van Grego habang isinakay niya sa likod niya si Firin habang dinilaan nito ang buhok ni Fatty Bim. Nang makita ito ni Van Grego ay tawang-tawa siya.

"Firin, wag mo nga akong lawayan sa buhok. Parang natatakot na ko sa'yo eh, kakainin mo ba ko?!" Sambit ni Fatty Bim habang serryosong nakatingin sa alaga niyang Purple Rain Lion.

Agad namang itinigil ni Firin ang ginagawa nitong pagdila sa buhok ni Fatty Bim na animo'y naintindihan nito ang sinabi nito.

"Good Boy! Akala ko eh kakainin mo talaga ako hahaha!" Natatawang sambit ni Fatty Bim.

"Hindi ka pa niya kakainin ngayon, baka pag naging malaking bola na ang laki mo hahaha!" Sambit ni Van Grego habang mabilis itong nagpalipat-lipat ng puwesto paabante. Makikita na hangin lamang ang ginamit niya sa Falcon Wave Movement Technique dahil ayaw niyang mag-aksaya ng kanyang enerhiya.

Napahaba na lamang agn nguso ni Fatty Bim habang hindi niya namamalayang lumulubo ang pisngi nito na animo'y puputok na anumang oras.