webnovel

Aloha (The First Trilogy)

Chapter 1: Entertainer Girl

The music began but she feel her feet shaking. Lagi naman niya itong ginagawa gabi gabi pero iba ngayon. Ang daming customer na inaabangan ang kanyang pagsayaw sa dance floor. Kinakabahan siya ng tumapak ang kanyang paa sa gitna. Nararamdaman niya ang mga matang nakatitig lang sakanya. What's wrong? She doing this for a year. What is this feeling now?

Bumuga siya ng hangin. Kailangan niyang tapusin ang nasisimulan niya kundi sermon ang abot niya kay manang Betchay ang manager ng club. Sabay sa alindog ng musika ang kanyang katawan. Kabisado na niya lahat ang tugtog dahil nga sa tagal na niya itong ginagawa. Umiikot siya sa isang pool at umakyat dun at nagpadausdos. Ginawa niya ang pool dancing. Naghiwayan ang mga narooon sakanyang ginawa. She lend in the pool while giving a seducing look to the men around. And She think that she satisfied them because of the reactions that she notice. Napangiti siya ng matamis.

Ilang sayaw pa ang kanyang ginawa hanggang natapos na ang kantang Bed of roses.

Humihingal siyang umupo sa dressing room nila. Kahit sanay na siya ay nandiyan pa rin ang kaba niya ng nang unang sumabak siya sa gitna ng dance floor.

"That was so intense." komento naman ni Alona, hindi niya namalayan umupo ito sa tabi niya. Si Alona ang susunod na performer tulad niya isang entertainer din si Alona pero tumanggap din ito ng tumitable dito pero mapili lang. Maganda naman siya pero mas maganda si Alona.

Ngumiti ako dito. "Thanks. Ikaw na ang susunod." aniya habang nakatingin dito sa salamin.

"Yeah, kinakabahan ako. Ang dami yatang tao ngayon. Friday pa naman." anito, tama nga ito. Friday pa lang pero andami ng taon. Mas dadami pa bukas kasi sabado 'yon lagi ang inaasahan nila.

Marami pa silang napagkwentuhan nang tinawag ang pangalan ni Alona. "Good luck." sambit niya at agad naman itong tumayo at nagpaalam sakanya.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang boses ni Alona. Ang ganda talaga ng boses ni Alona walang kakupas kupas. Matagal na din ito sa club magkasunod lang sila. Madali naman silang magkasundo dahil mabait ito.

Umalis na sana siya dahil tapos na ang kanyang ginagawa. Pero tinawag siya ni Chixy.

"Aloha sa table 08 daw." anito na siyang nagpapataka.

Kunot noo niya itong tinignan. Umikot ang kanyang paningin at hinanap ang table 08. Nang nakita niya ang table 08 ay nakita niya ang lalaking nakatitig sakanya. Mukhang nag malik mata pa siya dahil ilang beses niya pang itinuon ang kanyang mata doon. Medyo napakasulok kasi ng mesang 'yon at medyo madilim pa.

"Anong gagawin ko naman dun?" maang na tanong ko kay Chixy.

"Gustong makipag usap sayo ng tao. Ikaw ang sinasugest." malungkot na turan nito. Si Chixy ang tumi table sa mga customer na gustong may kausap. Silang dalawa ni Alona ang Entertainer. Siya hindi tumatanggap ng magpatable.

"No. Chix. Sayo na 'yan tsaka hindi ako tumatanggap ng ganyan diba? At paalis na ako e'."alibi niya at humakbang na para lumabas ng hawakan ang braso niya. Nakita niya na si Manang Betchay ang humawak.

"Table 08 Aloha, bayad na. Makipag usap lang naman 'yan si Don e'. Anito na nangungumbinsi. Don? Mukhang matanda na yata. Oh god!

"Tiyaka Aloha mukhang galante. Go!" pagtutulak ni Chixy papunta sa table 08.

Parang ayaw maglakad ang mga paa niya sa mesang 'yon. Bakit ako? Ang dami naman dito na tumi table talaga. Nakakafrustrate naman. Uuwi na ako e', pagod na pagod na siya sa gabing 'yon. Jusko! Gabayan niyo sana ako! Nasabi niya lang.

"Here is your order sir, do you need anything?" nakangiting sambit ni Chixy. Anong order sinasabi ng babaitang 'to. Daig ko pa ang pagkain nito. "Chixy naman e' ayaw ko nga." she whisper it to chixy. Umiiling naman naman ang lalaki.

"Kaya mo 'yan. Iwanan na kita ha. Enjoy!" anito sa mahinang boses. At iniwan na nga siya doon. Parang pinagpawisan siya ng malamig. Tinignan ko ang sinasabi nilang lalaki at tama nga siya sa hinala. May kaedaran na nga ito. Jusko Maria! Tanging sambit niya. Nanginginig ang kamay niyang umupo. Mukhang aatakihin siya nito ng puso.

"Ano ho ba ang kailangan niyo." tanong niya dito pero sinisi niya agad ang sarili dahil hindi nito narinig. Ngumingiti lang ito sa'kin sabay pitik ng daliri nito sa mesa.

Kinakabahan na naman siya dahil lumapit ito ng bahagya sakanya. "What is your name." tanong nito. Aba! Nag e'english mataman niya itong tiningnan mukhang pinoy naman ito.

"Aloha po!" sabi ko ng malakas. Ang lakas naman ng music at sa kanta ni Alona. Hindi talaga kami magkaringgan.

"Oh? What a nice name? Iyan talaga ang name mo?" amuse of his face drawn. Parang di kapaniwala wala dito ang sinabi niyang pangalan. Si manang Betchay ang nagbigay ng pangalan niya mula pag apak niya sa bar ay iyon na ang pangalan niya. Hindi lang siya maging si Alona at mga kasamahan niya na sa club.

"Anyway huwag mo na akong e' ho. Call me Don Javier nalang. Matanda na ako e'." humahalakhak ito, ang gwapo niya kahit makita mo na may edad na ito ay bakas sa mukha nito ang magandang mukha. Ang gwapo nga siguro nito noong bata pa. Malakas pa rin ang karisma.

"Let's get out of here ang lakas ng music. Hindi tayo makakwentuhan!" anito sa malakas na boses.

Kapagkuwan ay hinila na siya nito palabas ng bar. Hanggang sa labas ay hila pa rin siya nito, ang feeling close yata, kinilabotan siya sa kanyang iniisip na pwedeng mangyari sa kanila. Hindi naman siguro gagawa ng masama ang matanda. May inilabas na isang mailit na maitim at pinindot niyon. May tumunog na kotse. Ingat na ingat naman niya akong pinasakay doon. Saan kaya ako dadalhin ng matandang 'to. Umiikot ito at pumasok din at agad na binuhay ang makina.

Kunot niya lang itong pinagmamasdan. "Let's eat somewhere, don't worry wala akong gagawing masama sayo." anito na nakapanatag sakanyang sistema.

Huminto sila sa isang mamahaling restaurant. May bukas pa pala sa oras na 'to. Ang classy pa. Kung siya kasi kapag galing sa bar dumiretso na siya sa apartment niya at magluto ng anong nasa ref. Wala na kasing siyang madadaanan na nakabukas na pagkain na mura lang at kaya sa budget niya. Ngayon lang niya napantantong ang hirap niya. Mahirap pa siya sa daga.

"Let's eat." sambit nito ang nagpabalik sa kanyang diwa. Napalula naman siya sakanyang nakitang pagkain sa harapan. Ang dami. Mauubos ba nila ito. Kunti lang kasi ang appetite niya. Basta magkalaman lang ang tiyan niya ay okay na sakanya. Hindi ko man lang namalayan na ito na pala ang umuorder. Nakakahiya. Ang daming kasing iniisip Aloha.

"So tell me about your self." napatigil naman siya sa pagnguya. Nakapanibago kasi. Ito ang unang lumalabas siya kasama ang customer. "I mean, don't treat me as you customer. You can treat me as your friend Aloha. I like that. If you know." anito at tinuloy ang pagkain. Minsan lang kasi may interesado sa isang tulad nila, mostly men going to the club at katawan lang ang habol. Kaya isa sa dahilan kung bakit ayaw niya tumanggap ng tumi table. Okay na siya sa Entertainer may malaking tip naman kung magugustuhan ng mga nanonood.

"Ah, wala naman po akong makwento sa inyo." nahihiyang sambit niya dito. At totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi nga niya alam ang totoong pagkatao niya dahil wala siyang magulang at lumaki lang siya sa bahay ampunan.

Naalala na naman niya ang mga bagay na hindi na dapat alalahanin pa. Matagal na ng panahon ang lumipas at mag isa nalang siya sa buhay. Pilit itinataguyod ang sarili. Iyong pakiramdam ng may mga magulang masasandalan ay hindi niya 'yon nararamdaman. Bagkus na namulat siya sa murang edad na hindi dumepende sa iba.

Next chapter