webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

The Acting Fiancee

Shocked pa rin s'ya sa nangyari sa kanya kanina lang, habang hawak na n'ya ang sira-sirang cellphone. Makakaya naman niya itong palitan, bumili ng bago. Pero hindi ang mga pictures at video na hindi pa n'ya na-saved.

Nitong huli kasi naging busy s'ya at aligagà sa gawain sa Hotel sobrang pagod na s'ya pag-uwi ng apartment kaya nakakatulog na s'ya agad. Bukod kasi sa training n'ya bilang OJT sa Hotel. Pumasok din siyang assistant ng isang Patissier sa mismong Hotel. Para sa libre n'yang oras dag-dag experience na kumikita pa s'ya.

Ang sama sama na kasi ng loob n'ya dahil sa nangyari at 'yun ay dahil sa lalaking kaharap n'ya ngayon.

Tiningnan n'ya ito ng masama.

Hey! Are you mad at me?" What a stupid questions, he asked for her?

Marahil kung nakamamatay lang ang kanyang tingin, malamang bulagta na ito. At may gana pa talaga itong magtanong kung galit s'ya? Sa loob-loob niya.

"Anong gusto mo matuwa pa ako pagkatapos ng nangyaring ito?" Sabay lahad ng hawak niyang cellphone.

"Like I said I'll buy you anew one okay?" Sagot nito.

"Hah! Ako din kaya kong bumili.. Alam mo ba kung anong mahalang bagay ang nandito sa phone ko, kaya mo ba 'yung bilhin, magagawa mo pa ba 'yung ibalik sa'kin?" Mahinang sigaw niya sa lalaki sa isip niya kung hindi lang ito ang may-ari ng Hotel malamang nasakal na n'ya ito. Dahil sa pagkainis.

"Ah, tama!" Bigla niyang naisip, bakit nga ba hindi? Dapat lang namang palitan nito ang cp n'ya. Nanahimik s'ya dito kanina kung hindi s'ya nilapitan nito at ginulo. Sana hindi n'ya problema ang pagbili ng cellphone. Bukod pa sa panghihinayang na nararadaman niya ngayon.

"Napaghiwalay ko na kayo ng nobya mo. Kaya dapat lang na palitan mo ito." Padabog na inabot dito ni Angela ang sirang cellphone.

"Correction please, hindi ko s'ya nobya okay!" Pagtatama pa nito sa sinabi n'ya.

"As if naman may pakialam pa ako sa kung anong relasyon meron kayo? Ang mahalaga lang mapalitan mo ang cellphone ko bago pa ako umuwi ngayong araw, maliwanag ba 'yun?" Nakasimangot niyang sagot.

"Ngayon na ba agad, hindi ba pwedeng bukas na? May importante kasi akong meeting ngayong araw." Reklamo nito.

"Kasalanan mo kung bakit nagkaganito ang cellphone ko, tapos magrereklamo ka?" Naisip n'ya kapag tumawag ang pamilya n'ya paano na? Sanay ang mga ito tumatawag sa kanya araw- araw lalo na si VJ kaya magtataka ang mga ito kapag hindi s'ya na-contact at wala rin siyang oras para bumili ngayon.

"Kung pwede sana gawan mo ng paraan. Sabi mo nga pala gagawin mo lahat ng gusto ko hindi ba, bakit ngayon pa lang tumatanggi ka na?" Inis na tanong n'ya sa kaharap. Hindi na niya binigyang pansin ang pagkainis na rumehistro sa mukha nito.

"Teka nga baka nakakalimutan mo may utang ka pa sa'kin babae! Hindi ka pa abswelto sa akin kaya kahit hindi kita gawan ng pabor, amanos lang tayo." Paalala pa nito sa kanya ng nakaraan nilang engkwentro.

"Kung ganu'n wala pa lang kwentang makipag-usap sayo. D'yan ka na nga!" Tatalikod na sana si Angela para iwan ang lalaki pero agad s'ya nitong nahawakan sa braso at hinatak siya paharap dito.

"Ano ba bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya sabay tulak dito, huli na para ma-realized n'ya ang ginawa.

"H'wag mo sanang kalimutang ako pa rin ang Boss mo, kayang- kaya kita paalisin kung gugustuhin ko. Pero h'wag kang mag-alala. Dahil hindi ko naman gagawin, hindi naman ako ganu'n kasama, na tulad ng inaakala mo." Hindi alam ni Joaquin kung bakit biglang naging mahalaga ang iniisip nito sa kanya. Marahil dahil hindi pa s'ya tapos kilalanin ang babaing ito.

"I'm sorry sir, hindi ko sinasadya." Pag-iiba ng tono ni Angela nahihiya s'ya sa naging asal n'ya sa kaharap. Hindi na niya naisip na lumagpas na s'ya sa limitasyon. Hindi tuloy s'ya makatingin ng deretso dito.

"Ok, hindi ko naman sinabing hindi ko papalitan ang cellphone mo." Sa mababa na rin nitong tono. "I wanted to make it up to you, but not just now. I promise to buy you at the next day as long as I can okay? Kung gusto mo gamitin mo muna itong cellphone ko." Sabi nito.

Nagulat na lang s'ya sa sunod na ginawa nito. Kinakalas na nito ang dalawang cellphone para pagpalitin ng sim. Naging mabilis ang pagkilos nito sing-bilis ng pasya nito na ibigay sa kanya ang Cellphone na gamit nito. Nang mapagtanto niya nasa kamay na niya ang cellphone na napalitan na rin ng kanyang sim. Saglit na napatitig muna s'ya sa lalaki bago nakapagsalita.

"Sigurado ka ba talaga, paano ka anong gagamitin mo?" Alanganing tanong ni Angela.

"H'wag mo akong alalahanin pwede ko namang hiramin 'yun kay Russell pansamantala." Sagot nito.

"Okay Boss sabi mo eh!" Alanganing biro ni Angela kay Joaquin, kaya napangiti na rin ito.

"Okay, how about lunch? Kumain ka na ba makabawi man lang sa'yo?" Pabuntong hiningang tanong nito.

"Kasama ba yan sa package deal natin?" Nakangiting birong tanong niya sa lalaki.

"Bakit hindi, hindi ka naman siguro malakas kumain?" Birong tanong rin nito.

"Yun lang, medyo matakaw ako e?" Nakangiting biro niya dito.

"Walang problema, sana lang hindi ako maubusan ng budget?" Natatawang sabi nito.

Natawa na rin si Angela sa biro nito. Biglang napawi ang hindi magandang impresyon niya sa lalaki. Tila natibag na nga ang pader sa pagitan nilang dalawa.

"Sigurado ka ba talaga na gusto mo akong makasalo?" Seryosong tanong na niya sa lalaki.

"Bakit naman hindi?" Tanong ni Joaquin sa nagtatakang tono.

"I mean, isa lang akong hamak na trainee o empleyado dito sa Hotel. Hindi ka ba natatakot na masira ang image mo ng dahil sa akin?" Seryosong tanong ulit ni Angela.

Aminin man niya o hindi lihim na umaasa siya sa magandang sagot nito.

"Don't worry honey, hindi issue dito ang excess relationship and besides hindi tayo gano'n. I never committed to anyone else, except to you. You're my fiancee right?" Tuloy-tuloy na sagot nito sabay kindat pa nito sa kanya. Kahit alam niyang hindi naman ito seryoso sa sinabi, nagulat pa rin siya sa sagot nito.

"Ha? Ah oo nga pala.." nakangising pagsakay n'ya sa kunwaring biro nito.

"So, wala ka na bang itatanong? Pwede na ba tayong kumain? Gutom na kasi ako, gusto mo bang sa ibang lugar tayo kumain o dito na lang..?" Sunod-sunod nang tanong nito.

"Dito na lang tayo Sir! Hindi rin kasi ako pwedeng magtagal. Malapit ng matapos ang break time ko." Sabi n'ya

"Ah, ganu'n ba ok sige, kung 'yan ang gusto mo." Sabi na lang nito.

Dahil nasa dining area na sila, naghanap na lang sila ng pwedeng mapwestuhan. Pinili nila ang table sa tabi ng glass wall kung saan matatanaw ang labas ng Hotel.

Ipinaghatak muna s'ya nito ng silya at marahang pinaupo. Hindi naman nagtagal isang waiter ang lumapit sa kanila at kumuha ng kanilang order. Bahagyang nagulat pa ito ng makilala sila. Pero saglit lang parang walang anomang kinuha nito ang kanilang order.

Saglit lang ang lumipas agad rin dumating ang inorder nilang pagkain. Dahil pareho na silang gutom kaya tahimik muna silang kumain sa simula na tila walang gustong maunang magsalita.

Nagkatawanan pa sila ng sabay pa nilang tangkain basagin ang katahimikan.

"So, how are you today?" Tanong nito.

"Okay lang naman, ikaw busy pa rin?"

"Gaya ng sabi ko may meeting ako pagkatapos nito medyo ginutom lang talaga ako." Sabi nito na sinundan ng matamis na ngiti at patuloy pa rin sa pagsubo.

"Kaya pala sunod-sunod ang subo mo mukhang gutom ka nga!" Natatawang puna niya dito.

"Don't mind me Lady, mind your own food okay! Baka mangayayat ka makagalitan ako ng asawa mo?" Sabi nito, but why I've seen a bitterness to his face?

Yun nga ba ang nakikita niya dito o baka naman nag-aassumed lang s'ya talaga? Bakit naman n'ya 'yun mararamdaman? Assumera ka talaga Angela! Bulong ng isip niya.

"Hmmmp! Kakain ka ba o gusto mo na lang akong titigan? Parang ako na yata ang gusto mong kagatin ah? Gusto mo ba? Pwede naman basta sabihin mo lang.." Sabi nito, alam niyang nakangisi ito kahit nakatutok pa rin sa kinakain at hindi tumitingin sa kanya.

Nang mga oras na iyon ramdam niyang pinamumulahan siya ng mukha. Because she caught in the act and she can't deny it. Bakit ba kasi hindi niya napansin na kanina pa pala siya nakatitig dito.

"Hi-hindi ah! A-anong sinasabi mo d'yan?" She's stammered, pero ipinagkakaila pa n'ya ito.

Hindi naman naikaila ni Joaquin ang pagtawa. Dahil sa inakto niya.

Na labis pang nagpapula ng kanyang mukha. Lalo na nang dahan-dahan pa itong tumingin sa kanya. Habang nakaplaster pa rin ang ngiti nito sa labi. Parang lalo pa itong gumuwapo sa paningin niya. Nang mga oras na iyon ramdam n'ya ang biglang pag-iinit ng kanyang mukha at ang pagkabuhay ng kakaibang pakiramdam na alam niyang bago sa kanya. Ito rin 'yung pakiramdam nu'ng una silang magkasalubong na hindi n'ya binigyang pansin nu'ng una.

Ano bang ginagawa sa kanya ng lalaking ito? Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso n'ya ngayong kaharap n'ya ito?

"Na-iinlove ka na ba sa'kin kaya ganyan mo na lang ako titigan?" May kompyansang tanong nito na sadya pang tumingin sa kanya ng matiim. Pagkakataon na gumising sa lumilipad niyang diwa.

"Hah! Kailan pa may na-inlove sa isang asyumero at anti-patiko?" Ganting tungayaw niya. Ngunit imbes na mainis ito sa sinabi niya lalo pa yata itong natawa.

"Eh, bakit namumula ka? Hmmm, para ka ngang kamatis sa pula. Parang ang sarap mong kagatin!" Ngumisi pa ito na litaw ang maganda at maayos na pagkakapantay ng ngipin.

"Ewan ko sayo!" Sagot niya at ibinaling na ang atensyon sa pagkain. Binilisan niya ang pagsubo para iparamdam dito na ayaw niya ng kausap.

Narinig na lang niya ang muli nitong pagtawa.

After a minute..

"I think you need it, baka naman mabulunan ka n'yan?" Sabay abot nito ng basong may lamang juice sa kanya. Hindi na niya ito nagawang tanggihan sa totoo lang eksakto ang abot nito ng baso. Dahil muntik na talaga s'yang mabulunan. Bakit parang lagi s'ya nitong sinasalba? Ito na ba yun sinasabi nilang "knight in shining armour?" Ah! Hindi rin, tanggi ng isip niya.

"Oh, ano nakaka-inlove na ba ako?" Biro pang tanong nito na sadyang nangalumbaba sa ibabaw ng mesa at humarap sa kanya na nakangiti at taas baba ang kilay, na tila nagpapacute.

Pero inirapan lang n'ya ito at nakasimangot siyang bumaling ng tingin sa glasswall. Nagmukha tuloy s'yang teenager na nagpapakipot pa sa kanyang crush. Hmmm, so what? Hindi pa naman s'ya majunda. Bulong n'ya sa sarili at tumanaw na sa labas ng Hotel.

Mula sa kanyang kinauupuan, napako ang kanyang paningin sa isang Russian citizen na tila nakikipagtalo sa isang Koreana. Nasa labas ang mga ito at malapit sa main entrance ng Hotel.

Bahagya siyang nakaramdam ng kaba, sa pagkakita n'ya sa mga ito.

"Pangkaraniwan na ang ganyang eksena. H'wag mo na lang silang pansinin. Buti pa kumain na lang tayo." Napalingon siya dito na patuloy lang sa pagkain.

Napatango na lang siya dito kasabay ng buntunghininga. Handa na sana siyang kumain ulit nang biglang..

"Bang?!"

Isang putok ng baril ang gumulat at nagpalingon sa kanila sa pinanggalingan nito.

Ang babaing Koreana at ang katalo nitong Ruso, na ngayon ay nakasakal na ang mga braso sa leeg nito. Habang tinutukan ito ng baril, halos magwala na ang babae subalit sadyang malakas ang lalaki.

Isang tanawing nagdala sa kanya sa pagkaligalig at sobrang kaba.

Nagsimula s'yang panginigan ng mga kamay na umabot sa kanyang mga tuhod, hanggang sa buo n'yang kalamnan. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. Subalit paano ba n'ya ito mapipigilan?

Narito na sa kanyang sistema, ang sobrang takot at pagkabalisa.

Hindi n'ya maintindihan kung ano itong nangyayari sa kanya. Nahihirapan s'yang mag-isip ng tama. Hindi n'ya mapigilan ang palakas ng palakas na kaba.

Nagsimula na rin s'yang maliyo na parang may naririnig s'yang mga boses na hindi n'ya batid kung saan nagmumula?

Tinakpan n'ya ang kanyang mga tainga. Subalit naririnig pa rin n'ya ang mga boses.. Gusto n'yang sumigaw at tumakbo para matakasan ito.

Hindi?!

Si Joaquin na biglang nagulat sa mga ikinikilos n'ya..

"Hey! What happened, okay ka lang ba?" Tanong nito, sa nag-aalala at naguguluhang tono.

"Papatayin nila 'ko!" Nasa itsura n'ya ang takot, pagkabalisa at pagkawala na sa sarili.

"What, a-ano bang sinasabi mo?" Si Joaquin na puno ng pagkalito at hindi malaman ang gagawin?

"Malapit na sila..!"

"Huwag?!"

Bahagyang nakaagaw pansin na rin sila ng mga taong naroroon.

Nagsimula nang maalarma si Joaquin sa nangyayari sa kanya at maging sa reaksyon ng mga tao sa paligid nila.

Ano ba kasing nangyayari sa babaing ito? Tanong ng isip niya.

Hanggang sa isang malakas na pagtili ang lumabas sa bibig ni Angela at hindi na n'ya ito nagawang pigilan..

"Ahhhh..!!" Malakas na sigaw nito.

"Oh my God?!"

Ang tanging nasabi n'ya kasabay ng kanyang pagtataka at pagkadismaya! Ang unti-unti nitong pagdausdus pababa.

Mabuti na lang agad n'ya itong nasalo..

* * *

@LadyGem25