webnovel

All About Her (Tagalog)

maria_basa · Teen
Not enough ratings
52 Chs

Bother

Palakad lakad lang ako sa sala, nakagat ko ang daliri ko. Ilang araw ng umuuwi ng late si Jared, hindi ko alam kung busy lang ba sya o ano. Tinignan ko 'yung cellphone ko, wala manlang text.

Hindi na ako mapakali kaya tinawagan ko si Jewel. Unang ring pa lang ay sinagot na nya.

[Ate! Bakit ka napatawag? Nasaan ka? Okay ka lang ba?] Sunod-sunod na tanong nya sa akin.

"Okay lang ako. A-Alam mo ba kung nasaan ang kuya mo?" Nakagat ko ang ibabang labi ko.

[Si kuya? Ang alam ko may celebration sila dahil birthday daw noong bagong secretary nya. Hindi nya ba nasabi sayo? I think nasa Friday Night sila.] Ramdam ko ang alanganin sa boses ni Jewel.

"No... Wala syang nasabi sa akin." Hindi na talaga ako mapakali.

[D-Do you want me to call him?]

"No, wag na." Kaagad kong pinatay ang tawag.

One pm na at wala pa rin si Jared, hindi ko magawang matulog dahil nag aalala talaga ako sa kanya, kakayanin nya kayang umuwi?

Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan at alam ko na kay Jared 'yun. Lumabas ako ng bahay para salubungin sya. Napataas ako ng kilay nang babae ang bumaba sa driver's seat. Umikot sya papunta sa passenger seat at doon lumabas si Jared na patumba-tumba.

Kaagad akong lumapit sa kanya para tulungan syang maglakad. Nagkatinginan kami ng babae, pero walang nagsalita. Pinagtulungan namin sya para maihiga sa kama, pagkatapos ay hinarap ko sya.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Ako po si Marielle, I'm his secretary." Magalang nyang sagot. "Pasensya na po kayo at ginabi si Sir, celebration lang po ng birthday ko."

Ngumiti lang ako pero hindi na sumagot. Inihatid ko sya palabas ng bahay.

"Wala ka ng masasakyan, gamitin mo na muna 'yung sasakyan ni Jared, ako na ang bahala magsabi sa kanya." Delikado na rin kasi kung magtataxi pa sya.

"Hindi na po ako tatanggi ma'am. Maraming salamat po." Nginitian nya ako bago lumabas ng bahay. Mukha rin naman syang mabait.

Umakyat akong muli sa kwarto para asikasuhin si Jared. Naabutan ko sya na talagang bagsak sa kama at mukhang walang malay tao. Naiinis na tinanggal ko ang pang itaas nya.

"Ang sarap mong saktan! Pasalamat ka at lasing ka!" Tinanggal ko pati sapatos at medyas nya. Napatingin ako sa pants nya, napasapo ako sa ulo. Ang laking tao nito, paano ko matatanggal ang pantalon nya?

Hindi na ako nagdalawang isip na gisingin sya. "Jared! Jared!"

"Hmmn." Tinalikuran nya lang ako at dumapa. Naauubos na talaga ang pasensya ko.

"Jared! Tumayo ka nga dyan! Hubarin mo yang pantalon mo! Kapag hindi ka pa kumilos malilintikan ka talaga sa akin!!" Halos malagutan na ako ng hininga sa kakasigaw.

Kaagad naman syang tumayo at paika-ika na hinubad ang pantalon. Saglit syang naupo sa kama bago nahiga ulit.

"Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo? Bakit ka naglasing?" Pinulot ko ang hinubad nya. Nagulat pa ako ng bigla syang bumangon.

"A-Alam mo Miss kung bakit ako naglasing?" Nabigla ako sa tanong nya at pagtawag nya sa akin ng "Miss" "Kasi y-yung asawa ko... Wala ng pakialam sa akin! Pangalan nya Elaisa, mahal na mahal ko 'yun ka-kahit na... tupakin." Tinuro nya pa ako.

"A-Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Alam mo Miss, maganda ka eh. Katulong ba kita? Pero, no! No! Mas maganda asawa ko, pero maganda ka rin naman." Nakapikit pa ang isa nyang mata, bang kinikilala ako. "Nakita mo ba 'yung a-asawa ko? Namimiss ko na kasi sya." Kahit lasing sya ay kitang-kita ko ang lungkot nya. Napaluha na lang ako.

"O miss bakit ka umiiyak? Dahil ba may asawa na ako? Wag kang mag alala, makakahanap ka rin ng para sayo."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa pinag gagawa nya. Ganito pala sya kapag nalalasing, napangiti ako. Tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit.

"Oy! Oy! Miss! Alam kong maganda ka, pero hindi mo dapat ako niyayakap! B-Baka makita tayo ng asawa ko!" Pilit nya akong tinutulak pero lalo kung hinihigpitan ang kapit sa kanya.

"Wag kang mag alala. Secret lang natin 'to." Napahagikgik pa ako ng niyakap nya rin ako.

"Sige na nga. Secret lang ah."

----

Maaga akong nagising para ipaghanda sya ng almusal, ngayon ko na lang ulit 'to ginawa.

Narinig ko ang yabag ni Jared pababa ng hagdan, nilingon sya na nagkakamot ng ulo. Nagpameywang ako sa harapan nya habang hawak ang sandok.

"G-Good morning?" Alanganin na bati nya. Naupo sya sa stool sa kitchen. "Paano a-ako nakauwi?"

Tinalikuran ko sya at pinagpatuloy ang pagluluto. "Hinatid ka nung secretary mo. What's her name?" Saglit akong nag-isip. "Marielle."

"Shit!" Narinig ko syang nagmura.

"Bakit? May problema?" Inabutan ko sya ng kape.

"W-Wala." Nakatulala sya. Natawa ako bigla pero hindi ko pinahalata.

"May sasabihin ka ba?"

"H-Ha? Ano.." Tumayo sya at lumapit sa akin. "Wala. Anong ulam?"

Dinedma ko ang tanong nya at nagkibit balikat.