webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

C-114: BROTHER'S FIGURES

Hindi pa man nakakapasok ng bahay si Lester sinalubong na ito ng sunod sunod na suntok ni Dustin.

Ngunit hindi man lang nito iyon inilagan. Sinalo nito ang lahat ng suntok na pinakawalan ni Dustin kahit saan pa siya nito tamaan.

Alam ni Lester na galit lang si Dust kaya ginagawa nito iyon.

Kabisado na rin nito ang amo sa loob ng mga panahong nasa poder siya nito para na rin silang magkapatid.

Marami na silang pinagsamahan at malaki rin ang utang na loob ni Lester sa lalaki.

Baka nga kahit ang buhay niya handa niyang ibigay sa Amo kung hihilingin ng pagkakataon.

"Gago ka, kailan ka pa naging tanga ha'?!" Galit na sigaw ni Dustin.

"Boss, patawad sorry na Boss!" Alam naman niya ang kasalanan niya ang naging kapabayaan niya kaya dapat lang na tumanggap siya ng parusa.

"Hayup ka! Ano pa magagawa ng sorry mo ngayon kung may nangyari na ha'? Napaka wala mong kwenta!" Binitbit pa ni Dust ang kuwelyo ng damit ni Lester kaya napaharap ito sa kanya.

Saka niya ito pabalyang itinulak ng dahil sa inis sa kapabayaan nito. Sumadsad ito sa sahig.

"Boss, hindi na ito mangyayari ulit pangako!" Pinagsalikop pa ni Lester ang mga kamay at yuko ang ulong lumuhod pa sa harap niya.

Kahit halatang nahihirapan itong gumalaw at iniinda ang sakit ng katawan. Tumutulo pa ang dugo na nagmumula sa pumutok na labi nito at kilay.

"Tumayo ka nga d'yan, huwag kang parang gago! Hindi puro pangako lang ang gusto kong marinig sa'yo. Gawin mo!

'Itong tandaan mo, makinig kang mabuti. Kapag naulit pa ito at nasaktan si Amanda ng dahil sa kapabayaan mo. Dobleng sakit ang mararanasan mo, wala na akong pakialam kahit magkabali bali ang buto mo. Naiintindihan mo ba?!" Galit na sigaw ni Dust.

"Opo, Boss... Naiintindihan ko!" Napapikit pa ito ng mariin ng marinig ang sinabi ni Dust.

Alam ni Lester na kahit ano pang galit ni Dust. Hindi pa rin nito magagawang saktan siya ng husto. Dahil ramdam niya na magagaan lang ang mga suntok nito.

Marahil naglabas lang ito ng init ng ulo sa kanya at hindi nito intensyon na matuluyan siya.

__

"Nasaan si Amanda, bakit hindi pa siya bumabalik dito?" Tanong ni Dust makalipas ang ilang sandali.

"Sa bahay nila Sir Joaquin sila tumuloy Boss, naroon pa rin sila hanggang ngayon." Tugon nito.

"Boss, saan ka pupunta?" Tanong ni Lester ng tumayo si Dust at tuloy tuloy na lumakad.

Napatayo na rin si Lester at sinundan na lang ito. Sigurado siyang mas lalalà ang galit nito sa oras na makita nito ang itsura ni Amanda.

Minabuti nitong sundan na lang ang Amo. Baka kasi kung ano na naman ang gawin nito.

Paglabas nito ng gate tuloy tuloy ito sa tapat ng bahay. Tiyak ang patutunguan walang pakialam sa  dinaraanan.

Dahil bukas pa rin ang gate ng bahay ni Joaquin. Kaya deretsong nakapasok si Dustin sa loob at tuloy tuloy lang na pumasok at hindi man lang kinonsulta ang mga guards.

Kaya naman biglang naalerto ang mga ito. Hindi ito kilala ng mga guards kaya nabigla ang mga ito sa biglaan niyang pagpasok.

Kaya rin hindi naiwasan na pagkasahan siya ng mga ito ng baril. Ang tatlong guwardiya ay pare-parehong may hawak na 9mm caliber rifle.

Alerto itong kumilos ang isa ay naiwan sa gate. Habang ang dalawa pa ay sumunod naman sa kanya.

Ngunit tuloy tuloy lang si Dustin wala sa bokabolaryo nito ang takot. Lalo na nang makita nitong lumabas si Joaquin at Angela sa sasakyan.  

Wala sana itong balak sumigaw ngunit ng makita at unti unting marekognisa nito si Amanda.

Lalo pang nadagdagan ang nararamdaman nitong inis.

"Damn!"

Lalong bumilis ang paglapit nito kay Amanda.

"Amandaaa!"

"Huh', Dustin?!"

"Put***ina anong ginawa nila sa'yo ha'?!" Malakas na bulalas nito.

Agad namang sinenyasan ni Joaquin ang mga guwardiya na bumalik na sa p'westo ng makita ang nangyayari.

Sumunod naman agad ang mga ito ng malaman na wala namang dapat ikabahala.

Napailing na lang si Joaquin at inakbayan ang Anak.

"Daddy?"

"Pssssttt!"

"Hmmm, ano bang ginagawa mo dito?" Pairap na pakikiharap ni Amanda kay Dust.

"My God! Anong ginawa nila sa'yo?" Bulalas nito habang nakatingin sa kanya nang may bakas ng galit sa mga mata.

"Ano bang pakialam mo, hindi ba sabi ko wala na tayong pakialam sa isa't-isa?!" Patulak pa itong nilayuan ni Amanda.

Ngunit hindi ito tuminag, nagulat na lang si Amanda ng bigla siya nitong yakapin mula sa likuran.

Pilit kumakawala si Amanda dahil sa pag-aalala na naroon lang ang mag-ama. Ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Dust na makaalpas.

Subalit sa kanyang pagtataka parang balewala lang din ito kay Joaquin at ano ba iyong nakikita niya sa mga mata nito.

Ibang-iba sa nakita niya, the last time na nag-away ang mga ito ng dahil sa kanya.

Nakakaramdam tuloy siya ng pagkailang ng dahil sa ginagawa ni Dustin.

"Dustin, ano ba?!" Sigaw na niya.

Ngunit wala itong pakialam...

"Sorry! Patawarin mo ako hindi nila dapat ginawa ito sa'yo. Hindi ka nila dapat sinaktan ng ganito. Kasalanan ko ito, kung bakit nangyari ito sa'yo, I'm sorry, I'm sorry!"

Tila naman nag-iba ang pakiramdam ni Amanda para bang lumambot ang puso niya.

Bakit ba pakiramdam niya may nag-uugnay talaga sa kanila?

Kanina pa niya gustong humarap upang yakapin ito. Naroroon na naman kasi ang pakiramdam na parang yakap siya ng kanyang Ama.

Nakakaramdam siya ng seguridad na parang nagsasabing wala na siyang dapat ipag-alala.

Dahil narito lang sa tabi niya ang mga taong magbibigay ng sapat na proteksyon sa kanya upang mapawi ang takot na kanina lang ay naramdaman niya.

Hindi na siya nag-isip pa sinunod na lang niya kung ano ang nais ng kanyang puso. Si Dustin ang tumayong Ama at Kuya sa kanya simula ng iwan sila ng kanilang Papang.

Kaya walang masama kung maramdaman niyang mahal niya ito...

Para bang natibag rin ang pader na siya mismo ang nagtatag sa pagitan nila.

"Dustin!" Bigla siyang humarap at niyakap ito.

_

"Daddy?" Nalilitong tiningnan ni VJ si Joaquin sa nagtatanong na mga mata.

"Psssstt, it's okay buddy. He is your Tito Dustin, your Mom's brother! Buti pa pasok ka muna sa loob magpalit ka na ng damit mag-uusap lang muna kami nila Mommy mo, okay?" Bulong naman na utos ni Joaquin sa Anak.

Agad naman itong sumunod at pumasok na sa loob ng bahay.

_

"Kasalanan ko, alam ko naman na matagal nang insecure sa'yo ang babaing iyon. Pero hinayaan ko pa siyang lumalapit sa'yo." Maya maya ay tugon ni Dust.

"Okay lang ako buhok lang ito tutubo din ito katagalan. Kaya hayaan mo na makakarma rin ang babaing iyon."

"Hindi ko na hihintayin 'yung karma niya, ako na mismo ang magbibigay ng karma sa kanya!"

"Dustin, huwag ka nang gumawa ng gulo. Baka makasama pa 'yan sa negosyo mo?" Nag-aalala siya para kay Dust alam niyang hindi maiiwasan na maapektuhan ang negosyo nito.

Pamangkin si Chloe ng asawa ng Prime Minister ng France iyon ang pagkakaalam niya.

At isa rin ang Prime Minister sa investor ni Dust kaya alam niya na malakas ang loob ni Chloe.

Dahil ang Ama ni Chloe mismo ang representative sa kumpanya at pinagkakatiwalaan ng Prime Minister.

"Huwag kang mag-alala alam ko na, kung ano ang gagawin ko sa babaing iyon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'yo!"

"Hayaan mo na ayoko na nang gulo Dustin!" Saad niya na may kasama nang pakiusap.

Dahil hindi na niya nais na lumalala pa ang sitwasyon at magdulot ng mas malaking problema. 

"Hey! Kapag hinayaan lang natin ang babaing iyon. Siguradong lalapit lang ulit sa'yo ang babaing iyon at sasaktan ka!

'Lalo na ngayong madadalas na kayong magkasama ng lalaking yan!" Tukoy nito kay Joaquin.

"Huwag kang mag-alala Bro, hindi ko na hahayaan pa, na makalapit kay Angela ang babaing 'yun!"

"Dapat lang... Isa ka sa mananagot sa akin kapag nangyari ulit ito." Tugon ni Dust.

"Pareho lang nating hindi gusto ang nangyari. Sinabihan ko na rin ang mga empleyado ko.

'Nangangako ako na pananagutin ko ang sino mang sangkot sa babaing iyon. Nahihiya ako na sa poder ko pa nangyari ang ganito.

'Pero may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado.

'Pasalamat na lang tayo na hindi na umabot pa sa mas malalang sitwasyon." Saad ni Joaquin.

Napahugot na lang ng malalim na paghinga si Dust bilang tugon at saka hinalikan siya ulit nito sa ibabaw ng kanyang ulo.

Nagtataka na talaga siya sa pagiging clingy nito sa kanya minsan. Ngunit hindi niya gustong isipin na totoong may nag-uugnay sa kanila.

Lalo na ngayong alam na niya ang pinagmulan nito. May isang bagay na sumisingit sa utak niya.

Hindi, hindi maaari! Sigaw ng isip niya.

Hindi p'wede...

AYOKOO!

"HEY, WTF?!"

Dahil sa naisip bigla niya itong naitulak na lubhang ikinagulat nito.

Muntik na kasi itong mawalan ng balanse, hindi rin nito inaasahan na gagawin niya iyon.

Maging si Joaquin at Lester ay nagulat rin sa kanyang ginawa.

"So-sorry!" Tila nabigla rin niyang tugon.

"Okay ka lang?" Nagawa pa ring itanong ni Dust ng muling makabawe.

"Okay lang ako, pasensya na...." Naiiyak niyang saad nagsisisi siya sa nagawa.

Hindi kasi niya alam kung paano ipaliliwanag ang kanyang nararamdaman.

"It's okay, kalimutan na lang natin 'yun ha' and I hope na hindi ka na rin galit sa'kin?!"

"Sinusubukan ko naman talaga, pero hindi naman talaga ako galit sa'yo. Pasensya na talaga!"

"Okay, naiintindihan ko naman, ang mahalaga kinakausap mo na ako ngayon." Tila ba gusto nitong hawakan ang kanyang mukha. Ngunit bahagya siyang umiwas kaya't hindi nito itinuloy.

"Hindi naman kita pipilitin na tanggapin ako, ang gusto ko lang naman huwag mo sana akong iwasan." Saglit siyang natahimik at nag-isip pa ng sasabihin. Hindi naman talaga niya ito gustong iwasan.

Ngunit bago pa siya nakasagot, naunahan na siya ni Lester.

"Boss, si Anton tumatawag!"

"Huh' a-anong nangyari kay Lester?" Tumingin lang ito sa kanya at bahagya pang ngumiti.

"Okay aalis muna kami at dito muna kayo. Si Joaquin muna ang bahala sa inyo."

"Sandali saan kayo pupunta?!"

"Isasama ko muna si Lester pero babalik rin siya dito. Joaquin?!"

"Sige na ako na ang bahala sa kanila."

"Please, take care of them!"

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan. Dahil 'yun naman talaga ang gagawin ko!"

"Salamat!" Mabilis na itong tumalikod.

"Dustin!" Sigaw niya.

"Mag-iingat kayo..." Pahabol pa niyang sigaw.

Saglit lang itong lumingon at saka ngumiti upang ipahiwatig na wala siyang dapat ipag-alala.

Tuloy tuloy na itong lumabas na kasunod si Lester.

"Okay ka lang?" Tanong ni Joaquin na bahagya niyang ikinalingon nasa tabi na niya ito.

Ngunit ibinalik rin niya ang tingin sa may gate na nilabasan ni Dustin.

Natanaw pa niya ito na nagmamadaling nang sumakay sa sasakyan nito na nakapark sa harap ng bahay ni Gavin.

"Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagiging close namin. Nararamdaman ko na may inililihim pa rin siya sa akin.

'Pero hindi ko maisip kung ano pa ba ang posibleng itinatago niya sa akin? Sigurado ako na hindi nagkaanak ang Papang sa ibang babae.

'Dahil ang Mamang ko lang ang nag-iisang minahal niya. Malapit rin siya sa Papang ko pero kahit kailan hindi niya sinabi sa amin na Anak niya si Dust.

'Pero bakit ganu'n hindi ko alam kung nagsinungaling lang ba ang Papang?

'Kasi, kasi pakiramdam ko ang lapit lapit niya sa'kin. Kahit hindi naman talaga kami magkadugo.

'Natatakot akong isipin na, na maaaring may nag-uugnay talaga sa aming dalawa. Hindi naman sa ayoko sa kanya o hindi ko siya gustong maging kapatid.

'Ang totoo gusto ko siya, masaya ako na nariyan siya palagi. Sanay na nga yata ako na dumedepende sa kanya. Kasi siya na yata ang pinaka ideal na Kuya na kilalà ko at ang bait bait niya sa'kin.

'Noong una okay lang ang lahat, kilalà ko kasi siya mga bata pa lang kami. Pero ngayon bigla na lang nag-iba parang may mali?

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip?

'Kung hindi siya Anak ng Papang, anong ibig sabihin ng lahat?

'Imposible naman na hindi ako isang Ramirez, hindi ba?"

"Huwag mo na lang isipin 'yun, halika na pumasok na tayo sa loob ililibot kita sa buong bahay.

'Hindi ka ba nagugutom, igagawa kita ng sandwich. Hindi mo ba nami-miss ang sandwich ko, halika na!"

Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kanyang kamay at bakit ba parang pakiramdam niya umiiwas rin ito.

Ngunit hindi pa rin siya tuminag, bigla rin niyang naisip ang biglaan nitong pakikipagkasundo kay Dustin.

Samantalang noong isang araw lang halos magpatayan pa ang dalawa. Bakit ngayon tila nawala na rin ang iringan ng mga ito sa isa't-isa?

"Sandali may nasabi ba sa'yo si Dustin?" Tanong niya habang pigil ang kamay na hawak nito.

"Ha' ano bang sinasabi mo diyan halika nga dito." Kinabig pa siya nito at iginiya papasok ng bahay.

"Joaquin?"

"Huwag na lang muna nating pag-usapan 'yan marami pang oras para diyan. Pagod ka na siguro doon tayo sa loob para makapagpahinga ka.

'Saka kailangan rin nating ayusin iyang buhok mo. Gusto mo bang magpatawag ako ng mag-aayos ng buhok mo o gusto mong punta na lang tayo sa Salon maaga pa naman."

"Ako na lang ang mag-aayos kailangan ko lang ng gunting. Saka na lang ako pupunta ng Salon nakakahiya ang itsura ko."

"Sasamahan naman kita saka ano ba ang pakialam nila?"

"Kaya ko na ito ipapakuha ko na lang ang gunting sa bahay."

"Sure ka?!" Tinanguan niya ito bilang tugon.

Hindi na rin niya inungkat pa ang naisip kanina. Dahil hindi rin naman niya talaga gustong isipin ang tungkol sa bagay na iyon.

Mabuti nga sigurong kalimutan na lang muna niya ang tungkol doon. Dahil may mga bagay na mas mahalaga silang dapat nang pag-usapan ngayon.

__

"Mama, umiyak ka ba?" Tanong ni VJ pagpasok nila sa loob ng bahay tila sinusuri siya ng tingin nito.

"Ha' hindi Anak, natakot ka ba sa'kin kanina? Ang pangit ko na kasi no?!"

"Hihihi, hindi naman po Mama maganda ka pa rin medyo nakakatawa lang..."

"Hmmm, pinagtatawanan mo na si Mama ngayon ha'?!"

Paglingon niya kay Joaquin sagad rin ang ngiti nito. Halata ring nagpipigil lang itong tumawa.

"Mama, huwag ka nang magalit bagay naman sa'yo ang gan'yang look!" Tumingala pa ito at saka tumawa ng malakas.

"B'wisit kayong mag-ama, uuwi na nga ako!" Tumayo na siya at deretsong lumabas ng pintuan.

"Hey, wait!" Habol sa kanya ni Joaquin.

"Mama!" Nabiglang tawag ni VJ.

Ngunit tuloy tuloy lang siyang lumabas...

"Angela sandali, saan ka ba pupunta? Sorry na..."

"Sandali lang ako babalik rin ako mamaya, VJ anak babalik rin si Mama ha'!" Naisip niyang baka mag-aalala ito at mamisinterpret nito ang pag-alis niya.

Bigla kasi niyang naisip na mas mabuting ayusin muna niya ang sarili. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam niya.

"Angela, sandali ihahatid na..."

Ngunit tuloy tuloy lang siyang tumawid sa kabilang kalsada, wala naman kasing dumadaan.

Kitang kita ni Joaquin na deretso siyang pumasok sa bakuran at agad rin kasi siyang pinagbuksan ng guwardiya sa tapat.

"GOD!" Hindi makapaniwalang bulalas nito. "Sandali Anak dito ka muna!" Bilin niya kay VJ.

"Sasama po ako Daddy!" Habol nito.

Kaya napilitan siyang akayin na rin ito patawid. Sinikap nilang habulin si Angela ngunit mabilis na itong nakapasok sa loob ng bakuran.

Kaya't pagdating nila sa gate ng bahay nilapitan sila agad ng guard at hindi pinapasok.

"Ano po ang kailangan nila Sir?" Usisa agad ng guard sa kanila.

"P'wede ba kaming pumasok? Diyan lang naman kami sa tapat nakatira." Saad ni Joaquin.

"Pasensya na po Sir, hindi po kayo p'wedeng basta pumasok. Itatanong ko lang po muna kay Ma'am, maghintay lang po muna kayo sandali." Tugon ng guard.

Tumalikod na ito para pumasok sa loob habang ang iba namang guards ay nakamasid pa rin sa kanila. Kaya hindi pa rin sila basta makapasok.

"Pambihira!" Nakaramdam tuloy siya ng inis. B'wisit mukhang naisahan na naman siya ng Alikabok na iyon ah'?!

"Hayaan mo na po Daddy, dito lang po pala nakatira si Mommy. Ibig sabihin mapupuntahan na po natin siya palagi o kaya siya na lang ang pupunta sa bahay natin." Nakangiting komento ng kanyang Anak.

"Ah' oo nga!" Pilit na lang siyang ngumiti kahit nakakaramdam pa rin ng inis.

Saglit pa silang naghintay ngunit tila ba sa kanyang pakiramdam ang bawat sandali ay taon ang binibilang, naiinip na siya ng sobra sobra.

Lumipas pa ang sandali halata na ang pagkainip sa mag-ama. Nakatalikod at nakasandal na si Joaquin sa gate na bakal.

Hindi na niya alintana kung madumihan man ang kanyang damit. Hindi na rin kasi siya mapakali.

Nang bigla na lang maagaw ang kanilang atensyon ng mga tinig na tila ba maliliit na boses na nagtatawanan.

Ngunit mas higit ang naging pagkamangha sa mukha ng mag-ama ng tuluyang lumapit ang mga tinig at makita nila ang pinagmumulan nito.

Ang dalawang bata na nasa dalawang taon gulang ang idad at halos iisa lang ang itsura. The real form of identical twins.

"Oh' my God, they really look like me!" Bulalas niya sa isip...

Nagtatakbuhan ang mga ito malapit sa gate kaya malinaw nila itong natatanaw. Masigla at masayahin ang dalawang bata.

Habol habol ito ng isang babae na sobrang igsi ng buhok na kung hindi lang sa makurba nitong katawan. Maaaring mapagkamalan pa itong isang lalaki.

Muli niyang itinuon ang tingin sa dalawang bata nang mas lumapit pa ang mga ito.

Kun'di lang sa bakal na gate na nakapagitan sa kanila marahil mabilis na niya itong nilapitan.

Napadiin tuloy ang paghawak niya sa gate na bakal sa kanyang harapan.

"Damn!" Biglang kalampag niya sa gate ng hindi na siya nakatiis.

Ngunit bigla rin siyang natigilan sa tanong ni VJ...

"Dad, who are they? They really look like us, not one but two Daddy!" Manghang tanong ni VJ.

Pareho lang silang nakatingin sa kambal, habang nag-uusap ng hindi tumitingin sa isa't-isa.

Para bang hindi nila magawang alisin ang tingin sa nakikita sa kanilang harapan. Habang nasa likod pa rin ng bakal na gate.

"YES BUDDY, BECAUSE THEY ARE YOUR BROTHERS."

"MY BROTHERS?" Namimilog ang mga matang ulit na tanong nito.

"YES, YOUR BROTHERS!"

"WOW, REALLY DAD?!"

ABSOLUTELY YES, BUDDY!

*****

By: LadyGem25

(06-27-21)

HAPPY SUNDAY,

Kumusta kayo? Narito na po ulit ang ating update sana nagustuhan ninyo!

At sa mga magagandang comments n'yo pero hindi ko na iisa-isahin ang sagot.

Magpapasalamat na lang ako sa lahat ng suporta na ibinigay n'yo sa story. Natutuwa po ako sa patuloy n'yo pa ring pagsubaybay.

Lalo na sa matiyagang paghihintay ng bawat update kahit medyo matagal!

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE!

STAY SAFE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT...

=SALAMUCH=

MG'25 (06-27-21)

LadyGem25creators' thoughts