webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

MISTAKE

Abala ang lahat sa kitchen ngayong araw. Maaga silang pumasok dahil kailangan nilang tumulong sa Hotel.

Marami kasing darating na guest. Bukod sa may magaganap na convention sa loob ng tatlong araw.

Ito pala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng meeting ang mga empleyado kahapon.

Nagrequest ang admin ng Hotel na kung may free time. Pumasok sila ng mas maaga, isasama daw sila sa working pay o payroll slip sa loob ng 3 araw.

Bilang incentives bukod pa ang bayad sa overtime. Ah, hindi na masama.

Ito rin ang first assignment nila. Sabi ng kanilang head supervisor. "This is the right time to proved yourselves." Kung karapat-dapat silang bigyan ng pagkakataon.

Upang patunayan ang kanilang sariling kakayahan sa pinili nilang Propesyon. Nakakachallenge!

Para sa kanilang nag-aaral palang, isa itong magandang oportiyunidad. Ina-sign sila sa ibat-ibang department. Pinili niya sa kitchen mas kabisado na kasi niya dito. Buti na lang pumayag ang kanilang head. Hinati-hati silang mga OJT, dalawa sa bawat department.

Pagdating sa kitchen naatasan siyang gumawa ng sarili niyang version ng cake at iba pang dessert. Habang ang isa niyang kasama ay sa main dish na-assign.

Habang sinasabi ng isip niya... "Grabe! Gusto ko 'to.. Dito ko masusubukan kung talagang pasado na ako? So help me God... Please! Sana hindi ako mabigo this time.

'Hindi ko masayang ang pagtitiwala ng mga taong naniniwala sa aking kakayahan.

'Kaya ko ito! Ngayon pa ba ako susuko hindi ah! Pagkakataon ko na ito.

'Go lang ng go! Fighting! Angela..."

Saglit siyang pumikit at huminga ng malalim. Isang pangitain ang nabuo sa kanyang isip..

"Mama! Fighting! Para sa masarap na cupcake. Go lang Mama.. Go lang!"

Ito ang palaging isinisigaw ng anak niyang si VJ sa tuwing may gagawin siyang cake sa isang mahalagang okasyon.

Habit na yata niyang alalahanin ito palagi bilang pampalakas ng loob lalo na kapag wala ito sa tabi niya. Lumalakas ang loob niya kapag naririnig niya na chini-cheer siya nito.

Go lang! Bulong pa niya sa sarili, pero pagdilat niya nasa harap na pala niya ang head supervisor ng hotel.

Patay!!

"What? What did you say?" Anito.

"No! Madam.. It's nothing!" Aniya at alanganing ngumiti.

"Are you sure? You're okay?" Paniniguro pa nito.

"Yes! Madam, I'm really okay nothing to worry." Aniya na puno pa rin ng kaba.

"Are you sure, you are willing to work with us?" Tila nagdududang tanong nito.

"Yes! Madam.. I'm happy to work with us! Ever since, from the start of my training here." Sabi niya na sinabayan ng ngiti.

"Hmmm.. Really? Nice to hear that! Okay, let's start to work." Sabi nito na mukha pa ring may pag-aalinlangan at bahagyang napailing.

"Yes ma'am!" Depinido niyang tugon. Then she sighed after the lady was turned back.

"Okay! Everybody listened. If anyone had any problem here. Don't hesitate to call me up on my office. All right?" Dahil sa sinabi nito nakahinga na siya ng maluwag.

"Yes! Madam.." Sabay sabay nilang sagot..

"Ok! Go back to work!" Saad pa nito bago tuluyang umalis.

Kabado man muli niyang binalikan, ang nasimulan niyang gawin. Pag-alis ng head naging busy na ulit ang lahat.

Nagsimula na siya sa paghahanda ng mga ingredients na gagamitin. Balak niyang gumawa ng pamosong tí'ramisú para sa main dessert, isang dessert na may sangkap na kape at kilala dito sa Italy.

Isa rin ito sa gustong-gusto niya, siguro dahil sa sangkap nitong pinaghalong krema at kape na talagang hilig rin niya.

Gagawa din siya ng ibat- ibang klase ng cookies at pastries na para sa isang buong araw na dessert.

Buti na lang mukhang hindi naman siya mahihirapang maghanap ng sangkap dito. Ang kailangan n'ya na lang isipin, kung paano magugustuhan ng mga Italyano ang version ng lutong Pinoy?

Pagkalipas ng isang oras kinailangan na nilang ihanda ang mga pagkain. Una ang almusal, simple lang naman ang inihanda nila para dito.

Ngayon inihahanda na nila ang lunch sa araw na iyon. Marami na rin kasi ang nagsisidatingan na mga guest.

Buti na lang plating na lang okay na, naayos na rin niya ang mga serving plate.

Kasalukuyang inilalagay niya rito ang mga nagawang cookies at cinamon moose cake ganu'n din ang main dessert.

Nang isang crew ang nagsabi na kailangan na nilang magmadali.

Dumating na ang mga deligates at founder ng Hotel. Kaya nagmadali na sila sa pagprepare ng mga pagkain.

Tumulong na rin siya sa pag-aayos sa buffet table. Sandaling inilibot niya ang paningin sa paligid. Sa hindi kalayuan naroon na ang mga especial guest sa gaganaping convention at ang mga delegates at founder ng Hotel.

Nang isa sa mga guest ang umagaw ng kanyang atensyon.. "Huh! Ang lalaking 'yun hindi ako maaring magkamali s'ya 'yon!" Bulong ng kanyang isip.

Nakaupo ito paharap sa kanyang kinatatayuan. Kaya't malaya niya itong nakikita. Katabi nito sa kabilang upuan ang isang babae at base sa pananamit nito taas at balinkinitang katawan.

Marahil isa itong modelo at sa mukha nitong mixed French Italian. Halos nakapalupot na ito sa lalaki na tila ba maagawan.

Bigla tuloy naglaro sa isip niya ang mga katagang... "Hmmmp, taas lang naman ang lamang niya sa'kin mas maganda pa rin ako no? Filipina yata ito." Turo pa niya sa sarili.

Ngunit bigla na lang siyang nagulat ng may magsalita sa kanyang likuran..

"Something wrong lady?" Saad nito. Saglit na napatunganga muna siya dito bago nakaimik. Isa ito sa Master Chef ng Hotel at kilala ring magaling na Patisier.

"No no! Sir, don't mind me it's nothing! I.. I'm just practicing my acting talent. (Grin)" Alanganing, nakangising paliwanag niya.

"Oh?hahaha.. Really? You're so funny, lady." Sagot nito na nakatawa... Buti na lang kinagat nito ang joke niya!

"Just kidding, senior!" Bigla ring bawi niya.

"Hmmm, may I know your name señorita?" Biglang tanong nito na ngumiti pa sa kanya. Dahilan para lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi na bumagay sa matangos nitong ilong, ang asset ng mga italyano.

Marahil nasa mid 30's pa lang ang idad nito. Halata sa pigura nito kahit nakasuot pa ng chefhat at apron.

"My name is Mary Angeline Alquiza, sir!"

"Wow! What a beautiful name, can I call you Mary?" Tanong nito na nakangiti. "Btw, I'm Chef Nicolai Lombardi but you can call me chef Nico." Pagpapakilala nito sa sarili kasabay ng paglahad nito ng kamay, na tinaggap niya at ngumiti ng pagkatamis. Buti na lang marunong itong mag-inggles

"Grazie, it's a pleasure to meet you, Chef Nico. "

"You're the one who make the dessert, right?" Biglang tanong nito.

"Ah, yes sir! Why you ask?" Curious niyang tanong..

"I'm watching you earlier from a distance, I was wondering while you preparing the food, the way your doing it. And the taste is good also, it's delizioso.. I think it's almost perfect as a trainee student. You're doing great, keep it up Mary." Mahabang komplimento nito. Magkahalong tuwa at pagkamangha sa sinabi nito ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

"Grazie per il complimento. But It was a great experience for me also, chef Nico."

"Oh! Really? It's nice to hear that, you're such like a professional you know that? Do you have an experience for any occassion like this?"

"Molte grazie senior, I'm not a professional, but yes in my home in the Philippines. I gathe..." Hindi na niya nagawang ituloy pa ang kanyang sasabihin.. Nang bigla silang makarinig ng tili ng isang babae mula sa dining area. Ito ang babaeng katabi ng lalaking nakabanggaan niya, noong unang linggo niya dito.

Dahil tatlong metro lang ang layo nito sa kanyang kinatatayuan. Kitang kita niya ang pagkaligalig nito at biglang pagkakagulo ng lahat. Bahagya pa siyang tumingkayad para malinaw na makita ang dahilan ng kaguluhan.

Nang biglang rumehistro sa kanyang utak ang nagaganap.. Dahil sa biglang pagkahawi ng mga tao, malaya rin niyang nasaksihan ang nangyayari sa isang taong hinding-hindi niya makakalimutan at maipagkakamali sa iba. Kahit hindi pa naman niya talaga ito kilalà.

Bigla siyang napatda at namutla sa isang posibilidad na kanyang naiisip ng oras na iyon.

Nakakaramdam din siya ng awa para dito. Tila ito hindi makahinga at pilit inaalis ang suot nitong kurbata. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagpipilit nitong masuka. Hindi niya naiwasan na punuin ng tanong ang isip.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Sigaw ng kanyang isip, gusto man niya itong lapitan at tulungan pero paano? Wala naman siya sa posisyon, para gawin 'yon.

Dahil sa nangyaring sitwasyon, may nabubuong hinala sa kanyang isipan. Kasabay ng pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib. Ang pag-alingaw-ngaw ng iba't-ibang konotasyon na maririnig sa paligid.

"Oh my God!" "What happen to him?"

"It's a poison?"

"He eat the food?"

"cosa gli è successo"

"Call , 811.. Quick!" "Ambulanza!"

Samut-saring konotasyon na maririnig sa paligid, hindi man niya naiintindihan ang iba. Alam niyang puno rin ng pag-aalala ang mga nakapaligid dito.

Bahagya na lang tuloy niyang narinig ang sinabi ni chef Nico. Bago ito tumalikod sa kanya.. "Go back to the kitchen and I'll check it out, pronto!"

Ilang saglit pa ang lumipas nadala rin ito sa ospital. Kasama ng babae na marahil ay nobya nga nito kaya napanatag rin ang lahat. Maliban sa kanya na puno pa rin ng kaba sa posibilidad na pagkain nga ang dahilan kung bakit ito nangyari?

Hindi siya mapakali dahil sa isiping ang huling kinain nito ay ang dessert na ginawa niya. Alam niya dahil lihim niya itong pinagmamasdan mula pa kanina. Kaya alam niya na kinakain nito ang mga dessert na ginawa niya.

Pero bakit siya nagka-gano'n wala naman siyang inilagay na masamang sangkap dito at sigurado siyang malinis ang kanyang pagkakagawa.

May isang bagay siyang naiisip posible kayang, allergy? Bigla niyang naalala si VJ meron din kasi itong allergy na tulad daw sa daddy nito.

Nang minsang kasing umiinom siya ng kape nakisalo ito sa kanya, ito rin 'yun time na nalaman nila ang tungkol sa allergy nito.

Nang mga panahong iyon nalagay ang buhay nito sa peligro. Bigla na lang tuloy niyang naisip.. Paano kung may mangyaring masama sa taong 'yun?

Alam niyang hindi biro ang kondisyong ito. Dahil sa nasaksihan niya kay VJ sa pagtrigger ng allergy nito. Napapikit na lang s'ya sa naiisip.

Ano na ang mangyayari sa kanya kung kasalanan niya?

Hindi pa rin siya mapalagay nang magpatawag ng meeting ang head supervisor ng araw ding iyon. Nang dumating sila sa opisina nito, naroon na rin si Chef Nico na kausap nito. Sumunod pala ito sa ospital para alamin ang nangyari. Napag-alaman niya na magkaibigan pala ang dalawang lalaki, nalaman din niya na isa ito sa founder ng Hotel. Bukod sa pagiging hotelier, kilala din itong isang magaling na Account Executive.

Hindi pala ito basta-basta kaya pala gano'n na lang ang pagkataranta ng mga admin ng Hotel. Dahil lang sa pakiusap ni chef Nico kaya nanatili pa rin siya dito.

Bukod sa wala na daw dapat ipag-alala, dahil maayos na ang kalagayan nito. Ano mang oras babalik na ito sa Hotel para dito na lang magpagaling.

Dahil sa matagal na nitong alam na meron itong allergy. Hindi lang nito nagawang iwasan sa pagkakataong iyon.

Kinailangan lang talagang masaksakan ito ng gamot sa ospital.

Tama pala siya ng hinala dito, meron nga itong allergy sa sangkap na kape na inilagay niya sa dessert. Tulad din ng sa kanyang anak.

Dahil sa kaalamang maayos na ang kalagayan nito. Ang nakapagpagaan ng kanyang kalooban.

Handa na siya sa magiging desisyon ng lahat, kung sakaling hindi na siya makapagpatuloy pa dito.

Pero ang mungkahi ni Chef Nico manatili pa rin siya dito hangga't hindi si Mr. Dawson ang magpapaalis sa kanya.

Doon natapos ang pagpupulong, napagkasunduan ng lahat na panatiliin siya sa Hotel.

Naalala pa niya ang sinabi ng chef kani-kanina lang.. "We're all responsible here not only one, we're all our fault not only her!"

Patungkol nito sa kanya, hindi niya alam kung bakit siya nito tinutulungan? Basta nagpapasalamat pa rin siya na nakilala niya ang mabait na Chef.

______//

Pagkalipas ng tatlong araw ng muling magpatawag ng meeting ang head admin. Kahit alam na niya ang dahilan ng pagpupulong, nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

Maari kasing makaharap na niya ngayon ang lalaking iyon...

Matandaan pa kaya siya nito?

Naitanong niya sa sarili. Sabi kasi ng head supervisor magpapatawag ulit ito ng pulong sa oras na maari na nila itong makausap. Para alamin ang reaksyon nito at ang magiging desisyon nito sa nangyari. Kailangan rin nilang personal na humingi ng paumanhin sa mga ito.

Pagdating nila ng session hall naroon na ang lahat, naabutan na nila ang mga itong nag-uusap...

Ang mga admins, ang general manager, ang mga chef kasama na si chef Nico at isang lalaki na nakatalikod.

Kahit pa  nakatalikod may hinala na siya kung sino ito.

Napatunayan niya iyon ng dahan-dahan itong humarap sa kanila, pakiramdam tuloy niya biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Hindi niya alam kung sa sobrang kaba o sa kaalamang nakaharap niya itong muli ngunit sa hindi magandang sitwasyon.

Paano pa kaya kung malaman nito na siya ang dahilan kung bakit ito na-ospital?

Nang humarap ito sa kanila pakiramdam niya sa kanya ito nakatingin. Kahit pa naka-shade ito ngayon at maganda ang porma.

Nang bigla na lang siyang tawagin ni Mrs Baret ang head supervisor.

"Ms. Angela come here, give some respect to Mr. Dawson and apologized him!" Mungkahi nito.

Agad siyang lumapit dito, upang humingi ng paumanhin.

Ngunit saglit pa siyang natigilan ng magkaharap na sila sa malapitan.

Patingala niya itong tiningnan dahil sa taas nito, hindi sinasadyang napatingin siya sa mukha at leeg nito. Naroon pa rin kasi ang mapupulang bakas na dulot ng allergy, nang bigla itong tumikhim.

"Ehemmm!"

"I'm really sorry sir, for what I have done." Aniya. Hindi niya inaasahan ang naging tugon nito..

"Finish checking my face?" saad itob.

Napahiya man at nainis sa sinabi nito wala siyang nagawa. Muli siyang humingi ng paumanhin. "Sorry sir!"

"Sorry? The only word that you can say. Do you know what really happened to me? Am I nearly died, don't you think that?" .

"But I didn't mean it, sir! Then tell me, what do you want me to do?" Aniya. Magsasalita sana si Mrs. Baret para sawayin siya subalit dagli itong pinigilan ng lalaki.

At muli itong nagsalita. "The meeting is adjourn, everybody back to work." Sabi nito sa lahat, bago muli itong nagsalita at humarap sa kanya. "I will forgive you everyone, except the woman in front of me." Sabi nito, sinamantala pa nito ang pagkatigagal niya. Mas inilapit pa nito ang mukha, kasabay ng tanong nito...

"Do you still remember me?"

* * *

@LadyGem25