webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
169 Chs

Chapter 10

Halos mapasinghap si Van Grego sa atakeng ipinakawala ng Four-Armed White Ape dahil hindi basta-basta ang atake nito. Kahit si Van Grego ay maikling porsyento lamang ang kanyang alam o nagagamit sa Law of Vibration ngunit kumpiyansa pa rin siya na makakaya niya itong iwasan. Mas mataas ang law na kanyang pinag-aaralan. Ang law of Space and Time. Mas malakas ito kumpara sa Law of Vibration ngunit sa kasalukuyan, walang lakas ng loob si Van Grego na kaya niyang labanan ang halimaw na nasa kanyang harapan. Hindi niya pa naabot ang First Level ng Space at Time.

Dahil likas na marahas ang mga Martial Beasts ay agad nitong pinagsusuntok ang tatlong Bat Race. Ngunit mabuti na lamang at agad na nakagawa ng harang ang tatlong Bat Race. Dalawang lalaki ito at isang babae. Dahil may kasamang Law of Vibration ang atakeng ito ng halimaw ay konting oras lamang ay masisira na ito.

"Hindi na natin makakayanang labanan ang halimaw na ito. Alam nating mas malakas ito ng sobra na hindi natin inaakala." Sambit ng isang lalaking Bat Race

"Tawagin mo na si Senior Brother Kin o mamamatay tayo dito ngayon!" Sambit ng isang pang lalaking Bat Race. Halatang ayaw niya pang mamatay sa lugar na ito.

"Oo, wala na tayong pagpipilian pa." Sambit ng babaeng Bat Race. Kahit na may malalang sugat ito ay agad niyang in-activate ang sound transmitting Talisman.

Agad na naliwanag ang nasabing talisman at lumipad palayo na animo'y isang bituin. Maya-maya pa ay biglang may parating na nilalang na siyang ikinahinto ng pag-atake ng Four-Armed White Ape.

Lumitaw sa harapan ng halimaw ang isang lalaking nakakapa na may mapulang mata at may maamong mukha.

"Hmmm... Umalis na kayo sa lugar na ito at ako na bahala dito. Pagbabayaran ng halimaw na ito na kinalaban niya ang mga katulad natin." Sambit ng bagong dating na lalaking Bat Race na nagngangalang Kin.

Tikman mo to halimaw, Darkness Fire Balls!" Sambut ni Kin habang pinakawalan ang nasabing skill niya.

Agad na umulan ng mga malaking fire balls na kasing-itim ng gabi. Mayroong konsepto ng kadiliman ang kaniyang atakeng ito.

GRAAAHHHHHH!

Biglang sumigaw ang Four-Armed White Ape at unti-unting nagbago ang anyo nito mula sa ilang metrong taas ay mas tumaas pa ito at naging katakot-takot ang itsura nito. Naglabasan ang tinik sa labas ng likod nito at kulay dugo ang mata nito. Mas naging matalim ang mga kuko nito.

Agad hinablot ng nakakatakot na halimaw ang mga maiitim na fire balls at nawasak ito agad-agad gamit ang nagtatalasang kuko nito.

Masasabing ito ang totoong anyo ng halimaw. Ang kaninang mukhang mahinang halimaw ay kasalukuyang nagkaroon ng nakakatakot na anyo.

...

Haha, hindi ko aakalaing hindi simpleng halimaw lamang ang Four-Armed White Ape na ito. Siguradong may kinalaman ito sa Ravenous White herb. Sa tagal ng halimaw na ito ay nakaya niyang tuklasin ang kakaibang abilidad ng halaman na ito. Magmadali ka bata at hanapin ang tirahan nito dahil kung hindi ako nagkakamali ay doon mismo natin malalaman kung ano ang sikretong tinatago ng halimaw na ito. Kung susuwertehin ka ay malaking tulong ito sa'yo upang malaya kang makapaglakbay sa kontinenteng ito." Sambit ni Master Vulcarian habang nagbibigay ng mga importanteng impormasyon kay Van Grego.

Nang mapagtanto ni Van Grego ang mga bagay-bagay ay alam niyang totoong may tinatagong sikreto ang halimaw na ito na nasa kanyang harapan. Ang lakas ng halimaw ay patuloy na lumalakas. Sigurado siyang hindi nito sinusunog ang blood essence nito bagkus ay inilalabas na nito ang totoo nitong Cultivation Level at lakas. Ito ay nagpamulat kay Van Grego na hindi dapat balewalain ang bawat nilalang, mapa-martial artists man ito o martial beasts.

Agad na inobserbahan ni Van Grego ang mga pangyayari at mga posibilidad na mangyari. Sa oras na makahanap siya ng tiyempo ay siguradong kikilos siya. Hindi upang labanan ang malakas na halimaw na ito kundi alamin ang sikretong tinatago ng halimaw na ito at mapasakanya.

...

"Hmmmp! Kahanga-hanga ang iyong pagkukubli at alam kung mayroon ka ng Spiritual Wisdom. Isa ka nang ganap na Spirit Beast. Ngayon, ipapakita ko sa'yo ang tinatago ko ring lakas hahahaha!" Sambit ni Kin sa kakaibang boses.

Unti-unting nagbago ang anyo nito. Nagkaroon siya ng malahalimaw na anyo ngunit hugis-tao pa rin siya.

Dahil sa marahas na enerhiyang nagmumula sa lugar na ito ay mayroong dumarating na mga Martial Artists na tao at iba't ibang Races partikular na rito ang mga Bat Race, Wolf Race at Black Crow Race.

"Hindi ko aakalaing mayroong labanang nangyayari dito. An-Anong klaseng halimaw iyan?!" Sambit ng isang Human Martial Artist.

"Hoy, hindi mo ba naalalang mayroong nagbabantay at nagpapagala dito na Four-Armed White Ape at sa itsura nito ay isa itong evolution ng halimaw na iyan! Pero nakakapagtaka lang dahil hindi ko alam ang dahilan kung paano ito nag-evolve?" Sambit ng isa pang Human Martial Artist sa kasama nito.

Patuloy na nag-uusap ang mga ito. Sa ibang banda naman ay nag-uusap naman ang iba't ibang native races ng kontinenteng ito.

"Kahanga-hanga, isa ba iyang body metamorphosis ng ating Bat Race? Tanging ang mga inner disciples at mahahalagang estudyante ng ating Bat Race Powerhouses ang mayroong ganitong mga abilidad!" Namamanghang boses ng isang babaeng Bat Race.

"Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Senior Brother Kin ng Vampiric Bat Powerhouse. Isa siyang Inner Disciple!" Sambit ng isang lalaking miyembro ng isang ordinaryong Bat Race Powerhouse.

"Hindi ko aakalaing makikita ko ang Prince Charming ko rito. Masasaksihan ng lahat ng naririto ang magiting na lalaking aking sinisinta!" Sambit ng babaeng Bat Race na animo'y ini-imagine na ang magandang mga pangyayari.

"Go My loves!"

"Kaya mo yan My Baby Kin!"

Marami pang mga usapan ang maririnig sa paligid na rinig na rinig ng mga Martial Artists na naririto. Sa kabilang banda ay mayroon ding mga hindi nagustuhan ang mga pangyayaring ito at hindi sang-ayon dito.

"Hmmpp! Ambisyosong Bat Race, hindi niya alam ang agwat ng langit at lupa o mas mabuting putikan!" Masungit na pagkakasabi ng Wolf Race.

"Hahaha, kaya nga! Ngayon ang oras niya upang mapahiya at malampaso ng halimaw na iyan!" Sambit ng kasamahan nito na kapwa niya Wolf Race.

"Lakas ng loob, lakas mangarap ng mataas. Hindi niya nakikita na isa lamang siyang langaw sa halimaw na kaharap niya hahahaha!" Sambit ng lalaking Black Crow Race.

"Ang babansot ng mga lahi ng mga paniki, lakas maka-feeling ibon. Hindi nila alam ang lumipad sa kalangitan bagkus ay lumipad sila sa ibabaw ng impyerno." Sambit ng Black Crow Race na may panghahamak sa mga Bat Race na mortal nilang kaaway noon pa man.

...

GROOAAAARRRRRRR!!!!

Biglang sigaw ng halimaw na Four-Armed White Ape. Bigla niyang pinag-aatake gamit ng kanyang matatalas na kuko si Kin.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay walang natamaan ang mga atake ng halimaw. Agad na umatras palayo ng ilang metro si Kin sa kanyang puwesto. Agad na binunot niya ang kaniyang ekstraordinaryong espada at lumipad sa himpapawid gamit ang kaniyang pares ng pakpak.

"Hahaha, wala ka palang halimaw ka eh. Tikman mo to! Bat Race Skill: Dancing Sword Hell!" Sambit ni Kin habang nakangisi.

Nagkaroon ng mga kopya ng espadang hawak ni Kin at mabilis na bumulusok ang mga espada na animo'y sumasayaw sa hangin habang umaapoy na kulay itim.

Maya-maya pa ay biglang may pagbabagong naganap sa paligid ng Four-Armed White Ape. Nagkaroon ng kulay puting liwanang sa bunganga nito na animo'y bola na patuloy na lumalaki.

Naalarma ang nasa paligid na Martial Artists. Halos mapalunok sila ng laway dahil sa mga pangyayaring ito.

"Isa iyang skill ng Four-Armed White Ape, kung hindi ako nagkakamali ay iyan ang White Extinction!" Nahintatakutan na sambit ng isang Martial Artists na nanonood.

Agad na namuo ang puting liwanag sa bibig ng halimaw. Hindi lamang isang bola, dalawa hanggang sa naging lima.

"Pa-paano i-ito n-nangyari. Dapat ay dalawa lamang ito ngunit limang bolang liwanag ang namuo sa bibig ng halimaw. Ayon sa kasaysayan ng Bat Continent ay isang White Extinction Pentagram ito. Kaawa-awang nilalang ngunit hindi niya alam ang agwat nila.

Nang marinig ito ng mga Martial Artists na nanonood sa paligid ay namangha at nanindig ang mga balahibo sa kanilang katawan. Hindi nila maipagkakailang nakakatakot ang evolution ng halimaw na ito.

Agad na lumipad ang limang puting bolang nagliliwanag na nagpoporma na isang Pentagram Symbol.

Namuo ang malapot na pawis sa noon ni Kin.

"Master, tulungan mo ko!" Sambit ni Kin habang sinira nito ang isang kakaibang jade slip.

Kasabay nito ay ang pagbulusok paitaas ng White Pentagram Symbol.

"Heavens Net!" Sambit ng isang misteryosong nilalang. Umalingawngaw ang boses nito na animo'y palakpak sa tenga ng mga manonood.

Ang Pentagram Symbol ay bumalik papunta sa kinaroroonan ng Four-Armed White Ape.

Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang paligid ng kagubatang ito.

Grrroaakkkkk!

Malakas na tunog ang pinakawalan ng halimaw na animo'y naghihinagpis.

"Reincarnation Jade Slip! Kahanga-hanga, hindi ko aakalaing mayroong Reincarnation Jade Slip ang Inner Disciple Kin na ito. Kung gayon ay maituturing siyang napakatalentadong estudyante ng Vampiric Bat Powerhouse." Sambit ng isang hindi kilalang Martial Artist na naonood sa ibaba.

Dahil dito ay maraming mga babaeng Cultivator na lahi ng Bat Race ang nagpahayag ng kanilang damdamin.

"Haha, napakagaling talaga ng aking mahal, siguradong malaki ang posibilidad niyang maging malakas na indibiduwal sa hinaharap!"

"Tunay ngang nagkaroon ng suwerte ang Vampiric Bat Powerhouse sa kasalukuyan. Hindi ko man sabihin pero malaki ang posibilidad na magiging makapangyarihang indibiduwal siya at ako ay mananatili lamang ordinaryong nilalang sa kanya."

"Kaya mo yan aking Kin, patayin mo yang nakakadiring halimaw na iyan at itaas mo ang dignidad ng ating lahi at ng ating mga future babies!"

Maraming pang mga saloobin ng mga kababaihan ang maririnig sa paligid ngunit marami rin ang hindi sang-ayon na nanahimik na lamang. Para sa kanila ay isa itong maduming taktika o pamamaraan ng isang inner disciple ng Bat Race. Kailan pa sila naging malinis? Mabansot ang lahi nila! Ito ang nasa isip ng ibang mga lahi na naririto.