webnovel

Chapter 25

"Where's my sister?"

"At the bed dude, keep your mouth closed. She's sleeping."

"We're not even friend's, what happened to her?"

"Overdose of crying."

Nagising ako sa nagbubulungan at nahaluan ng tawanan ang kwarto. Napakunot ang noo ko at nagmulat, hindi pamilyar ang lugar sa akin kaya agad akong napa bangon na ikinagulat nila.

"Chloe!" Nasulyapan ko ang pag-aalalang mata ni Krisha na kasama si Desiree na nakatingin samin.

"Wag ka ngang bumangon agad-agad." Sambit ni Kian na kasama ang kambal nito na si Xian.

Hindi ko sila pinansin at nalaman na lang na dinala ako sa hospital ni Lucas na syang nagbuhat sa akin. Napabuntong-hininga ako sa naalala ko at humiga ulit ng deretso.

"Ate, are you ok na?" Niyakap agad ako ni Clarence na nagpangiti sa akin at hinawakan ang ulo nito.

"Yes, your ate is fine na. Look oh, she's smiling." Dinig kong pang-aasar ni Xian sa kapatid ko na ikinasimangot nito.

"Wag nga 'yang bata ang pag tripan mo. Parang tanga, overdose pa nga." Humalakhak si Krisha at napahawak pa sa tyan nito ng hindi maka get over sa sinabi ni Xian.

Napatigil lang ito sa pagtawa kasama ni Kian ng dumaan sa gitna nila si Desiree at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko napigilan na itaas ang kilay ko sa kanya. Bakit ba ganyan sya makatingin? Hindi ko gaano close ito e. Kaya hindi ko alam ang sasabihin ko nang makita ko ulit sya.

Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Salamat nga pala sa ipinadala mong Mojo's noong pina take-out mo." Mahinahong sabi niya na nagpatawa sa lahat ng tao dito sa kwarto ko, maski kapatid ko ay napatawa sa sinabi ni Desiree.

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Dapat ay ma offend ako sa sinabi nya dahil hindi ito ang tamang oras na magpasalamat sya.

"Ito naba yung dahilan mo kaya mo ako binisita dito?" Hindi ko maiwasan tanungin sya dahil hindi man lang sya natawa sa kanyang sinabi.

"Hindi rin." Ngiwing sambit pa nya. "Pagalingin mo ang puso mo, lalong lalo na mismo ang sarili mo. Umiwas kana din sa taong alam mong sasaktan ka lang sa huli, kahit anong eksplenasyon pa 'yan. Kapag handa kana, doon kana lang makipag usap sa taong nanakit sa'yo." Advice nya sa akin na ikinatango ko na lamang.

"Love yourself first, Chloe. Hindi kadali ang magmahal nang tao na hindi para sa'yo" Tinapik ni Xian ang balikat ko nang sabihin nya iyon.

"And also moved on too. Hindi lang sya ang lalaki, marami pang iba na pwede mong mahalin. Ngunit wag ka na ulit papayag na maulit ang nangyari ngayon sa'yo. Umiwas kana muna sa nakaraan." Sambit naman ni Kian na tinanguan ako.

"Focus on your goals and also to your fam, Chloe." Sambit naman ni Krisha. "Marami kami ang nagmamahal sa'yo at ang kakampi mo sa lahat."

Napangiti naman ako sa sinabi nila nang magsalita naman ang kapatid ko. "I am always here ate, when you are alone. Even if you wanted to cry, just cry on my shoulder and I will give you a hug just to comfort you. And give you a sign that everything will be okay."

Tuluyan na akong napaiyak dahil sa narinig na advice mula sa kanila. Bumangon ako at niyakap silang lahat. Pasasalamat na mayroon akong kaibigan na kakampi ko, at handa akong tulunga sa lahat nang paghihirap ko sa buhay.

****

In a past few weeks. I'm still trying to process what they've said at the hospital. Hindi nagpakita si France kaya mas naging maayos ang lagay ko. Naka uwi na rin ako sa mansion at mas binigyan ng atensyon ang kapatid ko.

We always go to the mall and having a shopping buddies. When everytime I saw his smiles and a sparkle eyes. I smiled too. Mas naging magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ang kapatid ko.

Nawawala sa isip ko ang mabigat na problemang dala dala ko. Hindi ako nabigo at inisa-isa gawin ang mga sinabi nila sa akin.

"Oh Lucas? Napadaan ka?" Rinig kong tanong ni Mommy habang nagluluto sa Kusina.

"Bibisitahin ko lang po si Chloe, Tita." Sabi nya at hinanap pa kung nasaan ako.

Hanggang ngayon ay naninibago pa din ako sa salita nya. Hindi ko aakalain na mabilis syang matututo magsalita ng Tagalog o di kaya'y palabas nya iyon?

Nagsimula na akong pagdudahan sya nang halos araw-araw na akong tinatawagan ni Hans mula sa Skype. He even said that Lucas was pretending to those things and that.

Hindi ko alam kung saan ako maniniwala. Hanggang kailan ba ako magiging handa na kausapin sya? Ngunit hindi ko iyon kayang gawin kung palagi akong panghihinaan ng loob.

"Hey." Natauhan ako sa lalim nang pag-iisip na makita ang naka ngiti nyang mukha.

"Pasok ka." Sambit ko sa kanya habang nakasandal sa bed rest. Naiwan ko pa lang naka bukas ang pinto ng kwarto ko.

"How are you?"

"I'm good, ikaw ba?"

"Still trying, Chloe. She's still in my heart, hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako maka move on sa kanya. Kahit anong gawin ko, hindi tumatalab."

I can't expect that he will open up with me. Natigilan pa ako panandalian dahil sa biglaang sabi niya. Sinusubukan I-process sa utak ko ang sinabi nya.

Pero bakit naman sya mag o-open up with his love of his life with me? Parang ang labo. Sa huli ay itinikom ko ang aking bibig nang makitang tinitignan nya ang reaksyon ko.

Sa huli ay natawa sya bago tumingin sa akin ng malamig. "You can fool yourself but not me Chloe."

Napakunot ang noo ko sa tinutukoy nya kasabay ang panlalamig nang katawan ko nang marinig ang kadugtong ng sinabi nya.

"So tell me, Am I the 'mysterious man' in your eyes?"