webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

THE CALL

"Hello! Alquiza resident. Angela's speaking. What can I help you?" Sagot ng babae sa kabilang linya sa isip n'ya isa ba itong kasambahay na gustong magpa impress? Hmmp! Pwes! hindi siya natutuwa.

"Hello! Who are you again?" Tanong niya dito sa naiiritang tono, sadya niyang idiniin ang pagsasalita para iparating dito na hindi ito nakatutuwa.

"I said its Angeline Alquiza. Who's on line please..?" Mayabang na sagot nito. WTF! Did I heard right? Bakit nito ginagamit ang pangalan ng kapatid at sa loob pa mismo ng kanilang pamamahay. Sino ba ang babaing ito? Tanong sa isip niya.

"Fvck! Who the hell are you? Are you fvcking insane, for using my sister's name? Damn it! Did you trying to fooled me. Ha?" Sigaw niya dito, sigurado siyang malinaw nitong narinig ang mga sinabi niya.

Marahil bago lang itong kasambahay, kaya hindi siya nito kilala.

"Pero hindi parin sapat na dahilan 'yun para gamitin niya ang pangalan ng kapatid ko" Bulong ng kanyang isip.

"Walang sino man ang pwedeng gumamit ng pangalan ni ate. Dahil talagang hindi ko siya mapapatawad."

Naramdaman niyang bigla itong natigilan. "Marahil napahiya siya, dapat lang siyang mahiya." Natagalan bago ito nakasagot, parang tuliro at hindi alam ang sasabihin ng magsalita itong muli.

"Hah! What? Sorry po sir! Wala po dito si sir Lian tumawag na lang po kayo ulit..!" Nagmamadali nitong sagot, at mukhang binago rin ang timbre ng boses. Naging mahinahon ito sa pagsasalita.

"Hey! What.. Hello?" "Klik!" Narinig na lang niya na binaba na nito ang phone.

"Sino kaya ang babaing 'yun?" Hindi niya naiwasang itanong sa sarili, malalaman rin naman niya kapag nakausap niya ang kanyang Papa. Humanda siya!

Plano talaga niyang kausapin ang ama. Tungkol sa ibinebenta nilang lupa dito sa Australia. May interesado na kasing bumili. Lupa itong minana ng kanyang Mama sa Lolo niyang Australian na nakapag-asawa ng filipina. Half filipino/Australian ang kaniyang Mama, kaya hindi maikakaila na may dugo rin siyang Australian. Mas kamukha daw kasi niya ang kanyang Mama, nakuha rin niya ang bughaw nitong mata. Kaya madalas napagkakamalan siyang foreigner, lalo na ngayong sinadya niyang magpatubo ng balbas at bigote. Hindi naman ito nakabawas sa taglay niyang kagwapuhan. Nakadagdag pa nga sa kanyang dignidad bilang isang lalaki sa idad niyang dalawampu't walo.

Narito siya ngayon sa paborito niyang suite. Nakatanaw mula sa bintana at pinanonood ang mga taong maaga pa lang nagkakasayahan na sa gitna ng dagat.

Ito ang una niyang nasisilayan sa bawat umagang gigising siya. Nagiging hobby na yata niya ang pagtanaw sa bintana sa umaga at sa sandaling makaramdam siya ng pagkainip.

Dito sa Dawson Hotel and Sport bar. Mula dito matatanaw mo na ang dagat, makikita mo ang mga nagsasurfing, Jetski, naglalaro ng beach ball at gumagawa ng sand castle.

Dahil nakikita niya kung gaano kasaya ang mga tao na tila walang problema. Kaya nahahawa na rin siya sa kasiyahan ng mga ito. Kahit paano kasi nawawala ang pagod niya sa buong araw na puro lang trabaho.

Ang Hotel na ito ay dating pag-aari ng lolo niya, na nabili ng kangyang Papa noong buhay pa ito. Isa itong Exclusive Hotel suite. Para sa mga turista at mahilig sa sport. Bukod sa convenient and comportable room. Pwede ka rin tumambay dito. Kung mahilig ka sa sports at sawa na sa paglangoy at naghahanap ng ibang ambience. Palaging maraming turista ang dumadayo dito. Kaya laging busy ang mga tao, kaya naman hindi na niya namamalayan ang paglipas ng mga araw.

Limang taon na rin pala mula noong huli siyang umuwi ng Pilipinas. Limang taon na rin mula ng mangyari 'yun. Ayaw na sanang niyang alalahanin pa..

Pero kung minsan hindi niya maiwasang isipin ang mga taong 'yun. Lalo na at alam niya na nag-iwan pa ang mga ito ng souvenir sa kanyang Papa. Hindi niya maintindihan ang ama, kung paano nito nagagawang pangalagaan ang batang 'yon? Samantalang s'ya ni tingin hindi niya magawa. Palibhasa hindi ito ang nasaktan at naloko.

Ayon sa kanyang Papa, mula ng iwan ni Liscel ang bata hindi na ito nakipag-ugnayan sa kanyang Papa. Nagmigrated na ang mga ito sa Canada. Kasama ng mga magulang nito. Nalaman rin niya na nagkaroon ng malaking problema sa kompanya ng mga ito. Kaya biglaan silang umalis ng Pilipinas at basta iniwan na lang ang bata.

Palagi nagpapadala sa kanya ng pictures ng bata ang kanyang Papa. Mula pa noong sanggol palang ito. Pero ni minsan hindi n'ya ito tiningnan, kaya wala siyang ideya kung anong itsura nito. Basta ang alam lang niya, Maaaring malaki na ito ngayon. Dahil limang taon na ang nakalipas. Sabi ng kanyang Papa kamukha niya ito. Pero wala siyang pakialam kahit sino pa ang kamukha nito. Si Russel ang nag-iipon ng mga picture nito sa drawer niya, sa Resthouse na malapit sa resort na pag-aari ng pamilya. Hindi rin naman siya madalas umuwi sa Resthouse, mas madalas na nanatili siya sa hotel.

Alam niyang nagiging napakasama niyang tao, pagdating sa batang 'yun! Pero ano ba ang magagawa niya hindi  pa niya kayang tanggapin ito. Hindi niya alam kung kailan ang araw na  magagawa niya 'yun. Basta ngayon hindi pa niya kaya.

Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni ng biglang may kumatok. Nang buksan niya ang pinto si Russel pala. Ang kan'yang assistant, secretary at matiyagang kaibigan in one.

"Boss! Good morning.. Ito na almusal mo dinala ko na. Baka makalimutan mo na namang kumain." He said. After he entered.

"Okay! Lets eat first before we leave." Sagot niya.

"Okay! Ah boss tuloy ba ang b'yahe natin bukas papuntang italy?" He ask then.

"Oo naman, kailangan na tayo doon." Sagot niya dito at nagsimula ng kumain.

"Ah! Okay ihahanda ko na ang dadalhin nating gamit mamaya."

"Okay! Sandali lang naman tayo doon. Babalik din tayo agad dito."

"Okay!" Maikli nitong sagot at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay agad na rin silang umalis. Mag aaudit kasi sila ngayon sa isa nilang kliyente na nagkaroon ng konting problema. Pagkatapos kailangan niyang bumalik agad dito para kausapin ang isang Japanese investor. Para sa isa pa nilang client. After that saka pa lang niya magagawa ang iba pang dapat ayusin sa office. Bago sila makaalis papuntang Italy bukas.

______

Pagkatapos ayusin ang mga gamit na dadalhin ni Angela kinabukasan. Agad na rin siyang bumaba at tumungo sa kusina. Gusto niya kasing magbake at magluto ngayong buong araw. Konti lang naman ang gamit na dadalhin niya mga importante at ilang personal na gamit lang agad din naman siyang natapos. Sabi kasi ni Liandro doon na lang niya bilhin ang ibang kailangan. Para hindi na siya mahirapan sa b'yahe.

Gusto niyang gugulin ang maghapong ito. Para ipagluto sila ilang buwan rin kasi niyang hindi ito magagawa. Nasanay na rin kasi siya, na siya ang nag-aasikaso ng lahat dito sa bahay. Ang nagluluto, kung hindi man ang nag-aasikaso ng dapat lutuin. May okasyon man o wala. Sinanay siya ni Liandro na siya ang namamahala ng lahat sa bahay. Kung ano ang dapat baguhin, bilhin at ayusin. Ganun siya pinagkakatiwalaan nito.  Katulong din siya ni Liandro sa pamamahala sa Resort, Sugar mill, Coffee mill at sa buong Plantasyon.

Sobra-sobra ang ibinibigay nitong tiwala sa kanya, kaya naman kahit paano gusto niyang masuklian ito. Kahit man lang sa mga simpleng bagay na tulad ng pag-aasikaso at pag-aalaga sa mga ito, lalo na kay Vj na talagang napamahal na sa kanya ng husto. Kailan man hindi nila ipinaramdam kay Angela na iba siya sa bahay na ito.

Kahit paano may background siya pagdating sa pagluluto. Nagtake muna kasi siya ng 6months sa Culinary, bago siya nagpatuloy sa kursong HRM.

Sa pagbibake at paggawa ng pastry siya mas nag-eenjoy. Kaya madalas siyang nagbibake kapag nasa bahay lang, nagbebenta na rin kasi siya ng cake and pastries sa online. Dahil maraming kakilala at kaibigan ang kanyang Papa Liandro, lagi siya nitong inererekomenda sa mga kaibigan at kakilala, para siya ang gumawa ng cake sa mga ito.

Marahil ito ang paraan ni Liandro para mas higit siyang matututo at makilala. Balak kasi nito na ipagpatayo siya ng sariling Bakeshop pagnakatapos na siya. Kahit paano may naiipon na rin naman siya. Bukod kasi sa pagbebenta ng cake may monthly salary din siya. Ibinibigay ni Liandro bukod pa sa allowance na ibinibigay nito para sa pag-aaral niya.

Ayaw na sanang niyang tanggapin dahil sobra sobra naman ang ibinibigay nito. Pero ipinipilit pa rin nito, para daw may sarili siyang pera kapag may pangangailangan siya.

Madalas ding sabihin sa kanya nito na h'wag s'yang mag-alala. Dahil malaki din talaga ang naitutulong n'ya sa pagpapatakbo ng negosyo nito. Lalo na sa pag-aalaga kay VJ. Kung wala daw siya hindi nito kakayanin ang lahat. Kahit pa ang totoo gusto niyang makatulong dito sa kahit anong paraan kahit walang sweldo.

Dahil sa malalim ang kaniyang iniisip. Nagulat na lang siya ng biglang magsalita si Manang Soledad sa tabi n'ya. Si manang ang pinaka matagal na kasambahay dito.

"Iha! Naayos mo na ba lahat ang mga gamit mo? Ako na lang ang magluluto." Anito

"Ho! Ano po?" Tanong niya na nalilito.

"Batang ito kanina pa ako nagsasalita dito, mukhang malalim ang iniisip mo? Buti pa kaya magpahinga ka na lang muna anak." Mungkahi nito na may pag-aalala. Parang ito na rin kasi ang tumatayong nanay niya dito. Napakabait nito sa kanya tulad ng pamilya Alquiza. Kaya paano ba niya iiwan ang lahat ng ito?

"Hindi po Nanay Sol. Hayaan n'yo na po ako ngayon, after 3 months pa bago ko ulit magawa ito kaya ako na po ang bahala, okay." Pakiusap niya dito ng may ngiti sa labi.

"Bahala ka na nga! Alam ko namang mamimiss mo rin itong kusina mo." Anito.

"Naku! Sinabi n'yo pa, talagang mamimiss ko po itong kusina kaya alagaan mo itong mabuti ha? Nay!" Aniya.

"Oo naman!" Sabay pa silang nagkatawanan.. Palibhasa pareho nilang mahal itong kusina, nang bigla niyang maalala.

"Nay, naalala ko may tumawag po kanina. Parang 'yun isang anak ni Papa ako po ang nakasagot. Nagkamali po yata ako? Kasi nagalit po yata n'on sinabi ko 'yun pangalan ko." Kwento niya kay manang Sol.

"Ha! Aanong sabi niya, bakit ka nagpakilala? Hindi ka pa niya kilala anak, kaya hindi pa niya maiintindihan. Siguradong magagalit nga siya." Sabi ni manang Sol, halata sa kilos nito ang pag-aalala. Bigla tuloy siyang kinabahan.

"Nalito na po kasi ako kanina. Hindi ko po alam ang sasabihin ko."  Aniya.

"Huwag ka ng mag-alala, h'wag mo na lang isipin 'yon anak.." Napabuntong-hininga na lang siya at ipinagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa.

Sa isip hindi niya naiwasang alalahanin ang naging eksena kanina. Habang magkausap sila ni Joaquin sa phone..

Parang naririnig pa niya ang maganda nitong boses sa telepono. Bigla tuloy siyang na-curious sa itsura nito sa personal. Minsan na rin niyang nakita ang picture nito ng minsang mat'yempuhan niyang nililinis ni manang Sol ang kwarto nito sa itaas.

"Sabi ni Papa at ni Joseph kamukha daw ito ni VJ, ang cute kaya ng anak ko. Ibig bang sabihin cute din s'ya? Hmmm. Pero ang sungit naman.."

Nang bigla rin niyang naisip..

"Hindi kaya gusto na niyang umuwi? Baka pag-uwi niya palayasin na ako dito. Saan na ako pupunta?"

Mga katanungang bigla na lang nabuhay sa isip niya, na lalong nagpatindi sa kanyang pag-aalala.

Baka pagbalik niya wala na pala siyang pamilyang uuwian..

"H'wag po sana hindi ko po alam ang gagawin ko. Hindi ko rin kaya malayo sa mga tao dito. Lalo na sa pamilyang ito at higit sa lahat kay VJ." Panalangin niya sa isip.

Hindi niya iiwan si VJ! Lahat gagawin niya para dito, manatili lang silang magkasama. Hindi na tuloy niya namalayan na kanina pa pala siya lumuluha. Dahil sa isiping 'yun! Nagulat pa siya ng bigla na lang lumapit si Joseph. Dumating na pala ito at kanina pa siya pinagmamasdan.

"Hey! Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito na puno ng pag-aalala na lumapit sa kanya.

"Okay lang ako!(sob)" Hindi na niya napigilan ang sarili. Bigla na lang siyang napayakap dito at sa isip niya, nabuhay ang isang tanong..

Ano kaya kung pakasalan ko na lang siya?

                        

                              

 * * *TY

@LadyGem25