webnovel

All About Her (Tagalog)

maria_basa · Teen
Not enough ratings
52 Chs

Wakas

Sorry.

--

"Hindi na maganda ang lagay ni Elaisa, I hate to say this but any minute ay maaari na syang bumigay." Sabi ni Doc Felix.

Napatingin ako sa pamilya ko at halos matumba si Mama sa narinig na balita. Puno na ng iyakan ang kwarto ko kaya pati na rin ako kay nadamay na. Nilingon ko si Jared na nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko, nakatulala sya.

"Felix, how about the surgery?" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Doc Felix.

"Elaisa refused it. There's only 10% chance of survival Tita, at kapag hindi kinaya ng katawan nya ay maaari syang mawala."

"A-Anak ko!" Kaagad lumapit sa akin si Mama at Papa, panabay nila akong niyakap.

"T-T-Tahan na p-po." Nagagawa ko ng magsalita pero hindi na maayos. Ang sabi ni Doc Felix ay magiging permanente na ang ganitong pananalita ko.

"Patawarin mo kami. H-Hindi kami naging mabuting magulang sayo." Sabi ni Mama. Lumapit din si Mommy para daluhan sina Mama.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanila pero tanging iling na lang ang nagawa ko. Walang may gusto sa kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon, tanggap ko na ang lahat.

"Jared, just call me if you need a nurse to help Elaisa." 'Yun lang at nagpaalam na si Doc Felix.

Masakit malaman na hindi ko na magagawang tumayo ng mag-isa, tanging pag-upo na lang ang magagawa ko. Alam ko at ramdam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal.

"Anak, bukas ay babalik kami dito ng Papa mo kasama namin ang mga kapatid mo." Hindi pa rin mapigilan ni Mama ang iyak nya. Tinignan ko si Papa na tahimik lang.

"P-Papa." Tawag ko kaya kaagad syang lumapit sa akin. "M-Mahal—ko p-po kayo." Tumulo na naman ang luha ko.

"Anak ko." Humagulgol na si Papa at niyakap ako ng mahigpit. "Mahal na mahal ka rin namin anak. Pinagmamalaki ka namin anak ay hanggang sa huli ay nagpakatatag ka."

Hinatid ni Jared sina Mama at Papa sa sakayan pauwi, habang sina Mommy at Jewel naman ay naiwan kasama ko. Panabay silang lumapit at naupo sa makabila ko.

"Hija, be strong. Okay? My son needs you." Unti-unti na rin tumulo ang luha ni Mommy.

"Sister-in-law, I hate you for making me cry! Look at my make up." Pabiro pa akong pinalo ni Jewel.

"M-Mommy, h-hindi ko na m-m-makakasama si Jared ng m-matagal."

"Don't say that Hija. Magpagaling ka, please. Marami ang nagmamahal sayo, wag kang susuko." Pinahid nya ang luha ko.

Ang dami ko pa sanang gusto gawin pero mukhang malabo na dahil sa kalagayan ko.

Sa mga sumunod na araw ay hindi ako iniwanan ni Jared kahit na nandyan ang ibang kapatid ko para bantayan ako. Naaawa na rin ako kapag nakikita ko sya dahil hawak nya lang ang kamay ko at nakatitig sa mukha ko. Gustong gusto ko umiyak pero ayaw ko ipakita sa kanya dahil alam ko na doble o triple pa yung sakit na nararamdaman nya kumpara sa kanya. Napakarami ng sakripisyon na ginawa nya para sa akin at hinding-hindi ko makakalimutan 'yun.

"Ku-Kumain ka n-na." Kahit mahina ang boses ko ay alam ko na maiintindihan nya 'yun.

"Ate Esang, kukuha lang kami ng pagkain ni Kuya." Sabi ng kapatid ko na si Pinang bago lumabas kasama si Nanet.

"I'm not hungry." Nginitian nya ako.

"W-Wag mo pa-pabayaan ang sari-li mo."

Hindi na sya sumagot at tanging ngiti na lang ang ipinakita. Itinaas ko ang kamay ko, senyales na gusto ko syang yakapin, agad naman nyang naintindihan 'yun. Kahit nanghihina ay inipon ko lahat ng lakas ko para mayakap sya ng mahigpit para kahit sa ganitong paraan ay maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko sya.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang dahan-dahan na pag-alog ng balikat ni Jared kasabay noon ang paghagulgol nya. Simula ng magising ako kanina ay hindi sya umiyak, siguro para magkmukhang malakas sa harapan ng iba.

"Elaisa... Hindi ko kaya."

Hindi na rin matigil ang iyak ko. Hindi ko rin kayang iwan sya. Ang gusto ko ay nasa tabi lang namin ang isa't-isa kagaya ng nakasanayan. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero alam ko na mawawala rin 'to sa oras na mawala ako. Pero 'yung makita ko ang mga mahal ko sa buhay na umiiyak at nasasaktan para sa akin, tingin ko ay dadalhin ko kung saan man ako mapunta.

"Pa-Patawad ma-mahal ko."

"Don't say that! Don't say that!" Sigaw ni Jared.

Bigla kong naramdaman ang paninigas ng likod ko at pati ang mga kamay ko ay nanlambot kaya nalaglag sa pagkakayakap kay Jared. Nanlabo ang paningin ko at humihina ang pandinig ko.

"Elaisa! Elaisa!"

Boses ni Jared ang narinig ko bago ako nawala ng malay.

--

Third Person's POV

Parang tinatambol ang dibdib ni Jared habang naghihintay sa paglabas ni Felix sa kwarto ni Elaisa. Pinalabas kasi sya ni Felix dahil sa pangungulit nito na mailigtas ang asawa. Malinaw sa pandinig ni Jared ang sinabi ni Felix na hindi na magtatagal ang buhay ng asawa pero hindi sya naniniwala. Bakit? Sino sya sa inaakala nya para magdesisyon? Diyos ba sya?

Rinig sa paligid ang mahinang pag-iyak ng magulang ni Elaisa, kahit ano ang gawin nyang pag-alo sa mga ito ay hindi pa rin sila tumitigil.

Ilang oras silang tulala bago lumabas si Felix na nakatungo ang ulo. Presensya pa lang nito ay halata na ang dala na masamang balita. Manhid na ang pakiramdam ni Jared kaya walang buhay nyang nilapitan ang doctor.

"How's my wife?" Kaagad na tanong nya.

Iniangat ni Felix ang ulo at kita ang matamlay na mata nito. "She's awake. Jared, alam mo naman ang kalagayan nya hindi ba?"

"Alam ko na may sakit sya." Lalagpasan nya na sana ang doctor pero hinawakan sya nito sa braso.

"Hirap na hirap na ang asawa mo. kanina ay halos hindi na nya maiangat ang kamay nya. She can't breathe on her own." May diin ang bawat salita na binibitawan ni Felix.

Sa sobrang inis ay kwinelyohan nya si Felix. Nagsilapitan ang mga tao para awatin si Jared. "Ano ang gusto mong gawin ko? Ibigay ang buhay nya? Gago ka ba?"

Wala nang nasabi si Felix kaya tumungon na lang sya at nilapitan ang magulang ni Elaisa. Masinsinan nya itong kinausap sa maaaring kahantungan ng anak nila. Kahit hindi tanggap ay wala na silang magawa, huli na rin para sa nasabing operasyon dahil talagang bumibigay na ang katawan ni Elaisa.

Nang huminahon ay pumasok si Jared sa kwarto ng asawa at halos mapaluhod sya sa kalagayan ng asawa. Kung ano-ano ang aparato na nakakabit sa kanya na parang kapag may isang mawala doon ay babawian ng buhay ang asawa.

"Can you speak?" Pansin nya na sa ilong lang ang oxygen ng asawa kung kaya't maaari pa 'tong magsalita. Agad nyang hinawakan ang kamay ng asawa.

Marahan na tumango si Elaisa. "Sina ma-mama?"

"Tatawagin ko." Dahan-dahang ibinaba ni Jared ang kamay ng asawa at dali-daling lumabas para tawagin ang pamilya ni Elaisa.

"Anak ko." Hindi na makapagsalita ang Nanay ni Elaisa dahil sa sunod-sunod na paghikbi.

Hindi na nakayanan ni Jared ang nakikita kaya lumabas sya at tinawagan ang Mommy.

"Mommy." 'Yun pa lang ang sinasabi nya ay ramdam na ng Mommy nya ang paghihirap ng anak.

"Gusto mo ba pumunta ako dyan?" Walang masabi ang ginang para gumaan ang sakit na nararamdaman ng anak.

"No need, Mom. I know that you're tired because of the work that I didn't finish." Aminado si Jared na napapabayaan na nga nya ang kumpanya, ilang araw na syang wala sa sarili at hindi nagagampanan ang tungkulin.

"It's okay son. Jewel's helping me. How's Elaisa?"

"Sobrang hina na ng katawan nya and now she need oxygen to breathe." Kahit si Jared ay hirap ibalita ang kalagayan ng asawa. Para bang kailangan nya rin tanggapin ang kalagayan ng asawa.

"Oh God." Rinig sa kabilang linya ang mahinang pag-iyak ng ginang. "Ano na ang gagawin natin, anak?"

"Let me talk to my son." Narinig nya sa kabilang linya ng Daddy. "Son, be strong for your wife. Alam ko na mahirap anak."

"I don't know what to do Dad."

Pagbaba ng tawag ay sya namang pagdating ni Felix. Aminado si Felix na hindi maganda ang nasabi nya kanina pero nahihirapan din sya sa kalagayan ng kaibigan.

"I'm sorry sa nasabi ko kanina." Hinging paumanhin ni Felix habang inaabutan ng kape si Jared. "Kailangan ka ni Elaisa kaya please lang, alagaan mo ang sarili mo."

Halos itim na ang ilalim ng mata ni Jared dahil walang tulog at pahinga sa pagbabantay sa asawa. Hindi nya na rin maalala kung kailan ang huling kain nya, sa totoo lang ay wala na syang pakialam sa sarili.

"May hiniling sa akin ang asawa mo." Sabi ni Felix kaya awtomatikong napalingon sya. "Later, she wanted to seat under the tree while watching the sunset with you."

Napahilamos sa mukha si Jared at walang tigil na ang luha sa pagtulo. Alam na nya.

"Today is our wedding anniversary. Paano nya pa naalala 'yun?" Natawa ng pilit si Jared.

"Do you want me to prepare? Sa garden nitong hospital, may malaking puno doon, we can put bench in there at sakto na tapat ng araw." Suggestion ni Felix.

"I want it to be special." Tumango si Felix sa nais ng kaibigan.

Kung maaari lang ibigay ang kalahati ng buhay ay matagal nang ginawa 'yun ni Jared. Kahit ayaw ay unti-tuni nang pumapasok sa pagkatao nya ang sinabi ni Felix. Oo at ayaw nyang nakikita na nahihirapan ang asawa pero ayaw nya rin mawalan ng pag-asa na baka magkaroon ng himala ang gumaling ang asawa nya.

Parang gusto nitong lihain ang oras para bumalik, ayaw nitong dumating ang hinihintay na oras dahil alam nya kung ano ang pwedeng mangyari.

Saglit na umuwi si Jared para mag-ayos ng sarili. Paglingon kanina sa salamin ay halos hindi na nya makilala ang sarili. Malaki ang ipinayat nya at humahaba na rin ang bigote nya.

Pagdating sa hospital ay mugtong mga mata ang sumalubong kay Jared. Kumpleto sila. Ang kanyang Mommy, Daddy at kapatid na si Jewel habang nakangiti sa kanya. Ang pamilya ni Elaisa na tahimik ngunit may ngiti sa mga labi. Iilan sa empleyado ni Elaisa ang nakita nya na hindi na rin mapigilan ang maiyak.

Pagpasok sa kwarto ng asawa ay nanlaki ang mata nya ng makita si Nathaniel at Margareth habang hawak ang kamay ng asawa. Mabuti at kahit papaano ay nagagawang maupo ng asawa nya.

"Nathaniel." Tawag nya dito.

Lumingon naman ang lalaki at malungkot na ngumiti. "We'll talk outside. Maiwan muna namin kayo." Pagpapaalam nito kay Elaisa.

"I'm glad that you didn't leave her." Sabi ni Nathaniel.

"Sya pa nga ang nang-iiwan sa akin." Natawa si Jared nang maalala ang pag-iwan sa kanya ng asawa noong nalaman nito na may sakit sya.

"I can feel it, Jared." Makahulugang sabi ni Nathaniel.

"Me too, as much as I want to deny it." Wala na rin naman syang magagawa kundi tanggapin.

Inalalayan ni Jared ang asawa para maisakaya sa wheel chair, nakasunod sa kanila ang pamilya at ilang kaibigan. Pagdating sa malaking puno ay napangiti si Elaisa. Nandoon sina Doc Felix at Venice na magkayakap habang nakangiti sa kanya.

"Sa-Salamat."

Hindi na natiis ni Venice at kaagad tumakbo para makayakap si Elaisa. "I hate you and I love you." Sabi nito habang umiiyak.

"I-I love you too." Pinilit ni Elaisa ang mangiti.

"Call me when you need help." Tinapik ni Felix ang balikat ni Jared.

"Salamat."

Isa-isa nang nagpaalam ang kasama nila sa paghatid sa malaking puno. Halos himatayin ang Mama ni Elaisa habang nagpapaalam sa anak. Inalalayan ito ng kanyang Papa para makalayo. Grabe ang iyakan ng mga tao sa paligid nila habang naglalakad papalayo.

Unti-unti nang pumipikit ang mata ni Elaisa na kahit nakaupo lang sila sa bench ay para bang pagod na pagod sya pero hindi nya palalagpasin na damhin ang hangin at init ng araw na nasa harapan nila.

Ipinatong ni Elaisa ang ulo sa balikat ng asawa. "Sa-Salamat at nandito k-ka sa t-tabi ko."

Tumingala si Jared para pigilan ang luha. "Salamat din at dumating ka sa akin. Hindi ka nagsawa kahit hindi maganda ang una nating pagsasawa."

"Hi-Hindi pumasok sa i-isip ko ang i-iwan ka." Ipinikit na ni Elaisa ang mga mata sa panghihina.

"I'm so proud of you, sweety." Pinipisil ni Jared ang kamay ng asawa nang mapansin nya na nakapikit na ito.

"G-Gusto ko n-na maging ma-ma-masaya ka ulit. Ma-Magmahal ka ulit." Hinigpitan din ni Elaisa ang paghawak sa kamay ng asawa.

Tuluyan nang umagos ang mga luha na pinipigilan nya. "H-Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ng higit sa pagmamahal ko sayo."

"H-Hindi pwede." Halata sa boses nito ang hirap na paghinga kahit pa na may oxygen sya. "Ma-Mangako ka."

"Susubukan ko." 'Yun lang ang nasabi ni Jared. Hindi nya talaga alam kung kaya nya bang sundin ang hiling ng asawa.

"So-Sorry, kasi hi-hindi ko na ka-kaya, iiwan n-na kita. M-Mahal kita." Tumulo na rin ang luha ni Elaisa.

"Mahal na mahal din kita." Humagulgol na si Jared, inilabas nya na ang lahat.

Ang kaninang kamay ni Elaisa na mahigpit na nakahawak sa kanya ay unti-unti nang bumigay, wala nang lakas. Pilit na pinipiga ni Jared ang kamay ng asawa baka sakaling magising kung natutulog man.

"Sweety?" Tawag nya dito pero walang sumasagot. "Elaisa? M-Mahal ko?"

Ilang minuto pa ang hinintay ni Jared pero wala pa ring sagot ang asawa nya. Doon na pumasok sa isip nya na binawian na ng buhay ang asawa nya. Muntik nang malaglag ang ulo ng asawa nya sa biglaan nyang paglingon dito.

"Elaisa!" Niyakap nya ng napakahigpit ang asawa kasabay ng hindi mapigilang iyak. "Elaisa! Elaisa!"

Kahit anong sigaw ang gawin ni Jared ay wala nang sumasagot sa kanya maliban sa malakas na simoy ng hangin. Ipinikit ni Jared ang mata. Napangiti sya ng maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa pisngi nya. Nakakasigurado sya na ang asawa nya 'yun at tuluyan nang nagpaalam.

Hindi masasabi na hawak natin ang buhay natin. Kahit kailan ay maaari itong mawala kaya't ano pa man ay dapat nating pahalagahan ang mahal natin at magpasalamat sa pang araw-araw. Oo at ayaw natin ang pagpapaalam pero pagpapatunay lang 'to na magpapakatatag tayo para sa kinabukasan at para sa mga pangako.