webnovel

Akin Ka Lang

Nagsimula lahat magbago ang takbo ng buhay ni Sven Samañiego the moment na magpunta sya sa Manila just to attend her brother's wedding. How well she'll cope up at an unexpected situation na di sinasadyang nasali sya ng walang ka-alam-alam? Specially kung makikilala nya at that moment ang dalawang babae that have a relationship to her brother... the mistress and the fiancèe.

lazy006 · LGBT+
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 1

SVEN's POV

What happened? Ito nasa ospital, na coma ng dalawang araw, na inakala ng lahat ay mamatay na ako ng tuluyan.

Galit na galit si lolo sa nangyari sa akin kaya muntikan na nyang ipakulong at idimanda ang babaeng na buntis ni Michael, good thing nagising ako at pinakiusapan si lo na wag na nyang ituloy ang balak niya.

Di naman kasalanan nong babae eh.

Yeah, I know she almost killed me sa nangyari and I am not a saint to be that kind.

"Lo, sisihin mo magaling nyong apo. Nangbuntis ng babae tapos papakasal sa iba, magaling diba?"

"ANO?"

"Well, di ko alam pangalan nong babae pero mukha naman syang di eskandalusang tao if hindi siya naipit sa sitwasyong gawa mismo ng apo nyong si Michael."

"Sinasabi mo bang nabuntis sya ng kapatid mo?"

Ako naman ang nagtaka sa narinig ko.

"Huh? Di ba nila sa inyo sinabi?"

"Then how come na ikaw ang nabaril? Ba't ikaw ang nasa altar that day?"

Imbis na sagutin ako ay nagtanong si lolo pabalik sa akin.

"Hindi ko alam. Ma called me... puntahan ko raw siya... next thing I know..." Pagsasalaysay ko sa kanya. "I'm not blaming her, pero bigla na lang akong hinalubog ng tao, pinagpalit at dila doon and the rest..."

Ayon umalis na galit si lolo. Ewan ko lang anong ginawa nya pero sigurado akong sumugod sya sa bahay nila papa.

Galing di ba? Masama ba? Naku wag ako! Nandoon si Michael tapos ako ang nasa altar? Tapos sya nagtatago?

Ako ang napahiya sa harap ng mga tao pero wala man lang ginawa? Then sina papa at mama nakatayo... haist! Ewan ko... nataranta akong parang ewan that time, di ako kasi alam ang gagawin ko at walang nakikinig o gustong makinig man lang sa akin.

Kaya heto ako ngayon walang paki kung bumisita man sila o hindi dahil mag-iisang linggo nang di ako nagpapasok ng bisita liban lang kay lolo.

Take note 1 week na akong di nagpapasok ng bisita, ha?

Pero... ba't nandito sya?

Kanina pa ba sya rito? Pagkagising ko na lang nandoon na sya nakaupo sa sofa malapit sa kinahihigaan ko.

Titig na titig sya sa akin na parang ewan.

"You're being rude staring at me like that." Masungit nyang sabi na may bahid na galit.

Wow, ha? Di na ako nahiya sa kanya! At may nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Sya nga itong titig na titig sa akin, eh.

"Ako dapat ang magsasabi nyan sayo." Pagbabaliwala ko sa sinabi nya sa akin. "At paano ka nakapasok? Di naman ako tumatanggap ng bisita."

She suddenly smiled at me then, "Through the door, malamang. And my family own this hospital."

At timayo na sya papalapit sa akin. Napaismid ako sa sinabi nya.

"That's trespassing, alam mo ba 'yon? At di mo ba alam ang ibig sabihin ng privacy? Kasi ako... gusto kong mapag-isa ng makapagpahinga ako ng walang istorbo."

Ay... malala na ata si ate at nagawa pa nyang ngumiti sa akin.

"That's the privilege I have... after all ako ang nagbabayad dito sa pang-hospital m-"

What?!

"I can pay with my own-"

"I know Samañiego... but you're my own savior, so how can I do that to you. Isa pa gusto ko I'm the one who will take care of you..."

Naiirita na ako sa kanya, ha! Di man lang nya ako pinatapos! Pero teka anong sabi nya? She will take care of me?

NO WAY!

"I can take care of myself, so-"

Napahinto ako bigla when she suddenly lean down on me.

"Really?" Tanong nya sa akin nang dahan-dahan nyang idinidiin ang kamay nya sa upper left chest ko.

Punyeta babaeng 'to!

Pinagpapawisan ako sa sakit na nadarama ko. 'Yong natamo kong sugat mula sa baril ay nasa likod ko on the left side na dahilan nang kamuntikan kong ikamatay.

"Hindi mo... g-gustong magka-utang ng loob but... I didn't know this is how you are going to repay me, miss."

Binabawi ko na ang nasabi kong she is beautiful at the time in the church dahil she is a demoness!

Something flashed in her eyes before she stood straightly at inihayag sa akin ang kamay niya.

"Oh... sorry, I'm Kristine Isabelle Fointess pala. This the first time I've known Michael has another sister." Nakangisi nyang sabi at di makikitaan ng mali ang mukha nya.

In fact she looks so sincere sa pag-i-introduce nya sa sarili!

But I hate the glint that flashed on her eyes earlier at pati ang ngiting ipinapakita nya sa akin ngayon. She may look sincere pero naiinsulto ako sa ginagawa nya ngayon.

"Mmm... pwede ka ng umalis, kaya... shoo... shoo... labas." Walang paki kong sabi sa kanya at parang aso ko syang ibugaw palabas.

Aba, bahala na kung magalit sya inaasta kong pagbugaw sa kanya. Kamayan ba ako ng kaliwa nyang kamay. Kita nga nyang may suagat ako at di ko maigalaw ang left hand ko, tapos ito?

So, with the use of my good right hand I made a gesture to make her go away.

"That's insulting Samañiego, I'm not a dog para tratuhin mo ako mg ganito." Pagalit na sa ni ms. Fointess.

"Says the one who started it." Sarkastiko kong sabi.

"I'll say back to you, hindi ako si Michael para ako ang pagbuntuhan mo ng galit when in fact isa rin akong biktima."

Ang demonya tumawa ng pagkalakas-lakas. Aba, sinapian na ata sya.

"Victim? You?" Di makapaniwalang tanong nya, and there is amusement in her eyes but hindi 'yong natutuwa kundi 'yong nagagalit.

Yes, anger... because nahihimigan ko ito sa tuno nya.

"I am the victim here not you, Samañiego! Ginago nyo ako ng kapatid mo!" Galit na pasigaw nyang sabi sa akin.

I bit my lower lip inside dahil sa namimilipit ako sa sakit. In her anger nakalimutan 'ata ng bruha na may sugat ako!

Anak ng tukwa, oh... hinawakan ba ako sa magkabilang braso at ibinangon ako paupo mula sa pagkakahiga!

"I never felt so humiliated in my life! My family and I was humiliated that day in front of many people! So don't tell me you're a victim na wala akong-"

Nagpintig ang tenga ko sa kasisigaw ng babaeng ito. The nerve of her!

"Let... go! Damn woman!"

Nasasaktan na ako sa pagyugyog nya sa akin kaya kahit alam kong di dapat igalaw eh, ginamit ko ang dalawa kong kamay para maitulak sya palayo sa akin.

"Don't be self-pity woman! Hindi lang ikaw napahiya!"

Damn! My left hand sting! Parang mapuputo na 'ata?

"Wag kang magbulag-bulagan na ikaw lang at ang pamilya mo ang napahiya!"

Punyeta! Masakit ang likod ko!

"Guess what? Ako rin! Ininvite akong umattend sa kasal ng kapatid ko, pero ano nangyari? Heto, nasa ospital!"

My head hurts! Demonyang babaeng 'to! Nagpunta ba sya rito para lang awayin ako?

"The next thing I know people got me then I'm in the altar! Ano 'to prank? Ako ikakasal? Di ba ang kapatid ko dapat? But no! I'm the one who's there! Not knowing anything! Not knowing what is happening!"

Nagdidilim na ang paningin ko sa galit! Di ako na napigilan mapayuko.

Napayuko ba ako sa galit o sa sakit na raramdaman ko.

What? Injury's pain or heart ache?

Hah! Heart ache? As if!

"I tried! God damn it! I tried but no one's listening! O walang gustong makinig!"

Must be heart ache cause by disappointment.

Shut up!

"Some brother he is! Kung ikaw napahiya pwes ako gulong-gulo ako sa kahihiyan nayamo ko! He's there pero nanunuod lang! Naroon sila but they just stood there watching! Nakakatuwa ba akong panuorin ha?"

Must be heart ache... but no what I feel right now is rage! Para akong puputok dahil sa sama ng loob!

"Para akong timang na di alam ang gagawin! Fuck! I don't like cursing but... damn it! Wala silang ginawa! Di ko na sana dumalo pa! Di ako sana sumagot at nagpunta kung mapapahiya lang akong mag-isa! He should be the one there not me!"

Ah... di ko ko na alam pinahsasabi ko. Bahala na, basta mailabas ko lang sama ng loob ko kung hindi baka ito pa dahilan ng ikakamatay ko.

Punyeta... go--d damn... it... h-hurts... masakit...

Yeah... it hurts to the point na nag-iinit na pakiramdam ko at pag-pawisan ang likod ko.

_______________