webnovel

Alchemic Chaos: Fate

ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -

LaSolaPythia_ · Fantasy
Not enough ratings
34 Chs

Kabanata Dise Otso - Si Xerxes

TAHIMIK ang paligid at tanging paghinga lang nila ang naririnig nila. Hindi nila alam kung nasaan na sila simula nang kainin sila ng lupa. Hilong-hilo na rin ang kanilang nararamdaman at ang isa sa kanila'y

may sugat sa ulo at sapo-sapo ito.  Ang isa nama'y isang batang may yakap na libro na madiin lamang silang tinitingnan. 

Kumuyom ang kamao ni Spencer habang iniinda ang sakit ng kaniyang sugat sa ulo.  "Dahil sa ginawa mo,  lahat nang ito ay nangyayari!  Kasalanan mo ito! " Pagputol nito sa katahimikan at sininghalan ang isang babae na lutang na tumitingin sa kawalan—si Kira.

"Wala tayong panahon para magsisihan ngayon,  nararapat nating malaman kung saan tayo at makaalis tayo rito, " madiin na wika ng isa sa kanila;  sapo-sapo nito ang suot nitong maskara,  takot na tuluyang mabasag ito dahil sa iilang bitak na siyang resulta ng pagbagsak nila sa lugar na iyon. 

Tumayo si Spencer at napadaing.  "Bakit mo hindi tanungin ang babaeng iyan?  Sigurado naman akong alam niya kung asan tayo,  kagaya nang alam na alam niya ang ginawa niya kaya nakatakas ang mga diyablo! " idinuro nito si Kira at sinipa ang tubig sa inis. 

Idinapo niya ang tiningin sa paligid sa lugar kung saan sila napunta isang kakaibang kuweba na tila puno ng mahika. Inilibot niya ang kanilang mga mata at hindi napigilan na pagmasdan ang kagandahan ng loob nito.

Alam na alam ni Spencer na sa kabila ng kagandahan nito ay may nakakatagong panganib sa hiwaga na pinapakita nito.

At alam niya kung ano ang lugar na ito,  sa ilang taon niyang paglibot sa buong kontinente ay halos lahat na lamang ng mga mito at alamat ang kaniyang nalaman at isa rin ito. 

Alam niyang sagrado ang lugar na ito dahil dito namatay ang mga alkemista noon at ang greax ng mga sinaunang alkemista ay nagsisilbing tagapagprotekta sa buong kontinente.

"Ito ang kweba ng Sepir!  Kung saan nahimlay ang dating mga alkemista at ito ay puno ng sumpa sa sino mang gustong pumasok," sabi nito dahilan para mapakunot ang noo ni Xerxes,  hindi ito makapaniwala.

Ang Sepir ay matatagpuan sa kontinente ng Burk.  Lubhang napakalayo nito mula sa gubat ng kamatayan na matatagpuan sa kontinente ng Azalea at ang tanging paraan upang makapunta rito ay sa pamamagitan ng pagtawid sa dagat ng Revimir.

"Ano? Seryoso ka ba? Alam kong totoo ang mga alamat sa mga alkemista ngunit tiyak ka bang ito na nga ang lugar na iyon?" Tumayo si Xerxes at sinuklay ang kaniyang pulang buhok gamit ang kaniyang kamay habang madiin na pinagmamasdan ang paligid.

Ang kuwebang ito ay tila pinamamahayan ng mga diwata at ibang nilalang. Imbis na bato, ito ay gawa sa salamin na nakapagpadagdag sa kagandahan nito, kahit saan ka tumingin makikita mo ang iyong repleksyon. Ang paligid nito'y umiilaw ng kulay asul na para bang feiroa justia. May mga kumikinang na ginto, pilak, at diyamante sa paligid ng kuweba, hindi lang iyon dahil mayroon pang ibang elemento. At dahil sa maliwanag at malinis na tubig, kitang-kita ang mga kabibe sa ilalim nito na siguradong may mga lamang perlas. Kapansin-pansin din ang iba't ibang uri at kulay ng mga bato.

Mabilis ang pag-agos ng tubig papunta sa isang direksyong hindi tiyak—isang direksyong pinalilibutan ng dilim. 

Pinagmamasdan lang ni Spencer ang mukha ni Xerxes na hindi pa rin mapakapaniwala, hindi nga niya alam kung magagalit pa rin siya sa sitwasyong ito o matatawa siya. "Totoo ba ang sinasabi mo? Sumagot ka!" paguulit ni Xerxes ngunit tiningnan niya lang ang binata.

Ngunit noong idinapo niya ang kaniyang paningin sa dalaga na kaniyang ikinangingitngit na nakatingin lang sa kawalan at nanahimik sa kabila ng nangyayari,  nag-pupuyos ang kaniyang galit sa puso.

"Hindi ako marunong magsinungaling Xerxes," tugon ni Spencer at saglit na huminto sa pagsasalita. "Ikaw, ikaw na babae ka, ikaw ang may kasalanan nito! Nang buksan mo ang selyo, nakawala ang mga diyablo sa kanluran. Dahil sa'yo nagwala ang mga ispirito rito sa Sepir. Kasalanan mo ito Kira!" galit niyang wika at akmang aatakihin na ang dalaga ng mabilis siyang pinigilan ni Xerxes.

Kinuwelyuhan siya nito at mahigpit na hinawakan ang kaniyang damit. Matalim siyang tiningnan ni Xerxes na animo'y nagtitimpi. "Huwag na huwag mong sasaktan si Kira, kanina ka pa, ako ang makakalaban mo! Hindi mo ako kilala Spencer."

Tila naman bumalik sa kaniyang wisyo si Kira nang marinig ang komosyon.  Agad naman niyang hinawakan sa balikat ni Xerxes at sinusubukang pigilan. "Bitiwan mo na siya Xerxes, alam ko namang kasalanan ko. Tama naman siya," malumanay nitong sabi kaya napabitaw na ang binata.

Tama naman si Spencer.  Nailigtas niya ang kaniyang buhay at nagising ang kaniyang kakayahan nang aksidente niyang pakawalan ang selyo ng kanluran.

Tama naman si Spencer,  kung marunong siyang mag-desisyon para sa sarili at hindi nagbulag-bulagan sa mga inuutos ng dating hari ay hindi mangyayari iyon.

Kung hindi siya nagpakatanga ay sana hindi nagawa ni Tsukino ang kaniyang nais.

Lahat ng kasalanan ay pinagbabayaran at may naniningil na sa kaniya ngayon.

Napabuntong-hininga na lang si Xerxes habang matalim pa ring nakatingin kay Spencer, ganoon din ito sa kaniya. "Huwag kang magalit kung totoo naman. Bakit kasi pinagtatanggol mo iyang babae na iyan? Siya ang magpapahamak sa atin!"

Hindi na nakapagtimpi pa si Xerxes at sinugod si Spencer. Sinuntok niya ito nang malakas dahilan para mapausog ang binata ngunit hindi ito natinag. Sinuntok din siya nito pabalik dahilan naman para mapasandal siya sa salamin.

"Tama na! Tama na!" sigaw naman ni Kira habang saganang lumuluha ang mga mata ngunit tila ba hindi siya naririnig ng dalawa,  niyakap ni Kira ang walang muwang na batang si Violet upang hindi nito makita ang mga pangyayari.

"Teseros vindi! Sabi ko sa iyo huwag mo akong susubukan!" galit na galit nitong sigaw at muling nakipagsuntukan kay Spencer.

Sinuntok niya ito sa panga dahil ng pagtumba nito. Inupuan siya ni Xerxes at pinagsusuntok. Nanghihina man ay sinusubukan pa ring lumaban ni Spencer. Si Kira nama'y pinipilit hilahin si Xerxes upang matigil na silang dalawa.

"Sige, patayin mo ako!" sigaw naman ni Spencer habang may lumalabas nang dugo sa kaniyang bibig. "Hindi ba't dapat mamamatay na talaga dapat ako sa iyong kamay,  halimaw ng bundok kamatayan?  Naawa ka lang!  Kaya sige,  patayin mo ako! "

Hindi na naiwasan ni Kira na mapaluha sa kaniyang nasasaksihan. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili,  kung hindi dahil sa kaniyang pagkakasala ay hindi mangyayati ang lahat ng ito.

Lahat sila ay natigilan nang biglang magdilim ang paligid. Paglingon nila sa kanan nila'y may nakita silang malaking anino mula sa labas. Agad na napahiwalay ang dalawa at biglang silang napatayo.

"A-ano iyan..." mahinang wika ni Kira at agad naman siyang itinago ni Xerxes sa kaniyang likod,  tumalim ang mga mata ni Xerxes at nagsilaban ang mahahaba nitong kuko.

Humiwalay sa pagkayakap kay Kira ang batang si Violet at malakas na sinipa sa tuhod si Spencer at Xerxes na ikinagitla nila lalo na noong diretso itong nagsalita.  "Lumabas na mismo sa iyong bibig na ito ang kweba ng Sepir at nagwawala ang mga ispirito na naririto,  ikaw na rin ang nagsabi na ang sino mang papasok ay susumpain. "Tiningnan ng batang si Violet si Spencer na agad na iniyuko ang ulo. 

"Ngayon,  sa tingin niyo masaya ang mga ispirito sa pagpapakita niyo na hangal kayo sa harapan nila? Dinala ko kayo rito dahil kailangan,  hindi ito kasalanan ni Kira.  Ang lahat ay dapat maganap,  ang kapalaran ay hindi matatakasan!  Tama na ang inyong kahangalan at gawin ang nararapat,  nakakahiyang kayo pa ang napiling maging bagong mga alkemista! " Dumagundong ang boses ni Violet sa buong kweba at narinig nila ang mga atungal ng kung sino na para bang sumasang-ayon sa winika ni Violet.

Lumiwanag ang mga salamin na para bang may buhay ang mga ito,  naging kulay pusyaw ang tubig at lumabas mula rito ang mga lumang iskripto.  Nagsayawan ang mga iskripto at dumikit ang mga ito sa salamin.  "Alalahanin kung sino ka,  mahalagang misyon ang ipapataw at kapalaran ay hindi matatakasan. "

Lumabas mula sa salamin ang larawan ng mga dating alkemista na magiting na nakikipaglaban sa mga diyablo ng kanluran. Makikita ang pitong mga alkemista na kahit na hinang-hina na ay patuloy pa rin na ginagawa ang lahat upang iligtas ang buong kontinente.  Kung paano isinasakripisyo ng mga ito ang sarili upang maprotektahan ang mga mamayan. 

Lumiwanag ang librong hawak ni Violet at lumipad ito sa ere,  nagpakawala rin ito ng mga iskrpto at tila hinila ang iskripto at larawan mula sa salamin,  nagsama ang iskripto ng libro at ng salamin at nagkorte itong pitong mga hindi pamilyar na letra,  ang isang letrang mukhang letrang A na baligtad ay pamilyar na pamilyar kay Xerxes dahil ito ang kaniyang simbolo.

Nagsimulang magsayawan ang mga iskripto at nag-iba iba ang kulay ng tubig,  tila ginagaya ang kulay ng bahaghari at gumagawa ng munti nilang sayaw sa isang teatro. Ang mga diyamante ay nagsisayawan din sa ere at ang iba ay nasisira na hindi ata nakayanan ang malakas na enerhiya na naroroon sa lugar na iyon.  Maya-maya pa ay nakita ng tatlo kung paano lumiwag ang kanilang katawan kagaya ng tatlong iskripto na mukhang kanilang simbolo. Naramdaman nila ang init sa kanilang katawan na para bang may bumabaon na mainit na metal sa kanilang laman. Sumunod na lumapit ang tatlong iskripto sa kanila at nawala.  Noong nangyari iyon ay bumalik sa dati ang lahat na para bang walang nangyari.

Tumingin sa isa't-isa ang tatlo at hindi mapigilang dinuro ni Spencer ang dalagang si Kira.  "Siya?  Isang alkemista?  Alkemista ng pagtratraydor sa katotohanan at sa hustisya?" Napatawa nang malakas si Spencer at umiling-iling.  Hindi ito makapaniwala sa naririnig at nangyari.

"Alam kong malakas si Xerxes ngunit isang alkemista palang maituturing ang isang nilalang na maraming nilalang na ang pinatay?  Ang isang nilalang na maraming tinatago at nagbabalatkayo? Isang alkemista rin pa lang maituturing ang isang gaya ko na nabubuhay lang sa paghihiganti? Pumapatay upang mabuhay.  Makasalanan pala ang nararapat na alkemista? Isa ba itong malaking biro? Ang alam kong alkemista sa mga iskripto ay puro at walang kahit isa mang kasalanan!  Ito ba ang kabayaran sa lahat?  Ang mamatay bilang mga bayani habang binabayaran ang mga pagkakasala?  Ito ba?! " Hindi napigilan ni Spencer na sumigaw at sipain ang tubig sa kaniyang paanan; Lumuluha na ang kaniyang mata habang inaalala ang mga rason kung bakit hindi niya matanggap ang narinig. 

Simula noong bata pa siya ay kinikwento ng kaniyang ama sa kaniya ang mga kabayanihan ng mga sinaunang alkemista.  Kung paano ang mga ito ay nabubuhay sa kabutihan at gumagawa ng kabutihan.

Simula noon nangarap na siyang maging isang alkemista,  nagpakabait siya at gumawa nang kabutihan. Ngunit noong nangyari ang pagsira ng kaniyang bayan ay iniwan na niya ang kaniyang pangarap.

Ilang taon nang uhaw na uhaw siya sa paghihiganti at walang araw na iniisip niya kung paano burahin ang lahat ng mga Titania.  Kung paano iparamdam sa kanila ang lahat ng sakit na naramdaman niya noong sirain ng mga ito ang kaniyang bayan.

Naalala rin niya ang unang beses siyang pumatay para sa isang kliyente.  Naalala niya kung paano niya pahirapan ang kaniyang pinatay upang mapawi ang kaniyang uhaw sa dugo ng mga taga Titania. Kung paanong hindi na makilala ang bangkay habang bakas ang luha sa mga mata nito;  mga matang nakatingin sa kaniya kahit na ito'y namayapa na.

Naulit nang naulit ito at hindi na niya mabilang kung ilang buhay ang natapos sa kaniyang mga kamay. 

"Papaanong ang isang bayarang tagapagpatay na kagaya ko ay naging alkemista?  Hindi!"

Na sa kabila ng galit niya sa mga taga-Titania hindi niya namamalayang naging tulad na siya ng kaniyang kinamumuhian. 

Hindi makapaniwalang tinititigan lang ni Kira at Xerxes ang naghuhuramentadong binata.  Totoo naman ang sinasabi ni Spencer.  Kahit sila ay hindi matanggap na sila ay isang alkemista.  Marami silang pagkakasala at sa bawat pagkakasala ay ang pagsunog ng kanilang kaluluwa at ang hindi matahimik na isipan at konsensya. 

Oo marami silang pinagdaanan na nagdala sa kanila upang magkasala ngunit hindi pa rin ito sapat na rason upang gumawa ng masama.

'Ngunit, nais ko pa ring maghiganti sa Titania,  nais ko pa ring makuha ang hustisya na nararapat para sa akin.' Parehong nasa isip ni Kira at Xerxes.

Dahil kapag ay kinakain ng paghihiganti,  kahit alam mong hindi nararapat na gumawa ng masama sa kapwa ay kakainin ka ng dilim sa iyong puso hanggang sa gustuhin mo ito para sa hustisyang nais. 

"Bawiin niyo! Hindi ko ito matatanggap!  Hindi ako o ang dalawang iyan ang nararapat! " sigaw nang sigaw si Spencer at nagwawala;  hindi rin niya makontrolado ang paglabas ng puting liwanag at kidlat mula sa kaniyang katawan at kung paano nito nagawang sirain ang iilang kabibe sa tubig at basagin ang iilang salamin sa lugar.

Nais nilang pigilan si Spencer sa pagwawala ngunit hindi nila magawa.  Naiintindihan nila ang rason nito.  Sino nga bang tatanggap na ang isa sa mga alkemista ay ang:

Traydor at mamatay ng Titania

Ang halimaw sa bundok kamatayan

Ang bayarang mamatay ng dilim

Sino ang magtitiwala kung ang taga-pagligtas nila ay mga kriminal at makasalanan?

"Bakit hindi niyo tingnan ang inyong sarili sa salamin ng Sepir upang makita niyo na karapat-dapat kayong piliin kahit na alam niyo sa sarili niyong makasalanan kayo? " Biglang nagsalita si Violet habang nagliliwanag ang kulay luntian nitong mga mata. Napatigil ang lahat at napatingin sa kaniya.

"Maraming makasalanan ngunit kokonti lang ang handang umamin at magsisi sa kanilang ginawa,  maraming makasalanan na gumagawa ng masama dahil gusto lang nila,  dahil masaya silang may nahihirapan.  Bilang biktima ng paghihirap at ng mga taong iyon ay alam niyo ang kanilang pakiramdam dahil minsan na rin kayong hinamak. Sino nga ba kayo?  Talaga bang masama kayo gaya ng tingin niyo? O sa kaloob-looban ng puso niyo nais niyong magbago at makatulong? Sino kayo sa likod ng panlilinlang at masasagot niyo ang katanungan. " Pagpapatuloy pa ni Violet at lumutang sa ere ang bata,  lumabas sa may paanan nito ang kulay berde na simbolong letrang P na may may krus sa itaas. 

'Isa lang ang totoo ate Kira,  kuya Xerxes at kuya Spencer,  ang sumpa ng Sepir ay ang sumpa ng katotohanan.  Walang nakakapagsinungaling dahil ang mga dating alkemista na nabuhay ngayon sa inyong katauhan ay ang mismong gumawa nito. '

Nagsimulang umatungal ang sinoman mula sa madilim na bahagi ng kweba.  Yumanig ang kweba at nagsihulog ang mga diamanteng saterliya mula sa itaas.  Agad na ginamit ni Kira ang kaniyang kakayahan upang ma-protektahan sila mula sa mga ito. Sa bawat paglakas ng pagyanig ay ang paglakas ng pag-atungal,  hanggang sa ang atungal ay naging yabag ng mga paa ng kung sino at isa pang yabag na hindi galing sa isang nilalang—kung hindi mula sa isang halimaw.

"Talaga bang karapat-dapat kayo?  Malalaman niyo ang totoo,  walang panlilinlang dahil ang magsisinungaling ay mamatay. "

Isang boses mula sa dilim ang kanilang narinig.  Hanggang sa nakita nilang lumabas mula sa dilim ang isang nilalang na may puting buhok,  kulay puti ang mga mata nitong parang kristal.  Ang magkabilang mukha naman nito ay may parang may kaliskis na gawa sa salamin at diyamante.  Napaka-puti nito na para bang kasing puti ng yelo.  Suot-suot nito ang isang puting kapa at sa tabi nito ay isang malaking dragon na kasing kulay din nito na pinalilibutan ang katawan ng kaliskis na gawa sa kristal,  diyamante, at salamin. 

Nakatanga lang sina Kira habang pinagmamasdan ang kanilang nakikita.

"Ako ang greax ng mga dating alkemista at ang kasama ko ay ang pinagsama nilang hinanakit.  Ako ang nagpatawag sa inyo sa libro ng Executio at nakarating kayo dito sa tulong ng alkemista ng oras at panahon.  At hanggang naririto kayo ay hindi kayo maaring magsinungaling," malamig nitong wika at tiningnan sa mata ang isa sa kanila; si Xerxes.

Hindi nakapaghanda si Xerxes nang biglang nasa harapan na niya ang nilalang at may hawak itong malaking salamin. "Sino ka nga ba, halimaw ng bundok ng kamatayan? O sino nga ba si Xerxes Dmitri Exclacide Rosseau?" Napahawak sa kaniyang bitak na maskara ang binata at tiningnan ang pekeng sarili sa salamin.

Nakita nang kaniyang mata ang mga imahe ng kaniyang kabataan mula sa salamin, lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo niya upang mailigtas ang Titania mula sa ama kung kaya't malapit na siyang mapatay ng ama.

Nakita niya ang sarili niyang hinahangaan ng kababata niyang kapatid, sinosoportahan ng karamihan at nakita niya ang sarili niyang may pag-asa nang siya'y nakilala ni Kira.

Na matagal na niyang hindi nagagawa simula nang isinuot niya ang maskara at pagdesisyunan na maging kakulay ng dugo ang kaniyang buhok at kakulay ng lason ang mga mata bilang simbolo ng kaniyang paghihiganti.

Humarap siya kina Kira at Spencer na nakatingin lang sa kaniya. "Sabi mo gusto mong patayin ang mga taga-Titania at lahat ng mga opisyales ng palasyo." Tiningnan lang siya ni Spencer; mata'y nagtatanong.

"At sinabi mo ring una mo akong naging kaibigan, paano kung sabihin kong taga-Titania rin ako?" Ngumisi si Xerxes at hindi na hinayaang makapagsalita si Spencer bagkus ay tinanggal niya ang kaniyang suot na maskara.

Nagbago ang pulang buhok ni Xerxes at naging kulay puti, lumabas ang kaniyang mga tainga na parang sa taong-lobo at ang dating luntiang mga mata ay naging kulay ginto, mga gintong mata na matatalim kung tumingin gaya ng isang mabangis na hayop. Mas lumitaw ang taglay na kakisigan ng binata noong tinangal niya ang maskara bukod pa rito ay malaya ring lumabas ang kaniyang maputing buntot na nagsimulang gumalaw-galaw.

Sa nasaksihan ay naalala ni Kira ang nakita niyang punit na larawan na nasa may tore noong tinulungan niya si Tsukino na paslangin ang hari. Naalala niya ang mga parehong mata ng kaniyang tinulungan noon at nangakong iaalis siya sa Titania.

Ang parehong gintong mata at itsura ng nakatatandang kapatid ni Ringo—at ang dating tesoro at kaisa-isang lobo ng Titania.

-

Vocabulary:

Greax- fragment ng ispirito

Feiroa justia- aurora borealis

Teseros vindi- putangina mo!

Saterliya- stalagmite

Tesoro- crown prince