webnovel

Agent Vlogger Becomes my Lover

Isang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dyla Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidulo, gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Nakapasok siya sa boutique na pag-aari ni Dj bilang tagabantay. Sa pagtatagpo ng kanilang landas at pananatili niya sa boutique ay lagi siyang iniiwasan ni Dj dahil allergy nga ito sa mga babaeng siga pa maka-porma rito. Expectations vs Reality, ika-nga dahil sa pagtatrabaho niya roon marami siyang nalaman tungkol dito. Isa na roon ang pagkababaero nito. Marami na itong babaeng napaiyak dahil kapag nagsawa na madali lang sa kanya ang makipaghiwalay na akala mo ay nagpapalit lang ng damit. Ngunit paano kung dumating ang oras na ma-fall siya sa taglay na karisma nito? Ano ang gagawin niya? Hahayaan ba niyang mapabilang sa mga babaeng sinaktan nito? O aalis at iwasan na lang ito habang may pagkakataon pa? Pero paano nga kung pinili niya parin ito kahit na sasaktan ulit siya? Muli niya parin ba itong tatanggapin sa buhay at bibigyan ng panibagong chance?

Abby_Magbanua · Action
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 6

Dylan's P.O.V.

"Bakit wala pa kaya ang dalawang iyon." Clark.

"Siguro nag-date pa." Zyrus.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiinis sa usapan ng mga ito. Siguro dahil naiinis ako sa Yesha na iyon.

Nauna na akong pumasok sa loob ng restaurant. Sumunod naman ang mga ito. Umupo kami sa mesa malapit sa pintuan dahil iyon lang ang may anim na upuan. Isang Korean restaurant ang pinuntahan namin dahil lahat kami ay may lahing Koreano.

Pagkatapos umo-order ay naupo na kami palibot sa mesa. Umu-order din ang mga ito ng tig-iisang bote ng soju. Bali ang pwesto namin.

Zyrus. Ako. Clark

Dwight. vacant. vacant

Maya-maya ay dumating sina Liam at Yesha. Kumaway si Clark sa mga ito para mapansin kami. Biglang umasim ang mukha ko nang makita ulit ang babae.

Ang magkatabi ay si Dwight, Yesha at si Liam bali ang kaharap ko ay si Yesha. Okay na rin 'yon kay sa makatabi ko 'to. Bigla ko tuloy naalala ang magaling kung kapatid. Talagang gustong-gusto nitong iniinis ako palagi. Hay… Kakalbohin ko talaga iyon kapag nakita ko.

Yesha's P.O.V.

Tapos na kaming kumain. Mag-aalas 8:00 na rin ng gabi kaya kailangan ko na ring umuwi. Nagpaalam muna akong pupunta ng restroom para maghugas ng kamay.

Palabas na ako ng restroom nang biglang may lalaking humarang sa akin.

"Hoy miss, ikaw 'yong na sa bar 'di ba?" tanong nito.

Naalala kong ito ang isa sa taong binugbog ni Liam sa bar.

"Pare, tingnan niyo kung sino ang nandito." may lumapit pa sa likuran nito na lima pang lalaki na malalaki ang katawan. Mga myembro yata ito ng gang dahil may mga tattoo ang mga braso ng mga ito. Napansin ko nang may mga kasama pa ang ito sa kabilang mesa dahil kumaway ang isa roon.

"Nasan na pala ang mapanglait mong kasama? Bakit hindi ka humingi ulit ng tulong?" nakangisi nitong sabi.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa takot.

"Hindi panglalait iyon. Totoo naman kasing pangit ka." parang lumundag ang puso ko sa tuwa sa pagsulpot ni Liam.

"Magkasama pala kayo ulit." baling nito kay Liam

"Masyadong makitid ang lugar na ito kung gusto niyo ng gulo kaya kung mararapatin niyo. Inaanyayaan ko kayo sa labas." hamon nito.

Pumayag naman ang mga ito at lumabas. Hinila naman ako ng isa sa mga kasamahan nito. Nakita ko ring sumunod din sina DJ, Dwight, Zyrus at Clark nang mapadaan kami sa mga ito.

Mga 12 lahat ang mga ito. Samantalang si Liam at Dylan lang yata ang makikipaglaban. Habang ako ay hawak-hawak ng dalawang lalaki.

Sumenyas si Dylan na sumugod. Kaya isa-isa na ngang sumugod ang mga ito. Parang nanonood lang ako ng action movies sa bilis ng mga kilos at galaw ng mga ito. Binitiwan na ako ng dalawa dahil tumulong na rin sa mga kasama nito. Wala pa yatang limang minuto ay napatulog na ng mga ito ang kalaban. Imagine 2 vs 12? Talagang napahanga ako sa galing ng mga ito sa bakbakan.

"Itikom mo na ang bibig mo baka pasukan ng langaw." inis na sabi sa akin ni Dylan nang mapadaan ito sa gawi ko.

Hindi ko napansing napanganga na pala ako dahil sa paghanga sa galing ng mga ito.

"Salamat sa mga ito dahil natunaw ang kinain ko kahit hindi man lang ako pinagpapawisan." Liam.

"Yesha ok ka lang ba?" nilapitan ako ni Clark.

"Let's get out in here." Dwight.

"Oo nga pala kailangan ko ng umuwi dahil gabi na." sabi ko naman.

"Hatid na kita. Masyadong delikado na ang daan kapag gabi lalo na sa mga babae." Liam.

"S-sige kong okay lang sa 'yo" nauutal kong sagot.

Agad na ngang nagsipasok ang mga ito sa sasakyan. Sumampa na rin ako sa likod ni Liam and this time humawak na ako rito. Pinahiram nito ulit sa akin ang jacket.

Sa raan ay tahimik lang kami. Hindi ito nagsasalita. Magtatanong lang ito ng tamang daan pagkatapos ay tahimik na ito ulit.

Agad akong bumababa pagkahinto namin sa harap ng bahay. Nakapatay pa ang ilaw kaya siguradong wala pa roon ang kapatid ko. Napansin kong tiningnan nito ang bahay namin.

"Ikaw lang mag-isa ang nakatira r'yan?" tanong nito.

"Hindi. Kasama ko ang mommy at kapatid ko pero mamaya pa ang dating nila." paliwanag ko.

"Okay. Pagkasara mo ng pinto lock mo agad. Marami ngayong masasama ang loob kaya mag-ingat ka." seryosong sabi nito

"S-sige. Salamat ulit." pumasok na ako sa loob ng gate pero hindi pa rin ito umaalis tila bang pinag-aaralan nito ang bawat sulok ng bahay namin. Hindi ko na ito pinansin at tuluyan ng pumasok sa loob gamit ang flashlight ng phone ko. Pagkabukas ko sa switch ng ilaw. Narinig ko rin ang pagtunog ng motor nito. Umalis na ito. Naiwan na naman akong mag-isa. Pero hindi na ako natatakot mag-isa dahil nasanay na rin ako.