webnovel

Chapter 3: Kamatayan ni Loring

Patuloy lamang sa pananakbo si Mina kahit pa dinig na dinig niya ang pagtatawanan ng mga nilalang at pagsigaw ng kanyang ina. Napaluha lamang siya at itinuon ang pansin sa kanyang pagtakbo. Hindi siya maaring bumalik dahil salungat iyon sa kagustuhan ng kanyang ina, kahit pa labag sa kanyang kalooban ay kailangan niyang sundin ito. Wala din naman siyang magagawa at magiging sagabal lamang siya sa kanyang ina.

Nang marating niya ang bukid ay agad naman niyang nasipat si Sinag na kumakaway sa kanya. Nakangiti pa ito na tila tuwang tuwa na masilayan siya. Ngunit nang makita ng binata sa luha ni Mina ay agad na napakunot ang noo nito.

"Kuya Sinag, si Inay. Tulungan natin si Inay." Umiiyak na sigaw ni Mina.

Napamura naman ng malakas si Sinag at agad na tinawag siang Ben at Lando. Mabilis silang bumalik sa baryo at habang nasa daan sila ay doon inilahad ni Mina ang mga kaganapan. Kinakabahan naman si Lando sa maaaring kahihinatnan ng pagpapaiwan ni Loring. Ipinagdasal niyang walang mangyaring masama dito dahil hindi niya alam kung paano pakakalmahin si Mina kapag nagkataon. Napakabata pa ni Mina para mawalan ng Ina, sa isip isip niya.

Nang marating nila ang kanilang kubo ay sakto namang nakita nila ang isang nilalang na sinaksak ng matutulis nitong kuko ang dibdib ni Loring kasabay nito ang paghigop ng kaluluwa nito at isinilid sa maitin na banga.

Kitang-kita nila kung paano hinatak ng nilalang ang kaluluwa ni Loring at kung paano nito ipinasok sa banga habang tumatawa.

Napasigaw naman si Mina sa kanyang nakita, agad naman siyang napigilan ni Sinag bago pa ito makatakbo papalapit sa katawan ng kanyang nanay na noo'y hawak-hawak pa din ng nilalang.

"Kuya ang Inay." Umiiyak na wika ni Mina na tila nagmamakaawa dito. Umiling lamang si Sinag at mahigpit na hinawakan ang dalaga.

"Bitawan mo 'ko. Kailangan kong iligtas si Inay. Sinag, pakiusap iligtas natin si Inay, 'Nay..." Sigaw nito sa binata habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak nito.

"Wala na ang Nanay mo Mina. Patawad, nahuli na tayo." Malungkot na wika nito, pagkuway buong galit nitong tinitigan ang nilalang na kumitil sa buhay ng nanay ni Mina. Napakabuti nito sa kanya kaya naman nararamdaman niya ang sobrang kalungkutan ni Mina.

Mabilis niyang ibinigay si Mina sa ama nito bago hinarap ang mga nilalang.

"Paano kayo nakapasok sa baryo namin?" Pasigaw na tanong ni Mang Ben sa mga ito habang tahimik na nag uusal ng poder at bakod sa kanyang isipan. Masyado silang naging kampante at hindi nila namalayan ang pagpasok ng mga demonyo sa kanilang lupain.

Isang malutong na tawa ang isinagot nito habang isinisilid ang banga sa hatak-hatak nitong kariton na agad namang naglaho sa kanilang paningin. Ang katawan naman ni Loring na hawak nito ay walang awa nitong itinapon sa di kalayuan na mabilis din naman sinalo ni Sinag.

Kisap mata lamang iyon at halos parang kidlat si Sinag na nawala sa paningin nila at nang muli itong lumitaw ay buhat-buhat na nito ang walang buhay na katawan ni Loring.

"Anong kasalanan ni tyang Loring para kitilan nyo siya ng buhay? Mga demonyo!!!"

"Kasalanan? Wala siyang kasalanan amang, sadyang kinailangan lang namin siyang patayin upang makuha ang kanyang kaluluwa." Tila nangungutyang wika ng nilalang na lubhang ikinagalit ni Sinag.

Marahan niyang inilapag sa lupa ang katawan ni Loring malapit sa kanyang Maestro at kay Mina. Hinagkan niya ito sa noo, pagpapakita ng pagluluksa nito at pamamaalam sa kanyang ina-inahan. Walang anu-ano'y bigla ulit itong naglaho.

Lumitaw si Sinag sa harap ng nilalang at hawak-hawak na niya ang leeg nito. Nanggigigil niyang ibinalinag ito sa lupa. Sa lakas ng pagkakabalibag niya ay kumain ito ng alikabok. Nag-aangil namang itong tumayo at mabilis na inatake si Sinag. Sa pagkakatag iyon agad na inilabas ni Sinag ang kanyang maliit na punyal at sinalag ang mga matutulis nitong kuko gamit ito.

Si Mang Ben naman ng mga oras na iyon ay kinalaban ang mga alipores ng nilalang. Madali lamang niyang nagapi iyong dahil na din mahihina ang mga ito at hindi pa sumasapit ang kadiliman. Kung nagkataong gabi aang mga ito pumasok at paniguradong mahihirapan sila dahil na din mas lumalakas ang mga ito kapag sumasapit ang kadiliman.

Nang tuluyan ng nang magapi ni Mang Ben ang mga alipores ng nilalang ay ibinaling naman niya ang pansin sa kanyang disipolong patuloy pa ding nakikipaglaban dito. Nakita niyang halos nasasabayan lang ng nilalang ang lakas ni Sinag na lubha niyang ikinabahala. Kung ganoon na iyon kalakas kahit tirik pa ang araw, hindi niya malubos maisip kung gaano ito kalakas pagsapit ng gabi.

"Mahusay ka ngunit hanggang dito na lang ang iyong buhay." Wika ng nilalalang at agad naman sinuntok sa dibdib si Sinag. Mabilis naman iyong nasalag ng binata ngunit napaatras siya at natumba sa kanyang pagkakatayo. Bahagya siya napaubo dahil sa lakas ng pagkakasuntok nito. Nagusal nman siya ng pangkumbate at agad niyang iniihip iyong sa kanyang kamao. Walang ano-ano'y sinuntok niya din ang nilalang na ikinabuwal din nito.

Ganon at ganon lang ang nangyayarinsa kanilang labanan hanggang sa tuluyang mainis ang nilalang at tuluyang na itong nagpalit ng anyo.

Napangisi naman si Sinag nang makita ang pag-oorasyon nito. Mabilis din siyang nag-usal upang mapaghandaan ang muling pag atake nito. Nang tuluyang na itong makapagpalit ng anyo ay tumambad sa kanila ang malademonyo nitong wangis. Nangingitim ang balat nito na animo'y nababalutan iyong ng kadiliman, sabog sabog din ang mahaba nitong buhok, nangingitim din ang nagsisihabaan nitong pangil at matutulis na kuko habang ang mga mata naman nito ay namumula at nanlilisik.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nasilayan ni Mina ang ganitong nilalang. Nilukob ng matinding takot ang kanyang dibdib. Takot hindi para sa nilalang kundi para sa kaligtasan ni Sinag. Bahagya siyang napahawak sa kanyang medalyon at taimtim na nag -usal. Ibig niyang mahatiran ng tulong si Sinag kahit sa kanyang mga dasal lamang.

"Katapusan mo na bata." Sigaw ng nilalang. Nang akmang aatakihin na nito si Sinag ay natigilan ito dahil may kung anong pwersang pumigil dito. Malakas iting nagpumiglas ngunit wala siyang lakas upang makawala sa kung ano mang pumipigil sa kanya. Gulat na gulat noon si Sinag dahil wala pa naman siyang ginagawa. Nilingon niya si Mang Ben ngunit maging ito ay bakas din ang pagkagulat. Nang mapunta sa kinaroroonan ni Mina ang kanyang paningin ay doon niya nakita si Mina na nag-uusal, nakatingin sa nilalang habang nakahawak sa kanyang medalyon.

"Tapusin mo na ang laban, Sinag." Bigla-bigla ay may boses na nangusap sa kanyang isipan. Lubosan ang kanyang pagtataka ay minabuti na niyang tapusin ito dahil nalalapit na ang paglubog ng araw sa kalupaan. Gamit ang kanyang espiritual na sandata ay mabilis niya itong itinarak sa puso ng nilalang na agad naman nitong ikinamatay ng walang kalaban laban. Nalusaw ang kaluluwa nito kasabay ng unti-unting pagkaagnas ng katawan nito hanggang sa tuluyan itong maging alikabok sa hangin.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng tuluyang paglubog ng araw. Nabalot ng kalungkutan ang buong paligid nang muling nangilid ang luha ni Mina. Pagyakap ng kadiliman sa kalupaan ay tumambad sa kanilang harapan ang tikbalang na nakatayo kung saan naglaho ang nilalang. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi nakagalaw ang aswang, kakaiba ang tikbalang na iyon dahil napakatikas ng pangangatawan nito na halos maihahalintulad mu sa isang tao. Malatao din ang pagmumukha nito ngunit ang mga paa naman nito ay sa kabayo. Kumikinang din ang malaabo nitong buhok at kapansin-pansin dito ang malagintong hibla ng buhok na animo'y sumasayaw sa pag-ihip ng hangin.

"Lubos kong ikinalulungkot ang pagkawala ng iyong Ina, Itinakda. " Wika ng tikbalang bago ito maglaho sa kanilang harapan.

Napaiyak naman si Mina nang mawala na ito ay napaluhod sa katawan ng kayang ina. Yakap-yakap ito ni Lando at wala din itong tigil sa pag-iyak sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal. Maging si Sinag ay tuluyan na din napaluha.

"Magpakatatag kayo, ang pagkawala ni Loring ay isa lamang pagsubok. Hindi dito natatapos ang buhay, Mina, Lando, Sinag, hindi ikatutuwa ni Loring kung malulungkot kayo habang buhay sa kanyang pagkawala." Wika ni Mang Ben.

"Ipagdasal natin ang kaligtasan ng kaluluwa ni Loring. Hindi pa dito nagtatapos ang laban. Ngayong tuluyan nang nabasag ng mga demonyo ang harang, paniguradong darating pa ang mga susubod na kalaban. Hindi man ngayon, ngunit nararamdaman kung malapit na sila." dagdag pa ng matanda.