webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

C-124: REVELATION OF FATHER'S BLOOD

Matapos ang munting salo-salo sa pananghalian tuloy lang ang kuwentuhan ng magkaibigan na para bang walang inaalalang oras.

Hindi nila alintana ang pag-usad ng bawat sandali. Hinayaan lang sila ni Joaquin na mapagsolo sa waiting shed sa may Garden.

Habang ang mga bata naman ay nasa playground. Pinabayaan lang sila ni Joaquin na patuloy na mag-usap at hindi na sila nito inabala pa.

Konting oras na lang pabalik na sila ng Maynila. Pero bakit ba bigla na lang itong nakaramdam ng kaba. Ngunit agad rin nitong iwinaksi iyon sa isip.

Nagkasya na lang muna ito sa pagtanaw kay Amanda at sa mga bata. Ito na rin ang nag-asikaso ng mga gamit nila na dadalhin pag-uwi.

Katulong naman nito si Nanay Sol na napapayag na nilang sumama sa kanila pabalik ng Maynila.

Ngunit kagaya ng napag-usapan mananatili ito sa kanila habang wala pa ang kanyang Papa. Dahil uuwi rin ito pag-uwi ng kanyang Papa.

Pumayag na rin sila sa ganoong set-up ang mahalaga naman may makasama ang kanyang mag-iina kahit pansamantala. Kailangan na rin kasi niyang harapin ang trabaho niya sa Maynila.

Mas mapapanatag siya kung may kasama ang kanyang mag-iina na mapagkakatiwalaan niya. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa iba. Mas komportable lang talaga siya kapag nariyan si Nanay Sol.

Ngunit hindi pa rin niya maiwasan na hindi kabahan lalo na at bigla na lang niyang naisip ang posibilidad.

Okay lang naman siya kanina pero ng bigla niyang naisip na baka may masabi si Dorina na hindi pa dapat.

Bigla na lang siyang inatake ng kaba...

Paano na lang kung masabi nito ang tungkol kay Tito Darius?

Ngunit sinikap pa rin niyang iwaglit ito sa kanyang isip. Dahil parang nagsisikip ang dibdib niya sa kaba.

Habang pinagmamasdan naman niya ang mga ito mula pa kanina wala naman siyang nakikitang kakaiba.

Naririnig pa nga niya ang mga itong masayang tumatawa. Kaya pilit niyang kinalma ang sarili at ipinanatag ang kanyang loob.

Baka naman nag-oover react lang siya? Kayà ng lumingon si Angela sa gawi nila nginitian niya ito at kinindatan.

Upang i-relaxed rin ang kanyang sarili at maramdaman na wala siyang dapat ipag-alala.

___

Saglit na nagpaalam si Dorin sa kanya ng tumawag si Aaron. Hindi rin naman ito gaanong lumayo kaya abot tanaw pa rin niya ito.

Kaya nagkaroon siya ng oras na pagmasdan ang paligid ng dati niyang tahanan.

Bigla tuloy niyang naisip paano nga kaya kung hindi na bumalik ang alaala niya at nakasal sila ni Joseph?

Ngunit agad rin itong napalis sa kanyang isip ng pagtingin niya sa malayo nahuli pa niya ang mga tingin ni Joaquin. Ngumiti pa ito at kumindat sa kanya nangiti na lang rin siya sa ginawi nito. Alam niyang pinagbigyan sila nito na makapag-usap ng matagal.

Habang ito ang matiyagang nag-aayos ng kanilang mga gamit at iniaabot naman nito kay Lester upang ito naman ang maglipat sa sasakyan.

Bigla tuloy siyang napaisip kay Lester na naging tahimik lang sa buong pananatili nila doon. Ito ulit ang matiyagang nagbitbit ng kanilang mga bagahe.

Mabuti na lang tinulungan pa rin ito ni Joaquin at Anton. Napansin kasi niya na ang tahimik lang nito ngunit mas naging alerto ito sa pagbabantay.

Paminsan minsan pansin niya tumatawag ito sa cellphone  nito. Sigurado rin siyang si Dustin ang kausap nito sa mga oras na iyon. Dahil nanatiling alero pa rin ito sa kanila.

Kagaya na lang kahapon ng muntik nang mahulog si Quiyel.

Mabuti na lang agad nitong nasalo kaya hindi nasaktan ang kanyang Anak ngunit ito naman ang nagkagalos. Kaya sigurado siyang pinagsabihan ulit ito ni Dustin.

Ang Alikabok na iyon talaga umaandar na naman ang pagiging over protective.

Kaya madalas na napag-iisipan sila kaya hindi rin niya masisisi si Chloe sa pag-iisip nito na may relasyon sila. Dahil hindi naman talaga sila magkapatid pero kung protektahan siya nito daig pa ang Tatay niya!

"Hmp, parang ang lalim naman yata ng iniisip mo ah'? Hindi ka naman siguro nagkakagusto sa cute mong bodyguard no?"

"Ano ka ba s'yempre hindi!" Pairap pa niyang tugon, nangiti naman si Dorin sa iginawi niya.

Alam naman niyang nagbibiro lang ito.

"Kanina ko pa kasi napapansin na nakatitig ka lang sa kanya. Sige ka baka magselos si Joaquin niyan. Alam mo namang seloso 'yun!" Pabirong saad pa nito.

"Matagal ko nang alam 'yan no?!"

"So bakit ka nga nakatingin doon? Nagtataka rin ako bakit kailangan mo ba talaga ng bodyguard?" Inginuso pa nito si Lester.

"Hmmm, ewan ko ba sa mga 'yan! Noong una medyo naiilang din ako pero unti-unti nasanay na rin ako.

'Lalo na at okay naman si Lester at nagkakasundo naman kami. Kasama na namin siya noong nasa London pa kami."

"Oh' talaga ibig sabihin noon ka pa may bantay, eh' sino ba ang naghired sa kanya ikaw ba?"

"Hindi! Si Dustin kaya si Dust rin ang nagpapasweldo sa kanya dati pero ngayon si Joaquin na."

"Talaga pa lang napaka protective ni Dustin sa iyo no?"

"Iyan rin ang eksaktong iniisip ko kanina. Alam mo naman na hindi kami totoong magkapatid ni Dust lumaki lang talaga kami noon na madalas na magkasama.

'Pero kung protektahan niya ako parang siya ang Tatay ko. Ang totoo na-appreciate ko naman lahat 'yun?

'Kaya lang kung minsan ang pagiging over protective niya ang dahilan kung bakit napag-iisipan kami ng masama. Nabibigyan tuloy ito ng iba ng ibang kulay.

'Pero alam mo ba noong una ang tindi rin ng pagseselos ni Joaquin kay Dustin. Pero mula lang nang makapag-usap sila minsan.

'Parang bigla na lang naging magkakampi sila. Hindi ko alam kung ano ba ang pinag-usapan nila?

'Basta bigla na lang parang nagkasundo silang dalawa.

'Hindi naman sa ayokong iyon ang mangyari. Kaya lang hindi ko rin maiwasan na hindi magtaka. Lalo na at halos magpatayan sila noong una." Kwento niya kay Dorin.

"Ganu'n talaga ang mga lalaki may mga bagay na hindi talaga nila sinasabi." Tugon naman ng kaibigan niya.

"Tama ka, hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag-isip pero okay lang naman."

"Huwag mo na lang isipin 'yun! Ang ibig sabihin pala si Dustin na ang nag-alaga sa'yo mula noong umalis ka ng Batangas?"

"Oo hindi niya ako pinabayaan, siya rin ang tumulong sa akin para makapunta ng London."

"And with matching bodyguard pa, ibig sabihin bigtime na talaga siya. Can afford siyang itago ka for 3 years at sa London pa ha'?"

"Sabi niya may kaibigan siyang nagbenta sa kanya nu'n bahay sa murang halaga. Dahil kakakasal lang rin nila ni Gellie noon kaya naman doon sila nagspend ng Honeymoon nilang mag-asawa. Nagkataon naman na kailangan ko rin lumayo that time kaya du'n din nila kami pinapunta."

"Ah' ngayon naiintindihan ko na rin, kaya pala iyon rin ang sinabi ni Chloe. Para palabasin naman niya na kayong dalawa ni Dustin ang magkasama noon."

"Oo siguro nga ganu'n? Kaya miss understanding lang talaga ang lahat ng nangyari." Aniya.

"Oo at ikaw naman inakala mo na nagkabalikan si Joaquin at si Liscel? Kaya ayun bigla ka na lang nagwalkout at nagsolo flight to think na buntis ka na noon sa kambal?!" Kumpirma ni Dorin. 

"Ganu'n na nga, pero ang mahalaga nagkakaunawaan na ulit kami ni Joaquin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari noon." Saad niya.

"Pero alam mo nagtataka pa rin ako at naguguluhan. Paano ba kayo nagkita ulit ni Dustin?

'Hindi ba wala ka naman ngang maaalala, ibig bang sabihin siya rin ang unang naisip mo noon, na balikan. Nakasama mo rin ba siya noon bago ka napadpad dito sa Batangas?" Curious na tanong ni Dorin.

Huminga muna siya ng malalim bago pa siya nakasagot. Kaya naman lalong na-curious si Dorin sa magiging sagot niya.

"Ang totoo magkakilala na kami noon kahit na noong hindi pa ako nakakaalala.

'Tama ka siya rin ang unang naisip kong puntahan noong time na bumabalik na ang alaala ko. Pero hindi dahil naalala ko na siya kun'di siya lang ang alam ko na p'wedeng makatulong sa akin na hindi malalaman ng mga Alquiza.

'Nakilala ko na siya noon pa mang nasa first year pa lang ako sa kolehiyo. Hindi kami school mate dahil alam ko sa Manila siya nag-aaral noon. Pero madalas ko siyang makita sa SLU hindi ko alam kung bakit?

'Una kaming nagkita sa isang Mall sa Alabang. Namimili kami ng gamit ko sa school kasama ko ang Papa, si VJ at si Joseph.

'Nabangga niya ako dahil parang may humahabol sa kanya at napansin ko rin na titig na titig siya sa akin noon na parang gusto niya akong balikan. Pero siguro dahil sa nagmamadali nga siya kayà hindi na niya nagawa.

'Mula noon palagi ko na siyang nakikita sa School, sa Resort sa Manila at kahit sa mga okasyong pinupuntahan namin."

"Hmmm, talaga pero bakit naman hindi niya sinabi na kilala ka niya na magkababata kayo at matagal na pala kayong nagkikita? Sa tingin ko hindi mo rin ito sinabi kay Tito Lian tama?!" Mas lalo kasing na-curious si Dorin sa sinabi niya.

"Siguro dahil hindi ko rin siya kinilala kaya nag-aalangan siya? Noong una nga inisip ko pa na baka stalker ko siya. Pero wala naman siyang ginawang masama maliban lang sa palagi kaming nagkikita. May pagkakataon pa nga na tinulungan niya ako.

'Dahil nang minsang muntik ng ma-snatch ang bag ko. Noong sumama ako sa mga classmates ko na pumunta ng Maynila.

'Hindi ko rin sinabi 'yun sa kanila dahil nag-aalala ako na hindi nila magustuhan si Dust lalo na si Joseph. Magkaibigan na rin kami ni Dust noon.

'Hindi ko rin maintindihan pero pakiramdam ko, ayaw ko ring maputol ang friendship namin."

"Hindi kaya talagang sinusundan ka niya palagi kaya lagi kayong nagkikita? Dahil nga kilala ka niya at parang kapatid ang turing niya sa'yo. Pero bakit hindi rin siya nagpakilala sa'yo noon pa?"

"Sabi niya hindi siya nagpakilala sa'kin noon dahil ayaw niyang maguluhan ang isip ko. Naisip niya na mas mabuting narito ako. Dahil daw hindi pa niya ako kayang protektahan noon. Kaya hinayaan lang muna niya ako sa poder ng mga Alquiza."

"Pero p'wede namang hindi ka niya bawiin agad agad atleast magpakilala lang siya. Malay natin baka nakatulong pa sana iyon sa iyo para mas maagang bumalik ang alaala mo?"

"Siguro dahil na rin sa sitwasyon namin, hindi ko alam pero may tiwala naman ako sa kanya. Alam kong ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ko at ngayon namin ng mga Anak ko gaya ng palagi niyang sinasabi. Ang gusto lang niya mabigyan kami palagi nang proteksyon."

"Itinuturing ka niya talagang kapatid, sabagay iyon rin naman ang sabi ni Amara. Napakabuti niya sa inyo lalo na sa'yo kahit na hindi n'yo naman siya totoong kadugo."

"Oo kumusta na nga pala si Amara ang kapatid ko. Sabi ni Nanay Sol magkasama na sila ngayon ni Joseph."

"Oo marami rin pa lang inililihim  ang dalawang 'yun! Kaya sa isip ko blessing in disguised rin na hindi kayo nagkatuluyan ni Joseph.

'Dahil kung iyon ang nangyari malamang sa hindi magkasundo ang magkapatid at ganu'n rin kayo ni Amara. Sabi ko na nga ba kung talagang kayo ni Joaquin kahit ano pa ang mangyari kayo pa rin talaga.

'Tadhana na ang gumawa ng paraan para pagtagpuin kayong muli. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan n'yo sino ba ang makapagsasabi na sa huli kayo pa rin talaga ang magsasama?

'Kinailangan n'yo lang talagang maghintay ng panahon para sa inyong dalawa. Kaya naman pala sobrang nagmadali na iyong isang iyon para wala ka nang kawala pa.

'Binabati ko kayo at hangad ko rin ang tuloy tuloy n'yo nang kaligayahan!" Masayang saad nito at saka siya mahigpit na niyakap.

"Ikaw talaga, salamat!"

"Sabi ni Amara iyakap ko siya sa'yo kapag nagkita na daw tayo at sabihin ko daw na mahal na mahal ka niya. Pero s'yempre dahil narito rin ako sa tabi mo. Kaya gusto ko ring malaman mo na mahal kita best friend ko at hindi 'yun magbabago.

'Alam kong si Tito Darius pa rin ang nagpalaki sa'yo kaya para sa amin tunay na Anak ka pa rin niya at hindi na 'yun mababago pa." Tuloy tuloy nitong salita ng hindi nito agad napansin ang pagmarka ng bahagyang gulat sa kanyang mukha.

Bigla na lang siyang napaisip ng dahil sa sinabi nito. Kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Tila ba may ibig itong sabihin?

Tatanungin na sana niya ito ulit ngunit naunahan pa rin siya nito sa pagsasalita. Kahit hindi niya maintindihan at hindi pa ma-absorb ng kanyang isip ang sinasabi nito ngayon.

"Huwag mo sanang iisipin na iba ka kaya mag-iiba rin ang tingin namin sa'yo. Ngayong alam na namin ang totoo. Lagi mo pa rin sanang iisipin na kahit hindi pa tayo totoong magkadugo. Para sa'kin magpinsan pa rin tayo at ikaw pa rin ang Best friend ko at hindi na iyon magbabago pa kahit kailan."

Saglit muna siyang lumunok at huminga ng malalim. Kasabay ng unti-unting pagkaunawa sa mga sinabi ng kaharap.

Sinikap pa niyang patatagin ang kanyang sarili.

Kahit ang pakiramdam niya may tila bombang bigla na lang sumabog sa kanyang harapan at naging sanhi ito ng saglit niyang pagkabingi. Gusto niyang isipin na hindi rin totoo ang kanyang narinig.

Subalit Best friend niya si Dorin kaya alam niyang hindi rin ito magsisinungaling sa kanya at hindi rin siya nito lolokohin.

Pero ano ba ang sinasabi nito sa kanya ngayon at bakit hindi niya maintindihan. Bakit sinabi nitong hindi siya nito kadugo?

Naniniwala siya na kayang magsinungaling sa kanya ng buong mundo. Pero hindi ang kanyang Papang, hindi siya nito lolokohin.

"A-ano bang sinasabi mo diyan, hindi ba tunay na kapatid ni Dr. Darren ang Papang ko?" Lakas loob pa rin niyang tanong kahit pa magmukha na siyang tanga.

Nagtaka naman si Dorin sa naging tugon niya.

Mababakas ang pagkabigla sa mukha nito ng matukoy ang pagkabigla at kawalan niya ng muwang sa nasabi na nito at hindi na maaaring bawiin pa.

"Ha' you mean h-hindi mo pa rin alam? Oh' my God I'm sorry hindi ko alam, a-ang buong akala ko a-alam mo na!" Tila nabigla at nahihintakutang reaksyon nito.

Habang nakatakip ang kamay sa bibig at puno rin ng pagsisisi sa nagawa.

Ngunit huli na!

Nalaman nito mismo sa sarili na tila ba nakagawa ito ng isang malaking pagkakamali.

Ang naging reaksyon naman nito ang siyang nagpatibay sa kanya ng isang katotohanan na pilit pa sana niyang iwinawaksi sa isip.

Lumapit pa ito sa kanya at pilit siyang niyakap kahit pa siya lumalayo.

Mula naman sa malayo lalong lumakas ang kaba ni Joaquin ng unti-unting mabasa nito ang kanilang mga kilos.

Kaya sinimulan na nito ang malalaki nitong hakbang...

"I'm sorry!" Ang pinaka masakit na sorry na kanyang narinig na nagmula sa bibig ng itinuturing niyang best friend.

"S-sabihin mo a-ako ba, a-ang hindi totoong A-anak ng Papang? Please sabihin mo sa'kin ang totoo huwag ka namang magsinungaling, p-pakiusap." Tila nanghihina na rin niyang saad.

"Angela please, lakasan mo ang loob mo. I'm sorry please hindi ko sinasadya!"

Umiiyak na rin itong yumakap at nakiusap sa kanya.

Ngunit pilit siyang kumawala sa pagkakayakap nito. Pakiramdam niya hindi siya makahinga.

"Sinungaling kaaa!" Sabay talikod niya kay Dorin.

May isa pa kasing tanong na bigla na lang sumalit sa kanyang isip....

Bigla na lang niyang nasapo ang kanyang ulo.

HINDI!

HINDI P'WEDE...

S-SINO A-ANG A-AMA KO?!

Hanggang sa unti-unti bigla na lang nabuo sa kanyang kaisipan.

Ang imahe ng nag-iisang tao na labis niyang kinasusuklaman sa buong buhay niya mula pa noon hanggang ngayon.

Pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Gusto na lang niyang mamatay at kainin ng lupa.

"AAAHHH!"

Kasabay ng pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Ang unti-unti na ring pagdilim sa kanya ng paligid.

"ANGELAAA?!"

*****

By: LadyGem25

      (08-24-21)

Hi EVERYONE,

Kumusta kayo ulit, narito na ulit ang bagong update sana magustuhan n'yo.

Salamat sa inyong suporta at pagbabasa.

UNTIL NEXT CHAPTERS...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

SALAMUCH!

MG'25 (08-24-21)

* * *

= Like it ? Add to library!

= Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

= Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

= Have some idea about my story? Comment it and let me know.

LadyGem25creators' thoughts