webnovel

All About Her (Tagalog)

maria_basa · Teen
Not enough ratings
52 Chs

Salamat

"Saan ka nanggaling?" Nakakunot noong tanong ni Jared paglabas nya ng bahay. "Bakit ka nakataxi?"

"G-Galing ako sa shop, binisita ko. Hinahanap raw kasi ako ng mga suki namin." Mabuti na lang talaga at bago ako pumunta sa hospital ay dumaan ako sa shop.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nasamahan sana kita." Inakbayan ako nito at inakay papasok sa loob.

"Diba sabi mo gagabihin ka? Bakit nga pala ang aga mo umuwi?"

"Na-cancel yung mga meeting namin. Yung head kasi nung isang hotel, nahospital yung asawa nya. So we decided to reschedule the meeting." Inalalayan nya ako na maupo sa dining area.

Napanganga ako ng makita ko ang lamesa naming. Ang sasarap ng mga nakahanda, tapos may wine pa.

"Anong meron?" Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Wala. Just a normal night." Kibit balikat na sagot nya.

"Normal ka dyan! Parang hindi natin mauubos tong pagkain ngayong gabi. Ang dami! Ikaw ba nagluto?"

"Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na oo. Syempre nag hired ako ng professional chef para lutuin tong lahat." Natawa kaming parehas.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang ngumiti. Sana ganito na lang kami kasaya lagi, yung walang problema pero alam ko na hindi yun mangyayari kahit na sino pa man sa mundo. Darating talaga sa punto na susubukin ka ng panahon, titignan kung hanggang saan ang kaya mo, kung metatag ka ba.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Jared nang mahuli nya akong nakangiti.

"Ewan ko pero feeling ko, kuntento na ako sa buhay ko. Ang saya nung ganito na simple lang."

"I love you." Natulala ako sa sinabi nya. Napaka seryoso ng mukha nya. Yung mga mata nya na parang sinasakop ang buo mong pagkatao.

Napaluha ako. "I-I love you too. Salamat sa pagmamahal mo sa akin, salamat din at hindi mo ako sinukuan nung may pinagdadaanan ako."

"Don't say that sweetheart. Ako dapat ang magpasalamat dahil nagtiyaga ka. Ang dami kong kasalanan sayo, kung sa ibang babae ko ginawa yun, malamang nag iisa ako ngayon. I'm so sorry." Hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

Oo, hindi nawawala sa ala-ala ko ang mga pinagdaanan namin ni Jared, pero nagpapatunay pa rin yun na naging metatag akong tao. Hindi dapat sinusukuan ang problema, kasi kahit anong talikod mo ditto, hindi pa rin ito mawawala.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng napaka higpit. Biglang kumirot yung likod ko. "Aray!" Sht! Napalakas yung daing ko.

Kaagad syang kumalas sa yakap. "Okay ka lang? Anong masakit sayo?"

"Ang higpit kasi ng yakap mo, nasakal ako." Sinamahan ko pa ng tawa.

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sayo." He suddenly kiss me, of course, I kiss him back. Dahan dahan kong tinatanggal ang butones ng polo nya.

He started to caress my back, and the pain goes away. Bumaba pa ang halik nya papunta sa leeg ko, napasabunot ako sa kanya.

"J-Jared." He never fails to make me feel like this. He really loves me.

"I miss you so much." He said between every kiss.

Tinulungan nya akong hubarin ang suot na dress, and I also help him unbuckle his pants. Walang kahirap hirap nya akong binuhat at dinala sa kwarto.

Paglapag nya sa akin sa kama ay kaagad din syang dumagan at pinaulanan ako ng halik kung saan-saang parte ng katawan, halos wala syang pinalagpas.

"Be ready, sweetheart." And with that, everything became so sweet, so much love.

Nahirapan akong bumangon kinaumagahan, hindi ko alam kung dahil ba to sa mga ginawa naming kagabi o dahil sa sakit ko. Sobrang sakit pa ng ulo ko, kailangan ko na atang pataasan ang dosage ng pain killer na iniinom ko.

Bago tuluyang tumayo ay tinitigan ko muna ang katabi ko, napaka swerte kong babae para mahalin ng katulad nya. Niligtas ko ba ng reyna sa unang panahon para ibigay sya sa akin ngayon? Napatawa na lang ako.

Pagtayo ko ay tumama pa ang tuhod ko sa lamesa sa tabi ng kama, lampa! Ininda ko na lang ang sakit at sinimulan ng maligo para makapag handa ng almusal. Nasabi nya sa akin kagabi na kailangan nyang pumunta ng ibang bansa mamaya para ituloy yung meeting, hindi daw kasi maiwan nung isang investor ang asawa nitong may sakit.

Iniisip ko pa lang na hindi kami magkakasama ng tatlong araw ay nalulungkot ako, pero susulitin ko na rin ang araw na yun para umpisahan ang mga test.

Gusto ko na ring gumaling para mabigyan ko na ng anak si Jared, alam ko na gusto nya na rin maging tatay. Isipin ko pa lang yun ay naeexcite na rin ako.

Naghanda ako ng heavy meal para sa kanya at inayos narin ang maleta nya para wala na syang alalahanin mamaya. Nakaramdam ako ng mahigpit na pagyakap galing sa likod ko.

"Hmmn. Ang bango naman ng asawa ko." Isiniksik pa nya ang mukha nya sa leeg ko.

"Tama na Jared ah. Pagod pa ako." Mahina kong hinampas ang kamay nya.

"What? Wala naman akong ibig sabihin ah." Tinwanan pa ako ng loko.

"Maupo ka na dun at kumain. Mamayang tanghali na ang flight mo diba? Kailangan mong umalis ng maaga para hindi ka maipit sa traffic."

"Ayaw mo ba talagang pumayag?" Kagabi nya pa akong pinipilit.

"Tingin mo ba makakapag trabaho ka ng maayos kapag nandun ako?" Hinarap ko na sya.

"Tatlong araw yun. Ibig sabihin, tatlong gabi na walang sex, hindi ko ata kaya." Tinampal ko ang bibig nya.

"Bunganga mo nga! Maupo ka na dun!" Nung wala syang balak na maupo ay tinitigan ko sya ng masama.

"Yes po Ma'am, uupo na po." Nagnakaw pa ng halik ang loko bago maupo.

"Jared!"