webnovel

After You Fall Asleep

Vampire

xiarls · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

Chapter 3

Pauwi na kami. Nasa likod niya pa rin ako na naka back ride.  Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero parang may kakaiba kay Jason. Bakit ba kasi ako padalos-dalos na pumayag na dito siya tumira? Hindi ko naman siya kilala una pa lang. Oo nga't nakikita ko siya paminsan na dumaan ditto sa bahay pero hindi ko naman siya pinapansin. Sadyang hindi na ako palalabas at makihalubilo sa iba simula nung nawala ang mga magulang ko.

"Hoy! 'Di ka pa bababa? Masakit na likod ko. Ang bigat mo!" Nagulantang ako sa sinabi niya. Kasi naman eh ang daming sinasabi sa akin si konsensya.

"Sorry." Sabi ko na lang at bumaba na. Binuksan ko ang gate at pinto at nauna nang pumasok. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. Ang baho ko na.

"Margarette! Asan ka?" Sigaw niya sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"CR! Wait lang!" Sigaw ko pabalik. Pero ako naman itong si pagong gumalaw, pinahinaaan ko pa ang pagkilos ko. Nakakatamad eh!

Mga 30 minutes natapos din akong maligo at magbihis. Binuksan ko ang pinto at nasa gilid siya nito, nakaupo, parang may iniisip.

"Hoy!" Tawag ko, tumingin naman siya. "May kailangan ka ba?"

Tumango siya. "Pwede humiram ng damit ng Papa mo?"

Wala ka bang damit kaya naghihiram ka? Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi lumabas sa bibig kong tahimik.

"Sige…" Sagot ko. Nakakahiya namang hindi sabihin 'hindi pwede'.  Papasok na ulit sana kaso nagsalita siya.

"Ahm… pwede bang dito ako matutulog sa kwarto mo ngayon?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Kahit ngayon lang?" Tanong niya. Nagmamakaawa ang mga mata niya. "Kahit sa sahig lang ako basta dito lang ako sa kwarto mo." Patuloy niya. Ayaw ba niya sa sala o sa guest room?

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ikaw bahala." Sagot ko sa kanya at pumasok na ulit. Hindi ko na sinarado ang pinto. Understood na 'yun na pumayag ako. Naman oh! Ano ba kasi ang nararamdaman ko? Ang weird na. Tsk!

"Ah Margarette, yung damit?" Tanong niya sa likod ko.

"Kung ikaw na lang ang kumuha dun, ano? Lagi na lang ako ganun?" Sarkistikong sabi ko sa kanya. Eh sa pagod na ako ngayon!

"Sorry." Sabi niya at lumabas ng kwarto ko. Nilingon ko siya at nakitang kong nandun na siya sa kwarto nina Mama at nangukay ng mga gamit sa cabinet nila. Bahala na. Wala namang masama kung ibibigay ko na lang sa kanya diba? Wala namang magsusuot niyan ditto eh.

Maya-maya na lang eh pumasok na siya ulit sa kwarto ko dala-dala ang mga nakuha niyang damit ni Papa at dumiretso sa banyo.

Humiga na lang ako sa kama ko at naglaro ng phone ko. Kahit papano may libangan ako dito kahit mag-isa ako.

Bumukas ang pinto ng banyo at tumambad sa akin ang wet look na si Jason. Ang gwapo niya! Napansin kong ngumisi siya kaya iniwas ko agad ang tingin ko.

"Nagugwapuhan ka na sa akin?" May halong ngisi at asar na tanong niya.

Tinignan ko siya.

"Asa ka naman!" Sabay talikod ulit at talukbong ng kumot. Tss. Bakit siya ganyan? Akala ko mabait pero may halong kayabangan pala.

Naramdaman kong lumubog ang isang bahagi ng kama ko kaya kinuha ko ang kumot at tinignan siya ng masama.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo ha?" Untag ko. Kasi naman…

"Bakit masama? Nakikiupo lang eh. Hay ang suplada." Sabi niya pero binulong na lang yung huling linya.

Tss. Ako pa? Pasensya naman may bisita. Tumalikod na lang ulit ako. At hindi ko na namalayang nakatulog na ko.

JASON POV

Bakit ang suplada ng mga babae pag nadatnan? At anong klaseng tanong naman ang tinanong ko? Tss!

Humiga na lang ako sa tabi niya habang natutulog siya. Tatlong oras na din ang lumipas nang makatulog siya. Hindi ko maiwasang ngumiti. Ang cute lang kasi niyang asarin. Hahaha! At ngayong tulog siya kinuha ko ang kumot na nakataklob sa kanya kaya lang bigla siyang humarap sa akin. Swerte ko na ba? LOL.

"Sana matanggap mo ang pagkatao ko sa panahong dapat mo na malaman kung ano ako." Pabulong kong sabi sa kanya at umalis na sa tabi niya.

Nagugutom ako. Saang lugar naman bang pwedeng mangbiktima? I really need blood this time!

Lumabas ako ng bahay niya at hindi alam ang pupuntahan. Hindi pa ako nakakaalis sa gate eh narinig ko ang boses niyang umuungol sa taas. Binallikan ko siya at nahihirapan siyang maghabol ng hininga at pawis na pawis.

"Margarette!" Gising ko sa kanya, inuyog ko na din ang balikat niya.

"Hmmm…" Matigas na ungol niya. "M…Mama…Papa."

"Margarette, gising! Nananaginip ka!"

Bigla na lang siyang nagmulat ng mata niya. Umiiyak na siya. Bigla niya akong niyakap, halatang takot na takot siya. Nabigla ako sa ginawa niya pero niyakap ko na din siya pabalik. Todo pa rin ang hagulhol niya ng iyak. Hinaplos ko ang buhok niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"J-Jason, huwag kang umalis sa tabi ko. N-natatakot ako." Humihikbing sabi niya. Tumango na lang ako. Magkayakap pa rin kami.

"Ah Margarette, bitaw na. Nagugutom na ko." Sabi ko sa kanya eh kasi totoo naman.

Bumitaw naman siya at pinahid ang luha pero kinuha ko ang kamay niya at ako na ang gumawa noon.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya, tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha niya.

"Aish! Tama na ngang kakaiyak yan!" Sigaw ko, tumawa lang siya. "Tss. Geh iiwan kita dito?" Pagbabanta ko.

Umiling siya ng todo.

"Huwag please!" Sabay hawak sa braso ko. Pero kung may anong kuryente akong naramdaman sa kamay niya kaya marahan kong kinuha iyon. May respeto ako sa kanya. Pinatira lang niya ako dito kaya wala akong karapatang saktan siya.

"Nagugutom ako." Ulit ko.

Natigilan ako nang bigla siyang bumaba sa kama niya at hinila ako pababa at papuntang kusina.

"Lulutuan kita." Nakangiting sabi niya.

"Huwag na. Ako na lang dyan. Magpahinga ka na." Utos ko pero sumama ang tingin niya kaya umupo na lang ulit ako.

Grabe, mas nakakatakot pa pala ang isang 'to kesa sa akin na isang bampira. Ayos ah. Parang under ako dito sa bahay na 'to. Wala akong magagawa kundi ang sundin siya. Ayaw ko namang umalis sa bahay na 'to kung walang paalam.

"Hello Mister? Ano po ang gusto niyong kainin?" Paypay niya sa itsura ko. Di ko alam na natulala na ako.

"Kahit ano." Sagot ko sabay yuko sa mesa. Tae nagugutom na talaga ako kaya inaantok na din ako. "Tapos na ba?" Tanong ko habang nakayuko pa rin. Walang sumasagot kaya inangat ko ang ulo ko pero hindi ko siya nakita sa harapan ko.

"Jason…" Boses ni Margarette. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sina Kris, Neil, Lennard, at Gio, mga bad vampires. Hawak ni Neil si Margarette. Putcha! Siya pa naman ang pinakamasama sa kanilang apat!

"Huwag kang gumalaw." Sabi ko kay Margarette. Tinignan ko ang apat na nakangisi. Napakuyom ko ang dalawang kamay ko. Tumingin ulit ako kay Margarette, nanginginig siya at naiiyak na.

"Tignan mo nga naman oh! Over protective ka na sa mga tao ngayon, ganun?" Si Kris. "Ano mamili ka? Sasama ka sa amin o siya?" Tuloy niya. Matagal na kasi nila akong gustong bumalik sa grupo nila pero paulit-ulit ko na lang sinasabi na ayaw ko.

"ANO?!" Sigaw nilang apat.

"Bitawan niyo siya." Utosko. Kaagad naman siyang binitawan ni Neil pero tinulak siya sa akin.

Napada siyang umupo sa sahig at kumapit sa paa ko. Umupo ako para makatapat siya.

"Margarette, kahit anong mangyari uuwi ako dito, pangako."

"Saan ka pupunta?" Umiyak siya kaya pinahid ko ang luha niya.

"Sasama lang ako sa kanila. Huwag kang mag-alala babalik ako." Sabi ko at tumayo na. Bigla na lang din ako kinuyog ng apat na walang pasabi-sabi at lumabas na ng bahay. Rinig na rinig ko pa rin ang iyak ni Margarette kaya lang tumakbo sila ng mabilis at wala na akong nagawa pa.

Promise, babalik ako sayo. Kahit anong mangyari babalikan kita. Kahit malaman mo na sa susunod na araw ang pagkatao ko wala akong pakialam basta mabantayan kita!

Bigla na lang ako naiyak at sa hindi ko na namalayang nandito na kami sa lugar ng mga bampira. Ang pinanggalingan kong lugar.