webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 15

Sa loob ng Myriad Painting ay mayroong isang grupo ng mga nilalang ang naglalakbay sa masukal na kabundukan. Ang mga itsura ng mga nilalang na ito ay pawang mga buto lamang at walang mga laman. Ang mga butong ito ay walang iba kundi ang estraktura ng mga tao. Ang nakakapangilabot na itsura ay mayroon ding nakapangingilabot na kapangyarihan nakatago sa katawan ng mga ito. Umaabot sa isang daan bilang ng mga ito. Sila ay isa sa uri ng mga Cultivator na tinatawag na Undead Cultivator. Biniyayaan sila ng kakayahang mag-cultivate kahit na pumanaw na ang mga ito ngunit isa itong himala na isang milyong taon lamang nangyayari o ilang daang libong taon nangyayari depende sa pinagmulan ng mga ito.

Ang mga Undead Cultivators na ito ay ang mga kinupkop at inilagay ni Van Grego sa loob ng Myriad Painting kasama ng kanyang pambihirang Vortex noon. Ngunit ngayon ay naglalakbay sila sa loob ng Myriad Painting sa hindi malamang dahilan na ikinaalarma ni Master Vulcarian.

"Tigil!" Sambit ni Master Vulcarian na siyang umalingawngaw sa loob ng Interstellar Dimension na hindi naririnig ng tagalabas maging si Van Grego. Tanging ang boses niya lamang ang sinabi niya at wala ang kanyang katawan rito.

Agad namang napahinto ang Undead Cultivators particular na rito ang itinuturing na pinuno ng mga ito. Ang mga Undead Cultivator na ito ay tunay na pambihira kumpara sa mga ordinaryong Undead Cultivators na naririto. Lahat sila ay mayroong mga runes sa kani-kanilang mga katawan at mayroong apoy sa kanilang pares na mata. Mayroong pula, dilaw, kahel, berde, kayumanggi ngunit ang pinuno ng Undead Cultivator na ito ay mayroong kulay Silvery-white na apoy sa pares na mata nito at masyadong matingkad at mainit ito kumpara sa iba. Kahit na masasabing mayroong buhay ang mga kasamahan nito ay ito ang mas may malakas na pag-unawa maging ng pambihirang consciousness.

"Hahahahahahahahahaha!!!! Sino ka upang patigilin kami?" Sambit ng Pinuno ng Undead Cultivators.

"Ako ang nagmamay-ari ng Myriad Painting na ito, ang lahat ng mga pumapasok rito ay kamatayan ang magiging kahihinatnan ng mga ito!" Sambit ni Master Vulcarian sa kasuwal na boses. Hindi niya nais na ipagsabi pa ang kanyang pangalan para sa mga ito.

"Hahahaha, isa kang hangal! Kung sino ka man, wala kaming pakialam sa iyo. Sinusunod lamang namin ang utos ng Divine Tree. Walang kang karapatan upang hadlangan kami! Ako si Nimbus, ang divine spirit ng Divine Tree, wala kang karapatan upang magsalita sa akin!" Sambit ni Nimbus sa aroganteng boses.

"D-divine S-spirit? D-divine T-tree? Saan? Hahahaha nabibiro ka lamang, hindi ako naniniwala sa iyong sinasabi basurang Nimbus!" Nanggagaliting boses na sambit ni Master Vulcarian. Para sa kanya ay napakaimposibleng mayroong Divine Spirit dito at mas lalong walang divine tree na nakatanim sa mundong ito. Hindi siya hangal upang paniwalaan ang sinasabi ng nagngangalang Nimbus sa kanya.

"Wala akong panahon upang pag-aksayahan ang isang katulad mo. Sa oras na makialam ka sa aming ginagawa ay ikaw lamang ang magdurusa!" Makahulugang sambit ni Nimbus na may halong paalala.

" Ang iyong sinabi ay parang tono ng pagbabanta? Isa kang hangal! Oh, naalala ko pala, kayo ang mga kalansay na inilagay ng basurang bata na ito sa loob ng aking Myriad Painting. Ano ang ibig sabihin nito?" Sambit ni Master Vulcarian na may halong pagtataka.  Nakaramdam siya ng kakaiba sa mga Undead Cultivators na ito partikular na sa pinuno nito  na si Nimbus.

"Basura? Tinatawag mo ba ang sarili mo, hangal na Wooden Phoenix?! Hindi mo alam ang dapat kalalagyan mo, baka gusto mong ikaw mismo ang lalagay sa iyong sariling kamatayan!" Sambit ni Nimbus habang hindi mapigilang mainis at magalit sa kawalang-hiyaang sinasabi ni Master Vulcarian.

"Hahaha, hindi ko aakalaing malalaman mo ang aking totoong katauhan. Tunay ang iyong sinasabi. ako ay nahahanay sa mga malalakas na God Beast at ang aking pangalan at titulo ay Empyrean Beast Vulcarian hahaha!" Sambit ni Master Vulcarian habang humahalakhak ang boses nito.

Bagot naman siyang tiningnan ni Nimbus at ng mga kasamahan nito.

"Oh, Sinabi sakin ngayon lamang ng Divine Tree na ikaw ay malakas ngunit mahina ka pa rin. Sa kasalukuyan mong lakas ay wala ka sa kalingkingan ng kapangyarihan na taglay ng Divine Tree. Isa kang hangal, sinasayang mo lamang ang oras at panahon namin." Kalmadong pagkakasabi ni Nimbus halatang wala siyang pakialam kay Master Vulcarian.

"Hmmmp! Akala mo ay basta-basta ko lamang kayo paaalisin dahil sa sinabi niyong Divine Tree. Pwes, tikman niyo ang aking galit!" Sambit ni Master Vulcarian habang hindi nito mapigilang magalit sa tugon ni Nimbus.

Agad na lumitaw ang isang dambuhalang ibon na may kulay abo ang buong kaanyuan nito. Mayroong nakakapangilabot na enerhiya ang bumabalot dito.

Nang makita ito ni Nimbus at ng iba pa ay wala silang naging reaksyon na animo'y normal lang sa kanila ang mga ito.

" Hindi ko aakalaing may lakas ka upang bumuo ng sariling projection ng iyong totoong anyo na isang Wooden Phoenix ngunit tingin mo ay mapipigilan mo kami? Isa kang hangal na tunay!" Sambit ni Nimbus habang nakangiti ngunit biglang lumabas ang nakakapangilabot na awra sa mga buto nito. Ang mga Rune na nasa kanyang katawan ay unti-unting umilaw at lumipad sa hangin.

Nang makita ni Master Vulcarian ang kapangyarihang taglay ng pambihirang pinuno ng Undead Cultivators na si Nimbus ay halos lumuwa ang mga nito habang nakaupo sa kanyang trono. Kahit na wala siya sa lokasyon ng mga Undead Cultivators ay nararamdaman niya ang mabigat at malakas na kapangyarihang taglay ni Nimbus.

"Art of Extinction: Life Execution!" Sambit ni Nimbus sa malalim at nakakatakot na boses.

Biglang nagkaroon ng porma ang runes at mas umilaw ang mga ito. Bigla itong kumapit sa Wooden Phoenix projection.

Maya-maya pa ay walang nangyari na siya naman ikinatuwa ni Master Vulcarian.

"Hahahaha! Hindi ko aakalaing napatawa mo ako ng ganito. Tunay akong natuwa--- an-anong nangyari? Arcckkk! Hindi maaari, paanong---!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y hindi makapaniwala sa buong pangyayari na ito. Sumuka siya ng sariwang dugo sa paanan mismo ng kanyang trono. Nakaramdam siya ng nakapangingilabot na kapangyarihan na biglang lumubog sa kanyang Wooden Phoenix projection.

"Haha, nagustuhan mo ba ang sarili mong kahambugan. Hindi mo alam na mayroong nilalang na mas malakas sa iyo. Ngayon, alam mo ba na may mataas na langit?" Natatawang sambit ni Nimbus habang pinagpatuloy na nito ang paglalakbay kasama ang kanyang mga kasamahan.

Ilang sandali pa ay biglang huminto si Nimbus nagsalita.

"Pasalamat ka at hindi kita maaaring paslangin sa kasalukuyan, hindi magtatagal ay malalaman mo rin ang aking sinasabi. Sa ngayon, ang gawin mo lamang ay gabayan ang batang sinasabi mong basura na siyang tutulong sa iyo sa hinaharap. Isa kang hangal dahil nasasabi mo ang bagay na iyan ngayon pero maghintay ka dahil ang panahon mismo ang magsasabi kung karapat-dapat ka bang makabalik sa mundo mo o hindi. Pero ito ang tatatandaan mo, maikli ang pasensya ng Divine Tree, sisiguraduhin mong aayusin mo ang sarili mo dahil iyan mismo ang magdudulot mismo ng iyong kawakasan!" Makahulugang pagkakasabi ni Nimbus habang may kasamang paalala at pagbabanta sa mga sinabi nito.

Hindi na hinintay ni Nimbus ang magiging tugon ni Empyrean Beast Vulcarian o Master Vulcarian sa kanyang sinabi dito. Ang tanging malinaw lamang ay kung susunod mismo ang Wooden Phoenix na ito sa banta ng Divine Tree. Mabilis silang nawala sa lugar na ito.

"Hmmm, ano ang nais ipahiwatig ng pambihirang nilalang na iyon? Hindi kaya.... Sambit ni Master Vulcarian habang iniisip pa ang mga bagay-bagay na ito. Kahit anong gawin niyang pag-iisip ay hindi niya makuha ang punto ng mga salitang binitawan ng nilalang na nagngangalang Nimbus at patungkol sa Divine Tree.

...

Walang kamuwang-muwang ang batang si Van Grego na may nangyayaring maalab na eksena sa loob ng Myriad Painting.

Kasalukuyan siyang nagcucultivate sa ligtas na lugar na ito isang oras na ang nakakalipas. Ang binhi ng Red Fury Profound Tree ay naglabas ng kulay pulang apoy na mabisang makakatulong sa pagcucultivate ni Van Grego sa konsepto ng apoy. Ngunit alam niyang hindi din ito sapat kung gusto niyang kuhanin ang nakaimbak na fire energies sa loob ng binhi kung kaya't napagdesisyunan niyang maglakbay muli upang subukan ang kanyang suwerte.

"Hmmm... Dahil sa medyo umunlad ang aking kaalaman sa konsepto ng apoy ay nararamdaman ko ang fire energies sa hindi kalayuan, kung susuwertehin ako ay maaari akong makakuha ng maraming Fire energies doon sa lugar na iyon." Sambit ni Van Grego habang tinatanaw ang direksiyon na kanyang pupuntahan.

Mabilis na tumakbo si Van Grego papunta sa timog na direksiyon. Maingat siyang tumatapak sa lupang kanyang tinatapakan upang huwag siyang mahuli sa mga patibong o bitag na nakakubli. Ilang minuto ang nakakalipas at natagpuan niya na ang kanyang hinahanap.

Nakita ni Van Grego ang hindi kalakihang lava pond. Agad niyang inilibot ang kanyang paningin at ginamit ang kanyang divine sense kung mayroong niakang na naririto pero wala naman siyang nakita.

Agad siyang bumuo ng isang low-grade na concealing technique upang hindi siya madiskubre ng kanyang mga kapwa-kakompetensiya.

Agad na umupo si Van Grego sa may batuhan na sobrang lapit sa lava pond. Agad niyang in-absorb ang fire energies na nasa loob ng lava pond. Isa itong mabisang paraan upang palakasin ang kanyang komprehensasyon at kapangyarihan sa pagamit ng fire attribute.

Ngayon ay pinagtuunan niyang padaluyin ang nasabing enerhiya na galing sa apoy papunta sa kanyang meridian na na siyang nag-coconvert para maging isang purong enerhiya na kayang gamitin ni Van Grego.

Matapos ang ilang oras ay nakaramdam si Van Grego ng panganib. Nararamdaman niya mula sa malayo ang mga yabag ng maraming  nilalang. Masama ang pakiramdam ni Van Grego sa pangyayaring ito. Dahil na rin mayroong attainments si Van Grego sa apoy ay walang pasubaling tumalon siya sa nagniningas na apoy at init sa loob ng Lava pond. Gamit ang kanyang protective essence ay nabalot niya ang kanyang sarili laban sa init ng apoy. Lumusong siya sa ilalim na parte at agad na ginamit niya ang kanyang divine sense upang tingnan kung ano ang nangyayari sa labas ng lava pond.

"Akala mo ay makakatakas ka sa amin?! Hehe!" Sambit ng isang Cultivator na wari'y mayroong masamang binabalak sa kinakausap nito. Hindi ito purong tao bagkus ay kabilang ito sa Bat Race.

"Hindi niyo ko mapipigilan, ako ang nakakuha ng Aquatic Scroll na ito, ano sa palagay niyo ang ginagawa niyo?!" Sambut ng isang matabang lalaki na namamawis dulot ng presyur na binibigay ng kausap niyang lalaki.

"Kung sana ay binigay mo na lamang ang Aquatic Scroll sa amin ay hindi ka sana namin hinabol at magkaroon ng alitan sa pagitan natin. Wala kang laban bata, andito na ang mga kasamahan ko.

Whoosh! Whooosh! Whooosh!

Agad na lumitaw ang limang kasamahan nito na kapwa nito Bat Race.

"Fire Attribute ang pinag-aaralan niyo at hindi niyo alam ang konsepto ng tubig, hindi ba kayo nag-iisip?!" Sambit ng matabang lalaki habang nagtatapang-tapangan ito. Mas hinigpitan nito ang kapit nito sa Aquatic Scroll na animo'y ayaw nitong mawalay dito.

"Wala kang pakialam taba sa aming gagawin sa Aquatic Scroll. Ano ba ang Aquatic Scroll? Para sa inyo ay isa itong pagmumulan ng malakas na konsepto ng tubig pero sa amin ay isa itong kayamanan na maaari naming ipalit sa mga pambihirang pills, technique at iba pang mahahalagang bagay para aming cultivation hahaha!!!!" Sambit ng lider ng Bat Race habang malademonyong ngisi.

...

Mula sa isip ni Van Grego ay nagsalita si Master Vulcarian.

"Bata, Isang aquatic Scroll ang hawak ng batang iyan, kung makukuha mo yan at mapag-aaralan ay mataas ang posibilidad na makakatapak ka agad sa first Level ng Concept of Water. Malaki din ang posibilidad na may unique skill ang lumang scroll na hawak ng matabang bata na iyan!" Masayang sambit ni Master Vulcarian habang inoobserbahan nito ang scroll na hawak ng matabang bata.

Nang marinig ito ni Van Grego ay halos lumuwa ang mata niya. Kapag napag-aralan niya ang lumang scroll na tinatawag na Aquatic Scroll ay makakatapak na agad siya sa Level 1 Concept of Water. Nang marinig niya ito ay halos kapusin siya ng hininga.

"Hindi maaari, totoo ba ang sinabi mo tan--este Master?!" Sambit ni Van Grego na animo'y nabingi siya sa kanyang narinig.

"Mukha ba kong nagsisinungaling bata? Ang scroll na yan ay maari kang bigyan ng maraming benepisyo lalo na sa larangan ng konsepto at mapapalawak mismo ang iyong konsepto ng tubig. Hayst, ano pang tinutunga-tunganga mo?!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y nagsusungit.

"Master, nakalimutan mo ba? Isa lang ako at anim ang kakalabanin ko at siguradong ilang beses na malakas sila kaysa sa akin. Ano kaya sa tingin mo ang magagawa ko kung aatake ng sabay-sabay ang mga ito, parang hinarap ko na ata si kamatayan ng harap-harapan eh!" Puno ng maktol at kawalang-pag-asa ang nararamdaman ni Van Grego.

"Oo nga noh, pero hephephep, wag kang mawalan ng pag-asa bata. Kaya mo yan at kung tutulungan kita, akin na yung Red Fury Pround Seedlings hehe." Malademonyong sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego.

"Hmmp! Wala talagang libre Master? Kahit ngayon lan----!" Maktol ni Van Grego haabng lumalabi ngunit agad siyang pinutol ni Master Vulcarian.

"Tigil-tigilan mo nga akong bata ka ha, noong naraang limang araw ay tinulungan kita ng libre ngayon ay tutulungan kita ng libre? Masyado ka atang abusado eh. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Ganting sambit ni Master Vulcarian habang pinapaalala nito ang kabutihang ginawa niya.

"Master naman eh, marami namang puno st binhi diyan sa loob ng Myriad Painting tapos kukunin mo pa ang kapiranggot na binhing natagpuan ko? Saan ang hustisya, saan?!" Sambit ni Van Grego na animo'y naghehesterikal na.

"Tigilan mo nga akong bata ka ha, namumuro ka na, libre ko na ngang ibinigay sa'yo ang impormasyon ng pambihirang scroll na hawak mismo ng matabang shokoy este bata na yan tapos -----! Sambit ni Master Vulcarian na animo'y umuusok na ang ilong nito habang nagsasalita ito.

"Okay na po Master, Huwag mo na kong sermunan okay. Baka wala akong mapala kung patuloy tayong mag-uusap ng ganito. Baka patay na si Tabachingching tapos makuha pa ng mga bakulaw na Bat Race yung pambihirang scroll eh noh." Sambit ni Van Grego na animo'y natauhan sa pangyayaring ito. Baka magkapikunan lang sila ng kanyang master kung mag-aasal asu't-pusa sila.

"Hmmmp!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y pinipigilan ang inis.