webnovel

Chapter 29

Sa pagtarak ng punyal ni Mina sa lupa at kitang-kita ni Miguel ang isang kakaibang liwanag na agad na bumalot sa kinatatarakan nito. Kitang-kita din ni Miguel ang pagliwanag ng mga mata ni Mina habang may mga kataga itong binabanggit sa hangin.

Sa bawat pagbigkas ni Mina ay siya namang pagsisulputan ng mga engkantong gumagabay sa kanya. Sa pagkumpas ng kanyang mga kamay ay agad na nagsipag-atake ang mga ito. Walang sali-salitang inatake ng mga engkanto ang mga aswang na naroroon. Nagbuno ang dalawang panig at halos hindi malaman ni Miguel kung saan siya titingin.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Mina ang buong paligid. Pilit niyang hinahanap ang nilalang na nais niyang makaharap ngunit bigo siya. Tanging mga aswang lamang ang naroroon. Dahil sa pagkairita ay agad niyang tinawag ang mga banging ni Mapulon upang gapusin ang mga ito at ilibing sa lupa ng buhay. Saglit lamang iyon, mabilis na nawala ang presensya ng mga aswang, kasing bilis ng kanilang pagdating kaninang kanina lamang.

Pagbalik nila sa bahay ay naabutan nilang nakanganga si Miguel habang yakap-yakap ang latigong gawa sa makabuhay. Ni hindi nito alintana ang malatinik nitong katawan na halos sugatan na ang kanyang braso na nakayakap roon. Dahil sa kanilang naabutan, marahas naman binatukan ni Amante si Miguel dahilan upang matauhan na ito.

"Pag hindi mo pa itinikom ang bunganga mo, papasukin yan ng mga insekto ko." Biro pa ni Amante at kakamot-kamot na itinikom ni Miguel ang kanyang bunganga. Naging tampulan naman ng tukso si Miguel na siya namang nagpagaan ng kanilang sitwasyon. Saglit nilang nalimot ang mga panganib at nagdesisyon nang magpahinga noong gabi din iyon.

Kinaumagahan ay muli silang nagtipon-tipon sa loob ng bahay ni Tata Teryo. Kasalukuyan sila noong nag-aalmusal habang pinag-uusapan ang mga susunod nilang hakbang.

"Sigurado ka ba Mina?" nag-aalalang tanong ni Luisa. Bukod kasi sa matinding panganib na naghihintay sa kanila ay inaalala din niya ang kahihinatnan ng buhay ni Mina at Isagani. 

"Oo, matatagalan lang tayo at lalo lang lalakas ang pwersa nila kung patuloy lang tayong maghihintay ng pag-atake nila." sagot naman ni Mina.

"Sang-ayon ako kay Mina."sambit ni Amante matapos nitong humigop ng kape. Saglit silang tumahimik ta halos sabay silang napatingin kay Miguel.

"Paano si Miguel? Ibabalik na ba natin siya sa Sta. Monica?" Tanong ni Luisa. Napatingin naman sa kanila si Miguel na tila nangungusap ang mga mata. Tila ba nagsasabi itong sasama ito sa kanila kahit ano pang mangyari.

"Desisyon mo pa rin ang masusunod. Ayos lang na sumama ka pero, kailangan mo munang masiguro ang sarili mong kaligtasan, dahil sa oras ng laban, paniguradong wala kahit isa sa amin dito ang makakatulong sa iyo." wika ni Mina.

"Tama si Mina, ano ba ang kakayahan mo?" tanong naman ni Gorem sa binata.

"Kakayahan? Ah, eh, sabi ni Padre magaling daw akong magdasal. Sabi niya buhay na buhay daw ang mga dasal kapag ako ang nagbabanggit. Hindi ko rin maintindihan pero yun ang sabi sa akin ng aming Kura." Wika ni Miguel na tila ba kahit ito ay hindi sigurado sa kanyang isinagot. Napangiti naman si Mina at muling napatingin sa nilalang na laging nasa likod ng binata. Tumingin rin ito sa kanya at napatango.

"Kung ganun, Miguel kailangan mong patunayan na buhay nga ang mga dasal mo. Kapag nagtagumpay kang malagpasan ang aming pagsubok, isasama ka namin. Pero kapag nabigo ka, uuwi ka ng Sta. Monica kung saan ligtas kang mamumuhay."

Bigla namang pinagpawisan si Miguel nang makita ang mga mukha ng kanyang mga kasama na tila walang naiisip na maganda.

Noong gabi ngang iyon ay dinala nila si Miguel sa gitna ng gubat na malapit lamang sa Belandres. Dahil na din sa banta ni Sitan ay alam nilang ang gubat na iyon ay pinamumugaran na ng mga ligaw na aswang. Mga aswang na walang patutunguhan at mga aswang na walang namumuno. Sila yung mga nilalang na ang tanging pinuno ay ang kanilang mga sarili at ang gutom na kanioang kailangang punan.

"Teka , asan ba kayo? Natatakot na ako dito." Halos pasigaw na tawag ni Miguel sa kanila. Kasalukuyan itong nakatayo sa gitna ng kawalan at kadiliman habang sila Mina naman ay nagkukubli sa mga puno. Magung ang mga kakayahan at presensiya nila ay ikinubli nila upang hindi mabahala ang mga nilalang na naroroon o mapapadaan.

"Mina, Amante, hoy, asan na ba kayo?" Tawag ulit ni Miguel ngunit wala pa rin siyang nakikita sa mga kaibigan niya. Hindi naman niya magawang umalis sa kinatatayuan niya dahil na din sa banta ni Mina na kapag hindi siya magtagumpay ngayong gabi, bukas din ay babalik siya sa Sta. Monica.

"Padre Dama ano ba amg gagawin ko?" Bulong na wika ni Miguel habang pinagmamasdan ang paligid. Napakadilim na noon ang kagubatan at tanging naririnig niya ay ang huni ng mga kulisap na naroroon.

Sa kaniyang pagmamasid ay bigla na lamang tumahimik ang buong paligid. Ang kaninag huni ng kulisap ay bilang nawala. Maging ang iilan huni ng ibon ay naglaho na rin. Nanindig naman ang kanyang balahibo dahil sa pangyayari. Minsan na din kasing naibahagi sa kanya ni Padre Dama ang mga ganitong pangyayari. Ayon pa sa Pari, kapag daw bigla-bigla na lamang tumahimik ang buong paligid, iyong tipong kahit ang huni ng maliliit na kulisap ay nawala, paniguradong mag masamang nilalang ang nasa malapit. Kapag sinundan iyon ng mabaho o malansa g hangin,panigurado, aswang ang paparating.

Dahil sa takot ay napaupo si Miguel sa lupa at natatarantang kinuha ang maliit niyang aklat sa kanyang bulsa. Isang uri iyon ng aklat na nakalathala sa wikang latin. Purong dasal ang mga katagang naroroon at ibinigay pa ito sa kanyang ng isang prayleng maging kasama nila sa semenaryo.

Binuklat niya ang aklat at nagsimulang magdasal. Habang binabasa niya ang mga dasal na naroroon ay unti-unti niyang nararamdaman ang pagkalma ng kanyang sarili. Sa pagpapatuloy pa ng kanyang pagdarasal ay tila ba binalot soya ng isnag mainit na yakap na siya namang nagpawala ng takot sa kanyang sistema. Mula pagkabata ay ganito ang nangyayari kapag nagdarasal siya. Kahit simpleng Ama Namin lamang ito ay tila ba napakagaan na ng pakiramdam niya.

Ilang sandali pa nga ay may naamoy na siyang masangsang na humahalo sa hangin. Parang pinagsama-samang amoy ng langis, dumi ng hayo at amoy ng nabubulok na karne.

Lalo pang nadagdagan ang matindi niyang takot nang makarinig siya ng tila nagmamadaling kaluskos na umiikot sa kaniya.

Nagpalinga-linga siya ngunit wala naman siyang nakikita, kung kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagdarasal. Sa gitna ng kanyang pagdarasal ay doon nga niya nasilayan ang mga kakaibang uri ng mga aswang. Kakaiba ito sa mga una niyang nakita dahil na din sa mga wangis nitong maihahalintulad mo sa mga bayawak. Habang ang katawan nito ay nababalutan ng tila ba itim na putik na siya namang nagkukubli sa kanila sa kadiliman ng gabi.

Rinig na rinig niya ang pag-aangil nito na para bang sabik na sabik itong makakita ng tao. Napatulala naman ni Miguel sa nilalang habang patuloy na nagbibigkas ng mga dasal. Dahan-dahang lumalapit sa kanya ang tatlong nilalang na tila ba nagtatalo pa kung sino sa kanila ang mauuna habang walang patid ang laway na tumutulo ang laway nito.

"Diyos ko, naway iligtas niyo po ako sa mga nilalang na ito. " Taimtim na bulong ni Miguel habang napapapikit ng kanyang mga mata.

Palihim namang nakamasid sila Mina sa mga pangyayari. Habang nagdarasal si Miguel ay pansin na pansin niya ang unti-unting paglawak ng presensiya ng binata. Hindi man ito makita nina Amante, Gorem at Luisa , subalit malinaw niyang natatanaw ito.

Kakaiba talaga ang gabay na iyon ni Miguel, napakadalisay at napakaganda, sa isip-isip pa ni Mina. Noon lamang siya nakasugpong ng ganoong klase ng gabay at tangin si Miguel lang ang nakitaan niya nito. Batid niyang hindi pa iyon ang kalakasan ng gabay na iyon at kung mapaglilinang pa ito ng binata ay paniguradong napakalakas nito.

Habang unti-unting lumalapit ang mga nilalang ay naririnig niya ang dahan-dahang paglakas naman ng mga dasal ni Miguel. Ang kaninang malabong gabay niya na til humahalo lamang sa hangin ay dahan-dahan na ring nagkakaroon ng pisikal na porma.

Pare-pareho silang nagulat nang biglang magsitalsikan ang mga aswang habang nagliliyab ang mga ito sa kulay asul na apoy kahit pa wala namang ginagawa si Miguel kundi ang lumuhod doon at magdasal. Habang nakanganga sila sa gulat ay napangiti naman si Mina at nagdesisyon na siyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan.

"Magaling Miguel, nagtagumpay ka sa pagsubok mo." Wika ni Mina habang lumalapit sa binata. Nang makalapit na siya rito ay nakapikit pa rin ito at tila ba patuloy sa pagtulo ang gabutil nitong pawis.

"Iyon ba ang pagsubok ko Mina ang patayin ang mga aswang na 'yon?* Nanginginig na tanong ni Miguel. Halata pa rin dito ang takot dahil sa mga nilalang.

"Hindi ang pagpatay sa mga aswang ang pagsubok mo kundi ito." Wika ni Mina bago niya ipitik sa harap ng mukha nito ang kanyang mga daliri. Nag-usal siya sa kanyang mga kamay at idinampi iyon sa nakapikit niyang mga mata.

"Imulat mo ang mga mata mo Miguel." Utos ni Mina at dahan-dahan na ngang iminulat ni Miguel ang kanyang mga mata.

Sa kanyang pagmulat ay tumambad sa kanyang harapan ang isang napakalaking puting anino na anim na pakpak sa likod . Hindi niya mawari ang wangis nito dahil na din sa sobrang liwanag na nakapalibot rito. Napaluha naman siya ng makita ito dahil sa kakaibang emosyong lumukob sa kanyang buong pagkatao. Nanumbalik ang kanyang mga alaala noong pagkabata pa niya, bago pa man din niya pasukin ang buhay sa simbahan. Ulilang lubos na kumbaga si Miguel at wala itong kinamulatang pamilya. Palaboy-laboy sa mga bayan. Nakita siya ng isang prayle kasama ang mga asong nagkakalkal ng basura para kumain. Kasabay nitong namumuhay ang mag asong iyon at iyon na din ang nagsilbi niyang pamilya. Ang pagtatagpo nila ng prayleng iyon ang siyang tuluyang nagbago ng pamumuhay ni Miguel. Pinalaki siya nito sa loob ng simbahan, tinuruang magbasa at magsulat, binihisan at pinakain hanggang sa magbinata siya at tuluyan na din niyang pasukin ang semenaryo. Noon ay hindi niya mawari kung paano ang isang batang musmos na tulad niya ay nakaligtas at nabuhay noong mga panahong wala pa siyang muwang.

Patuloy siya sa pagtangis dahil kitang-kita niyang ang nilalang na nasa harap niya ang siyang nag-aruga sa kanya bago pa man siya makita ng prayle at ito rin ang naging tulay sa pagtatagpong iyon.

"Salamat po Ama." Hagulgol na wika niya nang tuluyan na niyang maintindihan ang lahat.