webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

Joaquin Jeremy Dawson Alquiza

"Hmmm.. I love you!" Bulong ni Joaquin sa kanyang nobyang si Liscel. Nakadapa ito habang yakap niya mula sa likuran. Magkasalo sila at parehong hubad sa ilalim ng iisang kumot. Katatapos lang kasi ng kanilang pagniniig at ngayon nagpapahinga sa kanyang kama.

Narito sila ngayon sa loob ng Condo unit niya dito sa Makati. Nang malaman niyang umuwi ito galing France. Agad siyang nagpabook ng flight mula Australia pauwi ng Pilipinas. Kahit hindi pa man tapos ang kanyang trabaho. Gusto niya kasing magkaroon sila ng oras sa isa't isa.

He thought, this is the right time to talk about their marriage. Sawa narin kasi siya sa ganitong set-up. 'Yong magkikita sila, tapos mauuwi sa mainit na pagtatalik. Then after that, they seperated again. Nakakasawa na sigaw ng kaniyang isip!

Matagal na rin naman silang magkasintahan, kasal na lang talaga ang kulang at nagkakasundo rin ang kanilang pamilya. Bago pa man sila magtapos ng kolehiyo, gusto sana ng Parents nilang magpakasal na sila agad after ng engagement.

Yes, engaged na sila matagal na. Pero napagkasunduan nilang unahin muna ang career. Dahil bata pa sila noon.

Nagdesisyon sila pareho na bigyang laya muna ang isat-isa. Noon hindi pa siya handa at malayo pa sa isip niya ang magsettle-down.

Pero iba ngayon handa na siyang pakasalan ito. Mahal na mahal niya ang nobya. Dahil para sa kanya wala ng iba pang makakapalit dito sa puso niya. Kahit pa maraming babae rin ang naugnay sa kanya. Flings lang naman ang lahat ng iyon, one night stand. Pero si Liscel pa rin ang mahal niya at gustong pakasalan.

Dahil si Liscel lang ang pinaka mahalaga sa kanya at komportable na rin siya dito. Gusto na niya itong makasama at maging isa na silang pamilya.

"Hon! Pagod ka na ba?" Tanong niya ng maramdaman gising pa ito.

"Hummp! Bakit?" Tanong ni Liscel kasabay ng pagharap at paghaplos nito sa kanyang dibdib na tila ito naglalambing. Pagganito na si Liscel para na siyang mababaliw, talagang gustong gusto niya ito.

"Hon! Pakasal na tayo.." Walang ligoy niyang saad dito.

"Seryoso? Niyaya mo na talaga ako?" Paninigurong tanong nito sa kanya na alanganing nakangiti.

"Hey! S'yempre naman seryoso ako. Gusto ko nang magpakasal tayo." Sagot ni Joaquin.

"Eh' di okay sige.." Sagot ni Liscel

"Okay.. What?" Aniya.

"Okay sige pakasal na tayo." Ulit na sagot ni Liscel.

"Pumapayag ka na? Hindi nga!" Paniniguro niya.

"Oo na nga! Gusto mong bawiin ko?" Biro pa ni Liscel sa kanya.

"Yes! Totoo ba, magpapakasal na tayo? Yahooo! Mag-aasawa na ako!hahaha" Napayakap pa siya dito ng mahigpit dahil sa tuwa. Ang sarap ng kanyang pakiramdam, ang saya saya niya talaga ng oras na iyon! Hindi niya alam kung bakit napapayag niya ito agad. Ang totoo gusto niya lang iparamdam dito na nais na niyang sila'y magpakasal. Saka siya magpaplano ng proposal, pero hindi na pala kailangan ito. Dati agad itong tumatanggi sa tuwing mag-iinsist siya pero ngayon pumayag na ito. Nagtataka man wala na siyang pakialam.

"I love you.. Honey! I love you.. Lizzy! Lizcel Borromeo! Mahal kita!hahaha.." Sigaw pa niya, dahil sa sobrang tuwang nararamdaman.

"Hey! Ano ka ba Joaquin tumigil ka nga! Ang corny mo! Bawiin ko na lang kaya!hihihi" biro pa nito.

"Ano ka wala ng bawian 'yon ha!" Niyakap niya ito ulit ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Oh! Sige na shower lang muna ako." Biglang iwas nito ng hindi halata "Baka hindi ako dito matulog uuwi ako sa bahay." Sabi ulit ni Liscel na parang nagmamadali, parang walang naganap kanina lang..

"Ha! Bakit? Akala ko dito ka matutulog gabi na ah! Ngayon lang tayo nagkita ulit iiwan mo na ako agad?" Nalungkot siyang bigla dahil sa sinabi nito.

"Hey! Honey h'wag ka nang malungkot, namiss kasi kita kaya ako nandito ngayon. Pero alam mo naman may trabaho pa ako. Madaling araw ang alis namin bukas, kaya kailangan kong magready. Nasa bahay pa 'yong mga gamit ko. Besides nakapag-usap na tayo tungkol sa wedding. Ako na bahalang magsabi kay Daddy. Ikaw na lang ang humanap ng wedding planner para mag-asikaso ng kasal natin, okay lang ba 'yon? Promise a week before the wedding pahinga na ako, Okay?" Sabi ni Liscel sa kanya.

"Ah! Bakit ba lagi na lang niyang inuuna ang career niya? Kung minsan nakakainis na siya." Ito ang nasa isip ni Joaquin pero hindi niya magawang magreklamo, natatakot siyang bawiin pa nito ang pagpayag nitong magpakasal sa kanya.

"Hon! Sige na please!" Pakiusap ni Liscel, niyakap nito si Joaquin at naupo pa sa kandungan nito. Habang nakaupo naman ito sa gilid ng kama. Nakasuot na ito ng roba at handa na rin sanang maligo. Alam ni Liscel na ito ang kahinaan ni Joaquin kapag naglalambing na siya. Sigurado siyang mahal siya nito at hindi siya matatangihan. Pagganito na siya nalulusaw na ang inis nito sa kanya.

"Sige na nga, maligo kana!" He sighed "Para maihatid na kita sa inyo."  Hindi rin nito natiis si Liscel.

"Nope! Huwag na, kaya ko namang magdrive. Magpahinga ka na lang kagagaling mo lang sa b'yahe, kaya matulog kana pagod ka. Huwag kang mag-aalala. Tatawag ako kapag nasa bahay na ako, okay?" Hindi narin ako tumutol sabagay medyo malapit naman ang Makati sa San Juan.

"Sige na bahala ka na nga!" He sighed.

"Hon! Galit ka ba?" Tanong ni Liscel

"Hindi ako galit sige na maligo ka na!"

"Sure ka hon? I love you!" Sabi ni Liscel at ngumiti ng ubod ng tamis. Kaya naman tuluyan ng nalusaw ang ano mang tampo ni Jaquin dito.

"Sige na ligo na!" Pabiro pa itong pinalo ni Joaquin sa puwit, kaya patakbo itong pumasok ng banyo na tumatawa.

Habang sa isip ni Joaquin.. Ang ganda talaga ng fiancee ko, hindi kataka taka na pumasa siya bilang isang modelo. Mataas siya at balingkinitan ang katawan morena, magandang magdala ng damit at maayos sa sarili. Baka nga manalo pa siya kung sasali sa Miss Universe.

Pagkatapos maligo ni Liscel agad na rin itong nagpaalam para umalis. Hinatid lang niya ito sa elevator, hindi na ito nagpahatid pa sa ibaba. Mas kailangan daw kasi niya ang pahinga. Pagkahatid ni Joaquin kay Liscel, agad na rin siyang bumalik sa kanyang kwarto at naligo. Pagkatapos humiga na rin sa kanyang kama.

Habang nakahiga mataman siyang nag-iisip. Panahon na para isipin niya ang sarili, sa idad niyang 23 taon.

Marami na rin siyang na-achieved, at the age of twenty one, he was graduated with flying colors a cum lau'de. Aside from that, he was a top 3 in board exam. Sino ba ang tatanggi sa kanyang magpakasal? 

Siya si Joaquin Jeremy Alquiza, isa siyang Account Executive hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Siya rin ang nagma-manage ng Family Business nila sa labas ng bansa, sa Hotel and restaurant nila sa Italy at Hotel and resort sa Australia.

Dalawa lang silang magkapatid, ang kanyang kuya Joseph na isang architect. Nagtratrabaho ito sa isang constraction firm, na pag-aari ng kaniyang tito Andrew asawa ng kapatid ng kanyang Papa. Bilang representative ng share ng kanilang ama sa kompanya nito.

Ang kanilang ama si Liandro Alquiza ang tumatayong ama at ina sa kanilang magkapatid. Simula pa noong siya ay 3 years old. Sabay kasing namatay sa isang aksidente ang kanyang Mama at Ate Angel. Ayon sa kwento ng kanyang Papa. Tumaob ang bangkang sinasakyan nila noon, nang minsang ipasyal sila ng kan'yang Mama sa laot.

Madalas daw ipasyal sila ng kanilang ina sa dagat. Pero noong araw na iyon isang trahedya ang nangyari. Huli na ng maabutan sila ng kanyang ama, nakita na lang nito na mag-isa na lang si Joaquin sa bangka. Basang-basa at umiiyak, tinatawag nito ang ina at kapatid. Hinanap ng ama nila ang asawa at panganay na anak, pero patay na ng matagpuan ang mga ito sa dagat.

Mahabang panahon din, bago naka-recover si Joaquin. Madalas siyang dinadalaw ng masamang panaginip, nagigising na umiiyak. Hanggang sa kalaunan unti-unti ring nalagpasan ang lahat.

------------

Pagdating ni Liscel sa parking lot ng Condo, isang lalaki ang biglang sumalubong dito. Bigla siya nitong hinawakan sa braso at pahilang ipinasok sa sasakyan. Habang nagda-drived..

"Bakit ang tagal mo bumaba, nasarapan ka na ba sa kandungan ng lalaking 'yon? Kaya nakalimutan mo na ako, kanina pa ako dito ah!" Sa tonong nagtitimpi ng galit.

"Ano ka ba naman Warren. Nagseselos ka ba? Alam mo namang hindi ganun kadaling lusutan si Joaquin, buti nga hindi siya nakahalata!" Sagot ni Liscel dito.

"Kailan mo ba talaga balak hiwalayan ang gagong 'yon?" Muling tanong nito.

"Alam mo namang hindi pa pwede ngayon, para din naman sa atin ito. Lagot ako kay Daddy kapag ngayon ako nakipaghiwalay, lalo na at may balak si Daddy na pumasok sa pulitika. Malaki maitutulong ni tito Liandro sa kanya." Paliwanag ni Liscel dito.

"At ako walang maitutulong, kaya isasantabi mo na lang ako ganu'n ba?" Sagot naman nito.

"Ano ka ba? Hindi ngayon ang oras para mag-inarte ka. Alam mo naman na ikaw ang mahal ko, kaya pwede ba huwag ka munang makisabay ngayon." Pakiusap ni Liscel at sinabing.. "Pumayag na nga pala akong magpakasal sa kanya."

"What? So tapos na tayo ganu'n?" Tanong pa nito.

"Pwede ba pakinggan mo muna ako. Magpapakasal lang naman ako sa kanya para sa kapakanan namin ni Daddy. Pwede naman magfile ng annulment ako na ang bahala doon. Kapag nakuha na ni Daddy ang gusto niya, hindi na 'yon tututol kahit hiwalayan ko si Joaquin. Saka malaki rin ang nagagawa niya sa modeling career ko. Alam mo naman siya ang sumusuporta sa akin sa mga gastusin ko." Sabi pa ni Liscel.

"Ano nga ba ang magagawa ko. Eh' hindi naman ako kasing yaman ng gagong 'yon!" Sagot nito na puno ng insikyuridad.

"Sweetheart! Hayaan mo na lang muna ako okay? Promise! Pagkatapos ng lahat ng ito magsasama na tayo at hindi na maghihiwalay okay?" Dagdag na paliwanag ni Liscel dito. Nang mga oras na iyon, nakarating na pala sila sa bahay nila sa San Juan.

"Please!" Pakiusap pa ni Liscel dito, habang bumababa sila ng sasakyan.

"Sige na, pumasok na tayo sa loob ng bahay n'yo. Sigurado ka bang hindi uuwi ang parent's mo ngayon?" Tanong nito.

"Hindi! Next week pa ang balik nila dito, one week sila sa Cebu kaya libre tayo manatili dito."

"Paano si Joaquin?"

"Ako na ang bahala doon, head over hills naman 'yon sa akin. Saka tuwang tuwa siya nang pumayag na ako sa kasal. Kaya kahit anong sabihin ko doon, tiyak na makikinig iyon sa akin."

"Sabagay tatanga-tanga naman 'yon, sa sobrang pagmamahal yata sayo.  Nakalimutang matalino siya!hahaha."

Pagpasok nila ng bahay. Agad  bumungad sa kanila si manang Fe'

"Halika na! Doon na tayo sa room mo." Agad na bulong sa kanya ni Warren.

"Sandali lang Manang nagugutom ako, dalhan n'yo kami ng snack sa itaas bilisan n'yo ha?"

"Opo Mam!" Maikling sagot nito, nakatingin lang ito sa dalawa. Hindi na kasi bago sa kanya ang pangitaing ito. Dahil matagal na itong ginagawa ng amo.

"Ayaw mo bang ako na lang ang kainin mo"

"Sira!hihihi"

Pumanhik na rin sila agad, kasabay ng lihim na pag-ismid ng matanda ng sila ay tumalikod. Napapailing na lang ito, kilala din kasi nito si Joaquin at nakakaramdam ito ng awa para dito. Subalit wala siyang magawa, kabisado niya ang ugali ng mga amo.

---------------

Matutulog na sana si Joaquin ng may mapansin siya sa kabilang side ng kama, nang pulutin niya ito. Isang pocket organizer pala, binuklat niya ito upang malaman kung kanino ba ito?

Kay Liscel pala. Dito nakalagay ang schedule ng mga photoshoot nito sa Pilipinas. Naisip niya maaaring mahalaga itong organizer.

'Pero teka, wala naman siyang schedule para bukas. Bakit siya nagsinungaling sa akin?' 

Hindi na lang niya ito pinansin. Baka naman nabago? Para kasing may kausap ito sa phone kanina, nang saglit siyang magpunta ng banyo. Narinig pa nga niyang agad itong nagpaalam sa kausap ng siya'y lumabas. Pero binalewala na lang niya ito.

Saglit pa siyang nag-isip. Hanggang sa agad niyang kinuha ang susi ng kotse at nagpasya. Naisip niyang dalhin na lang itong organizer sa bahay nila Liscel, maaga pa naman.

_______

"Magandang gabi po! Manang Fe' si Liscel po tulog na ba?" Bungad na pagbati n'ya ng pagbuksan s'ya ng pinto ni manang Fe.

"Sir! Kayo po pala, ano po ang ginagawa niyo dito? Hindi kayo dapat naparito" Sagot ni manang. Nakapagtataka? Hindi n'ya alam pero parang napansin n'ya may kakaiba sa kilos ng matanda. Pero tuloy- tuloy lang s'ya sa pagpasok.

____

"Nakuh! Huwag sandali lang anak!" Pigil nito sa akin, pero bakit anong meron?

*  *  * T. Y.

@LadyGem25