webnovel

Akala Ko Siya Na

.Umibig ka na ba? Yung tipong umasa ka na akala mo siya na. Yung tipong akala mo isa sa inyo ay di na maaatim na sumuko pa. Yung tipong magkapareho kayo sa mga bagay, sa madaling salita, magkasundo kayo sa halos lahat ng bagay o hindi kaya naman kahit marami kayong pagkakaiba eh nag a-adjust kayo para sa isa't-isa. Yung akala mo, matutupad na yung gusto mo na sa wakas may taong gusto rin akong makasama hanggang dulo. Yung akala mong tatanggapin ka kung sino ka man, kahit pa sa pinaka the best or worst part ng buhay mo eh tanggap ka. Yung halos lahat na yata nang pagmamahal sa kanya mo inalay, wala nang natira para sa sarili mo. Naranasan niyo na ba yan? Pwes ito ang librong para sa inyo. Mga totoong makawasak na puso na tungkol sa pag ibig na tiyak na kayo'y makakarelate.

Chace_Gonzales · Realistic
Not enough ratings
16 Chs

Akala Ko Siya Na #7

Isang lalaki muli ang nagbahagi ng kanyang kwento. Halos kalapit edad ko lang siya. Isa siyang rapper at nagsusulat din siya. Natuwa naman ako kasi minsan lang ako maka-encounter ng tulad niya.

Ang kwento niya sa akin yung akala niyang siya na kaibigan niya since nung highschool sila. Halos naman yung karamihan ng istorya nagsisimula sa pagkakaibigan. Kasi may ideya dyan na kapag magkaibigan kayo nagsimula strong yung bond niyo kasi matagal na kayong magkakilala. Alam niyo na ang mga ayaw at gusto ng isa't-isa. Kumbaga halos kilala niyo na ang isa't-isa. May mga mag tropa din na tingin palang nila nagkakaintindihan sila.

Bago sila magtapos ng pag aaral, umamin siya sa nararamdaman niya. Hindi naman siya nabigo kasi mahal na rin siya nung babae ng panahon iyon.

Para sa akin, yung iba naamin bago,pagtapos o sa mismong graduation kasi alam niyo na nakatapos na kayo. Hindi na hadlang yung pag aaral. Meron na kayong degree na hawak kumbaga parang secured na ang future niyo. Yung iba naman naamin kapag graduate nila ng Senior High sa takot na baka magkaiba ng school ang mapuntahan ng mahal nila. Pwede rin naman ang dahilan maging LDR sila. Ilan lamang yan sa dahilan na alam ko.

Hindi ako siguro kung apat na taon na going strong ang relasyon nila. Sa loob ng apat na taon hindi dyan mawawala ang pagsubok. Lahat naman ng relasyon dumadaan sa pagsubok. Patatagan na lang talaga at pagalingan humandle ng relasyon.

Sabagay, kahit anong galing mong humawak ng relasyon. Kung yung mahal mo nakabitaw na mababalewala lang din yun.

Hanggang sa dumating sila sa punto na sobrang tindi ng away nila. Umabot na iyon sa kaya na siyang murahin ng babae at sinasaktan na rin siya ng pisikal nito. Nasaktan din niya ng pisikal ang babae.

Ang lungkot ng parteng ito. Pinakita talaga dito na talagang may nagbago at may mali na sa relasyon nila.

Hindi tinukoy ni Kuya kung sino at paano sila nagbreak. Ang sabi niya sa akin, nilalabas niya lahat ng saloobin niya sa pamamagitan ng lapis at papel saka ito ginagawang kanta.

Parehas kami ni Kuya, matapos akong maiwan, nilalabas ko rin yung nararamdaman ko gamit ang bagay na iyon. Ngunit may pagkakaiba rin kami. Ako kasi sa nobela ko dinadaan. Ang hindi ko nakamit na happy ending at kung paanong i-trato dapat ng lalaki ang babae sa nobela ko na lamang sinusulat. Kokonti na lamang ang lalaking kagaya ng mga nasa imahinasyon ko. Masaklap pa sa panahon ngayon hindi na gwapo ang may lakas na loob na magloko o mang iwan. Ayoko na lamang sabihin kung ano yung salita.

Kayo ba? Paano niyo nilalabas yung hinanakit niyo?

Yung iba kong tropa, nag iinom sila o di kaya naman nakain ng madami.

Kahit ano namang gawin natin kung masakit talaga masakit yun. Wala tayong kawala sa sakit na nararamdaman ng puso natin isama pa yung ang bigat sa loob kung bakit naging ganon ang naging kinahitnan.

Pero sa paglipas ng panahon, magigising na lamang tayo. Yung sakit wala na. Magaling na. Wala ng bakas. Sabi nga ni Taylor Swift sa kanyang kantang Clean, "Gone of any trace of you. I think I am finally clean"

Ikaw naka move on ka na ba sa sakit ng akala mong siya na?