Pag-uwi ay agad naman naming isinalansan ang mga nakalap naming mga sangkap tulad ng sea grass, sargassum, red algae, kelp at lato. Ito ang karaniwan naming kinakain.
"Napakalayo naman ata ng nilakbay ninyo Ahava at inabot kayo ng dilim bago maka-uwi." may pagka-sarkastikong sabi ng aking kapatid na si Salacia.
Nilingon ko siya at nakita ko ang mataray na naman niyang itsura. Lagi na lamang ganito si Salacia, nagtataray.
"Alam mo Salacia tatanda ka agad diyan sa iyong pagtataray. Bakit hindi ka na lang ngumiti ng hindi ka lagi nakasimangot at naka-taas ang kilay." biro ko dito baka sakaling makatakas ako sa kaniyang mapanuring tanong.
Napa-ingos naman ito sa sinabi ko. "Alam ko ang ginagawa mo. Nililihis mo ang usapan Ahava. Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko? May itinatago ka na naman ba?" galit na talaga nitong sabi na parang may makikita na akong bula na nalabas sa butas ng kaniyang ilong.
"A-ano ba iyang t-tanong mo n-na iyan? W-wala naman a-akong itinatago Salacia." kinakabahan ko ng sagot sa kaniyang tanong. Kita ko naman na hindi siya palagay sa aking sagot. Mahirap talagang maglihim kay Salacia. Marunong siyang makiramdam at magaling magbasa ng mga kilos. Taglay niya ang ganong katalinuhan.
"Siguraduhin mo lang Ahava dahil pagsisisihan mo ang pagpunta mo sa dalampasigan." pagbabanta nitong sabi sa akin at saka umalis.
Nanghihina naman akong napaupo sa aking higaan. "Tiyak kong pababantayan ako ni Salacia sa mga tagasunod o di kaya naman ay sa mga kawal. Kailangan kong mag-doble ingat kung ganon." mahina kong usal habang nakatingin sa kawalan.
Pagkatapos ng nangyaring paguusap namin ni Salacia ay kasunod naman nito ang pagpasok ni Aysu sa aking silid na siyang ipinagtaka ko.
"May maipaglilingkod ba ako sa iyo aking Mahal na kapatid?" malambing kong tanong dito. Si Aysu ang tahimik sa aming lahat na magkakapatid. Siya ang lagi kong takbuhan kapag ako ay may problema dahil mas may kabuluhan ang kaniyang mga salita at payo hindi katulad ni Hydra na akala mo laging biro ang lahat. At higit na lalong hindi kay Salacia dahil tiyak na masesermonan lamang niya ako .
"Batid kong nagpunta rito si Salacia." panimula nito habang sinesenyasan akong maupo sa aking higaan at agad naman akong tumalima sa kaniya "Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan ninyo ngunit alam kong may problema Ahava. Hindi naman magkakaganon si Salacia kung hindi. Kaya nais ko lamang kausapin ka hinggil roon." malumanay nitong sabi.
Agad naman akong umiling at naluluhang napatingin sa kaniya ng may takot na baka pati siya ay pagbawalan rin ako.
"Ahava kilala mo ako. Hindi kita huhusgahan. Ano pa't naging nakatatanda mong kapatid kung hindi kita uunawain at pakikinggan." dagdag pa nito na nagbigay sa akin ng tapang na ipaalam sa kaniya.
"Natatandaan mo ba nung pinulong tayo ni Ina para sa selebrasyon at pagkatapos noon ay pinaiwan niya ako dahil may paguusapan raw kami?" tanong ko at agad naman itong tumango ng maalala at bahagya pang nangunot ang noo "Kinausap niya ako patungkol sa pagpunta ko sa dalampasigan Aysu at narinig pala ni Salacia ang lahat ng aming napag-usapan ni Ina kaya naman pinakiusapan niya ako na tigilan ko na ang gawaing iyon dahil ikakapahamak ko raw ito. Hindi ko alam Aysu kung bakit bigla na lamang naging ganun ang reaksyon niya. At sa nakikita ko mukhang dinadahilan niya lamang ang pagpaslang ng mga tao kay Ama. Pero alam kong may iba pa siyang dahilan at hindi naman niya sinasabi sa akin ng malaman ko ito at ng maintidihan ko." parang batang sumbong ko rito.
Hinagod niya naman agad ang aking likod para pakalmahin ako sa aking emosyong nararamdaman.
"Wala man ako sa posisyon mo ay batid kong lubos kang nasasaktan dahil sa mga sinabi ni Salacia ngunit alam kong maging siya ay nasasaktan rin. Marahil ay pinoprotektahan lamang niya tayo dahil nga sa sinabi niya ang pagpaslang kay Ama. Wala rin naman ako sa posisyon para pigilan ka sa iyong ginagawa dahil maging ako ay nagpupunta rin doon kung minsan. Ngunit ito ang tatandaan mo Ahava masyadong mapanganib pa rin doon. Hindi natin alam kung may mangyari sa iyong masama sa pagpunta roon at Huwag naman sana kaya mag-iingat ka." pahayag nito at hinalikan ang aking noon at nagpaalam na.
"Salamat Aysu" pasasalamat ko pa rito na alam kong rinig niya kahit na nakalabas na siya sa aking silid.
Marahil ay dahil sa pagod agad akong nakatulog ng mahimbing.
*******
"Sir wala naman pong problema dito sa amin. Matagal-tagal na rin po ng magkaroon ng kaganapan patungkol sa pagpatay sa isang sireno dito." Manong Karding said to me and I tilted my head to my right side.
Nabili ng lolo ko ang islang ito at pagpatayo siya ng rest house. Kilala naman ako ng mga tao rito kaya madali lang sa akin ang magpabalik-balik sa islang ito.
Bukod pa roon ay nagpatayo rin kami ng resort dahil sa sobrang laki ng islang ito ay baka mabayaan lang iyon kung hindi namin malalagyan ng pangkabuhayan. Dahil nga doon ay natulungan namin ang mga taong nakatira sa isla na ito. Binibili namin ang mga isda na kanilang nahuli at maging ang mga pang dekorasyon o mga souvenir na gawa nila at ang iba pa sa kanila ay naging staff namin sa resort.
"Ganun po ba. Maigi naman kung ganon. Basta Mang Karding pakisabihan na lang ang iba patungkol sa paglilinis ha. Salamat ho. Pwede no ho kayong magpatuloy sa ginagawa ninyo."
"Sige ho makakaasa ho kayo Sir." tumango na lamang ako at humarap sa dagat.
Dinama ko lang ang hangin at ingay ng alon sa dagat. "Oh How I love the sea" mahinang usal ko pa habang nakatanaw pa rin dito.
Isa akong business man dahil ako sana ang hahalili sa aking ama ngunit mas higit na mas magaling ang aking bunsong kapatid sa pamamahala ng kompanya kung kaya naman ay ipinagpatuloy ko ang kagustuhan kong maging isang Scuba Diver. At sa awa ng Diyos ay natapos ko ito at dito nga sa resort namin ay isa rin ako sa mga nagtuturo.
"Sir!"
Nilingon ko naman ang tumawag sa akin at nakita ko ang humahangos na si Nay Esmeralda ang mayordoma sa rest house namin rito.
"Oh bakit po?" magalang kong tanong.
Si Nay Esmeralda ay matagal na naming kasambahay magkasing-edad lamang ata sila ng aking lolo. Mula pa noong bata ay kasa-kasama na siya ng aking lolo dahil siya ang malapit dito. Maliban doon ay magkaibigan rin ang turingan nila. Nakakapagtaka nga na hindi sila nagkaroon ng something.
Halata na ang katandaan sa itsura ni Nay Esmeralda ngunit hindi sa kilos at galaw nito. Matandang dalaga siya siguro dahil na rin sa kagustuhan niyang manilbihan sa amin ay nawalan na siya ng oras at panahon pa para makapag--asawa noon.
"Kanina pa kita hinahanap na bata ka! Pinapatawag ka ni Señor Leon." hinahapong sabi ng matanda.
"Sorry po Nay. Tara na ho." paghingi ko ng tawad at saka niyaya na siyang bumalik sa rest house.