"Naririnig mo ba ako Anastasia?"
Tanong ni mama sakin matapos nya akong sigawan dahil wala na naman ako sa huwisyo. Lilipat na kami sa bahay nina Ella na labis kong ikinababahala di sya nararapat na pagsamaan ng ugali ng kapatid at mama ko.
"Mama sigurado ka na ba? Kase-"
"Anastasia naman ito na ang pagkakataon natin. We're going to be rich! Hindi ba at gusto mo rin namang mangyari yun? At saka makakahanap ka na rin ng boyfriend mo dun sakaling lumipat tayo"
Nagbuntong hininga si Krisella at humiga sa sa sofa. Inismidan ko na lang ito at nagpatuloy sa pagtitig sa kawalan.
Namatay na ang mama ni Ella at nakilala naman ni Mama ang Papa nya sa isang party na ginanap sa Venice at ngayon papalipatin na talaga kami. Nasanay na rin siguro ako dahil lagi itong ginagawa ni Mama. Huminga na lang ako ng malalim at umakyat sa kwarto ko upang maggayak ng mga damit at iba pang dadalhin namin ng probinsya. Nakita ko ulit ang sulat na pinadala ni Ella mula sa akin at itinago ko sa maleta ko para kapag nagkita kami ay agad niya akong makikilala. Nag-text ako sa kanya para mabalitaan agad sya.
Pagkatapos kong maggayak ay bumaba na ako para kumain ng maalat na adobo at mala-lugaw na kanin. Ng dahil sa galit ay napasigaw na lamang ako.
"Krisella!"*
Humagikhik lamang ito at ipinagpatuloy na ang pagkain kahit na alam nyang maalat ang luto nya. Umakyat na lang ako ulit at nagpahinga.
"Anastasia nandito na ang susundo satin. Bumaba ka na riyan"
Narinig kong sigaw ni Mama mula sa baba at si Krisella naman ay naghihiyaw na sa tuwa. Bumaba na ako kasama ang mga gamit ko at ang Fujifilm ko para kumuha ng litrato sa porch. Sumakay na kami sa kotse na nirentahan ni Papa at nagsimula na kaming bumyahe.
"Paalam Manila."
Sana lamang ay malaman ito agad ni Ella para makapaghanda siya kahit papaano sa kalbaryong kahaharapin nya mula bukas.