webnovel

All About Her (Tagalog)

maria_basa · Teen
Not enough ratings
52 Chs

Paano

Ilang beses na naming kinikita ni Doc Felix ang kaibigan nya na amerikanong doctor sa restaurant, naka base daw yun dito pero gustong sumama. Lagi kasi na isa o dalawang oras lang ang meron ito, ang sabi nya ay marami itong inaasikaso para wala ng iintindihin kapag sumama sa amin.

"Ngayon na ang uwi ni Jared diba?" Tanong sa akin ni Doc Felix habang pauwi kami.

"Yes, Doc."

"So, anong plano mo?"

"Hindi ko pa alam. Parang hindi ko kayang sabihin sa kanya." Tuwing nakakausap ko sya sa video call ay gusting gusto ko nang sabihin sa kanya kaso ay inuunahan ako ng kaba.

"Nakakainis ka na Elaisa. Do you want me to set a meeting with Jared?" Halata sa tono ni Doc Felix ang pagbabanta.

"H-Hindi na p-po ka-kailangan." Ayan na naman ang sakit ko.

"Kapag nahihirapan ka ng magsalita, you can pause for 10 seconds." Nginitian nya ako.

Sobra-sobra na ang abalang nagagawa ko sa kanya, halos araw-araw nya na ako kung ihatid sa bahay. Pag hinto ng sasakyan nya ay nabungaran ko ang nakasimangot na mukha ni Jared.

Kaagad akong bumaba at sinalubong sya ng mahigpit na yakap. "I miss you s-so much." Natatawa ako sa sarili ko dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay naiiyak ako.

"Bakit kayo magkasama?" Halos lamigin ako sa tanong nya.

"A-Ano.."

"Hi Jared, long time no see." Hindi ko namalayan na bumaba pala sa kotse si Doc Felix. Kumalas ako kay Jared at sinisenyasan si Doc na wag na magsalita.

"What are you doing here? Paano kayo nagkakilala?" Sunod-sunod na tanong ni Jared?

Kinabahan ako ng tinignan ako ng seryoso ni Doc Felix. Pasimple akong umiiling. Sana hindi nya sabihin.

"Regular customer ni Elaisa sa boutique si Venice. Doon ko nalaman na asawa mop ala sya." Halos mabunutan ako ng tinik sa palusot ni Doc Felix.

"Bakit ikaw ang naghatid sa kanya?"

"Hindi ba pwede? Hindi ko naman hahayaan na mag taxi si Elaisa ng ganitong oras." Hindi ko alam kung ako lang ba o parang magpapatayan na sila sa tingin.

"S-Salamat Felix. Tatawagan ko nalang si Venice mamaya para sa pinagawa nya na damit." Kahit nakakahiya ay pinagtulakan ko si Doc Felix papunta sa kotse sya. Pasimple ko pa syang binulungan. "Pasensya po sa abala."

"Remember, pause fpr 10 seconds." Sabi nito at pinasibat na ang sasakyan.

Sinalubong ko ang nanlilisik na mata ni Jared. Bigla ako nitong hinila at kinulong sa mga bisig nya.

"You know that I can't stay mad at you."

"Hindi mo naman kailangan magalit. Hinatid lang ako ng kaibigan mo." Namiss ko ang amoy nya.

"Hindi kami magkaibigan. We just know each other, that's it." Parang baliwala na sabi nito."

"Sabi nya sa akin, close daw ang family nyo." Kumalas ako sa pagkakayakap nya.

"Gaano ba kayo katagal nagkikita at parang marami ng nakwento ang unggoy na yun?" Pansin ko na naiirita na sya kaya inaya ko na sya para pumasok sa loob.

Nagsimula na naman sumakit ang likod ko kaya't nahiga ako ng padapa. Kakainom ko lang ng pain killer kanina at mukhang hindi na tumatalab.

"Hey sweetheart. Tutulugan mo lang ba ako?" Pangangalabit nito.

"M-Masakit ang katawan ko. Ang d-dami naming ginawa sa boutique." Ilang beses na akong nagsisinungaling.

Nakiramdam naman ako kasi biglang nanahimik si Jared. Siguro naman ay naiintindihan nya ako.

Kinabukasan ay maagang umalis si Jared, hindi ko na nga sya naabutan. Hindi naman siguro sya nagtatampo sa akin.

Tumigil ako sa pagluluto dahil may nag door bell. Sumilip ako sa peep hole at kaagad binuksan ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito Doc?"

Dire-diretso syang pumasok at kumportable na naupo sa sofa. "Alam mo bang naiinip na ang ibang doctor sa America kaya sila na ang pumunta dito?"

Halos masamid ako kahit na wala naman akong iniinom. "S-Seryoso ka ba?"

"I'm dead serious. They're waiting for us." Inirapan pa ako nito.

"Sa-Sandali la--" Huminga ako ng malalim bago nagbilang hanggang sampo. Pinakatitigan pa ako ni Doc para bang nakikisabay sa pagbibilang ko. "M-Magbibihis lang ako."

Halo-halo ang nararamdaman ko. Para na akong masusuka sa sobrang kaba. Sana maging positive lahat ng sasabihin nila.

Paglabas ng bahay ay saglit pang tumunganga si Doc Felix sabay lingon sa paligid na parang may hinahanap.

"Anong meron?" Tanong ko dito habang pasakay kami ng kotse nya.

"Kanina kasi may sumusunod sa akin hanggang sa makarating ako dito." Seryosong sabi nito habang tumitingin sa side mirror.

"Baka naman may pinagkakautangan ka at madamay pa ako ah!" Biniro ko pa 'to dahil talagang seryoso. Naputol ang tawa ko dahil tumatawag si Jared. Sinenyasan ko si Doc na tumahimik.

"B-Bakit ka napatawag?"

"I...just miss you. Anong ginagawa mo ngayon?" Malalim ang boses na tanong nito.

Patawarin Nyo po ako sa kasalanan ko. "N-Nandito lang ako sa bahay. Maglilinis sana ako sa kusina."

"Really?"

Natahimik ako sa tanong nya. Sinenyasan din ako ni Doc na magmadali na.

"O-Oo. Tapos lilinisin ko rin ang kwarto natin." Napapikit na ako.

"Ganoon ba? Wag kang magpapakapagod ha? Always remember that I love you." Halos pabulong na sabi nito.

"Alam ko. I love you too." Nauna na akong magbaba ng cellphone dahil hindi ko na alam ang isasagot ko na kasinungalingan kung sakaling magtanong pa sya.

Hindi ko alam pero natatakot talaga ako na magsabi sa kanya ng totoo? Paano kung iwan nya ako? Paano kung ikahiya nya ako? Paano kung masaktan ko sya?